Chapter Eight
Naghahanda na silang apat na bumalik ng Maynila nang bigla na lang may dumating na bisita sa mansyon. Natigil sa paghaharutan ang kambal at napatitig sila sa bisita na dahan-dahang umibis sa kararating na sasakyan. Pati ang ina nila'y napatingin din sa bagong dating.
Ang unang nakita ni Sheila ay ang mahahaba at makinis na binting lumabas mula sa driver's side ng kotse. Pagkatapos ay ang mapuputi nitong hita na litaw sa suot nitong bestida na siguro'y mga anim na pulgada ang layo mula sa tuhod. Nang tuluyang iluwa ang isang sopistikadang babae na kaagad na lumapit kay Magnus at humalik sa pisngi nito, may naramdamang kakaiba si Sheila. Kinumpara niya agad ang sarili sa babae at nakaramdam siya ng panliliit.
"Who are they?" maarteng tanong ng bisita kay Magnus at sinulyapan sila. May talim sa mga titig ng babae.
Instinctively, napahawak agad si Shiela sa dalawang bata. Bahagya niyang tinapik ang balikat ng mga ito para sawayin na huwag nilang pakatitigan nang mabuti ang bagong dating.
"They're mom's friends," sagot naman ni Magnus sabay sulyap sa direksyon nila.
"I didn't know Tita Minerva has poor friends."
Hindi na sumagot doon si Magnus. Sa halip, pinaliwanag nito sa babae na hindi na siya magtatagal sa Baguio dahil may mga naghihintay na trabaho sa Maynila.
"Are you just driving to Manila?" maarte pang tanong ng babae.
"Yeah," kaagad namang sagot ng lalaki.
"Nasaan ba ang helicopter n'yo?"
"Ginagamit ni mom."
May helicopter sila? Kung sa bagay, sa yaman ng pamilya nila, hindi na iyon dapat ikabibigla. Ang dinig pa nga niya, mayroon din daw silang sariling eroplano.
Kung si Sheila'y sinarili niya ang pagkamangha, ang mga bata'y hindi nakapagpigil. Inurirat nila si Magnus. Parang wala silang pakialam na nadoon pa ang bisita.
"May alicopter ka?" excited na tanong ni Marius.
"Anong alicopter ka riyan?" sabi naman ni Markus. "Haricopter kaya iyon," pagtatama niya sa kakambal. Tumingin pa siya kay Magnus na parang proud na alam niya kung paano iyon bigkasin nang tama. Imbes na sumagot, ginulu-gulo ni Magnus ang buhok ni Marius at ngumisi pa. Samantala, napatitig naman sa dalawang bata ang babae at napaismid.
"E nasa'n na ang halicopter? Gusto ko sanang sumakay doon," tanong ni Marius. Sinundan-sundan pa si Magnus.
"Magnus, I'm thirsty. I want to drink some orange juice," sabi ng bisita.
Tinawag ni Magnus ang isa nitong katulong at humingi ng inumin.
"Why don't we go inside?" suhestyon ng babae at nauna na itong maglakad papasok sa loob ng mansyon. Pero nang hindi sumunod ang binata, napalingon ito at napahalukipkip. Tinawag uli ang lalaki.
"Manang will take you inside," sagot naman ni Magnus at sinenyasan pa ang isang katulong na samahan ang bisita sa loob. Siya nama'y naging abala sa pagbibigay ng instruksiyon sa driver tungkol sa mga dadalhin niyang bagahe sa Manila. Ang mag-iina naman ay naghihintay lang sa isang tabi.
Nang umungol ng pagpoprotesta ang seksing babae, napatingin dito ang tatlo. Nagtama uli ang paningin ng dalawang babae. Si Shiela ang unang umiwas ng tingin lalo na nang maramdaman ang inis ng bisita sa kanila.
Tila bingi naman si Magnus sa reaksyon ng bisita. Ni hindi ito tumigil sa pakikipag-usap sa driver niya kung kaya naiinis na pumasok ng mansiyon ang babae. Nang wala na ito sa paligid kaagad na napasabi ng, "Hay salamat!" ang kambal at eksaheradong bumuntong-hininga. Napatingin tuloy sa kanila si Magnus. Nagtatanong ang mga mata.
"Wala na ang maarte mong bisita," sagot agad ni Markus.
Pinandilatan ito nang lihim ni Sheila, pero hindi ito nagpaawat.
"Gerpren mo iyon?" tanong naman ni Marius.
Pigil ang hiningang hinintay ni Shiela ang sagot ng binata. Kanina pa kasi niya tinatanong iyon sa sarili.
"Bakit?" tanong naman ni Magnus. All eyes na siya sa kambal.
"Ampangit! Parang clown," walang kagatul-gatol na sagot naman ni Marius na sinang-ayunan naman ni Markus.
"Marius!" saway ni Sheila. Tinapik pa niya ito sa balikat.
"Talaga?" mukhang amused na sagot naman ni Magnus.
Hindi magkandatuto sa paghingi ng paumanhin sa lalaki si Sheila. Tinakpan pa ang bunganga ng anak para hindi na ito makapanglait. Pero binaklas lang ng malilit nitong kamay ang nakatakip sa bunganga at sinagot si Magnus nang diretsahan.
"Oo. Andaming kulay ng mukha niya. Maganda pa ro'n si mama."
"Marius!" saway uli ni Shiela. "Sir Magnus, pasensya na po."
"Oo! Maraming kulay nga ang mukha niya. Para siyang bruha," nakatawang sang-ayon naman ni Markus. Hindi na tuloy malaman ni Shiela kung paano humingi ng dispensa kay Magnus.
"Paglaki ko, kapag nag-gerpren na ako, pipiliin ko iyong maganda. Iyong katulad ni mama," patuloy pa ni Marius at sumulyap pa ito sa ina. Pinamulahan ng mukha si Shiela. Nag-sorry uli ito kay Magnus.
"Stop saying you're sorry."
Hindi alam ni Shiela kung na-offend ito ng mga bata o ano. Seryoso kasi ang mukha, pero hindi naman mukhang galit. Nahagip lang ng tingin niya ang mga pasulyap-sulyap nito sa kanya. Siguro hinahanap ang ganda na sinasabi ni Marius. Dapat hindi niya seryosohin iyon dahil alam naman niyang bata. Siyempre, magiging super loyal ito sa ina.
"Inaaway mo na naman ba si mama?" tanong ni Marius.
Ngumiti si Magnus sa bata. Lumuhod pa ito sa harap ni Marius para maging pantay ang kanilang paningin saka sinagot ito ng, "Nope." Pinisil pa ang baba ng bulinggit.
"Ano iyon?" naiinis na tanong nito.
"Ang sabi ko, hindi."
Mukhang naniwala naman si Marius dahil hindi na ito nagreklamo pa, pero nilapitan nito ang ina at hinawakan sa kamay na parang gusto itong protektahan sa kasamaan ni Magnus.
Mayamaya pa, lumabas na naman ang seksing babae. May mga sinasabi ito sa katulong na nagpataranta rito. Pagharap nga niya kay Magnus, kung anu-ano nang pagsusumbong ang ginawa nito. Medyo natatakot na tumingin ang nasabing katulong sa amo. Parang naghihintay ng magiging pasya nito.
"Ellen is new here. Hindi niya lang siguro alam ang gusto mong timpla," sagot ni Magnus at sinabihan ang katulong na pumasok na sa loob. Ang babae nama'y mukhang na-offend na hindi siya pinanigan ng lalaki. Nagtalak pa ito at nagdrama.
"Babe, I'm actually in a hurry. Kailangan na naming umalis ngayon dahil baka gabihin kami sa daan. Dumaan ka na lang sa bahay if you're in Manila," sabi pa nito, pero hindi na hinintay pa ang sagot ng babae bago tumalikod. Sinenyasan lang ang mag-iina na sumunod na sa kanya.
"Ang arte-arte, di naman maganda," binulung-bulong ni Marius habang naglalakad patungo sa sasakyan. Dahil hindi pa sila nakalalayo, narinig iyon ng babae na lalong nagpainit ng ulo nito.
"What did you say?" tanong nito kay Marius at nilapitan pa ang bata.
Awtomatikong napahawak sa anak si Shiela at siya na ang humarap sa dalaga. Humingi siya rito ng pang-unawa. Tumingin pa siya sa bata na parang humihingi ng suporta rito. Pero sa halip na sang-ayunan ang ina, lalo lamang ginatungan iyon ni Marius.
"Ang sama mo kasi. Pinagalitan mo nang husto si ate. Umiyak tuloy siya. Tsaka ang arte-arte mo!"
"How dare you to talk to me like that! Wala kang breeding!"
Imbes na masindak, binelatan lamang ito ng bata. Lalong nainis ang babae. Aagawin niya sana ito sa kamay ni Sheila, pero maagap na pumagitna sa kanila si Magnus.
"He's just a child. Huwag mo nang pansinin ang mga sinasabi niya."
"Sino ba ang mga dukhang ito sa buhay mo? Why do you even defend them? At isasama mo pa sila sa Manila? Are you out of your mind?"
"They're from Manila," kaswal namang sagot ni Magnus.
"What? Dinala mo sila rito from Manila?"
"It's a long story, Allana. And I'm in a hurry. I'll talk to you on the phone later, okay?" at humalik na ito sa pisngi ng babae at sinenyasan ang tatlo na mauna na sa sasakyan.
Nagpupuyos man ang kalooban, wala ring nagawa ang dalaga nang inalalayan siya ni Magnus papasok sa kanyang sasakyan. Mayamaya pa, dahan-dahan nang lumabas sa compound ng mga San Diego ang kotse nito.
"Ang suplada at ang arte ng gerpren mo. Hindi namin siya gusto," sabi agad ni Marius nang makaupo na silang lahat sa loob ng sasakyan.
"Marius, ano ba? Kanina ka pa, a," saway uli ni Shiela.
"Kasi naman ang arte-arte niya, mama," sang-ayon naman ni Markus.
"Kahit na. Nakatatanda siya sa inyo kaya dapat n'yo siyang igalang. Tsaka girlfriend siya ni Sir Magnus."
"Bakit? Natatakot ka bang ipatapon tayo ni Mang Magnus sa labas kung sabihan nating pangit ang gerpren niya? Totoo naman iyon, e." Si Marius uli.
Napasulyap sa harapan ng kotse si Shiela at nagtama ang paningin nila ni Magnus sa salamin. Nag-init ang pisngi niya kaya binawi niya ang tingin.
"Tama na. Matulog na lang kayo, pwede?"
Sumimangot ang kambal, pero hindi na nagsalita pa. Mayamaya pa, nakita ni Shiela na nakatulog na nga ang mga ito. Inayos niya sa kandungan ang mga ulo nila. Nang sumulyap uli siya sa unahan, nakita niyang nakatingin uli sa kanila si Magnus. Umiwas uli siya ng tingin. Napatingin na lang siya uli rito nang dahan-dahang nagmenor ang kotse hanggang sa ito'y tuluyan nang huminto. Nagtataka siyang napasulyap uli sa lalaki na noo'y lumabas na ng sasakyan. Nabigla siya nang buksan nito ang pintuan sa backseat at pumasok na sa loob. At lalong hindi nakahuma ang babae nang maingat nitong binuhat si Marius at ilagay sa kandungan. Nilagay niya ang ulo ng bata sa dibdib at inayos ang posisyon nito para makatulog nang mabuti.
"Do the same with Markus, so he can sleep well," mando nito sa kanya. Walang imik na tumalima naman siya, pero sa loob-loob niya'y nagtataka siya na hindi man lang ito nainis sa pangungulit ng kanyang mga anak, lalung-lalo na ni Marius. Sa halip, mukhang nakagaanan pa niya ito ng loob.
Sumagi na naman sa isip ni Shiela na baka may naramdaman itong lukso ng dugo. Pero sa isang banda, naisip din niya na ganoon lang siguro ang lalaki dahil ang ku-cute naman talaga ng dalawa. Bago pa siya mangarap nang tuluyan, she reminded herself na walang tattoo si Magnus. Ang lalaking naka-one night stand niya ay may malaking swastika sa kanang braso.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top