Chapter 10

Joanna's P.O.V.

Masakit na ulo ang ang bumungad sa umaga ko. Hindi na ako magtataka kung bakit, sa dami ba naman ng alak na nainom ko kagabi para lang makalimutan ang nangyari.

Naisipan ko na kagabi kung ano ang gagawin ko. Instead of being a bitch, I'll be back to the usual me. Yung dating ako na hindi ko na ginagawa ngayon dahil ayaw ni Andrew pero sa ngayon matutulog muna ulit ako para naman mawala ang sakit sa ulo ko. Takte parang binibiyak! Nabiyak na nga ang puso ko pati pa pag-iisip ko.

'Self pilitin mong wag banggitin ang pangalan niya'

Today is Monday but instead of going to school aabsent ako ng isang linggo para ayusin ang sarili ko. I need to become the real me tutal wala na naman ang taong pumipigil sakin.

Babalik na sana ako sa pagtulog pero may kung sinong tao ang may mabibigat na kamay at panay ang katok.

Tinignan ko ang alarm clock at alas sais na pala. Ang tagal ko atang nakatulog. Akala ko hapon palang iyon dahil hindi naman natamaan ng sinag ng araw. Napatingin ako sa bintana at agad ko namang nakita na hindi ko pala inayos ang kurtina. Napangiti naman ako dahil tinulungan ako ng alak upang makatulog ng mabuti kagabi. Dahil sa tulong nito ay nakaisip ako ng ideya.

Magpapabili ako ng marami sa driver namin mamaya baka kakailanganin ko ulit.

"Joanna? Ano lalabas ka pa ba dyan? Ayos ka lang ba? Lalaki lang yun ano ka ba! Marami akong kakilala baka gusto mong sum---"
Blangko ang ekspresyon ko nang buksan ko ang pinto at tumambad sakin ang nag-aalalang si Angelie.

"Paano mo nalaman ang bahay ko?"
mahihimigan sa tono ko na naiirita ako hindi sa kanya kundi sa pangbubulabog niya sakin.

"Aba hoy! pasalamat ka nga at hinanap ko ang bahay mo para kamustahin ka. Alam mo ba na bulong-bulongan ka sa paaralan natin dahil sa nangyari kagabi?"

Pinipilit niya na tarayan rin ako pero hindi niya parin nagawa ng mabuti. Syempre mas mataray ako sa kanya lalo na ngayon at wala ako sa tamang wisyo.

"Salamat. Ayos lang ako sadyang na late lang ng tulog kagabi kaya hindi ako pumasok."
Sinuri niya naman ang mukha ko at tinatantya kung bakit parang wala lang sakin ang nangyari.

"Hindi ata namumugto ang mga mata mo? Ano skin care mo?" hinawakan niya naman ang mukha ko na tila ba hindi makapaniwalang hindi ko iniyakan ang nangyari kagabi.

Hindi lang halata.

"Gel bakit ko naman iiyakan ang nangyari kagabi? Nakakalimutan mo ata na isa akong Sy at kalat sa lahat na ang isang Sy ay hindi umiiyak sa walang kwentang bagay" puno ng tapang ang boses ko habang blangko pa rin ang ekspresyon ko.

"Okay sabi mo eh. Sige ayusin mo muna ang sarili mo at sasamahan mo'ko."
nagmartsa pababa ng hagdan.

Mamaya ko na lang gagawin ang dapat kong gawin. Sayang naman kung tatanggi ako kay Angelie baka isipin niya na hindi pa ako maayos.

'Hindi naman talaga pinipilit mo lang naman!'

Pagkatapos kong mag-ayos at dalhin ang mga kakailanganin ko ay bumaba na ako para puntahan si Angelie.

Naabutan ko naman siyang nakatingin sa photo album ko noong nagsimula akong magmodelo. Bigla ko tuloy naalala na mahigit tatlong taon na rin nang magpaalam ako sa trabaho ko dahil ayaw ni Andrew na nakikita akong nakasuot ng mga damit na masyadong lantad ang katawan.

Andrew na naman Jo! Tumigil kana sa kahibangan mo!

"Ang galing mo pala Jo! Bakit mo naisipang tumigil?"
Ibinalik niya naman ang album sa lalagyan nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Kita ko naman sa mukha niya na hindi niya inaakalang ito ang isusuot ko.

"May ayaw kasi kapag ipinagpatuloy ko pero ayos na ngayon. Makikita mo rin ulit akong naka ganyan wait ka lang."

Ngumiti ako ng malaki sa kanya para kunin ang atensyon niya pero nakatingin parin siya sa damit ko kaya naisipan kong umikot para mawala ang atensyon niya.

"I'm sorry hindi ko kasi inexpect na yan ang outfit mo today. Masyadong revealing sis" Hindi na ako nag abalang tumugon sa kanya at tinawag na lang ang driver namin.

"Hindi ka talaga magbibihis?"
Kanina pa siya nangungulit sakin kahit nasa sasakyan na kami at kanina pa din ako pabalik-balik ng sagot sa kanya.
Nahalata ata ng driver namin kaya ito na ang sumagot sa kanya.

"Ganyan po magbihis si Ms. Joanna dati at bagay naman sa kanya. Nabigla nga kami nang mag-iba ang mga sinusuot niya." Natahimik naman si Angelie at tumingin na lang sa labas.
Alam ko naman na concern lang siya sakin dahil sa nangyari kagabi at alam ko na pagpasok ko sa paaralan ay pag-uusapan kaagad ito.

"Sige Kuya magttext na lang ako kung uuwi na kami."

Pagkarinig naman niya sa sinabi ko ay tumango lang ito kaya pumasok na kami sa mall.

Hindi ito sa mall namin dahil ayaw ko na umabot sa mga magulang ko ang isusuot ko. Hindi sa ayaw nila pero suportado nila ang desisyon ng dati kong kaibigan at baka ano pang isipin nila at mag-alala pa.

Ipagpapatuloy ko na sana ang pagpasok ko sa isang botique pero hinila niya ang kamay ko palabas ng mall.

Don't tell me sa bar ako dadalhin ng babaeng ito?

Tinignan ko ito ng may pagtataka na agad naman niyang nakuha kaya ngumiti ito at mabilis na isinakay ako sa taxi.

"Manong sa WM Bar po"

Tinignan ko parin siya nang may pagtataka at salamat naman at naisipan niya ng sumagot sa'kin.

"Mag p-party tayo ngayon. Wala namang magagalit diba?"
Tila nabahala ako sa narinig ko dahil kailangan ko pa din panatilihin ang magandang image ko sa publiko para makabalik sa pagmomodelo.

"Huwag kang mag-alala dahil sa bar na iyon halos lahat ay artista o di kaya ay mayayaman."
Tumango lang ako at tumingin sa labas para ituon ang atensyon ko.

Dahil sa pananahimik ko biglang bumalik sa isipan ko ang nangyari kagabi. Hindi ko talaga inakala na napakadali lang palang itapon ang walong taon naming pagkakaibigan dahil sa isang babae.

Isang babae na bago niya palang nakita. Isang babae na hindi alam kung ano ang ayaw at gusto niya. Isang babaeng napaka inosente at mahinhin na naging daan para magustuhan niya at ang babaeng iyon ang taong labis kong pinagkakatiwalaan na hindi ako tatraydurin.

Naputol ang pag-iisip ko dahil sa biglang paghila sakin.
Ilang beses na ata niya akong nakaladkad ngayon. Pasalamat siya at wala ako sa mood para makipagtalo.

Napatingin naman ako sa paligid. Medyo madilim na dahil malapit ng mag alas syete. Sa labas ng bar mahihinuha mo sa disenyo nito na hindi ito basta bastang bar.

Tahimik lang akong nakasunod kay Angelie. Halata sa kilos niya na hindi siya bago sa lugar na ito.
May mga tao ding nakakilala sa kanya kanya minsan ay umuupo nalang ako at tumitingin sa paligid.

Ilang minuto pa ng bumalik na ito sa aking tabi na abot langit ang ngiti.

"Bakit ba tayo nandito? Under age tayo Gel." Maririnig naman niya ako dahil masyado siyang malapit sakin.

"Hindi kasi bagay sa damit mong masyadong lantaran ang dalhin sa mall kaya dinala kita dito."

Tinignan ko naman ang damit niya. Naka high waist short siya na tenernohan niya ng crop top at pinaresan ng gladiator.
Para namang pupunta ng beach ang isang 'to.

"Uuwi rin ako mamayang alas otso. May gagawin pa'ko."
Tumango ito sakin habang tingin ng tingin sa paligid na para bang may hinahanap.

"May katagpo ka dito?"

"Pupunta daw yung sikat na photographer dito."
Tumango lang ako at umalis naman siya sa tabi ko.

May pagkakataon na may mag-aayang sumayaw sakin at meron ding nakakakilala sakin. Hindi ko na nakita si Angelie dahil sabi niya kanina pagbalik niya na kung gusto ko daw umuwi ay hindi ko na daw aabalahin ang sarili kong hanapin siya dahil baka busy siya.

Wala naman akong gagawin dito kaya nagtext na lamg ako kay Angelie na uuwi na bago ang driver namin.

Agad din naman itong dumating kaya mabilis din akong dumating sa bahay.
Hindi na ako nagsayang ng oras at tinawagan ang mga magulang ko para sa gagawin ko. Kahit desisyon ko ito kailangan pa rin nilang malaman para hindi sila mabigla.

Nakakadalawang ring ito ng may sumagot sa kabilang linya.

"Good evening mom! Gusto ko lang kayong iinform ni dad na babalik ako sa pagmomodelo."

"Sure ka ba diyan? Sasabihan ko ang Tita Jethsel mo para ma under ka sa agency nila." Agad akong tumanggi sa narinig ko at sinabing babalik ako sa dating agency ko. Pumayag naman ito at pagkatapos ay nangumusta sa akin bago nagpaalam dahil may trabaho pa daw sila ni Dad.

Nakabase sa US ang trabaho nila kaya hindi ako magtataka kung palagi akong naiiwan dito dahil ginusto ko rin naman ito.

Bigla ko namang naisip si Tita dahil kay Mom. Hindi pwedeng maging under ako ng agency nila dahil si Andrew din ang magmamana ng kompanyang iyon at may pagkakataong makita ko ito.

Sinunod kong tawagan ang dati kong agency at hindi naman ito natagalan bago may magsalita.

"Who is this?"maarteng bati ni tata. Ang manager ko na ubod ng kaartehan pero maaasahan.

"Joanna Naiah Sy"

"Oh my G! Kaloka kang bata ka ha ngayon mo lang naisipang tumawag. Anong kailangan mo?"

"Pwede ba akong bumalik sa pagmomodelo ta? Kahit magsimula ako sa pinakamababa."

"Ofcourse, pero di kita ilalagay sa pinakamababa. Ikaw kaya ang naging dahilan kaya naging successful ang agency ko."

"Thank you ta tsaka nag effort ka din naman para marating mo kung ano ka man ngayon."

Tumawa muna ito na para bang kinililig bago nagsalita.
"So kailan ka babalik ng US? Alam mo naman na hindi ako nag sshoot sa Pilipinas."

"Bukas dadating ako dyan."
Natuwa naman ito sa naging balita ko. Isang saglit na kamustahan ang nangyari bago naputol ang tawag dahil hindi niya daw gusto na nagpupuyat ang modelo niya.

You can do this Jo! Hindi nila alam kung ano ang sinayang nila.

Hindi kailanman tumatanggap ng pagka talo ang isang Sy at simula bukas patutunayan ko iyon.













Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top