CHAPTER TWENTY-SEVEN (Press Con)


Don't melt on the crocodile tears because mostly they are the reasons of tsunamis in your life - Jahnavi Rajan

-------------------------

Riel

            "Are you ready?"

            Nakita kong umayos nang upo si Meara sa kama at tumango sa akin.

            "Are you sure? Can you do this? We can do this some other time if you are not yet ready."

            Napahinga siya ng malalim at muling tumango. "Kaya ko." Pinilit na ngumiti sa akin at alam kong kinakaya lang niyang maging matatag ngayong mga oras na ito. Napapangiwi pa siya habang pinipilit na gumalaw.

            Hindi na lang ako kumibo at dinampot ko ang camera at iniayos ang adjustment noon. I've seen scenes like this in the police department before. Kapag may mga kinukuhanang mug shots ng mga criminal. Kapag kumukha ng crime scene photos. Kapag kumukuha ng mga litrato ng mga biktima para sa ebidensiya. At sanay na ako sa ganoon. Sanay akong makakita ng mga duguang tao. Nang mga naagnas na bangkay. Sanay akong makakita ng mga pinapahirapang mga tao dahil ginagawa ko din iyon.  Pero ngayon, hindi ko magawang maiayos ng tama ang camera na hawak ko. Hindi ako maka-focus dahil sa totoo lang nanginginig ang mga kamay ko. Sa galit sa nakikita kong nangyari kay Meara.

            Hindi na sana umabot sa ganito kung noong una pa lang ay nilayasan na niya ang asawa niya. Unang beses pa lang siyang pinagbuhatan ng kamay ay lumayo na siya. Tumakas na kasama ang anak niya. Pero dumating pa sa puntong ganito na halos hindi na siya makilala dahil sa tindi ng bugbog niya. Hindi ko naman siya masisisi. Kung wala naman talaga siyang matatakbuhan at mahihingan ng tulong. Just like my mother. Napahigpit ang hawak ko sa camera nang maisip ko si Perry. Kung kaharap ko ngayon ang gagong iyon, gugulpihin ko talaga siya ng todo. Pahihirapan ko hanggang magmakaawa siya sa akin at magsisi sa mga ginawa niya kay Meara. At kahit paulit-ulit siyang magsisi, humingi ng tawad, hindi ako titigil na saktan siya at pahirapan. He deserved more than that. He deserved more pain. He deserved to be beaten until all he could ask from me was to kill him.

            Gago ang mga lalaking nanakit ng babae. Mga walang bayag. Mga duwag. Nagtatago sa mga kamao nilang kayang manakit ng mga babaeng walang kalaban-laban. No man should ever lay a finger on a woman. Kahit masama ang babae, kahit may ginawang hindi tama o hindi nagustuhan, hindi kailanman naging solusyon ang pananakit. Men who chose violence to dominate their women wanted control. Excitement. They think it was their right especially if the women cannot fight back. They became addicted to their new found power. They wanted to be feared and become invincible. They wanted to let the women know that they have the right to control their lives.

            "Okay na ba ang ganito?" Nakaupo sa kama si Meara at nakatingin sa akin.

            Tumango ako. "Just stay still. If you feel that you are no longer comfortable, we will stop. Kailangan lang kasing lahat ng sugat mo, pasa sa buong katawan mo ay makuhanan ng litrato for documentation. At kakailanganin mo iyon sa pagsasampa ng kaso against kay Perry."

            Pilit siyang ngumiti. "Just do it."

            Hindi na ako kumibo at pumuwesto malapit sa kanya. Itinapat ko ang camera sa mukha niya at kinunan ng litrato ang buong mukha niya. Ang bawat parte na may pasa. Ang gilid ng mukha niya na may mga tahi. Ang paligid ng mga mata niyang nangingitim at namamaga. Ang mga labi niyang may mga tahi din. Lahat iyon ay kinunan ko ng litrato. Kailangan naka-dokumento ang lahat.

            "Tatanggalin ko ang plaster sa ilong mo. Okay lang?" Paalam ko sa kanya.

            "I can do it." Dahan-dahang inalis ni Meara ang plaster noon at napatiim-bagang na lang ako. Her nose was broken. I am sure this could take months to heal and look back to normal.

            Pati ang sakal sa leeg niya ay kinunan ko din ng litrato. Ang mga pasa niya sa braso. Ang ilang daliri niya sa kamay na naka-benda din.

            Kinuha ko ang resulta ng check-up ng doctor na pinapunta dito ni Ghost. Nakita ko doon na marami ding sugat at pasa sa katawan si Meara. Dislocated din ang shoulder nito. Napatikhim ako. Can I ask her to take off her hospital gown? Maghahanap na lang ako ng babae na puwedeng gumawa noon. I knew she won't be comfortable if I was the one who was going to do that.

            "We could do the other body parts some other time." Iyon na lang ang nasabi ko.

            Taka siyang tumingin sa akin. "We're done?"

            "Yeah. Sa susunod na lang 'yong iba."

            "Sabi mo lahat ng sugat at pasa sa buong katawan ko." Marahan niyang iniangat ang kamay niya at hinawakan ang balikat. "It hurts here. A lot. Dislocated shoulder. I injured this so many times. My whole body is aching and I know there are lots of bruises there and wounds. I think you need to take a picture of those." Ngumiti nang pilit sa akin si Meara.

            I cleared my throat and smiled at her dryly. Napakamot pa ako ng ulo.

            "I could ask someone to do that for..."

            Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang walang sabi-sabing tinanggal ni Meara ang pagkakabuhol ng mga tali sa suot niyang hospital gown. Kusa iyong natanggal sa katawan niya at tumambad sa akin ang hubad niyang katawan.

            I was used of seeing a naked woman in front of me. Many were throwing themselves on my bed promising a never-ending ecstasy. Immediately I could feel the heat. The need to drown on that moment to devour them. But not this time.

            Seeing Meara naked in front of me couldn't ignite the heat that was used to pour over me. Right now, all I could feel was anger. The need to kill Perry because of what he did to her.

            Meara's body was covered with lots of bruises. Old. New. Old scars. Fresh wounds. Her body endured so much pain. I felt a lump on my throat and I immediately turned around to gather myself. I had to wipe my eyes because of the tears that fell on my cheek. She didn't deserve this kind of life. 'Tangina. Gusto kong sisihin ang sarili ko. Partly, pakiramdam ko kagagawan ko 'to kaya nangyari ito sa buhay niya. Kung hindi ko siya hinuli noon. Kung bumalik lang sana ako at hinanap siya hindi ganito ang magiging buhay niya.

            Napahinga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili ko. Nang humarap ako sa kanya ay nakatingin lang siya sa akin. I couldn't see any emotion in her eyes. It was like there was no life in there anymore. She was living, breathing but deep inside he felt like death took her soul.

            Sinimulan kong kunan ng litrato ang mga iyon. Sinasabi niya sa akin kung saan niya nakuha ang mga pasa, ang mga dating sugat. Apparently, Perry loved to shoved her against the desk. Sa mga kanto para mas matindi ang sakit. Kahit nga ang boobs niya ay may mga sugat din.

            "He hurt you here too?" Mahinang tanong ko habang kinukunan ng litrato at gilid ng boobs niya na may malaking pasa.

            Pilit siyang ngumiti. "Wala naman siyang pakialam kung saan ako tamaan at masaktan." Tanging sagot niya.

            Pati ang mga legs ni Meara ay ganoon din. Ang mga paa niyang puro sugat dahil sa pagtakbo ng nakatapak noong tumatakas siya sa ospital ay kinunan ko din ng litrato.

            Agad kong dinampot ang hospital gown niya at tinulungan siyang magbihis nang matapos ako. Inalalayan ko pa siyang makahiga para makapagpahinga.

            "We're done. Thank you for your cooperation." Ngumiti ako sa kanya.

            "Hindi ko pa rin alam kung paano magpapasalamat sa iyo." Nakita kong nangingiyak si Meara habang nakatingin sa akin.

            "You don't need to. Kasi kahit kanino gagawin ko naman ang ganito. Kahit sinong babae ang mangailangan ng tulong ko. Cases like this is close to my heart. Hindi ko man nagawang ipagtanggol ang nanay ko noon, at least sa katulad mo magawa ko ang dapat na ginawa ko para sa kanya." Nakangiting sabi ko.

            Tuluyang nang napaiyak si Meara.

            "Huwag ka ng umiyak. You are getting better. Magaling ang nurse mo. Round the clock ang bantay sa iyo. You are lucky for having a good son like River. He will protect you whatever happens."

            Tumango na lang siya.

            "Pahinga ka lang. I'll check on River. Ewan ko kung ano na naman ang niluluto n'on."

            Iniwan ko na si Meara at lumabas ako ng silid. Dumeretso ako sa kusina at naabutan ko doon si River na seryosong nagluluto.

            "And what are you cooking?" Tiningnan ko pa ang ginagawa niya. Nakita kong itlog iyon na ini-scramble niya.

            "I am going to make a scrambled egg for Mom. I already made a toasted bread for her. I got a strawberry jam from your ref and hot chocolate. I am sure she is going to love this breakfast."

            Ang saya-saya ng mukha ni River. Ngayon ko lang nakitang maaliwalas ang mukha ng batang ito magmula nang magkakilala kami.

            Natawa na lang ako at ginulo ko pa ang buhok niya. Pinabayaan ko na lang na ituloy ang ginagawa at lumabas ako ng bahay. I think I needed some air. After what I saw, I needed a breather.

            Matagal na akong nag-quit manigarilyo. Pero ngayon, tingin ko ay kailangan ko iyon. Kailangan kong makahinga at kumalma dahil ang isip ko ay napupuno ng kung ano-anong mga idea kung paano ko papatayin si Perry.

            Pumuwesto ako sa lugar na hindi ako makikita ni River pero makikita ko siya kung sakaling hanapin niya ako. Tahimik lang akong naninigarilyo doon nang tumunog ang telepono ko. Si Ghost ang nag-text sa akin.

            Check the link that I sent. NOW.

            Natawa ako habang humithit at bumuga ng usok mula sa sigarilyo. His messaged sounded urgent pero bakit natatawa ako? Para kasing nakikinita ko ang hitsura ni Ghost na natataranta na hindi naman niya personality talaga.

            Nag-reply ako ng 'K' tapos ay binuksan ko ang link na ipinadala niya sa email ko. Pinabayaan kong nasa bibig ko ang sigarilyong umuusok habang hinahanap ang link na ipinadala niya. Pinindot ko iyon at napaawang ang bibig ko at nahulog ang sigarilyong nakaipit doon nang makita ko ang isang live video.

            What the fuck? Perry was having a press con?

            Napapaligiran ng maraming reporters si Perry. May mga pulis din sa paligid niya tapos siya ay nakaupo sa harap ng mesa at katabi ang dalawang lalaki. Ang isa ay nakasuot ng doctor's gown at sigurado akong doctor tapos sa kabilang tabi niya ay lalaking naka-amerikana naman. Mukhang abogado. What the hell was happening?

            "Mr. Azaceta, is it true that your wife ran away? Do you have any idea where she is?" Tanong ng isang reporter.

            Hindi agad sumagot si Perry. Napapailing-iling pa at yumuko. Maya-maya ay umaalog ang mga balikat at nang mag-angat ng ulo ay may luha pa sa mata. This fucking asshole. He was putting up a show just to conceal what he did to Meara.

            "I didn't know what happened why did she ran away. I love her. So much. I gave everything to her. We are happy. Our family is happy." Umiiyak na sabi ni Perry.

            Kislapan ang mga flash ng camera doon tapos ay nagkakagulo ang mga reporters na nag-uunahan na magtanong.

            "What do you think is the reason she ran away?" Tanong ng isa pang reporter.

            Pinahid pa ni Perry ang mga luha niya at kung puwede ko lang dukutin ito mula dito sa cellphone ko ay ginawa ako. Nakakabuwisit ang pagda-drama ni Perry na kinakagat naman ng mga reporters na ito. Na sigurado naman ako na mga bayad niya.

            "I told her I already forgave her. Kahit napakasakit ng ginawa niya sa akin. Kahit niloko niya ako paulit-ulit at nagkaroon ng iba't-ibang lalaki. Actually, there are so many men that she had an affair with but I always ended up forgiving her. Dahil mahal ko siya at ayaw kong masira ang pamilya namin. She's all I got. She and our boy, River." Muli ay umiyak na naman si Perry.

            "Putanginang gagong animal. Mapapatay ko talaga ang demonyo. Siya pa ang gumawa ng kuwentong ganito?" Mukha akong tanga na kinakausap ang hawak kong telepono habang tinitingnan ang pagda-drama ni Perry sa harap ng media.

            "Sa tingin n'yo Mr. Azaceta, sumama ang asawa ninyo sa ibang lalaki ngayon?" paniniguro ng reporter.

            Kung mag-a-apply na artista si Perry, siguradong makukuha agad ang animal na ito sa galing umarte. Baka manalo pa ng best actor award. Nagngangalit ang mga ngipin ko habang pinapanood at pinapakinggan ang lahat ng kasinungalingan niya.

            "The last time we talked, I was begging her to forgive me. Kahit alam kong wala akong kasalanan sa kanya, ako na ang humihingi ng tawad para lang huwag niyang iwan. Pero nagising na lang ako na wala na siya bahay." May luha pa ito habang nakatingin sa camera. "Meara, baby. I love you so much. Please come back to me. I want our family to be whole again. I am begging you, please come back. I promise we will not talk about what you did. I will forget all those men that had an affair with you. We will start all over again. For our family. Sumubsob pa si Perry sa mesa at doon humagulgol.

            "Gago," naibulalas ko.

            Nagkaingay ang mga reporters na naroon. Nagkikislapan ang mga camera para makuhanan ang pagbi-breakdown na ito ni Perry. Lahat ay gustong magtanong. Lahat ay gustong malaman ang nangyari sa personal na buhay ng isa sa pinakamayamang lalaki sa bansa.

            "Sir. Sir! Mr. Azaceta. Paano kung makita n'yo ang asawa n'yo na may kasamang ibang lalaki? Anong gagawin n'yo?" Tanong ng isa pa.

            Nag-angat ng mukha si Perry at umiling. Puno ng luha ang mukha.

            "Nothing. I will still forgive her and I will beg for her to come home to me. I can't do this anymore." Pabigla itong tumayo at nagmamadaling umalis doon. Agad na sumunod dito ang mga kasama paalis doon.

            Patuloy na tinatawag ng mga naroong reporters si Perry para makakuha pa ng mga sagot pero tuluyan na itong umalis doon. Naghihimagsik ang kalooban ko dahil sa napanood. Now people would think that Meara was at fault. Meara was the bad one. Napakagaling talagang mag-manipula ng tarantadong iyon.

            "Kuya Riel! I am done cooking."

            Tumingin ako sa gawi ni River na nakasilip sa bintana kaya agad kong itinago ang telepono ko sa bulsa at ngumiti sa kanya.

            "Sure. I'll go there."

            Ngumiti lang siya sa akin at tinalikuran na ako. Nawala ang ngiti ko sa labi habang sinusundan ng tingin si River. Ang isip ko ay inaalala ang napanood ko.

            Perry was a fucking demon. Meara would be battling him head-to-head and she had to be tough to fight him.

            Siguradong mag-uubos ng pera ang tarantadong iyon para lang mapagtakpan ang kasamaan at kababayuang ginawa niya sa asawa niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top