CHAPTER TWENTY-FOUR (Beaten)
Be strong enough to stand alone, smart enough to know when you need help, and brave enough to ask for it.
-----------------------
Meara
Alam kong dumating na si Perry pero nanatili lang akong nandito sa kuwarto namin at hinihintay siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakaupo sa harap ng laptop niya at handa akong ipakita ang mga videos na nadiskubre ko doon.
"What the hell, Meara? Alam mo bang problema na naman itong pag-alis ni Riel?"
Iyon agad ang bungad ni Perry nang makapasok sa silid namin. Inihagis pa nito ang dalang bag sa kama at painis ang paraan sa paghubad ng suot na suit jacket.
Hindi ako kumibo at sinundan lang siya ng tingin. Palakad-lakad siya doon at halatang mainit ang ulo.
Kapag ganito na si Perry, halos nanginginig na ako sa takot dahil baka pagbuhatan na naman niya ako ng kamay. Pero iba ngayon. Kahit saktan niya ako, kailangang malaman ko ang katotohanan ng mga nakita kong videos sa laptop niya.
"Si Riel na lang ang nagtiyaga sa anak mo tapos lumayas pa. Wala na talagang kahit na sino ang makakatiyaga sa ugali ng batang iyon."
Nakatingin pa rin ako sa kanya at napansin siguro niyang hindi ako nagsasalita o nangangatwiran sa kanya kaya tinapunan na niya ako ng tingin.
"Ano? Tatanga ka lang diyan? Wala ka man lang sasabihin? Hindi mo ipagtatanggol ang gago mong anak?" Napaurong pa ako dahil lumapit si Perry at talagang galit ang hitsura niya.
Hindi ako sumagot at ikini-click ko lang ang video sa laptop niya at iniharap iyon sa kanya. Video iyon na may ginagawa siya sa akin sa kama habang wala akong malay. Napatigil si Perry at napatitig sa video. Halatang nagulat na ako ang gumawa noon.
"What the fuck is that?" Bumaba ang tono ng boses niya pero alam kong bahagya siyang nag-alala.
"Bakit hindi mo sabihin sa akin kung ano 'to? Ganito ba ang ginagawa mo sa akin sa tuwing lango ako sa alak? Sa tuwing umiinom ako ng sleeping pills para makatulog? Ganito mo ako binababoy?" Pinipigil ko ang mapaiyak habang nakatingin sa kanya.
Sinamaan ako ng tingin ni Perry na parang 'di naman intindi ang sinasabi ko.
"Na-praning ka na naman. Bakit ko naman gagawin 'yan? If I want to have sex with you, I can do it anytime I want. Anywhere I want. Asawa kita," iritableng sagot niya.
"Pero ano 'to? Ano 'tong kababuyan na 'to, Perry? Dito ko nakita sa laptop mo. At nakakita pa ako ng spy camera dito sa kuwarto natin. Bakit?" Doon na ako tuluyang napaiyak.
"'Tangina ang arte mo. Ano naman kung maglagay ako ng spy camera dito sa kuwarto natin? Natural gusto kong malaman kung tinatarantado mo ako. Mamaya lumalandi ka sa iba at nagpapapasok ka ng lalaki dito. Nagpapagamit ka sa mga lalaki at dito pa sa kama ko. Malaman ko syota mo na ang kung sino-sino at iniiputan mo na ako sa ulo."
Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. Hindi ko na kaya 'to. Hindi ko na kayang makisama sa lalaking ganito.
"Ayoko na, Perry. Hindi ko na kaya 'to. Inasawa mo lang ako para maipakita sa mga tao na may asawa ka. Pero kahit kailan wala namang pagmamahal itong pagsasama natin. Kaya kong tiisin ang mga pananakit mo pero ang babuyin mo ako ng ganito. Sobra na 'to." Umiiyak na sabi ko.
Hindi umimik si Perry at napahinga ng malalim. Agad akong umiwas sa kanya nang lumapit siya dahil sigurado na akong sasaktan niya ako. Pero kataka-takang hindi man lang niya ako kinanti. Lumapit lang siya sa laptop niya at tiningnan ang mga videos doon tapos ay isinara iyon.
"Is that what you want? You want to leave me?" Mahinahong tanong niya.
Tumingin lang ako sa kanya dahil nakakapanibago at hindi siya sumisigaw. Kalmadong-kalmado siya habang hawak niya ang laptop tapos ay tumingin sa akin.
"I should have done this a long time ago. Huwag kang mag-aalala, wala akong kukunin na kahit na ano. Aalis na lang kami ni River. Hindi rin ako hihingi ng kahit na anong sustento sa iyo. Gusto ko lang maging malaya."
Napatango-tango siya at ngumiti sa akin. Dinampot niya ang laptop niya tapos ay walang sabi-sabing ihinampas sa mukha ko.
Bagsak ako sa sahig at hindi pa siya nakuntento, hinila niya ang buhok ko tapos ay pilit na pinatayo. Hilong-hilo ako dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko nga ay nabiyak ang pisngi ko dahil sa lakas ng pagkakahampas niya ng laptop. Hinawakan niya ng mariin ang mukha ko habang pilit na inihaharap sa kanya.
"Anong sinasabi mo? Ayaw mo na? Ako lang ang may karapatan na magsabi kung kailan ayaw mo na." Marahas niya akong itinulak sa sahig tapos ay pinaiibabawan at sinuntok sa mukha. Malalakas na suntok na talagang pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng ulirat. Ramdam ko ang walang tigil na pag-agos ng dugo sa ilong ko. Ang isang mata ko ay hindi na makakita dahil pumikit na sa sobrang maga. Hinawakan niya ng mariin ang mga braso ko at pinilipit iyon sa likod ko. Ang lakas ng hiyaw ko sa sobrang sakit.
"Gaga ka. Ako pa ba ang kakalabanin mo? Hindi ka na lang magpasalamat sa buhay na ibinigay ko sa iyo. Dahil lang diyan magrereklamo ka? Oo. Ginagawa ko iyan sa iyo kapag lasing ka. Kapag tulog na tulog ka. Dahil mas masarap kang gamitin sa kama ng para kang patay. Just like when I found you dying on that fucking road."
Ang lakas ng iyak ko at hindi na ako makagalaw dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. Tumayo si Perry at nakatingin lang ako sa kanya habang tinitingnan akong namimilipit sa sakit dahil sa pambubugbog niya. Malakas pa niya akong sinipa sa sikmura kaya lalo akong namilipit. Habol ko ang hininga ko dahil sa sakit.
Lumuhod siya sa tabi ko at marahas na hinila ang suot kong damit para mapalapit sa kanya.
"Your life is nothing. I can kill you right here, right now and no one will look for you. I own you kaya wala kang karapatang magreklamo." Mariing sabi niya.
Hindi na ako makaiyak dahil hilong-hilo na ako sa sakit na nararamdaman. Napatingin ako sa pinto at nakita kong nakatayo doon si River at nanlalaki ang matang nakatingin sa nangyayari sa amin ni Perry.
"M-mom?"
"R-run," mahina kong sabi sa anak ko.
Ang lakas ng tawa ni Perry. "Run? At saan pupunta ang gago mong anak?" Tumayo si Perry at akmang lalapitan ang anak ko. Pinilit kong kumilos at nangunyapit ako sa mga paa niya para mapigilan na lapitan ang anak ko.
"Run! Get out of here!" Umiiyak na sabi ko. Inubos ko ang natitira kong lakas para mapigilan si Perry.
Umiiyak si River at hindi malaman kung ano ang gagawin. Tumatango lang akong nakatingin sa kanya at sana maintindihan niya na ang ginagawa ko ay para sa kaligtasan niya.
"Please. Run away!" Talagang pinipigilan ko si Perry. Noon ko nakita si River na tumakbo paalis doon at tumingin sa akin si Perry. Sinipa ang mukha ko kaya nabitawan ko siya.
"Wala namang pupuntahan ang anak mo. Hindi ko na hahabulin. Kung umalis man dito iyon siguradong magiging palaboy lang iyon sa kalsada at mas gusto ko iyon. Ikaw, dito ka lang. Akin ka. At least wala na akong kaagaw sa atensyon mo. Wala na ang buwisit mong anak." Muli siyang lumuhod sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko. "Kung lumpuhin na kaya kita para hindi ka na makaalis dito?" Napangiti ng parang demonyo si Perry. "I know what to do to you."
Hindi na ako makagalaw sa tindi ng bugbog na tinamo ko. Nakatingin lang ako kay Perry habang nakatayo sa gilid ko at may kausap sa telepono.
"Please prepare the OR. I have someone who needs surgery," sabi niya sa kausap.
Wala na akong magawa nang buhatin ako ni Perry at ilabas doon. Habol ko ang hininga ko at sa nanlalabong paningin ay nakita kong patungo kami sa garahe at isinakay ako sa kotse.
Wala siyang imik nang paandarin iyon habang ako ay hindi na makakilos.
Kung ito man ang huling sandali ko sa mundo, ang huling hiling ko lang ay maging ligtas ang anak ko.
----------------------
RIEL
Kanina pa ako nakaparada sa tapat ng address na ibinigay sa akin ni Ghost. Dito na pala lumipat si Vic. Napaangat ang kilay ko habang tinitingnan ang townhouse na tinutuluyan niya. Mukhang mamahalin. May dalawang sasakyan ang naka-garahe sa loob. Mukhang bigtime na si Vic.
At sigurado ako, dahil iyon sa pakikipag-connive niya sa mga kriminal na dapat ay ikinukulong namin.
Hindi naman umalis sa serbisyo ang gagong ito. Nailipat lang ng lugar at malamang doon gumagawa ng kabalbalan ang gago.
Nang masiguro kong walang tao sa bahay niya ay saka ako bumaba ng sasakyan. Palinga-linga ako para masigurong walang makakakita sa akin at mabilis akong sumampa para makapasok sa bakuran ng bahay. May CCTV cameras na naroon pero alam ko naman kung paano maiiwasan ang mga iyon. Wala akong kahirap-hirap na makapasok sa loob at iginala ko ang paningin ko sa loob ng bahay ni Vic.
Buhay-mayaman na talaga ang gago. Dumeretso ako sa itaas ng bahay niya at pinasok ko ang mga kuwarto. Tatlong kuwarto ang naroon pero isa lang ang mukhang tinutulugan. Ito siguro ang silid niya. Pumasok ako doon at nagsimula akong magkalkal ng mga gamit niya. Isa-isa kong tinitingnan pero siniguro kong hindi mahahalatang may mga ginalaw ako doon. Wala akong warrant at hindi na ako pulis. Puwedeng-puwede akong idemanda ng trespassing ni Vic kapag nalaman niyang may mga ginalaw ako dito.
Inisa-isa ko ang mga drawers na naroon at napasipol nang mabuksan ko ang isa sa mga iyon at tumambad sa mata ko ang napakaraming bundle ng pera. Napahinga ako ng malalim. Hindi kikitain ng isang simpleng pulis ang ganito kadaming pera. Sa luho pa lang ni Vic sigurado akong kulang na kulang na ang suweldo ng gagong iyon.
Mabilis kong isinara ang drawer nang makarinig ako na may pumaradang kotse sa tapat ng bahay niya. Sumilip ako sa bintana at nakita kong si Vic ang dumating. Pinagmamasdan ko lang siya habang papasok siya sa loob kaya inilagay ko sa ayos ang lahat ng narito sa silid niya. Dinukot ko ang baril sa likuran ko at ikinasa iyon. Dito ko na lang siya hihintayin.
Pumuwesto ako sa likod ng pinto at hinintay na pumasok siya doon. Naririnig ko ang mga yabag ng paa niya at pasipol-sipol pa nang buksan ang pinto ng silid. Pahagis pa niyang binitiwan ang susi ng sasakyan at telepono sa kama tapos ay naghubad ng suot na t-shirt at pantalon. Doon na ako lumapit sa kanya at itinutok ang baril sa likod ng ulo niya.
"Don't fucking move." Idiniin ko ang baril sa likod ng ulo niya.
"Gabriel?" Paniniguro niya. "The fuck are you doing?"
Hindi ako kumibo at pumuwesto ako sa harap niya at nanatiling nakatutok ang baril sa kanya.
"Ano pa ang kailangan mo sa akin? Umalis na sa department natin. Lumayo na ako dahil iyon ang gusto mo. Ano 'to?" Kita ko ang inis sa mukha niya.
"Ano ang ginawa 'nyo kay Milana Zaragosa?"
Kumunot ang noo niya. "Sino? Milana? Sino naman iyon?"
Nagtagis ang bagang ko. "Ten years ago. First case natin."
"Zaragosa? Wala akong maalalang sinasabi mong ganyang pangalan. Ang daming cases ang hinawakan natin. Sino ba 'yan?"
Itinapat ko ang baril sa noo niya.
"'Tangina mo, Vic. Kilala mo kung sino 'yan. Imposibleng makalimutan mo ang first case natin na iyan. Drug bust." Tonong nagpapaalala na ako.
Saglit siyang nag-isip tapos ay nagliwanag ang mukha.
"Ah." Inis niyang tinabig ang baril na nakatutok sa mukha niya. "'Yong ano, shabu na nakalagay sa ensaymada."
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Naalala ko na. Ano naman ang tungkol sa kaso na 'yon?" Napailing-iling si Vic. "Gabriel, ano ba ang nangyari sa iyo? Sinunod ko na lahat ang gusto mo kaya nabubulok ako dito tapos tinunton mo pa ako? Inaano ba kita?"
"May ginawa kayo sa babaeng iyon. Someone raped her and planned to kill her. Sino?"
"Ano? Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong alam diyan. 'Di ba, pareho tayong inalis sa case na iyon." Napapailing na tinungo ni Vic ang banyo pero sinundan ko. Nagulat ako nang mabilis siyang may kinuha sa likuran ng pinto at ngayon ay may hawak na rin siyang baril. Pinaputukan niya ako at nakailag ako. Mabilis ko siyang sinugod at nagpambuno kaming dalawa para makuha ko ang baril sa kanya. Malakas ko siyang sinuntok sa tagiliran at nagtagumpay naman akong makuha ang baril sa kanya. Sinuntok ko siya sa mukha ng ilang beses. Wala akong pakialam kung sumasabog na ang dugo sa ilong niya.
Diniinan ko ng tuhod ang leeg ni Vic at napapanganga siya dahil naghahabol ng hininga.
"Hindi ako manghihinayang sa mga panahong pinagsamahan nating dalawa. Kaya kitang patayin ngayon. Ang kailangan ko lang ay malaman kung ano ang ginawa 'nyo kay Milana Zaragosa." Lalo kong idiniin ang tuhod ko sa leeg niya.
Sumenyas ng sandali si Vic kaya inalis ko ang tuhod ko sa leeg niya at napaubo-ubo pa siya. Naghahabol ng hininga at pinilit na magsalita.
"M-maniwala ka, wala talaga kong alam doon. I-inutusan akong bumalik sa warehouse ni Chief noong umuwi ka. Sabi niya m-may high ranking official na darating. R-regalo daw ang babae." Napangiwi pa si Vic dahil sa sakit na nararamdaman nito gawa ng pagkakabugbog ko.
"Sino ang official na iyon?"
Sunod-sunod ang iling niya. "H-hindi ko talaga alam. Hindi ko kilala. P-pinaalis din nila ako doon."
Muli ay diniinan ko ng tuhod ang leeg niya kaya napasigaw si Vic.
"Maniwala! Hindi ko talaga alam! Hindi ko kilala!" Nagmamakaawa ang tono niya.
Tingin ko naman ay nagsasabi ng totoo si Vic. Inis akong lumayo sa kanya at tinanggal ko ang magazine ng baril niya at ang bala sa chamber tapos ay ibinato iyon sa kanya.
"Alamin mo kung sino iyon. Babalikan kita, Vic. And if you plan to tell someone about this, I am telling you, I will know it. I have connections and I can make you disappear tonight." Pagbabanta ko.
Napalunok lang siya at sunod-sunod na umiling.
"W-wala akong pagsasabihan nito. T-tutulong ako para malaman kung ano ang nangyari noon."
"Saan ko matatagpuan si Chief Magtanggol?"
"Hindi ko rin alam. Magmula nang mag-retire si Chief, wala nang nakakaalam kung nasaan siya." Nakatingin siya sa akin tapos maya-maya ay napaiyak. "Bakit nagkaganito tayo, Gabriel? Kaibigan kita."
"Wala akong kaibigang hudas. Wala akong kaibigan na nanamantala. Wala akong kaibigan na sa mga gago nakikisama. Babalikan kita," pagkasabi noon ay umalis na ako at nagmamadaling sumakay sa kotse ko. Humihingal pa ako habang nagmamaneho pabalik sa bahay ko.
Kahit paano ay nakaramdam ako ng pagsisisi sa nagawa ko kay Vic. Mukhang wala nga talaga siyang alam. Napabuga ako ng hangin at ipinarada ang kotse sa tapat ng bahay. Napakunot ang noo ko nang may mapansin akong tao na nakaupo sa tapat ng gate ko.
Kinuha ko ang baril ko at tinitigang mabuti kung tama nga ang nakikita ko. Binitiwan ko ang baril at dali-daling bumaba ng sasakyan at nilapitan ang taong nasa tapat ng gate.
"River?" Paniniguro ko. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya.
Nang mag-angat siya ng ulo ay punong-puno ng luha ang mukha niya.
"What the hell are you doing here? How did you find my house?" Nag-aalalang tanong ko.
"Please help my mom." Ngayon ay napaiyak na siya at tumayo. "Please. I think she's dead." Humagulgol na siya at yumakap sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top