CHAPTER TWENTY-SIX (Fighting Back)


She needed to wake up. Stand up and fight back - Unknown

---------------------------------

Meara

            "What are your plans?"

            Whose voice was that?

            "For now? I don't know."

            That was Riel. I was sure. That was Riel's voice. Napangiwi ako nang bahagya akong gumalaw. My whole body felt sore.

            "Hindi puwedeng wala kang plano. May sabit itong ginagawa mo. Technically, she is married and her husband is going to look for her."

            Nanatili akong nakahiga at tumingin sa paligid. This was not a hospital. Marahan kong hinawakan ang ulo ko at napapikit pa dahil sumasakit iyon. Those voices were there somewhere. Pero ang isip ko ay bumabalik sa lahat ng nangyari sa akin.

            Perry beat me. Almost killed me. He made me a prisoner in that hospital. I knew he was going to kill me. But Riel...

            Doon na ako tuluyang napaiyak pero pinigil kong makalikha ng ingay dahil ayaw kong malaman niya at ng kausap niya na may malay na ako. Riel was there. He helped me escape. He helped me to get away from that hell.

            Impit akong napahagulgol at sa konting paggalaw lang ng katawan ko ay para na akong maiihi sa sakit.

            "I am not going to give her back to her husband. You know what will happen to her. She will die if her husband finds her."

            "Pinapaalalahanan lang kita. Her husband is rich. Powerful. He could do anything to find her. It's just a matter of time until he finds about what you did."

            Sino ba ang kausap niya? Bakit kilala si Perry? At bakit parang kilala din ako?

            "She will stay here. I can't let her go for now. She needs to recover. She needs to be safe. You saw what happened to her."

            Narinig kong huminga ng malalim ang kausap ni Riel.

            "Perry is a fucking monster. Gago ang walanghiya. I know men who hurt women, but Perry is the worst. He could have killed her."

            "Kaya mas lalong hindi dapat makabalik si Meara sa asawa niya. I don't want her to end up like my mother. I don't want her son to end up like me. This is my chance to change their lives."

            Si River. Lalo akong napaiyak. Ang anak ko. Baka kung ano na ang ginawa ni Perry sa anak ko.

            "All right. Wala na naman akong magagawa. I think you already made your decision. Just be ready for all the consequence of this. I warned you."

            "Kahit ano pa, haharapin ko. I won't give up on her."

            "You need to plan. For now, she will need a good lawyer and a good doctor. Doctor na hindi affiliated sa hospital ni Perry para sa medico legal niya. We already covered for that dahil na-check na naman siya ni Mervin and you heard what he said. She's out of danger. Her wounds will heal. Sa lawyer, ako na rin ang bahala. I'll talk to Eli, his name is Elias Suarez. He is one my best lawyers. He can help her to file a case against Perry."

            "Sige. I am so sorry if I can't help you with Perry's case. I need to help her first."

            Narinig kong tumawa ang kausap ni Riel. "Don't worry about it. I am already in. As a matter of fact, I have a schedule operation tonight with him. Ako na ang bahala dito. You have your own case already."

            "Thank you." Dama ko na bukal iyon sa loob ni Riel.

            "Umm... have you talk to your father?" Tanong ng kausap.

            "Not yet. Hindi pa ako dumadalaw sa kanya ulit. Baka matagalan pa."

            "Call him. Ask him about the case they have against me. If they want you to be in their group, it's okay with me. I know blood is thicker water."

            "Ano ba ang sinasabi mo? Bakit ako sasali kina tatay? Saka pinagsasasabi mong blood is thicker than water? I am his adopted son, remember? And I already jumped to the other side and killed people against the law. Why do think I will join him against you?"

            "Baka lang magbago isip mo. Anyway, just look what they got in me. Maigi na ang handa tayo sa lahat. I'll go. Call if anything happens."

            Nanatili lang akong nakahiga at nakikiramdam. Alam kong lumakad palayo sa Riel dahil narinig ko ang mga yabag nila paalis. Napaungol ako nang bahagya akong gumalaw. Nakapikit pa rin ako at hindi ko na tiningnan kung sino man ang nagbukas ng pinto at naramdaman kong may pumasok dito sa silid. Baka si Riel din.

            Naramdaman kong nasa malapit sa akin ang kung sino man na pumasok. Tapos maya-maya ay naramdaman kong may humaplos sa pisngi ko. Doon na ako nagmulat ng mata.

            "Mommy."

            Hindi ako makapagsalita habang nakatingin lang kay River na nasa tabi ko at hawak ang mukha ko. Pinilit kong bumangon at iniabot ko ang anak ko. Paano nangyari ito?

            "B-baby? River?" umiiyak na sabi ko at niyakap ko siya habang patuloy ako sa pag-iyak.

            "Mommy, I thought I will never see you again," umiiyak na din ang anak ko.

            Umiling ako. "No. No. Mommy will never leave you. You're all that I have. I will never leave you." Ang higpit-higpit ng yakap ko sa kanya. Kahit hindi ko alam kung ano ang nangyari at nandito si River ay hindi na ako magtatanong pa. Ang mahalaga ay magkasama ng anak ko. Nakalayo na kami sa impiyernong buhay kasama si Perry.

            Bahagyang lumayo sa akin si River at tiningnan ang mukha ko habang hinahaplos pa rin iyon.

            "Your face is black." Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

            "This will heal, baby. After a few days this will be gone. And this will be the last time that you're going to see me like this. We are free." Mabilis kong pinahid ang luha ko at muli ay niyakap siya. "How did you get in here?"

            "Kuya Riel. I looked for him. Good thing he gave me his address. Kuya Riel helped me and he helped you too. He helped us, Mom. He is better than Chuck. He saved us."

            Napatingin ako sa pinto at nakita kong nakatayo doon si Riel at nakatingin sa amin. May dala siyang basin at maliit na bag. Tingin ko ay medicine kit. Lumayo sa akin si River at tumakbo kay Riel tapos ay yumakap dito.

            "Thank you. Thank you for saving my mom," walang tigil nang iyak ang anak ko.

            Ngumiti lang siya at tumingin sa akin. Hindi ko magawang salubungin ang tingin niya dahil nahihiya ako sa nagawa ko noon. Pinagbintangan ko pa siya. Hindi ko akalain na si Perry pa pala ang gumagawa noon.

            "What did I tell you?" Nakatingin siya sa anak ko. "You have nothing to worry about. You and your mom are safe here. No one is going to find you here. No one is going to hurt you here." Tumingin sa akin si Riel tapos ay muling tumingin kay River. "You're preparing food for your mom, right? Are you done?"

            "Oh! Not yet. Wait. I am going to finish it." Tumingin sa akin ang anak ko. "I'll be back, mom." Tumakbo na palabas ng silid si River at naiwan kami doon ni Riel.

            Pinilit kong maupo at mabilis na lumapit sa akin si Riel. Binitiwan ang mga dala sa katabing mesa ng kama at inalalayan akong makaupo ng maayos.

            "K-kaya ko naman," nahihiya kong sabi sa kanya.

            "I bet. Sa hitsura mo parang 'di ka na makakabangon."

            Napangiwi ako. "I look that bad?"

            Hindi agad nakakibo si Riel at nakatingin lang sa akin.

            "Wow. That bad." Iyon ang nasabi ko. Sa reaksyon pa lang kasi ng mukha niya ay alam kong malala na ang hitsura ko. Tumayo siya at may kinuha at nang bumalik sa akin ay iniabot niya sa akin ang isang salamin.

            "See for yourself." Tumalikod na siya sa akin at hinarap niya ang mga dala niya kanina.

            Nanginginig ang mga kamay ko nang iharap ko sa mukha ko ang salamin. Napaiyak ako nang makita ko ang hitsura ko.

            My whole face was swollen. My forehead has full of bruises and lumps. There were stitches at the left side of my face. The one where Perry hit me with the laptop. There were black circles around my swollen eyes. I have a plaster on my nose and I was sure it was broken. My mouth was covered in stitches too. Blackish color because of the dried blood. My neck has hand marks because Perry tried to strangle me. I knew there were bruises in my body too. I couldn't recognize my own face. In the mirror, all I could see was a broken woman. Beaten to death.

            Napahagulgol ako at binitiwan ang salamin. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na nabuhay pa ako o mas magpapasalamat ako kung natuluyan na lang akong namatay. I didn't deserve this kind of pain. This kind of misery. I was a good person that was why I had to experience this kind of agony.

            "Na-check ka na naman ng doctor. And sabi niya there is nothing to worry. Wala naman internal na problema. Matatagalan nga lang ang recovery mo physically. Grabe ang mga sugat mo. But I am thankful that you are safe. You are okay." Sabi ni Riel at kinuha na ang salamin na ibinigay niya sa akin.

            "Am I? Am I still okay?" umiiyak na sabi ko. "I-I don't know what will I do after this. I don't deserve this. I am a good person. All I wanted is for my son's welfare. I am willing to risk everything for River. Pero binababoy ako ng asawa ko," tuluyan na akong napahagulgol tapos ay tumingin ako sa kanya. "And I am sorry. I am really sorry for everything I said. I am sorry kung pinagbintangan pa kita. I never imagined that Perry could do that to me."

            Hindi kumibo si Riel at nakatingin lang sa akin pero kita ko sa mukha niya na nagpipigil siya ng galit.

            "At least nakatakas ka na sa kanya. Hindi ka na niya masasaktan."

            "Kaya kong tanggapin ang lahat ng pananakit niya. Pero ang babuyin niya ako." Napapailing ako. "Hindi ko akalain na magagawa niya iyon. Asawa naman niya ako pero bakit niya ginagawa iyon?"

            "Ang alin?" Ngayon ay nagtataka na ang hitsura ni Riel.

            Mahihiya pa ba akong sabihin sa kanya ang totoo? Utang ko kay Riel ang buhay ko at sa pagkakataong ito, siya lang ang tanging mapapagkatiwalaan ko.

            "The spy cam that I found in our room. The one I thought that you put there." Ngumiti ako ng mapakla at napailing. "It was Perry's doing. He was the one who put that there. I saw the videos. There are lots of videos of me. Whatever I did inside our room it was all recorded. Then I found a video of him doing something to me and I couldn't believe it..." napabuga ako ng hangin at hindi ko alam kung kaya kong sabihin iyon kay Riel.

            "What did you see?" Seryosong tanong niya.

            Tumingin lang ako sa kanya at napailing.

Napahinga siya ng malalim. "Fine. If you're not ready it's okay. Ang importante ngayon ay gumaling ka para kay River."

            Napasinghot-singhot ako at marahang pinahid ang mga luha ko.

            "The video that I found was so sick. I saw Perry raping me when I was asleep. Every time that I was drunk and when I took a sleeping pill. Why did he have to do that? He is my husband. He could have ask me if he wanted to have sex. Why did he have to do that? Pakiramdam ko baboy na baboy ako."

            "Fucking sick bastard," mahinang sabi ni Riel at alam kong nagpipigil lang siya ng galit.

            "Nagtiis ako sa pananakit niya ng sampung taon. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na baka magbago naman siya. I mean, pinakasalan naman niya ako kaya baka kahit konti ay may pagbabago namang mangyari. But it's getting worst. That night when I asked him that I will leave him, I also found out the truth of what he was doing. I told him I had enough. Maghiwalay na lang kami. Wala akong hihingin kahit magkano. Ang gusto ko lang ay makaalis na kami ni River. But this is what I got." Pakiramdam ko ay bahagya akong nakahinga nang maluwag nang masabi ko iyon. Ilang taon kong pinagtakpan ang mga ginagawa ni Perry. Ilang taon akong nagtiis sa mga ginagawa niya. At ngayon na nakatakas na ako sa kanya, pakiramdam ko ay ngayon ako nakahinga.

            "He is not going to hurt you anymore. He will never find you here." Sabi ni Riel at may kinuha ito sa dalang basin at nakita kong bimpo iyon. "I need to clean your wounds. Utos ng doctor. Kailangan din palitan ang bandage mo. Pagkatapos noon kailangan mong uminom ng mga gamot mo."

            "A-ako na lang," kinukuha ko ang hawak niyang bimpo pero inilayo niya iyon sa akin.

            "I can do it." Wala na akong nagawa nang siya na mismo ang maglinis ng mga sugat ko sa mukha. Pinabayaan ko na lang din siya sa ginagawa niya. At sa unang pagkakataon, ngayon ko naramdaman na may totoong tao na tumutulong sa akin. Nagmamalasakit sa akin at sa anak ko.

            Tahimik lang si Riel na nililinis ang mga sugat ko. Pinalitan ng maayos ang plaster sa ilong ko. Nilagyan ng gamot ang mga tahi ko tapos ay itinuro ang mga gamot sa mesa.

            "These are for pain, antibiotics and vitamins. Inumin mo after mong makakain. River is cooking." Natawa siya. "Ayaw magpatulong. Sabi gusto niya siya mismo ang maghahanda ng pagkain mo kapag nagising ka." Sabi pa niya. Walang pandidiring inilalagay niya sa isang lalagyan ang mga plaster at bulak na puno ng dugo na ginamit niyang panglinis ng sugat ko.

            "I-I don't know what to say. I don't know how to thank you for what you did to us. Tapos nandito pa kami. Don't worry. Kapag okay na ako, we're going to leave. I'll try to find a new place for us." Sabi ko sa kanya.

            Tumaas lang ang kilay ni Riel. "Pinapaalis ko ba kayo?"

            "'Yong iniligtas mo kami ay sobra-sobrang pagtulong na. Kung mag-stay pa kami dito ng matagal, that's too much."

            Tingin ko ay nainis si Riel. "Hindi ko kayo pinapaalis. And if there's a safe place for you and River, it's here. Hindi kayo mahahanap ni Perry dito. Your husband is rich and powerful. Ikaw na ang nagsabi noon. What he did to you is ground for annulment. Napakalakas ng kaso mo laban sa kanya."

            "Alam mong hindi ko makakayang banggain si Perry. Kapag pinagalaw na noon ang pera niya wala akong magagawa. Kaya mas mabuting lumayo na lang kami ni River."

            "At ano ang gagawin mo? Habambuhay kayo magtatago ng anak mo? Habambuhay kayong laging nakatingin sa likod n'yo? When are you going to stand up against him?" Lumapit pa sa akin si Riel. "You need to fight back. You need to show the world what he did to you."

            Napalunok lang ako at naiiyak na nakatingin sa kanya. Napatingin ako sa kamay ko dahil ngayon ay hinawakan niya iyon.

            "I will help you. I will help get your revenge. Do you want me to kill him?" Riel said that in a flat tone. Without any emotion. The way he said that was like he was a heartless person and could do that kind of thing.      

            Sunod-sunod ang iling ko.

            "Then, do it in legal way. Kung abogado ang pino-problema mo, mayroon na. My friend can get you the best lawyer. All you have to do is stand up and fight back."

            Naramdaman kong marahan niyang pinisil ang mga kamay ko. And the way he was touching my hand gave me hope. Gave me something to hold on to for me and my son.

            Hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong tumatango sa kanya.

            Riel was right.

            I let Perry to beat me all those years. It's time for me to fight back.

            And I would do anything. Everything until I see him crushed to the ground.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top