CHAPTER TWENTY-THREE (Fired)
Anger is a punishment we give to ourselves for somebody else's mistake.
Riel
"Yes, Sir. I am so sorry for the short notice. Importante lang kasi talaga ang personal kong gagawin."
Paulit-ulit ang tanong sa akin ni Perry Azaceta kung bakit kailangan kong mag-resign bilang bodyguard ni River.
"Biglaan? Suweldo ba ang dahilan?" Alam kong naiinis ang kausap ko.
"Hindi, Sir. Personal lang ho talaga." Pagsisinungaling ko.
"Damn it. I knew it. Siguradong dahil sa batang iyon. Wala talagang tumatagal na bodyguard sa gagong iyon."
"Hindi si River. Kahit kailangan hindi siya magiging dahilan para umalis ako. Mabait na bata iyon. Hindi 'nyo lang siya maintindihan," pinigil ko na ang iba pang gusto kong sabihin sa kanya. Baka mamura lang ako nito kapag sinabi kong siya ang dahilan kung bakit ganoon si River.
"Whatever. Thanks for your short stay with us." Pagkasabi noon ay pinatayan na niya ako ng call. Halatang napikon nga sa sinabi ko.
Pabagsak akong napaupo sa sofa at napatingin sa usb at spy cam na ibinato sa akin ni Meara kanina. Tumunog ang telepono ko at pangalan ni River ang nag-register doon. Kanina pa nga ito tumatawag sa akin bago ko pa tawagan si Perry. Walang tigil ang tawag tapos panay pa ang send ng text. Tanong nang tanong kung anong oras ako babalik doon.
Dinampot ko ang telepono ko at tinitigan lang ang pangalan ni River na lumalabas sa screen. Natapos ang tawag at ngayon ay text na naman niya ang na-receive ko.
Kuya Riel, what time are you coming back?
Kuya Riel, why are you not answering your phone? I am here in your room. I am waiting for you.
Kuya Riel, I have something for you. This is a surprise. Please come home.
Sunod-sunod ang text ni River kaya inis kong ibinato ang telepono sa sofa. Naisuklay ko pa ang mga kamay ko sa buhok ko at napayuko. 'Tangina, paano ko ba ipapaliwanag sa bata na tinanggal na ako sa trabaho ng nanay niya? Paano ko sasabihin na kahit kailan ay hindi na kami puwedeng magkita?
Muli ay tumunog ang telepono ko at si River na naman ang tumatawag. Napilitan na akong sagutin iyon at damang-dama ko ang excitement kahalo na ang pag-aalala sa boses niya nang sagutin ko ang tawag niya.
"Kuya! Finally, you answered. What time are you coming home?"
Napahinga lang ako ng malalim at napailing.
"I have something for you. You know I have this Lego blocks that I wanted to build but I can't do it, and I think with your help we could do it together." Excited na sabi niya.
Napabuga ako ng hangin at marahang hinilot ang magkabilang sentido.
"River, something happened and..." napatikhim ako at muling bumuga ng hangin. "I can't go back there anymore."
Hindi agad nakasagot ang bata sa sinabi ko. Naririnig ko lang ang mabilis nitong paghinga.
"River..."
"What do you mean you cannot go back? You said you'll come back. Why? What happened?" Pati ang puso ko ay parang nadudurog sa naiiyak na boses niya.
"There is something personal that I need to do and I have to give up my job there," pakiramdam ko ay may nakabukol na kung ano sa lalamunan ko. Alam ko ang nararamdaman ni River dahil ganito rin ang mararamdaman ko kung ang taong pinagkakatiwalaan ko ay bigla na lang akong iiwan sa ere. River was a fragile boy and I was mad at Meara that she couldn't see that her child needed help. My help.
"You're giving up on me?" Pumiyok na ang boses niya at alam kong naiiyak na.
"No. I will never give up on you. I was trying my best but there are circumstances that happened, and I couldn't do anything."
"Liar! You don't want me! You're just like my father! You're just like everybody else." Humagulgol na siya ngayon.
"Come on, River. Please. It's not like that. Please understand that..."
Wala na akong narinig kundi busy tone na lang. Sinubukan kong tawagan uli si River pero naka-off na ang telepono nito. Ngayon ako nagagalit kay Meara dahil sa ginawa niya. Ito ang consequences ng hindi niya pakikinig sa akin. Pareho pa silang mapapahamak ni River dahil sa ginawa niya dahil hindi niya alam sino ang naglagay ng spy na cam na iyon sa kuwarto nila.
Napatingin ako sa labas ng bahay nang marinig kong tumunog ang gate. Tumayo ako at kinuha ang baril na nasa bag ko at ikinasa iyon. Sumilip ako sa bintana at napahinga ng malalim nang makilala ko ang sasakyan na nakaparada sa tapat. Inalis ko sa pagkakakasa ang baril at pahagis na binitiwan ang baril sa ibabaw ng mesa tapos ay binuksan ang pinto. Nakatayo doon si Ghost at inaayos pa ang suot na suit. Ngumiti pa ng nakakainis nang tumingin sa akin.
"I have a doorbell." Nilakihan ko ang bukas ng pinto at tinalikuran na siya. Tuloy-tuloy naman na pumasok si Ghost at lumilinga-linga pa habang tinitingnan ang paligid ng bahay ko.
"Nice house." Tumatangong sabi niya.
"Why are you here? Are you ready to listen to me?" Pigil na pigil ko ang galit ko. Sa totoo lang nagpapatong-patong ang inis ko dahil sa mga nangyayari. Sa ginawa ni Meara, sa galit ni River sa akin. Ako pa ang napagbintangan na naglagay ng spy cam na iyon. Tapos sumabay pa itong si Ghost na tumatanda yata ng paurong dahil sa kulit.
Kumumpas siya sa hangin at pinagpag pa ang couch sa tapat ko bago naupo doon. Tinanggal ang pagkakabutones ng suit at dumekuwatro pa tapos ay nakangiti sa akin. Parang hindi man lang nag-aalala sa sinabi ko sa kanya na hinahunting siya ng tatay ko.
"I am always listening to you." Tiningnan niya ang bote ng cognac na nasa tabing mesa ng couch at binuksan iyon tapos ay inamoy. "May I?"
Tumango lang ako at muli niyang inamoy iyon at tumayo tapos ay tinungo ang kusina ko. Sinusundan ko lang siya ng tingin kasi kung gumalaw siya sa bahay ko ay parang sanay na sanay na siya dito. Alam kung saan kukuha ng baso.
Nagsasalin siya doon ng alak habang naglalakad pabalik sa sala. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya at tinitingnan ang bawat galaw niya. Napapikit pa nga nang uminom ng cognac tapos ay napasipol pa.
"This taste good. You have a good taste, Riel. It shows in your house. The things here. Sabi ko na noon nang una akong mapunta dito na maayos ka talaga." Tumatango-tango pang sabi nito.
Napakunot ang noo ko. "You've been here? When?" Ngayon pa lang nakarating sa bahay ko si Ghost kaya ano ang sinasabi niyang nakapunta na siya dito?
Sumenyas siya ng sandali at inubos ang laman ng basong iniinom at saglit na huminto para namnamin ang alak sa bibig. Tumikhim at ngumiti sa akin.
"Before. When I was still checking on you." Kaswal na sagot niya.
"You stalked me?" Paniniguro ko.
Natawa siya. "You could say that. If checking on my soon to be apprentice can be called stalking, then you can say it's stalking. I want to know the person first before I offer him or her a partnership with me. And, I like you that's why I offered you to work with me. I like the anger in you."
Sinamaan ko siya ng tingin at napailing lang.
"You looked pissed." Komento niya.
"I am. I am pissed with you. With the damn case that you gave me. I am pissed at Perry. At Meara. I am pissed at everything." Naikuyom ko ang mga kamay ko at gusto kong suntukin ang kahit na anong makita ko.
"That's good. You're angry and that is good." Kalmadong sagot ni Ghost.
"And what is good at being angry? Are you a psychopath?"
Ang lakas ng tawa ni Ghost sa sinabi ko.
"Am I a psychopath?" naiiling na tumatawa siya tapos ay nagkibit ng balikat. "I don't care what people are calling me. Monster. Murderer. Crazy asshole. And psychopath from you. But to those people, to those souls that I saved, I am something."
"What? Like their hero? Hero ka diyan. Walang hero na matigas ang ulo. I am telling you, you are in danger. My father won't stop until he catches you. And did you know that he was asking me to join him?" Napabuga ako ng hangin. "They have a list of your cases. They know your aliases. Your connivance with some syndicate. Kahit alam ko naman na para sa kabutihan ng iba ang ginagawa mo, still, you are putting the law in your hands. And that is illegal."
Tumaas ang kilay niya sa akin. "And you're telling me that? Aren't you on the side of the law before? Aren't you catching my kind? But how come there was a dead body in that resort last time? And why did you choose to be on my side?" Ngayon ay seryoso na siyang nakatingin sa akin.
Hindi ako nakasagot at napahinga na lang ng malalim.
"Tingin mo ba natatakot ako sa tatay mo? Kahit si Lucifer ang iharap mo sa akin, baka tumakbo lang pabalik ng impiyerno iyon. Sa tingin mo ba natatakot ako sa mga kasong hawak ng tatay mo laban sa akin?" Napalunok ako sa paraan ng pagkakangiti ni Ghost. Kapag ngumingiti na talaga ng ganito ang isang ito, totoong kahit si Lucifer ang iharap dito ay tatakbo palayo. "No one is perfect, Riel. Trust me. Even your so-called father is hiding something dark from you."
"Don't cross the line, Ghost. I hate those scumbags that are pretending to be the good guys in the police department. And the one that took care of me is far different from them. Maayos na pulis si Tatay Javier. Hinding-hindi siya naging katulad ng mga kasamahan niya." Mariing sabi ko.
Sumenyas na parang sumusuko si Ghost sa akin at ngumiti.
"All right. My apologies. My bad. You said he is good then he is good. Now that you're pissed, what is your plan? To Meara and the kid?"
Doon ako bahagyang kumalma. "I don't know. She fired me. She told me to stay away from them especially her son."
"Why?"
Itinuro ko ang usb at maliit na spy camera. Dinampot iyon ni Ghost at tiningnan.
"You didn't do this?" Paniniguro niya.
"Hindi ako ganyan magtrabaho. I am a fucking investigator not a voyeur. But she thinks I did that. That I was spying on them. Who the fuck put that spy camera in their room? There could be someone spying them in that house and they are in danger."
"You said you're an investigator, then investigate. But like what I've said, you need to be ready for what you're going to uncover about Meara. Huwag mo ring pag-aksayahan ng pansin si Perry. Ako na ang bahala sa kanya. Besides, I always wanted to be a doctor for a day. I wanted to feel how to be a God like what he was telling me."
"Are you sure?" Ngayon ako nakaramdam ng hiya kay Ghost. Ako ang pinapatrabaho niya kay Perry pero dahil sa mas na-focus ako sa kalagayan ni Meara at sa anak nito ay hindi ko na naintindi ang talagang case na hawak ko.
"Of course. Nakaka-miss din naman ang ganito. I miss playing with these people. Letting them think that they are in my head. Well in fact, I am the one playing with them." Tumayo si Ghost at inayos ang sarili. May dinukot ito sa bulsa ng suot na suit. Kapirasong papel iyon at inilapag sa mesa. "You can start by asking him. He knew something about what happened to Meara ten years ago."
Pagkasabi noon ay lumakad na siya palabas ng bahay ko. Dinampot ko ang papel at nakita kong pangalan ni Vic Varona ang naroon at address nito. Mahina akong napamura at tiningnan ang dinaanan ni Ghost. Wala talagang maitatago sa matandang iyon. Kahit yata sa dulo ng mundo magtago ang isang tao ay matutunton nito.
Isinuksok ko ang papel sa bulsa ko at dinampot ang susi ng sasakyan. Pupuntahan ko si Vic at kung hindi ko man siya nalumpo noong una, malamang ngayon, pagagapangin ko na siya kung hindi sasabihin sa akin ang nalalaman niya tungkol sa nangyari noon kay Meara.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top