CHAPTER TWENTY-ONE (Day Off)


Fear leads to more fear. And trust leads to more trust - Dean Ornish
—————

DAY OFF

Riel

Hindi maipinta ang mukha ni River habang nakaupo sa kama ko. Napapailing lang ako at natatawa habang inaayos ko ang mga gamit ko at inilalagay sa bag. Day off ko ngayon. Pagkakataon ko na umalis dito at hanapin ang mga pulis na sumira sa buhay ni Meara. Hindi naman kasi ako makagalaw dito dahil laging nakasunod sa akin si River. Hindi ko rin matutukan si Perry at ang mga katarantaduhang ginagawa niya dahil lagi namang wala dito ang isang iyon. Kung tutukan ko siya, kailangan kong puntahan ang hospital na pag-aari niya. Sabi ni Morris doon ginagawa ang illegal operation ng human organ harvesting. Naisip kong tawagan si Ghost at sabihin sa kanya iyon pero agad ko ding dinismis ang naisip na iyon. Tingin ko bad trip sa akin si Tandang Ghost kasi hindi ko sinusunod ang utos niya.

Muli ay napatingin ako kay River nang pumadyak siya ng paa.

"I'll be back tomorrow." Alam kong ang pag-alis ko pa rin ang ipinagmamaktol niya.

Sinamaan niya ako ng tingin tapos ay lumabi. "What if you don't come back?"

"I promise. I'll be here first thing in the morning tomorrow. I just need to do something personally."

"Like what? You're going home to your family?"

"Yeah. I am going to visit my father then I am going to visit some old friends." Ipinagpatuloy ko ang ginagawa kong pag-aayos ng damit.

"You promise you'll be back?" Damang-dama ko ang pag-aalala sa boses ni River. Talagang kinakabahan siya na hindi na ako babalik dito.

Tumigil ako sa ginagawa at lumapit sa kanya. Naupo ako sa tabi niya at inakbayan siya. At para mawala ang agam-agam ni River ay kinuha ko ang telepono niya at inilagay doon ang address ng bahay ko.

"If I don't come back, you know my number, you know my address. You can find me." Ginulo ko pa ang buhok niya at nanatili siyang nakatingin sa address na inilagay ko doon.

"I promise, I'll come back. I'll come back for you." Pag-a-assure ko sa kanya.

And for your mom.

Nasamid ako sa naisip kong iyon. Bakit nasama iyon?

Napahinga ng malalim si River at nahiga sa kama ko.

"And I'll be bored here." Ngayon ay tonong nagrereklamo na siya.

"Your mom is here. Be with her. What did I tell you? You never leave your mom, right? You have to take care of her. You're all she has left."

Tumango siya. "I know. I am not going to leave my mom. I am going to protect her just like what you said."

"Good boy," ginulo ko uli ang buhok niya at tumayo na ako para ipagpatuloy ang ginawa. Nang matapos ako ay kasunod ko pa rin si River nang lumabas ako ng silid. Hanggang sa palabas ako ng bahay ay kasunod ko siya. Hanggang sa gate at tinatanaw ako na papasakay sa kotse ko.

Kumaway lang ako sa kanya at sinenyasan siyang pumasok na sa loob ng bahay. Nang masiguro kong safe na siya sa loob ay saka ko pinaandar paalis doon ang sasakyan ko.

Puwede naman akong hindi mag-day off. Ilang linggo na ako dito pero hindi ko nga ginagamit ang day off ko. Pero ngayon na nalaman ko ang totoong nangyari kay Meara, kailangan kong gumawa ng aksyon. Kailangan managot ang mga taong involve sa nangyari sa kanya.

Tumunog ang telepono ko at napangiti ako nang makita kong si Ghost ang tumatawag sa akin. Himala. Ano kayang nakain ng matandang ito at tumatawag sa akin?

"I am not dying," iyon ang natatawang sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya. Iyon kasi ang lagi niyang sinasabi sa akin noon. Tumawag lang ako sa kanya kung mamamatay na ako.

Napa-tikhim lang siya at nai-imagine ko na ang hitsura niyang nakakaasar.

"You're not dying but you've been a bad boy."

Kaswal na ang tono ni Ghost. Hindi katulad noong huli kaming nag-usap na ang seryoso niya masyado.

"Bad boy? Ako? Wala naman akong ginagawa. I am doing my job. Sa katunayan, nag-day off ako ngayon para matutukan ko ang case ni Perry. Plano kong pumunta sa hospital niya. Magmasid. Mag-imbestiga."

"How did you do it?" Tila hindi niya intindi ang sinabi ko.

Napakunot ang noo ko. "Did what? I didn't do anything."

"It's all over the news, Riel."

Lalong nangunot ang noo ko. "What? What news?"

"Sa akin ka pa ba magsisinungaling? I trained you in this kind of job. Why did you do it?" Ngayon ay seryoso na siya.

Napalunok ako. Nalaman ba niya ang ginawa ko kay Morris Francisco? But I made sure it will look like a suicide and I didn't even tell him about that.

"Come on. Why? Justify it why did you have to kill that man and make it look like a suicide. But I am impressed with what you did. It was a clean kill."

"She was going to rape Meara." Mahinang sagot ko. Napahigpit pa ang pagkakahawak ko sa manibela habang nakatingin lang sa kalsadang dinadaanan ko.

Napapalatak si Ghost. Halatang hindi nagustuhan ang sagot ko.

"Meara. Meara na naman. Do I need to remind you that the woman is married?" Tonong nagpapaalala siya.

"Ano naman ang kinalaman na may-asawa siya? Oo nga at may asawa siya at binubugbog siya ng asawa niya."

Napahinga siya ng malalim. "Kung ano man ang nagsisimulang nararamdaman mo para sa kanya, patayin mo na 'yan. I am telling you she is bad news. She will just bring trouble in your life."

"What? What the fuck are you talking about? Ano bang problema mo? You gave me this job. You told me I am going to build a case here. And here it is. Here is the fucking case that you wanted. She is living with a monster. Her husband beating her. Any man would help her to escape from her husband. Kung makikita mo lang ang hitsura niya araw-araw. What the hell is happening to you? Bakit biglang-bigla naging wala kang pakialam sa mga taong nangangailangan ng tulong? I chose your side. I chose to be like this, a hardcore killer because I believed in you. I believed that you are saving people. But how come you don't want me to help her?" napapailing ako at napabuga ng hangin.

"I just don't want you to get hurt." Mahinang sagot niya.

"Paano ako masasaktan? Tingin mo ba may gusto ako kay Meara? Naaawa lang ako sa kanya." Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nitong si Ghost.

Napatawa ng mahina si Ghost. "Ngayon, naaawa. Sa susunod, mahal mo na. At alam kong may soft spot ka sa mga babaeng katulad niya. Remember Elodie? Hindi ba ganyan din ang naramdaman mo sa kanya?"

Napahinga ako ng malalim. "Iba naman iyon. And besides, she's dead. Meara is still alive. There is still a chance that I can save her before something bad is going to happen."

Napahinga na lang siya ng malalim. "Bahala ka na. Basta tandaan mo, I warned you."

"Sa totoo lang, naguguluhan na ako. Ano ba ang mga sinasabi mo? You warned me for what? That I am going to fall for a married woman?" Napabuga ako ng hangin. "No. Meara is just..." hindi ko naituloy ang sasabihin ko.

"Just what? A quest? Because you think that if you can save her, you will feel that you also saved your mother? Riel, it's hard to admit but your mother and Meara chose that kind of life. No one can help them but themselves. They have to choose. Meara have to choose to leave her husband. Hindi puwedeng kaya niya iiwan ang asawa niya kasi may nakita na siyang sasalo sa kanya. It has to be her own free will."

Hindi na ako kumibo. Mukhang sa pagkakataong ito ay hindi kami magkakasundo ni Ghost. Kaya bago pa kami magtalo ako na lang ang susuko.

"Whatever. I'll just give you a call if I get something about Perry. Dadalaw muna ako sa tatay ko."

"No need. Enjoy your off today. Ako na ang bahala kay Perry."

Pagkasabi noon ay wala na akong narinig mula sa kanya. Napahinga na lang ako ng malalim at itinuon ang pansin sa kalsada kahit na sa isip ko ay parang naririnig ko pa ang sinasabi ni Ghost. He kept on telling me that he warned me about Meara. Ano ba ang ayaw niya kay Meara? Naaawa lang naman ako sa tao.

Ngayon, naaawa. Sa susunod, mahal mo na.

Nakakainis maalala ang sinasabi ni Ghost. Marahan kong hinilot ang ulo ko. Naaawa lang ako kay Meara. Hanggang doon lang iyon. At isa pa, hindi ako puwedeng magkagusto sa babaeng may-asawa.

Tumuloy ako sa bahay ni Tatay Javier. Agad akong sinalubong nang makitang pumaparada ako sa tapat ng bahay. Ang ganda ng ngiti sa akin at nang makababa ako at makalapit sa kanya ay yumakap ng mahigpit.

"Mabuti naman at nadalaw ka." Nakangiting sabi niya. Inakbayan pa niya ako at sabay kaming pumasok sa bahay.

"Day off ko, 'Tay. Pahinga lang dito saglit pero lalakad din. May aasikasuhin lang akong importante."

Ibinaba ko ang dala kong backpack sa sofa at sumunod sa kanya patungo sa kusina.

"Wala akong lutong ulam. Alam mo naman na mag-isa lang ako dito kaya hindi na ako nagluluto. Bumibili na lang ako ng lutong ulam sa tapat. Anong gusto mo? Bibili ako."

Umiling ako. "Huwag ka ng mag-abala, 'Tay. Okay lang ako." Tinungo ko ang ref at kumuha ng tubig doon tapos ay pareho kaming naupo sa harap ng mesa. Kape naman ang kaharap ni Tatay Javier.

"Kumusta ka? Mukhang okay ka sa pinapasukan mo. Ganda ng katawan mo ngayon. Hindi ka mukhang haggard," nakatitig pa si Tatay sa mukha ko.

Napakamot ako ng ulo. "Ayos lang naman, 'Tay. Ayos naman ang mga amo ko. Ayos ang binabantayan kong bata. Maayos ang suweldo. Ah, ito nga pala." Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Binuksan ko iyon at kinuha ang isang sobre tapos ay iniabot sa kanya. "Para sa'yo 'to."

"Ano 'to?" Kunot-noong tanong niya at kinuha iyon. Nang buksan ay sinamaan ako ng tingin tapos ay ibinalik ang sobre sa akin. "Hindi ko kailangan 'to. Itabi mo na. Ipunin mo."

Pero ipinilit kong ibigay sa kanya ang sobre. "Sa'yo 'yan, 'Tay. Pambili mo ng gamot. Pang-grocery mo. Pang-chicks." Natatawang sabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin tapos ay tiningnan ang sobre. "Sigurado ka ba? Baka ma-short ka naman. Huwag mo na akong alalahanin. May pension naman ako at sobra-sobra sa akin 'yon."

"Pang-chicks mo na nga lang. Tumanda na ako ng ganito hindi man lang kita nakitang may kasamang babae. Hindi ka na nag-asawa. Nahiya na nga ako at baka ako ang dahilan kaya hindi ka nakakapambabae." Tumatawang sabi ko.

Natawa din siya at nailing. "Hindi naman importante ang babae. Mas importante ka. Mas importante sa akin na napalaki kita ng tama at maayos."

"Salamat, 'Tay." Napahinga ako ng malalim. "Kahit hindi mo ako kadugo grabe ang pag-intindi mo sa akin."

Kumumpas sa hangin si Tatay Javier. "Tumigil ka na. Pupunta ka lang yata dito para mag-drama. Kumusta ka? Ano ang bago sa 'yo?"

Napakamot ako ng ulo at nahihiyang tumingin sa kanya. "Actually, I do need something from you."

"Ano?" Humigop si Tatay Javier ng kape at nagtatanong ng tumingin sa akin.

"May access ka pa sa department? I need to see an old case."

"Alam mo naman na retired na ako at wala na akong access doon. Pero I can make some calls. Those juniors are still afraid of me and cannot say no to me." Kumindat pa siya akin. "Kung bakit kasi nag-AWOL ka. Ang pangit tuloy ng record mo. Ang akala ko pa naman matutulad ka sa akin." Dama ko ang panghihinayang sa boses ni Tatay.

"Mahal ko ang pagpu-pulis ko, 'Tay. Nangarap din akong sumunod sa yapak mo. Pero sa nakita ko, sa mga nalaman ko na katarantaduhan sa departamento, I don't think I want to be police anymore. Nangako tayo na magpo-protekta sa mga tao. Pero sa nalaman ko, mas demonyo ang mga nasa posisyon. Kaunting kapangyarihan bilang pulis nalulunod na ang karamihan. They think they are above everything and I cannot be like that."

"Hindi lahat ay ganoon. Kung meron mang bulok sa departmento, hindi lahat iyon. Iilan lang. Hindi ko alam kung sino ang nag-brainwash sa iyo at naiisip mo na madudumi ang mga pulis." Naiiling na sabi ni Tatay habang humihigop ng kape.

"Walang nag-brainwash sa akin, 'Tay. Nakita ko. Si Vic. Dahil sa pera, sinira niya ang pangalan niya. He sold out my witness. I knew someone who was raped by a police officer because she was part of a tradition in the department."

Nakita kong napahinto sa paghigop ng kape si Tatay at napatitig sa akin nang marinig ang sinabi ko.

"Ano? Ulitin mo ang sinabi mo?" Seryosong tanong niya.

"Do you know anything about that? High ranking official ka. You might know about that tradition dahil hindi ko alam iyon. Ilang taon akong naging pulis pero wala akong narinig tungkol sa tradition na iyon."

"Tradition? Anong klaseng tradition? Kung saan mo man narinig ang katarantaduhang iyan, sabi-sabi lang 'yan para siraan ang mga pulis. Sira na nga ang imahe natin sa mga tao, pati ba naman ikaw maniniwala sa mga ganyan? Tayong mga pulis ang dapat na magprotekta sa mga kabaro natin. Matitino ang mga pulis, Riel. Matino ka. Kaya bakit naniniwala ka sa mga ganyang tsismis? Dahil lang ba sa ilang sitwasyon na nalaman mo na involved ang pulis? Kung mayroon mga gumagawa ng masama, mas marami pa rin ang mabubuti at handang tumulong sa kapwa. Alam mo iyon." Dama ko na nagtampo si Tatay sa sinabi ko.

Nakaramdam ako ng guilt dahil kitang-kita ko na na-disappoint si Tatay sa sinabi ko. Hindi ko naman siya masisisi. Alam ko kung gaano kahalaga kay Tatay ang pagiging pulis niya.

"Pasensiya na, 'Tay." Hingi ko ng paumanhin.

Tumango lang siya at uminom sa hawak na mug ng kape.

"Tungkol sa sinabi mo. Anong tradition iyon? May babae kang nakilala na nagsumbong sa iyo na ginawan ng masama ng pulis?"

Tumango ako. "Ang sabi niya regalo daw siya sa isang bagong promote na police official." Napahinga ako ng malalim. "Kalimutan mo na, 'Tay. Maybe she got her thoughts wrong. It happened ten years ago pa."

Hindi siya kumikibo at nakatitig lang sa akin. Alam kong gusto niya akong sermonan dahil tingin niya kasiraan na naman iyon ng mga katulad niyang pulis.

"Okay na 'yon, 'Tay. Hindi na ako magtatanong." Tumayo ako para muling kumuha ng bottled water sa ref nang matabig ko ang mga folders at papel na nasa tabi ng mesa. Nagsabugan ang mga iyon sa lapag. Pareho kami ni Tatay na dinampot ang mga papel at napakunot ang noo ko nang makita ko ang isang papel na may naka-print na litrato at mga detalye ng kung sino.

Tama ba ang nakikita ko? Mukha ni Ghost ang naroon. Mga details ni Ghost. Mga aliases na ginamit niya. Mga koneksyon na sindikato. Naroon din ang ilang mga kaso na ibinibintang sa kanya. Karamihan ay murder, accessory to the crime, harassment, embezzlement.

"Ano 'to, 'Tay?" Tanong ko at ipinakita sa kanya ang papel.

Tiningnan ni tatay ang papel at agad na sumama ang mukha nang makita ang litrato ni Ghost.

"Demonyo ang isang iyan." Inilapit niya ang mga folder sa akin para makita ko pa. Mga files iyon ng mga taong namatay. Mga hinihinalang pinatay ni Ghost. Napalunok ako dahil naroon ang pangalan ng dalawang miyembro sa hunting game na pinatay ko. "Ang mga iyan ang mga hinihinalang pinatay niya. Madulas pa sa palos ang animal."

"Bakit ka mayroon nito? Retired ka na 'di ba? Hindi ka na dapat na nag-aaksaya pa ng panahon sa mga ganito." Kunwari ay wala akong interes sa mga papel na ipinakita niya sa akin at isinalansan ko ang mga papel sa folder.

"Kahit retirado na ako, hindi ko palalampasin ang mga ganitong kaso. Ang mga ganitong klaseng demonyo ay dapat na pinaparusahan ng matindi." Ngayon ay dama kong nagagalit na si Tatay. "Anong akala niya sa sarili niya? Untouchable siya? Hindi siya mahuhuli?"

"Pero 'Tay, nakita mo naman ang listahan ng mga taong hinihinalang pinatay ng taong iyan. Lahat iyon ay mga kilalang mamamatay-tao din at nambibiktima ng mga walang muwang na tao. Tingin ko deserve ng mga taong iyon kung ano man ang nangyari sa kanila."

Sinamaan niya ako ng tingin. "And you are taking the side of this vigilante? Gabriel, imulat mo ang mga mata mo. Umalis ka man sa serbisyo pero alam kong nasa dugo mo pa rin ang pagiging pulis. Alam mong masama ang ginagawa ng taong ito. Hindi siya Diyos para ilagay ang batas sa kamay niya."

Alam kong magtatalo lang kami ni Tatay kaya napailing na lang ako at tumayo.

"Huwag na lang natin pagtalunan ito, 'Tay. Aalis na ho ako." Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Nagbuo kami ng team para mahuli ang taong ito. You are welcome to join us para mahuli natin ang animal na ito. And I am expecting you to join our team. I want you to work with me to catch this bastard." Nakatingin sa akin si tatay at tingin ko ay hinihintay niya ang sagot ko.

"Pag-iisipan ko ho." Pagkasabi ko noon ay kinuha ko na ang backpack ko at dere-deretsong lumabas at tinungo ang kotse ko.

'Tangina. 'Tangina! Agad kong kinuha ang telepono ko at tinawagan si Ghost.

"Pick up." Parang tangang sabi ko sa sarili ko pero panay lang ang ring noon. "Pick up."

Pero wala akong sagot na narinig hanggang sa matapos na ang ring. Muli ay tinawagan ko siya.

"Damn it, Ghost! Pick up!" Kung kaharap ko lang ang matandang iyon baka nasapok ko na sa kakulitan. Bakit ba hindi siya marunong sumagot sa tawag ko?

Inis kong ibinato sa dashboard ang telepono dahil hindi pa rin siya sumasagot. Maya-maya ay text message ang nareceive ko.

I can't answer your call. I am in a middle of something. This is an important meeting.

You need to call me right now. Importante 'to.

Iyon ang reply ko sa kanya. Para akong nabunutan ng tinik nang maya-maya ay tumatawag na siya sa akin.

"Where's the fucking fire? I am about to close this huge deal." Mahinang sabi niya.

"What are you doing?" taka ko.

"I am doing your job. Alam ko naman na hindi mo 'to matututukan dahil na kay Meara ang atensyon mo kaya ako na ang personal na trumabaho dito kay Perry. And I am having a meeting with him. Closing a deal to get an access to his illegal operation."

"You need to get out of there, Ghost. You need to lie low."

"What? Why?" Taka niya.

"You are a wanted man." Seryosong sagot ko.

Natawa siya. "I am always a wanted man. Maraming nagmamahal sa akin."

"This is not a fucking joke. There is a team who is bound to hunt you. And my father is the head of it."

"Oh." Iyon lang ang narinig kong sagot niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top