Chapter 8

Chapter 8: Video

MAHALIMUYAK ang simoy ng hangin at mataas ang sikat ng araw na tumatama sa aking mukha, tila ang mga ito'y nakikiramdam.

Maputla pa rin ako kahit ilang araw na ang nakalipas mula nang mahimatay ako sa gym. Marami pala ang nakakita no'n kaya nagtrending ang nangyari. Iba't ibang articles na ang nakita kong nakapost about sa pagkawalan ko ng malay. Iba-iba rin ang theory nila kung bakit. May theory na baka raw ay buntis ako, mayroon ding baka raw may malubha akong sakit at kung ano-ano pa.

Naalala ko na naman ang mga sinabi ng Doctor sa akin. He said that I needed rest and peace. Maybe rest in peace will do.

Nagpacounselling na rin ako dahil ika nga ni Dra. Thyniz, kailangan ko raw iyon. Nakailang session na ako ng counselling at medyo bumuti naman ang pakiramdam ko. Nagtungo na rin ako sa Psychologist na si Dra. Thyniz.

She diagnosed me with Body Dysmorphic Disorder or BDD.

"Body Dysmorphic Disorder (BDD), also known as body dysmorphia, is a mental health disease in which a person obsesses over physical imperfections. 'Yung mga flaws na 'yun ay hindi naman masyadong nakikita ng iba.. BDD can affect anyone, however it seems to affect teenagers and young adults the most frequently."

"But how, Doc? Hindi ko alam kung paano nangyari ito." I uttered.

"Having blood relations who suffer from obsessive-compulsive disorder or body dysmorphic disorder appears to raise the likelihood of developing or triggering the disorder. Kung wala ka namang kamag-anak na nagsuffer from these, maybe it's because of negative life events, such as abuse, neglect, or bullying during childhood. It can also be because of being a perfectionist person." said Dra. Thyniz.

NAPABALIK ako sa kasalukuyan nang tawagin ako ni Maridel. She's about to get my make up done for the photoshoot.

Lumapit ako sa kaniya at umupo.

Habang nakatingin sa salamin, narealize ko na, ngayon alam ko na. Alam ko na kung bakit kahit anong appearance ko ay hindi ko naaappreciate dahil sa BDD. Na kahit anong gawing make-up ni Maridel ay hindi pa rin satisfied para sa akin. Kahit maayos naman ang itsura, pananamit at postura ko ay hindi ko maatim dahil iba na pala. Dahil pala iyon lahat sa Body Dysmorphic Disorder.

Naipaliwanag ko kasi kay Dra. Thyniz ang ilan sa mga symptoms na naramdaman at nangyari sa akin na kaugnay ng Body Dysmorphic Disorder. Sinabi ko na lagi akong nakakaramdam ng labis na pag-aalala sa itsura at hubog ng aking katawan. Nabanggit ko rin ang mga napapansin kong pagbabago ng aking pananaw tungkol sa pisikal na anyo. Hindi ko alam na ang lahat pala ng iyon ay konektado sa BDD.

Ipinaalam ko kaagad sa aking manager ang mga nangyari at ang mga diagnosis ng Psychologist. Lahat ng sinabi tungkol sa BDD ay sinabi ko rin.

Hindi ko alam kung paanong nagawan nila ng paraan na beach theme pa rin ang photoshoot kahit alam nilang na-diagnosed ako sa BDD. Paano ako magiging maayos kung ang tingin ko sa sarili ko ay kabaliktaran ng nakikita nila?

My manager also said that it's better to reveal myself as a dysmorphic person, so that the issue circulating on the internet will go down and they will understand the situation. 

We're about to begin the photoshoot. Jin, my producer and manager said that we'll reveal about the disorder on the inside of the magazine and we'll have a catchphrase about me having something about disorders so that buyers will be curious and they will be buying it because of curiosity. At the same time, it will be trending because of the timeliness of the issue. He's so clever to think of that.

"Ma'am Ionna, standby!"

We did some retouch and began doing the photoshoot. The photoshoot lasted for about an hour. Medyo umiinit na at kailangan kong i-maintain ang kulay ko.

"I should probably get ready for the comments about the magazine, especially because of the disorder." I said to Maridel.

"Sa tingin ko, maiintindihan naman po nila kasi maraming tao rin ang ganyan ngayon."

"I... I don't know."

MANY months had passed since the day of the photoshoot. The magazines turned out amazing and many people understand the situation.

Nasa isang convention center ako para sa autograph and picture taking event with my fans.

Masayang makihalubilo lalo na't ramdam mo ang suporta nila sa iyo. Ito na lang ata ang tanging nagpapasaya sa akin. Kahit pera at karangyaan ay hindi ito matutumbasan.

Ang daming tao ang nakapila habang hawak-hawak ang magazine na binili nila. Iyon ang magazine kung saan ako ang nasa cover at doon din tinatalakay ang Body Dysmorphic Disorder na aking nararanasan. Masarap at maluwag sa puso na malaman na tanggap ka nila.

Pero hindi pala iyon magtatagal...

"OMG, si Ionna!"

"What is happening?"

"Hala, bakit gano'n siya?"

"Akala ko pa naman maayos siya."

"Isa pala siya—"

Hindi natuloy ng babae ang sasabihin niya nang bigla akong higitin ng security guard palabas ng hall. Nagkakagulo ang mga tao sa hindi ko malamang dahilan. Kasabay ko sa paglabas ang mga staff at ang mga officials ng event. Hindi ko alam ang nangyayari.

I hear murmurs and whispers. Everybody is looking at me like I did something really really bad.

"What's wrong? What's happening?" tanong ko.

"Just hide your face and go to the company."

Dumami lalo ang tao kaya lalong hindi makadaan nang maayos. Sinubukan kong isiksik ang sarili ko pero ayaw talaga.

Ang mga camera ay nakatutok sa akin. Flash dito, flash doon. Sigaw dito, sigaw doon. Hindi ko na alam ang nangyayari at nagpapanic na ako dahil dito.

Nagkalat ang mga magazine. Ang mga tao ay ibinabato iyon sa akin. Natamaan din ako ng isang bote ng punong tubig.

Ang sakit.

"Akala ko maganda ka! Isa ka palang higad!"

"Manggagamit!"

"Haliparot!"

"Isa kang ahas!"

Ilang minuto rin ang tinagal ng pakikipagsiksikan sa dami ng tao at nakalabas din kami at nakapunta sa parking lot kung saan naandoon ang kotse.

The driver drove us back to the company. I didn't know what's happpening, but I think that this was a big issue. Ang akala kong masaya at maayos na fan signing ecent ay hindi pala. Totoo nga ang sinabing kapag masaya ka, babawi ang lungkot na nadarama.

Lalo akong nanlumo ng malaman ko kung bakit ako pinagkakaguluhan kanina, muntik pa akong matamaan ng mga bote ng tubig at kung ano-anong bagay. Halos lahat ay galit at hindi ko maintindihan. Nalinawan na lang ako ng ibalita sa akin ni Maridel ang issue na kumakalat.

Pinanood ko ang video at nagulat ako sa katagang sinabi ni Maridel.

"Ionna, may scandal ka."







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top