CHAPTER TWENTY (Suicide)


Everyone is like a moon, and has dark side which he never shows to anybody. - Mark Twain

----------------------

Meara

Damn headache.

Ayaw ko pa sanang bumangon sa kama pero walang tigil ang katutunog ng telepono ko. Kahit groggy pa ay pinilit kong bumangon at hinanap iyon. Nang makuha ko ay tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Perry.

"Tulog ka pa rin? Gumising ka na diyan!" Iyon agad ang bungad niya.

"Perry? Where are you?" Disoriented pa rin ako. Ano na nga ba ang nangyari? Nalasing ako ng sobra kagabi dahil sa wine na nainom ko tapos sinabayan ko pa ng sleeping pill.

"Mag-check out na kayo ngayon. Umuwi na kayo."

"What?" Napabangon na ako sa narinig na sinabi niya. "Akala ko ba three days and two nights tayo dito? Hindi pa nakakapag-enjoy si River. Saka nasaan ka ba?"

"Nauna na akong bumalik dito sa Manila. May emergency. Umuwi na kayo," bago pa ako makasagot kay Perry ay pinatayan na niya ako ng call.

Tumitingin ako sa paligid at napahinga ng malalim. Marahan ko pang hinilot ang ulo ko at pinilit na tumayo mula sa kama. Deretso ako sa banyo at humarap sa salamin. Napangiwi ako nang makita ko ang hitsura ko. As usual, I looked like a mess. Magugulat pa ba ako sa makikitang hitsura ko sa salamin? Pinagbuhatan ako ng kamay kagabi ni Perry kaya natural marami na namang puro pasa ang mukha ko. Tiningnan ko ang leeg ko at nagsisimula nang makita lalo ang bakas ng kamay niya doon. Napailing na lang ako at dumeretso sa shower at naligo. Maiintindihan naman ni River kung kailangan na naming umuwi agad. Siguradong mag-aaway na naman kami ni Perry kung hindi ko susundin ang gusto ng asawa ko. Nang matapos ay agad akong nagbihis at pinagtuunan ko ng pansin na takpan ng concealer ang mga pasa ko sa mukha. Ayaw kong makita ni River na ganito ang hitsura ko. Ayaw kong masira ang mood niya dahil malalaman niyang sinaktan ako ni Perry. Ang saya-saya pa naman ng anak ko kahapon. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang humahalakhak at talagang kitang-kita ko na masaya siya na kasama si Riel.

Nawala ang ngiti ko sa labi nang maalala ko ang mga pinag-usapan namin ni Riel. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko tungkol sa kanya. Nakaramdam ako ng awa dahil siguradong masakit ang nangyari sa kanya. Nagawa nga niyang patayin ang taong nananakit sa nanay niya pero hindi rin niya nailigtas. Kaya siguro siya ganoon na lang kay River. Kaya siguro talagang iniintindi niya ang anak ko. Alam niya kasi na pareho sila ng pinagdadaanan. Ang kaibahan nga lang, alam ko na hindi magagawang saktan ni River ang kinalakihan niyang ama.

Nang matapos ako ay kumatok ako sa pinto ng silid ni River. Bumukas iyon at si Riel ang nagbukas sa akin. Tipid siyang ngumiti at bumati ng good morning. Ang anak ko ay kumakain ng almusal at nanonood ng TV.

"Good morning, baby." Bati ko at lumapit kay River. Humalik pa ako sa noo niya at tiningnan kung ano ang kinakain niya. "What's your breakfast?"
"Kuya Riel ordered pancakes for me. With bacon and sausage." Nakita kong dinampot ni River ang baso ng gatas at tuloy-tuloy iyong ininom. Napakunot ang noo ko. Ayaw na ayaw uminom ng gatas ng anak ko. Nag-aaway pa kami nito para lang ubusin niya ang gatas na iginagawa para sa kanya. Pero ngayon, talagang ubos ang laman ng baso.

"From now on Mom, I am going to finish my food and I am going to drink my milk. It tastes good," nakangiti pang sabi niya.

Pasimple akong tumingin sa gawi ni Riel at tahimik lang itong nag-aayos ng mga gamit niya.

"You like milk now?" Paniniguro ko.

"Yes Mom. Kuya Riel told me that milk is good for the body. And from now on, I am going to eat all the vegetables that you want me to eat. So, I am going to be strong." Itinaas pa ni River ang braso niya at i-pini-flex sa harap ko.

Napangiti ako at napakagat-labi habang nakatingin sa anak ko tapos ay tumingin ako kay Riel na nakita kong nakatingin na sa akin. Sobrang attached na ang anak ko kay Riel. Good influence ang lalaki sa anak ko. Ginulo ko pa ang buhok ni River tapos ay nilapitan ko ang mga gamit ng anak ko para ligpitin iyon.

"Kailangan na nating umalis. Tumawag sa akin si Perry at nauna na siyang bumalik sa Manila. We need to go back too," sabi ko kay Riel.

"Tumawag na rin sa akin si Sir. Sinabi na rin na uuwi na rin tayo." Sagot niya.

Napahinga ako ng malalim at tumingin sa anak ko tapos ay muling humarap sa kanya.

"Puwede bang ikaw na lang ang magpaliwanag sa kanya kung bakit kailangan nating bumalik ng Manila agad? Kung ako kasi siguradong magta-tantrums lang siya. At least sa'yo, mukhang naniniwala sa bawat sinasabi mo ang anak ko."

Tumango lang si Riel habang nanatiling nakatingin sa akin. Automatic na napahawak ako sa mga pasa ko sa mukha dahil baka halata pa iyon at iyon ang tinitingnan niya.

"Don't worry. Hindi na obvious. Natakpan na ng make-up," sabi niya sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanya at hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng hiya. Biglang gusto kong masigurado kung maayos ba ang hitsura ko sa harap ni Riel. Baka naman sobrang kapal ng foundation at concealer ko sa mukha kaya niya ako tinitingnan.

"Nakatulog ba kayo ng maayos?" tanong pa niya.

Tumango lang ako. "O-okay naman. Sorry. I think I had too much to drink last night. Kung nangulit man si River kagabi at hindi 'nyo ako magising, pasensiya na. Sometimes I drink wine and take sleeping pills all at once para makatulong na makatulog ako. I am having hard time to sleep. Nagising pa ba si River kagabi?"

Umiling siya. "Dere-deretso naman ang tulog niya and don't worry. Wala namang nangyari kagabi. Everything was smooth and peaceful." Ngumiti pa siya sa akin.

Lumitaw ang magandang set ng ngipin ni Riel. Ang ganda ng mga ngipin niya. Bagay talagang i-flaunt sa tuwing ngingiti siya. Minsan ko lang naman kasi talagang makitang ngumiti ang lalaking ito kaya ngayon ko lang napansin iyon. Siguro ay napansin ni Riel na nakatitig ako sa mukha niya kaya bahagyang tumaas ang kilay niya at hitsurang nagtatanong ang mukha.

"T-thank you. We need to prepare. I'll go to fix my things too." Nagmamadaling nagpaalam na ako sa kanya at muling pumasok sa silid ko. Doon lang ako parang nakahinga ng maluwag at napahawak pa ako sa dibdib ko. Naupo ako sa gilid ng kama at damang-dama ko na ang lakas-lakas ng kabog noon.

What was wrong with me? Bakit ganoon? Bakit biglang iba ang pakiramdam ko sa presensiya ni Riel? Dahil ba sa mga napag-usapan namin kagabi kaya pakiramdam ko biglang nakilala na namin ang isa't-isa? Pakiramdam ko ay naiintindihan niya ang kalagayan ko dahil may personal experience siya na ganito. He was not going to judge me why I chose to stay with Perry. Why I was allowing my husband to abuse me. Napahinga ako ng malalim at unti-unting napapangiti. I felt I found another Chuck. Another person that I could trust.

Another Chuck nga ba? O nakatagpo ka ng lalaking talagang nagpapakabog ng dibdib mo hindi sa kaba kundi sa kilig?

And where the hell that thought came from? Ako kinikilig? At kay Riel? Jesus, I am married and I am not going to feel anything for that man. Riel was just...

A hottie.

What? No! Inis kong kinatok ang ulo ko. Ano ba itong mga pumapasok sa isip ko? Epekto na yata ito ng mga sleeping pills na iniinom ko para lang makatulog. O epekto ng mga malalakas na kutos na ibinibigay sa akin ni Perry kaya nakalog na ang ulo ko at kung ano-ano na ang pumapasok. Pati ba naman si Riel? Nakakahiya sa tao kung malalaman niyang kung ano-ano ang naiisip ko tungkol sa kanya.

Pero napakunot ang noo ko nang makarinig ako na may ibang boses na nagsasalita sa kuwarto nila River. Tumayo ako at sumilip sa bahagyang nakabukas na pinto. Tumaas ang kilay ko nang makita kong si Trixie ang nasa loob at hitsurang natataranta habang nasa tabi ni Riel. Anong nangyari? Bakit umaarte ng ganito ang babaeng ito? May pahawak-hawak pa sa braso ni Riel.

"Nakakatakot. Gusto ko ng umuwi," ngayon ay tuluyan pang yumakap ito kay Riel.

Noon ko na binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Agad na lumayo si Trixie kay Riel nang makita ako at tipid na ngumiti sa akin.

"Good morning, Ma'am." Pilit na pilit ang ngiti niya sa akin. "Pinapunta ako dito ni Sir Perry para i-check kung naka-ready na kayo. Gusto na niyang bumalik na tayo sa Manila."

"Nag-aayos na kami." Seryoso kong sagot sa kanya at nilapitan ko ang mga gamit ni River para personal na ayusin ang mga iyon. Kahit na hindi ako nakaharap sa kanila ay nakikita ko naman kung ano ang ginagawa nila. Ayaw kong umalis na nandito ang babaeng ito. Napakaharot at hinaharot pa niya si Riel sa harap ng anak ko.

"Ang daming pulis sa baba. Nakakakaba talaga. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko tingnan mo." Pagkasabi noon ay kinuha pa ni Trixie ang kamay ni Riel at walang sabi-sabing ipinatong sa dibdib nito. Parang nahihiya naman na binawi iyon ni Riel at alanganing napatingin sa akin. "'Di ba dati kang pulis? Baka mga kasamahan mo 'yon. Kasi katulad mo rin. Mga hottie," sa pagkakataong iyon humagikgik na si Trixie.

"Pulis?" Napahinto ako sa ginagawa ko at humarap sa kanila. Tahimik lang si Riel at alam kong asiwa na dikit na dikit sa kanya si Trixie.

"Yes, Ma'am. May natagpuan daw patay na guest sa isang banyo. Nag-suicide. Nagbigti."

"What?" Napatingin ako kay River at agad kong kinuha airpods nito at inilagay sa tainga para hindi marinig ang pinag-uusapan namin.

"Patay? May patay dito sa hotel?" nanlalaki ang matang tanong ko.

Sunod-sunod ang tango ni Trixie. "Oo, Ma'am. Kaya siguro gusto ni Sir Perry na umalis na tayo agad. Tawag nga nang tawag sa akin para i-check kung nakabiyahe na tayo. Na-settle ko na rin naman ang bill natin. Kayo na lang talaga ang hinihintay ko."

Dali-dali kong niligpit ang mga gamit ng anak ko. Ayaw kong magtagal dito. Ayaw kong makakita ng mga ganitong klaseng sitwasyon si River. Baka ma-trauma ang anak ko.

Tinulungan naman ako ni Riel na ayusin ang gamit ni River. Nang matapos ay sabay-sabay na kaming bumaba at totoo nga na napakaraming pulis doon. May ambulansiya pa. May SOCO. Halos lahat ay natataranta sa nangyayari.

"Do you know what happened?" Tanong ko kay Riel nang nasa lobby kami ng hotel at hinihintay namin ang valet driver na magdadala ng sasakyan namin.

Umiling siya. "Hindi, Ma'am."

"Pero sino kaya? Kawawa naman ang naiwang pamilya ng nagpakamatay."

Hindi kumibo si Riel at nagpaalam sa akin para i-check ang sasakyan namin. Tumitingin lang ako sa paligid para alamin kung ano ang nangyayari doon. Busy ang halos lahat ng mga tao. Ang pangit isipin na ang mga taong nandito ay gusto lang mag-unwind pero ganito at may matatagpuang patay.

Lumapit si Trixie at sinabing dumating na ang sasakyan namin. Lumakad kami patungo sa lobby at pinagbuksan pa ako ng pinto ni Riel. Naunang sumakay si River at nang pasakay na ako ay sakto naman na nakita ko sa dulong bahagi ng hotel na may inilalabas na stretcher na mayroong nakatabon ng kumot. Sigurado akong iyon ang nagpakamatay. Sinusundan ko lang ng tingin ang stretcher at nai-imagine ko ang sarili ko na nakaratay sa stretcher na iyon at walang buhay.

"You get inside the car, Ma'am."

Napatingin ako sa nagsalita at nakita kong nasa tabi ko na si Riel. Nakatitig sa mukha ko habang hawak niya ang pinto ng kotse.

"W-what?" Noon lang ako parang natauhan. Nang muli akong tumingin sa tinitingnan ko kanina ay nakasarado na ang ambulansiya na pinagsakyan stretcher.

"Get inside the car, Ma'am. We're leaving." Isinenyas pa niyang sumakay ako sa loob.

Tumango lang ako at sumunod sa sinabi niya. Agad na pinaandar ni Riel paalis doon ang sasakyan. Wala kaming imikan habang nasa biyahe. Naipagpasalamat kong busy si River sa pananood sa tablet niya. Si Trixie lang talaga ang maingay na panay na naman ang dikit kay Riel.

"Nakakakaba naman talaga. First time kong naka-experience ng ganoon. May nagpakamatay."

Napairap ako sa arte ni Trixie. Kinuha ko na lang ang telepono ko at nag-browse doon. Nasa balita na ang tungkol sa natagpuang patay sa hotel na pinanggalingan namin. At nanlaki ang mata ko nang makita ang pangalan ng biktima.

Morris Francisco.

Napahawak ako sa dibdib ko at inisip kung iyon ang kaibigan ni Perry na ipinakilala sa akin. Kung iyon ang lalaking nandito din at kasama namin kahapon.

Agad kong tinawagan si Perry at matagal bago sinagot ang tawag ko. Damang-dama ko pa ang iritasyon nang sagutin ang tawag ko.

"Something happened in the hotel." Sabi ko sa kanya.

"I know. Kaya ko nga kayo pinaalis na diyan. Nasa biyahe na kayo?" Malamig na malamig ang tono ng salita niya.

"Yeah. Perry, Morris Francisco ang pangalan ng namatay sa hotel. Siya ba ang..."

"Yes. It's him," napahinga pa siya ng malalim nang sabihin iyon.

"What?" Halos sa sarili ko lang nasabi iyon. "P-pero... he was okay yesterday. He was with us."

"I don't know what happened, Meara. Pulis ba ako para malaman ko kung ano ang nangyari? It was a suicide. He did commit suicide according to the reports. At saka bakit ka interesado? You like him?"

"What? No! Ano ka ba? Kakilala mo 'yong tao kaya ako nagtatanong. Na-meet ko din kaya nakakagulat na ganoon ang nangyari." Katwiran ko.

"Sige na. I have so many things to do. Istorbo ka," hindi ko na nakuhang sumagot at pinatayan na niya ako ng call. Napahinga na lang ako ng malalim at ibinalik ang telepono sa bag ko. Nang tumingin ako sa rearview mirror ay nakita kong nakatingin sa gawi ko si Riel. Nang makitang nakatingin ako ay agad na nagbawi ng tingin at itinutok sa kalsada. Patuloy pa rin sa pagkukuwento si Trixie at hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon iyon. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at minasdan ang kalsadang dinadaanan namin.

Sa isip ko ay hindi nawawala ang mga ikinuwento sa akin ni Riel. Ang tungkol sa nanay niya. Tungkol sa nagawa niya sa stepfather niya. Sa paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na kailangan ko ng iwan si Perry hangga't may panahon pa.

A part of me was telling to go. To run away from my husband. I had to stand up for myself to save me and my son.

How would I do it? I didn't know yet.

Nang makarating kami sa bahay ay agad na tumakbo papasok si River. Nauna na din akong pumasok sa loob dahil hindi ko na matagalan ang kaartehan ni Trixie. Parang ngayon ako nakaramdam ng pagod at pabagsak na nahiga sa kama. Ang daming mga nangyayari. Nakaka-overwhelm. Napatingin ako sa bote ng wine na nakapatong sa ibabaw ng shelf at pakiramdam ko ay tinatawag ako noon. Umiling ako. Hindi. Mula ngayon hindi na ako iinom. Pero muli ay napatingin ako doon kaya inis akong bumangon at kinuha ang bote ng wine. Pagkuha ko ay natabig ko ang katabi nitong vase at bumagsak iyon sa carpeted floor ng silid. Hindi naman nabasag pero kumalat sa lapag ang mga halaman at lupa ng halaman.

Pero hindi ko intindi ang bumagsak na vase. Ang mas nakapukaw ng pansin ko ay ang maliit na button na parang may lens. Sigurado akong nanggaling ito sa halaman sa vase na natabig ko. This was weird. Naka-konekta pa sa usb. Hitsurang parang itinago lang dito.

Dinampot ko iyon at kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa mga iyon.

What the hell were these? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top