Chapter Five

Hindi maintindihan ni Magnus kung bakit matindi ang pagkainis niya sa babaeng iyon. Kumukulo ang dugo niya sa tuwing nakikita niya kahit ang anino lang no'n. Strange. Hindi naman siya likas na mainitin ang ulo lalung-lalo na sa mga babae. Ang pinagtataka niya, masyadong magaan ang loob niya sa kambal. Maging ang kanyang ina ay ganoon din. Kung sa bagay, malaki kasi ang pagkakahawig nila ng mga bata noong siya'y kasing edad nila. Hindi kaya...? Imposible. Ang babaeng naka-one night stand niya noon ay mukhang dyosa. She had the face of an angel and a body of a seductress kaya malayong mangyari na ang babaeng iyon at ang mukhang pindanggang si Ms. Mariano ay iisa.

Sa isang banda, pwede namang magbago ang katawan ng isang babae, lalung-lalo na kung nakaranas ito ng panganganak. Kaya siguro nalosyang na ang dyosang iyon. Teka. Ba't niya iniisip na si Ms. Mariano iyon?

Inalala niya uli ang hitsura ni Ms. Mariano. Lagi itong naka-t-shirt na maluwang at pantalong maong. Minsan lang niya ito nakitang nag-bestida at iyon ay noong pumunta ito sa interview. Pero kahit nang araw na iyon, ang damit ng babae ay parang daster. Marahil ay marami siyang taba at bilbil na kailangang itago kung kaya lagi na lang loose ang outfit niya. Pero paano nga kung ang dyosang nagpagulo sa isipan niya all these years at ang nakaiiritang babaeng iyon ay iisa? Pinangilabutan siya. Maisip pa lang niya na naikama niya si Ms. Mariano nasusuka na siya.

Tungkol naman sa pagkakahawig nila ng kambal, ayon sa kaibigan niyang doktor, hindi naman nangangahulugan iyon na magkadugo na sila. Marami namang magkamukha riyan na hindi raw magkaano-ano.

Natigil ang pagmumuni-muni niya nang may kumatok. Kasunod no'n ay ang pagsilip ni Mrs. Roman, ang bago niyang sekretarya. Ito ang napili niya sa lahat ng nag-apply. Medyo mabagal kumilos at pumik-ap ng mga instructions, pero okay na rin. At least, hindi na siya mag-aalala na baka magkagusto rin ito sa kanya at magpapakamatay kung hindi niya patulan.

"Sir, pinapatawag po kayo ni madam. Nasa office na po siya."

Ang madam na sinasabi nito ay ang kanyang ina. May sarili nga itong opisina sa building nila, pero bihira ito kung pumunta roon. Iyon ay kung mayroon lamang meeting ang mga board of directors ng San Diego Group of Companies. Bakit narito ito ngayon? Wala namang meeting, a.

"Okay, I'll be right there. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko," at nagpatuloy siya sa pag-review ng sinumite sa kanyang marketing strategies ng isa sa mga manufacturing firms nila. Pero from the corner of his eye, nakita niyang hindi pa rin umaalis ang sekretarya. Napasulyap siya uli rito.

"Sir, ang bilin po kasi ni Madam Minerva, pumunta po kayo agad dahil may appointment pa raw siya," medyo nahihiyang sabi uli ng sekretarya.

Napabuntong-hininga si Magnus. Kinontrol niya ang pagkainis.

"Susunod na ako," sabi niya. Nang hindi pa kumilos ang sekretarya, tinaasan na niya ito ng boses, "I'm going there now."

Nagitla ito at parang nataranta pa. Sa pagkataranta, nalito pa kung saan patungo. Niluwangan sana nito ang bukas ng kanyang pintuan na animo'y papasok pa sa loob.

"Mrs. Roman, your office is over there. Outside," sabi niya sabay turo sa direksyon palabas. Tumalima naman agad ito, pero nauntog pa sa pinto.

Nang pumunta siya sa opisina ng ina, may kausap ito sa telepono. Panay ang tawa nito kaya nabatid niyang she's in a good mood. Nang makita siya nito, sinenyasan siyang maupo na sa visitor's chair at binaba na ang telepono.

"You might be wondering about this surprise visit of mine, iho," pa-suspense nitong panimula.

He has a gut-feeling na hindi naman importante sa kanya ang sadya ng kanyang ina. Ang dami pa sana niyang nire-review na dokumento sa kanyang opisina. He can't afford to waste time.

"Cut to the chase, mom. What is it?"

Hindi man lang nabawasan ang ngiti ng mommy niya sa malamig niyang reception. Excited pa rin ito. Kinabahan na tuloy siya. Malamang ay may sasabihin itong ikaiirita niya. Hindi ba't ganoon din halos ang mood nito nang ibalita sa kanya na ipinagkasundo na siyang ipakasal kay Allana, ang anak ng matalik nitong kaibigan? Ano na naman kaya ito this time?

"I've decided to offer the twins a scholarship," tuwang-tuwa nitong balita sa kanya. "I've already talked to Mr. Gonzales, the Foundation's president and he has approved of the plan."

"The twins? You mean—the twins?"

"Yes. Mayroon pa ba tayong kilalang twins bukod sa kanila?" at humalakhak na ito sabay bukas ng kanyang abaniko at namaypay. Kahit malamig sa loob ng opisina nito gawa ng air-conditioning, mannerism na yata ng mommy niya ang magbukas ng abaniko from time to time lalung-lalo na kung maganda ang pakiramdam.

"Mom, our scholarship is ONLY for deserving college students. Nasa policy iyan ng foundation natin."

"Bakit, hindi ko ba pwedeng baguhin ang policy?"

"Saan kayo nakakikita ng scholarship being offered to nursery kids?" pagmamatigas niya.

"E di sa foundation ko! Ano ba naman ang magbago ng policy. I've already made up my mind. Tsaka, FYI, tapos na sila ng nursery. Kinder na sila sa pasukan at ako ang mamimili ng papasukan nilang school."

"Mom, do you even realize what you're doing? You don't even know them. Hindi n'yo ba naaalala ang sinabi ko sa inyo about their mother? Kung paano kami nagkakilala? Mom, she faked her personal information just to be short-listed and get an interview for the position I advertised! Kapag nalaman niya kung gaano ka ka-concern dito sa mga anak niya, who knows what she'll do next. Baka she'll use your affection for the kids para huthutan ka niya!"

"Enough Magnus!"

Nagseryoso na ang kanyang ina. Binaba nito ang kanyang abaniko at walang kangiti-ngiti siyang hinarap.

"Since when did you become a cynic? Hindi naman kita pinalaki na maging mapanlait ng kapwa. Just because they're poor doesn't mean that they're not capable of being decent or honest. May rason naman kung bakit niya nagawa ang pagpeke ng kanyang edad. She has two young sons to raise and she just lost her job. Where's your sense of compassion?"

He rolled his eyes. Kapag ganito na ang tono ng pananalita ng mom niya, walang sino man ang makapagpapabago ng kanyang desisyon.

**********

"Wow! Ganda! Kaninong bahay iyon, mama?" tanong agad ni Marius sabay turo sa unang bahay na nadaanan nila. Nakisilip na rin siya sa bintana. Hindi pa niya iyon nasasagot, sumigaw na naman ito ng pagkamangha sa nakitang sumunod na bahay at sa mga sumunod pa. Ganoon din halos ang reaksyon ni Markus. Mayamaya pa, pumasok na ang sasakyan sa isang malaking tarangkahan. Napasigaw na sa katuwaan ang dalawa.

"Wow! Mas malaki pala ang bahay ni Puppy Lady, mama!" halos sabay nilang naibulalas. Namilog lalo ang mga mata nila.

"Ano ba kayo? Hindi ba sinabi ko na sa inyo na tawagin n'yo siyang Donya Minerva o Madam Minerva? Puppy Lady kayo nang Puppy Lady diyan. Hindi magandang pantawag iyan."

"Di ba siya naman si Puppy Lady?" pangangatwiran pa ni Marius.

"Pangit nga pakinggan," paliwanag pa niya.

Tumulis ang nguso ng dalawa, pero hindi na nagsalita pa. Nang pagbuksan sila ng driver, excited na lumabas ang kambal. Tumakbo agad sila sa garden at nagpagulung-gulong sa bermuda grass. No'n naman lumabas si Donya Minerva. Nang makita ang dalawang bata, napabunghalit ito ng tawa. Bumangon naman ang dalawa at sinalubong siya ng yakap.

"Hello po, Puppy Lady—ay Don-ya M-Mi-ner-va pala," bati ni Marius at Markus. Dinahan-dahan nila ang pagbigkas ng pangalan ng matanda para hindi sila magkamali. Tumawa na naman ang ginang.

"Tawagin n'yo na lang akong lola para hindi mahirap."

"Talaga po? Kayo na po ang lola namin? Yehey!" sigaw ni Marius.

"Tenk you po," medyo nahihiya namang sabi ni Markus at tumingala pa kay Donya Minerva habang nakayakap sa baywang nito. May nangilid na luha sa mga mata ng bata.

"O, bakit?" tanong ni Donya Minerva. Nag-alala na ito.

"Kasi—kasi may lola na kami. Sabi kasi ni Alden, putok kami sa buho

kaya wala kaming lola't lolo."

Nabigla sa narinig si Shiela. Ni minsan, hindi iyon naikuwento sa kanya ng mga anak. Kakausapin niya sina Mang Andoy at Aling Nene tungkol do'n.

Saglit na napasulyap sa kanya si Donya Minerva. Tila nakikisimpatiya. Ngumiti na lang siya nang mapakla. She feels awkward.

"Pasok kayo. May pinahanda akong masarap na pagkain."

Sumigaw uli sa tuwa ang kambal at para na nga nilang lola ang matanda dahil nakahawak na sila sa braso nito. Pinapagitnaan nila. Sumunod na lang si Shiela. Nang nasa loob na sila, lalo siyang nanliit. Maghuhubad sana siya ng sapatos sa takot na madumihan niya ang carpet, pero sinabihan siya ni Donya Minerva na huwag daw siyang mahiya.

Nang makita ng kambal ang hapag-kainan na punum-puno ng masasarap na pagkain, naupo sila agad sa upuan at dadampot na sana ng fried chicken pero maagap silang sinaway ni Shiela.

"Tayo nga muna kayo at maghugas ng kamay."

Nagprisinta ang donya na siya na raw ang magdadala sa mga bata sa pinakamalapit na banyo para hugasan ang kanilang kamay. Naiwan sa kumedor ang dalaga. Kaya ganoon na lamang ang pagkataranta niya nang madatnan doong mag-isa ni Magnus. Shocked ang huli nang makita siya ro'n. Napakurap-kurap pa ito. Base sa hitsura at ayos nito, kagagaling lang siguro sa workout. Pinagpapawisan pa ang kanyang mukha.

"What are you doing here?" tanong nito agad. Tiningnan pa siya mula

ulo hanggang paa. Si Shiela naman ay awtomatikong napatingin sa mga braso nitong nagpuputukan ng muscles. May hinanap siya agad doon. Nang makitang malinis ang mga ito, free from any body piercings o tattoos, nadismaya siya. Noong isang linggo pa niya kasi pinagpapantasyahan ang lalaki. Naisip lang niya na kung sana buhay pa ang nakabuntis sa kanya noon ay sana itong si Magnus na nga lang. She even thought na baka ito nga ang ama ng mga anak niya nang magsabi si Donya Minerva na her sons remind her of her son, Magnus, when he was a child. May pagkakahawig daw kasi. Pero pantasya lang pala lahat.

"Mabuti't nandito ka na, anak," ang sabi ni Donya Minerva. Nasa likuran na pala nila ito kasama ang dalawang bulinggit. "We can start our lunch now. Gutom na raw ang mga bata.

Nang balingan ng ginang ang kambal, nakasimangot na ang mga ito. Nasa tabi na agad ng kanilang ina at matamang pinagmamasdan si Magnus.

"Umupo na raw kayo do'n mga anak," sabi ni Shiela sa dalawa sa mahinang boses. Tinulungan niya ang mga ito na umakyat sa upuang tinalaga ng ginang para sa kanila.

Tahimik lang ang dalawa, pero matamang nakamasid kay Magnus. Binulungan sila ng ina na ibaba na ang tingin dahil hindi iyon maganda, pero parang wala silang narinig.

"O, Marius and Markus, mag-pray muna tayo, ha? Marunong ba kayo mag-pray?" sabi ni Donya Minerva. No'n lang umalis ang mga mata nila Kay Magnus at masigla silang sumagot sa matanda.

"Opo!" at nag-sign of the cross sila agad.

Pumikit pa silang dalawa habang nananalangin.

"Papa Jesus, tenk you po sa masasarap na pagkain. Tenk you po dahil pinadala N'yo sa amin si Puppy Lady at tenk you rin po sa pagbigay ng isang napakagandang mama sa amin. Pero sana po hwag N'yo na pong ipadala sa amin ang isang masungit diyan sa tabi. Ayaw na po namin siyang makita. In Jesus name, amen."

Parang magtatago sa ilalim ng mesa si Shiela nang marinig niya ang prayer ng mga bata. Napakunot-noo kasi si Magnus nang marinig nitong tinawag ng dalawa na Puppy Lady ang ina. At lalong nagsalubong ang mga kilay nito sa sinabi ng kambal sa kanya. Pero tama ba ang nakikita niya? Sa kabila ng lahat, napangiti ito sa huling sinabi ng dalawang bulinggit.

Si Donya Minerva nama'y tawa nang tawa.

"O, kita mo na, Magnus? Ikaw kasi, sinusungitan mo sila kaya tuloy branded ka nang masungit," panunukso pa ng matanda sa anak.

Sumulyap lang sa dalawa si Magnus at kumuha na rin siya ng kanin. Si Shiela nama'y sobrang na-conscious. Ewan ba. Dati nama'y okay lang siya. Kahit nahihiya ay nagkaka-guts pa rin siyang sagut-sagutin si Magnus o di kaya ay inisin ito. But this time that she's in their house, she feels so awkward.

"Mama, dito ka kaya sa tabi ko?" sabi ni Marius.

Malaki kasi ang dining table. Pang-sampung katao. Dalawa ang kabisera at apat ang upuan sa magkabilang side. Si Donya Minerva at ang dalawang bata sa isang side at sila naman ni Magnus sa kabila.

"Bakit, anak? Gusto mo pa bang magpasubo? Big ka na, e. Huwag na. Tingnan mo si Markus. Siya lang ang sumusubong mag-isa."

"Hindi. Baka kasi—awayin ka niyan, o," at tinuro pa si Magnus.

Tumawa na naman ang ginang.

"Mom, it's not funny," naiinis na saway naman ni Magnus sa ina.

"I find it funny," nakangiti namang sagot ng donya.

"Marius, behave, okay? Kanila ang bahay na ito," sagot naman ni Shiela.

"Kay Puppy Lady ito, e. Hindi naman kanya."

"Why do you call my mom Puppy Lady?"

Napatingin kay Magnus si Marius na parang nalilito. Sinaway naman ng ina ang lalaki at sinabihang hindi dapat ini-Ingles ang mga bata. Nagtaas lang ito ng kilay at hindi na nagsalita pa. Makaraan ang ilang sandali, tumayo na ito. Nagpaalam ito sa ina sabay halik sa pisngi ng matanda. Napabulalas naman ng "Tenk you, Lord." ang dalawa. Napatingin sa kanila si Magnus. Nag-init naman ang mukha ni Sheila sa pagkapahiya sa ginawa ng mga anak kaya pinandilatan niya ang mga ito. Pero imbes na mairita, nakita niyang bahagyang napangiti si Magnus at ginulo pa ang buhok ng dalawa bago ito lumabas sa dining hall. May kung anong humaplos sa kanyang puso kaya hindi niya agad narinig ang ginang nang nagsabi ito tungkol sa offer na scholarship sa mga bata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top