CHAPTER TWENTY-TWO (Hidden Cams)


The worst kind of hurt is betrayal, because it means someone was willing to hurt you just to make themselves feel better.

----------------------------

Meara

            Nakatitig lang ako sa nakuha kong usb mula sa vase sa kuwarto ko. Sigurado ako na hidden camera ang button na may lens na kasama noon. Pero ano ang ginagawa noon sa kuwarto naming mag-asawa? Sino ang maglalagay noon? Imposibleng ang mga maids na naglilinis dito. Malabong may alam sila Manang sa mga ganitong bagay. Si Trixie? Imposible din. Hindi nakakapasok dito sa kuwarto iyon. Ang ibang mga tauhan ni Perry ay hindi rin nakakapasok dito. Tanging kaming mag-asawa lang at si River ang nakakapasok dito.

            At si Riel noong...

            Pakiramdam ko ay nanlamig ako sa naisip na iyon. Posible kayang siya ang may gawa? Maaari dahil siya lang naman ang bagong dating dito sa bahay. Pero bakit? Anong dahilan?

            Kinuha ko ang laptop ni Perry at isinaksak doon ang usb. Kahit bawal akong galawin ito ay ginamit ko na para makita lang kung ano ang laman ng usb na 'to. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang makita kong may video nga doon. Video ng mga nangyayari dito sa loob ng kuwarto nitong mga nakaraang araw. Napahawak ako sa dibdib ko dahil kitang-kita doon na bagong paligo ako at nagbibihis. Kita doon na natutulog ako sa kama katabi ang asawa ko. Lahat ng ginagawa ko sa loob ng kuwarto ay naka-record doon.

            Dinampot ko ang telepono ko at naisip kong tawagan si Perry para maisumbong ang natuklasan kong ito. Pero agad ko ding pinigil ang sarili ko. Baka kung ano ang gawin niya kay Riel. Naisip kong ako na lang ang kokompronta kay Riel para malaman ko kung ano ang dahilan niya at nagawa niya ang ganito sa amin.

            Hindi ko napigil ang sarili ko na mapaluha dahil sa sobrang disappointment na ginawa ito ni Riel. Bakit? Buong-buo na ang tiwala sa kanya ng anak ko at ganoon din ako. Akala ko katulad siya ni Chuck na mapapagkatiwalaan ko at magiging isang kaibigan na puwede kong masandalan sa oras na kailangan ko ng tulong. Pero itong ginawa niya ay pambababoy sa pamilya namin. Lalo na sa akin.

            Nanginginig ang kamay ko nang damputin ko ang telepono ko at i-dial ang number ni Riel. Nang sagutin niya iyon ay gusto ko siyang bulyawan at murahin pero pinigil ko ang sarili ko.

            "Good evening, Ma'am. May kailangan po kayo? Pabalik na ako diyan," iyon ang sabi niya.

            Napahinga ako ng malalim para kumalma ang sarili ko.

            "When you get home, I want you to drive for me somewhere."

            "May pupuntahan tayo?" Paniniguro niya.

            "Yes. Malapit ka na ba?"

            "Magpa-park na lang ako sa harap ng bahay. Kakarating lang."

            Ang galang-galang ng tono ni Riel. Kahit sino ay hindi maiisip na magagawa niya ang ganitong maglagay ng hidden camera sa silid ng kung sino.

            "Huwag ka ng bumaba ng sasakyan mo. Lalabas na ako. Iyang kotse mo na lang ang gamitin natin." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinutol ko na ang usapan namin. Dinampot ko ang usb at hidden cam tapos ay inilagay iyon sa bag ko. Dere-deretso akong lumabas at hindi ko na pinansin si River na nagtatanong sa akin kung dumating na daw si Riel.

            Deretso ako sa labas at nakita kong nakatayo sa tapat ng kotse niya si Riel. Kita ko ang pagtataka sa mukha habang palapit ako sa kanya.

            "Get in. Gusto ko nang umalis," seryosong sabi ko sa kanya at hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto at ako na ang gumawa noon para sa akin. Sa passenger seat ako sa harap sumakay at tahimik din siyang sumakay sa driver's seat. Hindi siya kumikibo habang pinapaandar paalis doon ang sasakyan.

            "Saan tayo pupunta, Ma'am?" Siguro ay hindi na siya nakatiis dahil ang tahi-tahimik sa loob ng sasakyan.

            "Just drive," pigil na pigil ko ang sarili kong bulyawan siya.

            Napatango lang siya at nag-drive pa din. Pinapabayaan ko lang siya kung saan kami dumadaan. Hindi ko rin kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil napupuno ng galit ang dibdib ko at ang gusto ko lang ay murahin at sumbatan ang lalaking kasama ko.

            "Stop the car."

            Nagtatakang tumingin siya sa akin dahil madilim itong kalsada na dinadaanan namin.

            "Ma'am?" Alam kong naniniguro siya kung tama ang narinig niya.

            "I said, stop the fucking car." Tumaas na ang boses ko kaya sinunod na niya ang sinabi ko.

            Ilang beses akong huminga ng malalim para umayos ang pakiramdam ko tapos ay tumingin ako sa kanya.

            "How's your day off?" Pilit kong kinakalma ang sarili kahit gusto kong sigawan at saktan si Riel.

            "Okay naman. I visited my father and did some personal things."

            "Like what personal things? Checking on those people that you spied?"

            Nagtataka siyang tumingin sa akin. Halatang naguguluhan sa sinasabi ko.

            "Who are you?" hindi ko inaalis ang tingin sa mukha niya. Gusto kong makita ang reaksyon niya sa bawat itatanong ko sa kanya.

            Kumunot ang noo niya at hitsurang nagtataka sa tanong ko.

            "Who the hell are you and what do you want with my family?"

            "Ma'am, ako ang bodyguard ni River. Driver 'nyo minsan. Nabasa 'nyo ang mga detalye ko. Ano pa ho ang kailangan 'nyong malaman?" napailing siya. "Is there something wrong? Something happened?"

            "You tell me. You god damn tell me what is going on."

            "Wala akong alam na nangyayari. May ginawa ba si River?"

            Hindi ako sumagot at kinuha ko lang ang usb at spy cam sa bag ko tapos ay ibinato ko sa kanya.

            "What the hell is that?" Nanginginig ang boses ko nang itanong iyon.

            Kunot na kunot ang noo ni Riel habang tinitingnan ang ibinigay ko.

            "Where did you get these?" Dinampot niya at tinitigan ang usb at spy cam na ibinato ko sa kanya.

            Natawa ako ng nakakaloko. "Hindi mo alam kung saan ko nakuha iyan? Samantalang ikaw ang naglagay niyan sa kuwarto namin? What are you? Are you sick? Are you a pervert? Pinapanood mo kung ano ang ginagawa namin sa kuwarto? Is that the only spy cam that you put in my house?"

            "Wala akong alam dito. I didn't know about these things. I am not going to do that. I am not going to spy on your family especially you." Nanlalaki ang mata niya sa akin.

            "At sino ang gagawa niyan? Ikaw lang ang nakapasok sa kuwarto namin noong nalasing ako at binuhat mo ako para dalhin sa kuwarto namin ng asawa ko. No one would do that but you. Why?!"

            "I didn't do this!" Tumaas na rin ang boses niya. "Someone is watching you?"

            "Yeah. Someone is watching me and my husband and that is you. Ang galing mong umarte. Kunwari ka pang concern sa anak ko at sa nangyayari sa akin pero mayroon ka pala kasing kabalbalang ginagawa." Doon na tumulo ang luha ko at mabilis kong pinahid iyon. "I don't want you to go back to my house. I don't want you to come near my son. I want you to resign and call my husband and tell him you're quitting and never show your face in my house."

            Nagtagis ang bagang ni Riel at halatang nagpipigil lang ng galit.

            "I didn't do it." Mahinang sabi nito.

            "Huwag ka ng magsinungaling. Pasalamat ka nga at hindi ko na ito sasabihin kay Perry. Pasasalamat ko sa iyo dahil nakasundo mo ang anak ko pero hindi ko mapapatawad itong kababuyan na ginawa mo." Pagkasabi noon ay binuksan ko ang pinto ng sasakyan at bumaba na. Bumaba din si Riel at hinabol ako.

            "Ma'am." Tawag niya habang sinusundan akong naglalakad. "Meara!"

            Ang talim ng tingin na ipinukol ko sa kanya lalo na nang maramdaman kong nakahawak siya sa braso ko. Agad naman akong binitiwan ni Riel at nasa mukha niya na naguguluhan at nagagalit.

            "Maniwala ka naman. Hindi ako ang may gawa niyan. Someone is watching you and you could be in danger."

            Napatawa ako ng nakakaloko. "Umaarte ka pa rin? Tumigil ka na. Alam ko na kung anong klase ka. Ang kapal ng mukha mo. Nakakadiri ka. Don't come near me." Itinulak ko pa palayo si Riel at pinara ko ang dumaang taxi doon. Naipagpasalamat kong bakante iyon at huminto ang driver. Agad akong sumakay at pinagmamadali kong pinaalis doon. Ayaw ko nang magtagal pa dito.

            Ang sama-sama ng loob ko. Naiiyak talaga ako sa galit at disappointment dahil sa nalaman ko. Pagdating sa bahay ay agad akong sinalubong ni River at tinatanong kung nasaan si Riel. Hindi ako kumibo at sinabihan ko lang siya na pumunta sa kuwarto niya. Dumeretso din ako sa kuwarto ko at para akong siraulo na pinagtitingnan ang bawat sulok noon dahil baka mayroon pang mga hidden cameras na nakatago. Maya-maya ay tumutunog ang telepono ko at si Perry ang tumatawag.

            "Anong nangyari? Bakit nag-resign si Riel?"

            Napalunok ako. Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoo. Siguradong tumawag na sa asawa ko ang lalaking iyon.

            "M-may importante daw siyang kailangang asikasuhin. Personal," pagsisinungaling ko.

            "What? Iyon lang ang dahilan? 'Tangina, Meara. Wala na akong makukuhang magtitiyaga diyan sa anak mo."

            Pinigil ko ang mapaiyak. "S-sigurado naman na makakakuha pa tayo ng kapalit niya na mas maayos at makakasundo din ni River."

            Napapalatak si Perry. "Sigurado akong hindi na natagalan ni Riel ang kagaguhan ng anak mo kaya nag-resign. Hindi na ako magtatapon ng pera para sa yayo ng anak mo. Hindi na ako kukuha ng kapalit ni Riel. Kung gusto mo, ikaw ang sumunod nang sumunod diyan sa sutil na batang iyan. Lagi na lang perwisyo." Bago pa ako makasagot ay pinutol na ni Perry ang pag-uusap namin.

            Marahan kong hinilot ang ulo ko dahil pakiramdam ko ay sasabog iyon sa dami ng iniisip. Noon naman bumukas ang pinto ng silid ko at nakasimangot na mukha ni River ang nakita ko.

            "Baby, what's wrong?" Nag-aalala kong tanong.

            "Why is Kuya Riel not coming back, Mom?" Nangingilid ang luha nito habang nakaharap sa akin.

            Napaawang lang ang bibig ko at hindi ko malaman kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyayari.

            "Why, Mom? I called him and he told me he is not coming back. And he told me he doesn't want to talk to me. He told me not to call him anymore," tuluyan nang napaiyak si River.

            Mabilis kong pinahid ang luha ko dahil pakiramdam ko ay nabibiyak ang puso ko sa nakikitang disappointment ng anak ko. Ganito na siya ka-close kay Riel kaya lalo lang akong nagagalit sa lalaking iyon.

            "Sometimes, people need to choose to do something else. He needs to do something personal and he chose to do that." Iyon na lang ang nasabi ko.

            "No. He promised he will come back for me. I don't believe that he is going to leave me. I need to see him." Umiiyak na sabi niya.

            Tumayo ako at niyakap ang anak ko. "Baby, I want you to understand-"

            Marahas akong itinulak ng anak ko. "No! I know this is what you wanted. You hated him. Kuya Riel is my only friend and you hated him. You don't want him that's why you wanted him out of here. I hate you, Mom. I hate you!" Pagkasabi noon ni River ay tumakbo ito palabas ng silid. Hindi ko na lang sinundan at pinabayaan na lang muna ang anak ko. Kahit ako ay hindi na malaman ang gagawin sa sitwasyon na ito.

            Pabagsak akong naupo sa harap ng mesa na naroon at nakatitig lang sa laptop ni Perry. Binuksan ko iyon at hinanap ko ang video na kinopya ko kanina galing sa usb na nakuha ko. Nagsisi ako at hindi ko iyon nakuha nang ibato ko kay Riel kanina. Napapailing ako habang pinapanood iyon at inis na binura. Nakatitig ako sa mga folders na nasa desktop ng laptop ng asawa ko. Ang daming mga folders na iba-iba ang pangalan. Sigurado akong tungkol iyon sa trabaho niya. Lumilipad ang isip ko at wala lang akong tigil ng kaka-click ng mga folders na naroon hanggang sa makita ko ang isang folder na ang nakalagay na file name ay 'MEARA_HOT'.

            Napa-deretso ako ng upo at kunot-noong nakatitig sa folder na iyon. Ikini-click ko ang folder at nakita kong mga videos ang laman noon. Ano 'to? Nag-click ako ng isa at nakita kong video iyon dito sa kuwarto. Tulad ng video nang nakita ko kanina. Pero mukhang mas malala ito. Nakita ko ang sarili kong tulog na tulog sa kama. Hindi ko maalala ito. Parang isa ito sa mga pagkakataon na nalasing ako. Lalong napakunot ang noo ko nang makita ko si Perry na pumasok sa kuwarto at tumayo sa paanan ng kama habang nakatitig sa akin tapos ay isa-isa niyang tinatanggal ang suot niyang damit. Nanlaki ang mata ko nang tumungo siya sa kama at ako naman ang hubaran niya. Naitakip ko ang kamay sa bibig ko nang makita ko ang ginagawa niya sa akin. What the hell was this? I didn't know this. During the course of our marriage, my husband and I didn't have a normal sex. Madalang pa sa patak ng ulan kung magkaroon kami ng aksyon sa kama. I could feel that he didn't want it. Ang dahilan niya ay dahil sa naging problema niya noon sa pagkalalaki niya. But this. I am seeing him like a monster devouring me. Oh God. What the fuck was he doing to me? He was like an animal. This was not making love. He was enjoying fucking me while I was passed out.

            Nanginginig ang mga kamay ko habang ini-exit ko ang video at ikini-click pa ang ibang video. Ganoon din. Mga video habang tulog na tulog ako at ganoon ang ginagawa niya. I watched it up to the end. When he was done, he was looking at my naked body still sleeping. Smiling like the devil did something that he accomplished and proud of. He stood up and went straight to the hidden camera and took it.

            I cried when I was clicking all of the videos. All of it was me. There were so many of it. He was taking a video of me and God knows what he was going to do with all of these.

            I felt sick to my stomach and I cried so hard when I realized the truth.

            It was not Riel who put up the hidden camera.

            It was my husband.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top