Chapter 1

Gines P.O.V

Lakad lang ako nang lakad dito sa loob ng kwarto ko habang hinihintay na bumalik ang pinsan ko. Nakalimutan niya raw kasi ang bag niya sa kotse.

Hindi ko alam kung nakakailang ikot na ako dito sa kwarto at hanggang ngayon di parin siya bumabalik.
Iikot na sana ulit ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Bakit ang tagal mong bumalik! Diba nasa labas lang naman ang kotse mo?" naiirita kong tanong sa kanya.

"Gines naman higblood agad. Tumawag kasi ang bestfriend ko kaya napatagal" paliwanag naman niya ng nakangiti. Kahit kailan talaga napakamasiyahin ni Ate.

"What kind of smile is that Joanna?" Tanong ko dito na may halong pagtataka.

"Nothing my lil cousin. Huwag mo no na lang pansinin at magbihis kana dahil magpapasama ako sayo" huling sabi niya bago nilisan ang kwarto ko.

Palaging nandito sa bahay si Joanna or should I say ATE Joanna dahil siya ang palaging inuutusan ni mommy na samahan ako kapag wala sila sa bahay at minsan naman ay nakikitira ako sa pinsan ko kapag naboboryo ako sa bahay.

Let me introduce my self first, I'm Gines Mercy Pascual at nag-iisang anak na babae nina Albert at Mindy Pascual.
Magkapatid si dad at si tita Joan na mommy ni Ate Joanna.

So magbibihis na muna ako dahil inaya ako ni Ate na maglakwatsa sandali at baka kapag nagtagal ako dito ay hindi niya ako isama.

Joanna's P.O.V

"Hello?" pagsagot ko sa tumawag sakin.

"Goodmorning to my beloved bestfriend! Anong ganap ngayon?"

"Andrew, ano na naman ang kailangan mo sakin?" agad na tanong ko. Nagiging malambing lang kasi siya sakin kapag may gusto itong request.

"Ang harsh mo naman sakin pero  nakakita ako ng bagong bukas na pizza parlor malapit sa inyo hehe" yun nga hindi ako nagkamali.

"Mamaya na ako bibili Drew may lakad ako ngayong umaga"

"Sure punta ka nalang sa bahay at sabay na din tayo mag hapunan nandito sina Mom. Ingat" sabi nito bago pinatay ang tawag.

Para sakin si Andrew ang pinaka sweet na taong nakilala ko aside sa family ko dahil childhood bestfriends kami at palagi kaming classmates. May pagkakataon nga na napagkakamalan kaming mag jowa at sana nga magkatotoo pero Andrew is the playboy type. Hindi literal na playboy pero yung playboy na lahat ifri-friendzone dahil di makapili sa dami.

I'm Joanna Naiah Sy and I'm half chinese at isa iyon sa dahilan kung bakit palagi kaming magkasama ni Andrew. We are bound to marry each other pero nagiging malabo dahil sa ugali niya.

Bago pa humaba ang sasabihin ko babalik muna ako sa taas at alam kong galit na yung pinsan ko.

Andrew's P.O.V

After I ended the call I immediately took a bath. Hindi ko na talaga kayang maghintay mamaya. I love pizza and nakakabaklang katotohanan pero alipin ako kapag pizza ang pinag uusapan.

Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si yaya Alma ang pinakamatagal na yaya sa bahay.

"Good Morning po sir bilin ng ina niyo na tanongin kayo kung saan ang lakad niyo?" magalang na pagbati sakin ni yaya.

"Bibili lang ng pizza ya malapit kina Joanna dahil bagong bukas at para narin makatipid" sagot ko naman dito at humakbang ulit pababa ng hagdan.

"Kahit kailan talaga...hala mag-iingat ka ha at wag kang magtatagal at baka dumating na ang mga magulang mo" tumango lang ako bilang pag sang ayon.

I'm James Andrew Dy a pizza lover and a friendly man. Maraming nagsasabi sakin na dahil sa pagiging friendly ko napapagkamalan akong babaero na hindi naman totoo.

Pasakay na sana ako sa kotse ng mag ring ang cellphone ko na agad ko namang sinagot na hindi tumitingin sa caller id.

"Sup?" panimula ko. Nakatuon ang atensyon ko sa pagc-check up sa kotse.

"Fetch me here dude. Na set-up na naman ako." tinignan ko ang caller id at ang bestfriend ko lang pala.

"Magagalit si Tita pag nalaman niya"

"Tapos na ang lahat at wala akong masakyan dahil ibinigay ko sa babae." sabi nito at sumang ayon nalang ako. Hindi na ako nag-abalang magtanong kung nasaan ang lokasyon niya dahil iisa lang naman ang lugar na pinagdadalhan niya ng mga babae.

Hindi babaero ang kaibigan ko pero ang mama niya ang nag s-set-up ng blind dates para sa kanya. Hindi ko din ipagkakaila na medyo may pagkaflirt siya pero hindi siya babaero.

Pagdating ko sa perya ay agad ko itong hinanap. Tama kayo ng nabasa. Perya ang 'favorite dating place' niya kapag hindi niya trip ang babae.

"Thanks bro. Ako nang bahala sa gasolina mo hatid mo nalang ako sa bahay." yun lang at pumikit na siya.
Ginawa pa akong driver di hamak naman na mas pogi ako kaysa sa kanya. Pasalamat siya at sikat siya kung hindi baka ibinaba ko na ito.

Wala naman akong magagawa dahil bukod sa mag bestfriend kami palagi din siyang nasa tabi ko kapag may problema ako sa babae.

JR's P.O.V

"I'll tell my mom about this you can go now" pagtataboy ko sa babaeng kaharap ko na di ko naman kilala.

"But your mom told me to stay with you tonight" sabi nito sakin at bumaba ng konti para maipakita ng kaunti ang dibdib nito.

Tsk..maliit naman.

She is not a slut but a flirt and I know kung bakit siya ganito. Siya nalang kasi ang natitirang babaeng modelo sa angkan nila ang hindi pa sikat kahit naka ilang magazine na ito. My mom owns a multimedia company at alam ko na gusto niyang tumulong dito. Maganda naman siya pero wala ako sa mood ngayon para makipaglandian.

"Ako bahala sa mommy ko at huwag kang mag-alala dahil sisikat ka talaga. Just wait for your time." sabi ko at tinalikuran siya. Hindi na ako nag abalang tumingin sa likod dahil alam ko na hindi agad yun aalis at ramdam ko rin ang pagtitig nito sakin.

Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko at tinawagan ang kaibigan ko para magpasundo. Alam ko naman na hindi iyon tatangi sakin kahit anong sabihin ko.

Pagdating nito ay agad kong sinabi na magpapahatid ako sa bahay. Baka inaakala niyo na bakla ako pwes hindi yun totoo sadyang close lang talaga kami at ako ang laging sumasalo sa mga problema niya parang 'give and take'.

I'm Jhon Rich Sarmiento a living happy pill at your service. Hot model din paminsan-minsan depende sa mood.

Pagkatapat ng sasakyan sa bahay ay agad akong bumaba at pumasok. Alam ko naman na susunod si Andrew dahil adik yun sa pizza at ang ate ko ang may ari ng pizza na binabalik-balikan niya.

"Ate Rhyz pizza ko po please!"

"Halika sa kusina nagluluto ako" sigaw rin ni Ate mula sa kusina.
Napailing na lang ako at pumunta sa kwarto para magbihis dahil aalis ulit ako.

...............
Jhazyl P.O.V

"Ate Rhyz bakit ang sarap ng mga luto niyo?" tanong ni Andrew sakin habang kinakain ang nagawa kung pizza.

"Syempre maganda ako at nagmana sakin" pabiro kung sagot habang inilalatag ang ibang pagkain.

"Bagong dish ko yan tikman mo"
Tumango lang siya bago sumagot sakin.

"You're beautiful but my bestfriend is gorgeous" napatingin naman ako sa biglang saad niya.

"Ano nga ulit ang name niya?"

"Joanna" balewalang sagot nito. Hindi ko alam pero medyo pamilyar siya sa akin.

"You like your bestfriend? Kumikinang ang mga mata mo." hindi man ako naniniwala sa nakikita ko pero ngayon ko lang kasi nakitang kuminang ang mga mata niya habang binabanggit ang pangalan ng isang babae.

"Actually everyone likes her and she has everything so I like her too" parang batang sagot nito. Napailing na lang ako sa sagot niya. Bata pa talaga siya para mapansin na may gusto siya sa bestfriend niya.

"You must bring her pagbalik ko" request ko dito kaya napatingin siya sakin.

"Saan ka po pupunta?"

"I need to go back to my family sa Spain dahil nagrereklamo na ang asawa ko" sagot ko dito at sinuklian lang ako ng tango bago tumayo dahil tinawag na siya ng kapatid ko.

"So see you after 10 years again?" pabiro niyang usal habang palabas

"Nah 11 years ata and after that dito na kami titira. Sige na andyan na yang jowa mo." panunukso ko sa kanya na agad namang ikinaasim ng mukha niya. Agad naman akong tinignan ng masama ng kapatid ko.

My brother is lucky to have a friend like him at maswerte din si Andrew sa bestfriend niya.

I'm Jhazyl Rhyz Sarmiento ang nakakatandang kapatid ni Jhon Rich.

Hindi kami magkasamang lumaki dahil sa ibang bansa lumaki ang kapatid ko napadpad lang siya dito 5 years ago. 8 years ang gap namin kaya minsan hindi rin kami magkasundo pero dahil narin kay Andrew may nakakasama siya kahit papaano.

Sana lang sa pagbalik ko ay ganito parin ang buhay namin. Sana lang talaga walang magbago.

-END-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top