CHAPTER TWENTY-FIVE (Escape)
Sometimes to be seen is the same thing as being saved.
-------------------------------
Meara
My whole body felt sore.
I knew my face was swollen. My head felt like it was hit by a huge thing. And when I tried to move...
I was handcuffed.
Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko at nakaposas ang mga iyon sa kinahihigaan ko. Pinilit kong dumilat at tiningnan iyon at nakita ko ngang nakaposas ako sa magkabilang railing ng kama.
Hilo pa ako pero nang tingnan ko ang paligid ay sigurado akong nasa ospital ako. Nakita ko ang mga mga nakasabit na de-bote at plastic na gamot sa IV stand. Puting-puti ang loob ng silid. What the fuck happened to me?
Then I remembered what happened.
Perry almost killed me. That happened.
Automatic na namuo ang luha sa mga mata ko. Agad kong naisip si River. Ano na kayang nangyari sa anak ko? Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero ganoon pa rin. Umingay lang ang posas sa railings. Paano ako makakaalis dito?
Nakarinig ako ng mga boses na palapit sa pinto ng silid. Nagkunwa akong wala pa ring malay at naramdaman kong bumukas ang pinto noon.
"Si Mrs. Azaceta ba talaga 'yan?"
Boses babae ang narinig ko. Ramdam ko na pumasok sa loob ang kung sino man na mga taong iyon.
"Oo. Asawa ni Sir Perry. Ang sabi, naaksidente daw. Pero tingnan mo nga. Mukha bang sa aksidente nakuha ang mga sugat niyan? Three days na 'yang ganyan. Ewan ko kung magigising pa. Off limits ang chart kaya hindi ko rin alam kung ano ang diagnosis. Basta ibinibigay lang ni Doctor Ortega ang mga gamot na kailangan na ibigay." Sagot ng isa pa.
Hindi ako gumagalaw at talagang pinilit ko ang sarili kong magmukhang walang malay. Naramdaman kong may humawak sa pulsuhan ko at kinakapa iyon. May naramdaman din akong malamig na bagay na dumampi sa bandang dibdib ko.
"Vital signs lang naman ang kukunin natin 'di ba?" Sabi ng kung sino.
"Oo. Saka sabi ni Doc, i-sponge bath daw. Saka ang weird 'di ba? Bakit siya nakaposas?"
"Totoo. Naguguluhan din ako. Wala ngang ibang mga doctor at nurse attendants ang nakakapunta dito. 'Buti tayo." Napahagikgik pa ang nagsalita. "Malaking tsismis 'to."
"Gaga ka. Subukan mong ikalat ang nangyayari dito sisante ka agad. Kabilin-bilinan ni Doc, walang makakalabas kung ano ang lagay ni Mrs. Azaceta. Ang bilin kapag nagkamalay, saksakan agad ng pangpakalma dahil siguradong magwawala daw iyan gawa ng trauma. Ano kaya sa tingin mo ang nangyari?"
"Alam mo, may tsismis na kumakalat, battered wife daw iyan. Binubugbog ni Sir Perry. Pero tsismis lang 'yon. Wala namang proof. Kasi 'di ba ang ganda-ganda niyan. Bagay na bagay sila ni Sir Perry kasi guwapo din naman 'yon."
"Ako feeling ko totoo. Kasi one-time nagpunta dito 'yan tapos may putok sa labi. Pero puwede rin namang nakagat niya 'no? Sweet-sweetan 'yang mag-asawa na 'yan. Ewan. Ang gulo. Bilis na. Kumuha ka na basin at nang ma-sponge bath na 'to."
Naramdaman ko na muli ay may humawak sa pulsuhan ko at biglang lumuwag ang posas sa mga kamay ko. Gusto kong magdiwang nang parehong kamay ay naramdaman kong natanggal ang pagkakaposa ko. Hindi talaga ko gumagalaw para hindi malaman ng mga ito na gising na ako.
"Tinanggal mo ang posas? Baka magising 'yan. Tapos malaman nila Doc," ramdam ko ang takot sa boses ng isa sa mga narito.
"Tingnan mo nga. Malabong magising 'yan." Naramdaman kong may nag-angat pa ng kamay ko at basta ibinagsak iyon. "Ayan, o. Parang patay. KDali. Kumuha ka na ng basin na may warm water para ma-sponge bath na."
"Hala. Ayoko. Ayokong mag-isa. Samahan mo ako. Nakakatakot kaya. Alam mo naman na chika na may mumu dito sa hospital 'to. Ang creepy pa naman doon sa may basement." Tanggi ng isa.
"Ang arte naman. Dali na. Kunin mo na."
"Ayoko talaga. Gusto mo ikaw."
"Buwisit ka. Tara na nga. Bilisan natin baka biglang mag-rounds si Doc Ortega. Pero hoy. Daan tayo d'on sa kabilang wing. Nakita mo 'yong guy na nagpunta sa nurse station kanina? Ang cutie! Tara dali. Daan muna tayo. Silipin lang natin tapos saka tayo kumuha ng basin."
Naramdaman ko ang mga hakbang nila na patungo sa pinto. Bumukas iyon at nang sumara ay katahimikan na ang nanaig sa loob ng silid.
Iminulat ko ang mata ko at muling tumingin sa paligid. Naiangat ko na ang mga kamay ko. Sinubukan ko ding igalaw ang mga paa ko at sinubukan kong ilawit ang mga iyon sa kama. Pinilit kong igalaw ang katawan ko kahit na ang sakit-sakit talaga. Bawat himaymay ng laman ko ay masakit. Pero hindi na ako puwedeng magtagal dito. Kailangan kong makatakas dito dahil siguradong sa susunod na magkita kami ni Perry, kamatayan na ang sasapitin ko.
Nang subukan kong itukod ang dalawa kong paa sa semento ay tuluyan lang akong napalugmok. Walang lakas na tumayo ang mga paa ko. Napaiyak ako nang tuluyan. Hindi puwede ito. Kaya kahit hirap ay pinilit kong tumayo. Alam kong dala lang ito ng matagal na pagkakahiga ko sa kama. Dala na rin siguro ng mga gamot. Tiniis ko ang sakit ng buong katawan at ibinigay ko ang buong lakas na makatayo. Nakakapit ako sa doorknob at binuksan iyon. Sumilip muna ako at nakahinga ako ng maluwag na walang tao sa paligid. Tuluyan akong lumabas. Kahit pahilahod ang paglakad ay pinilit kong makaalis doon. Ramdam ko na unti-unti nang nasasanay ang mga paa ko at nagkakaroon ng lakas. Hinanap ko ang fire exit at doon ako dumeretso. Saglit akong huminto dahil nararamdaman kong nahihilo ako. Napabuga ako ng hangin at nagsisimula na rin akong hingalin. Pero kailangan kong talunin kung ano man ang nararamdaman ko. Hindi ako mamamatay dito. Kailangan ko pang hanapin ang anak ko.
Tahimik na tahimik ang buong paligid. Madilim din ang dinadaanan ko na tanging maliliit na ilaw ang nakabukas. Hindi sapat para makalikhaw ng liwanag sa paligid. Ang higpit ng hawak ko sa railing ng hagdan at paisa-isa ang hakbang pababa. Nakita ko sa pinto na nasa third floor ako. Okay. Kaya ko ito. Makakalabas ako sa ospital na ito.
Nang makarating ako sa ground floor ay binuksan ko ang pinto pero agad ko ring isinara dahil nakita kong may mga tao sa labas. Shit. Nagkakagulo. May mga nagtatakbuhan na security. Tiningnan ko ang sarili ko. Tanging hospital gown lang ang suot ko at kapag lumabas ako siguradong makikita ako dahil sa hitsura ko. Hindi naman ako puwedeng umakyat ulit at napasilip ako sa itaas ng hagdan dahil naririnig kong may nagbubukas ng pinto ng mga fire exit. Oh my God. They knew that I ran away.
Muli kong binuksan ang pinto at ilan-ilan na lang ang mga taong naroon. Kailangan kong makalabas. Tiningnan ko ang buong paligid at medyo madilim naman sa parteng ito kaya nilakasan ko na ang loob ko na lumabas. Mahilis akong nagtungo sa mga halaman na naroon at tiningnan ang buong paligid. Noon may lumabas sa pinto ng fire exit na dinaanan ko. Security.
"Hanapin n'yo. Tayo ang malilintikan kapag nalaman ni Sir na nawawala ang asawa niya."
Napalunok ako at naitakip ko ang mga kamay sa bibig ko para hindi makalikha ng ingay. I won't go back to Perry. Over my dead body.
Lumingon ako at nakita ko na konting takbo pa ay makakarating na ako sa parking lot. Payuko akong lumakad at nang bahagya na akong nakalayo at magtatago na lang ako sa pagitan ng mga kotseng naroon. Nakita kong may mga security na nagpunta sa pinanggalingan ko. May mga flashlight na dala. Yumuko ako at nagtago para hindi nila makita. Umiiyak na ako pero walang kahit na anong tunog ang lumalabas sa akin. Lumalakad ang mga security at ngayon ay papunta na sa puwesto ko.
Aalis na lang ako nang maramdaman kong may mga kamay na tumakip sa bibig ko. Ang isang kamay ay pumulupot sa katawan ko at pahila akong inialis doon. Nagpapapasag ako dahil sigurado akong isa ito sa mga security ni Perry at nahuli na ako.
"Don't make a sound." Mahinang bulong ng kung sino sa tainga ko.
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na iyon. Ang pamilyar na boses na iyon.
Hindi ko alam kung nagha-hallucinate na ako pero sigurado ako, boses iyon ni Riel.
-----------------
Riel
It's been three days. At three days na akong pabalik-balik dito sa ospital ni Perry pero hindi ako makagawa ng paraan na mapuntahan ang silid ni Meara.
Restricted ang silid niya at sa pagmamanman ko, nalaman kong iisang doctor lang ang nakakapasok doon. Dalawang nurse ang nag-a-assist kay Meara. At minsan, may security pang nagbabantay sa labas ng silid lalo na kung umaga.
I was worried about her. Ang pinakatatakot ko nga ay baka may ginawa na si Perry sa kanya. Baka isinama na sa mga binibiktima nito at ibinenta na ang mga organs ni Meara. But loitering for three days in that floor, I heard everything that I needed to hear from the nurses. Those nurses that loves to talk about their patients. I learned that Meara was unconscious for three days already. I tried to snatched her files but when I checked it, there was nothing on it. Just vital signs. Puro vital signs. Walang diagnosis. Walang mga list ng gamot na ibinibigay. Perry was hiding what really happened to his wife. What he did to his wife.
And this time, I won't just loiter here anymore.
I had to do something.
I had to get Meara out of here so she could live.
Sigurado akong may ibang plano si Perry sa kanya at hindi ko mapapayagang mangyari iyon. I lost my mother because of violence and I am not going to allow River to grow up like me. I would save Meara for her son, so River would have a normal life. Away from the hell that I was living right now.
Dumaan ako sa nurse's station at tinanong ko ang room number ng kung sinong pasyente na narinig kong pinag-uusapan nila no'ong nakaraan. Nagpanggap akong bisita. Pumunta ako sa silid na iyon at nalaman kong isang pasyente iyon na unconscious dahil sa isang aksidente. Walang bantay. Doon ako nagtigil at pasilip-silip ako sa labas para makita kung ano ang nangyayari. Sa dulo kasi ng silid na ito ay ang silid ni Meara.
Mabuti na lang talaga at walang bantay ang pasyenteng narito sa silid na ito kaya dito ako nakakapagtago. Magandang vantage point para makita ko ang lahat ng nangyayari. Naramdaman kong may papasok sa silid kaya agad akong naupo sa couch at nagbrowse-browse kunwari sa cellphone ko.
"Hi, Sir. Check lang po namin ang vital signs ng patient."
Tumingin ako sa mga pumasok at dalawang nurse iyon. Ang ganda-ganda ng ngiti sa akin tapos ay nagsisikuhan pa ang dalawa. Halatang mga nagpapapansin.
"Sure. Go ahead," ngumiti pa ako sa mga ito at kunwari ay hindi sila intindi. Palihim ko silang sinusulyapan para makita ko kung ano ang ginagawa nila.
"Friend n'yo ang patient, Sir?" Tanong ng isang nurse na may hawak na stethoscope at idinikit iyon sa dibdib ng patient.
Ngumiti ako. "Yeah. He's my friend in college. I've heard what happened to him and I couldn't believe that he is still unconscious." Napahinga pa ako ng malalim at umarte talaga akong nalulungkot.
"Oo nga, Sir. Medyo mukhang matatagalan pa si Sir dito. Pero okay naman iyon para lagi mo din siyang nadadalaw," nagtinginan pa ang dalawang nurse at nagbungisngisan.
Napangiti ako. "Of course. I love going back here. Ang ganda ng hospital at ang mga nurse, ang gaganda din." Kumindat pa ako sa kanila at halatang kinikilig ang mga ito.
Halatang ayaw pang tapusin ng mga ito ang ginagawa nila pero kabado ang isa. Panay ang bulong nito sa kasama kaya nakita kong punong-puno ng panghihinayang ang isang nurse na tumingin sa akin.
"Sige, Sir. Labas muna kami. Balik na lang kami mamaya para sa meds ni Sir. Sana hindi ka pa umuwi." Ngiting-ngiti pa rin ang nurse sa akin.
"Sure. Dito lang ako. See you later." Kumaway pa ako sa kanila habang palabas. Nang maisara ng mga ito ang pinto ay nawala ang ngiti ko sa labi at agad na tumayo. Sumilip ako sa pinto at nakita kong hindi sa nurse station bumalik ang dalawa. Dumeretso ang mga ito sa elevator.
Bumalik ako sa kinauupuan ko at naghintay ng ilang sandali. Ngayon ko na gagawin na puntahan ang silid ni Meara. Walang security doon. Walang tao sa sa nurse station. Maigi talaga na halos maghahatinggabi na ako nagpunta dito. Hindi busy ang lahat.
Muli kong tinungo ang pinto at akmang lalabas na pero nakita kong tumatakbo ang nurse na nagpapa-cute sa akin galing sa silid ni Meara patungo sa nurse station.
"Nawawala 'yong patient." Iyon ang narinig kong sabi nito sa kasama.
"Ha?" Natataranta ang mga ito. Sinundan ko ng tingin ang dalawa na patakbong tinungo ang silid ni Meara at maya-maya lang ay lumalabas na mga natataranta.
"Hala! Nawawala si Mrs. Azaceta. Anong gagawin natin?" Naiiyak na sabi ng isa.
"Itawag mo sa security. Ikaw kasi. Bakit pinabayaan mong nakatanggal ang posas niya. Malilintikan tayo."
What the fuck? Nakaposas doon si Meara?
Nakita kong may kausap na sa telepono ang isang nurse. Naiiyak na nagrereport sa kausap. Doon ako lumabas at sinamantala kong natataranta sila. Nawawala si Meara. Imposibleng si Perry ang kukuha sa kanya. That asshole wanted his wife on death bed. Maybe Meara woke up and had the chance to escape.
Mabilis kong tinungo ang fire exit. Sigurado akong kung tumakas siya ay dito siya dadaan dahil walang masyadong magtitingin dito. Nagmamadali akong bumaba at bawat floor ay sinisilip ko at nagbabakasakaling makita siya doon. Pero bawat floor ay puro security lang. Nakaramdam ako ng kaba para sa kanya. Sigurado akong magwawala si Perry kapag nalaman ang ginawa niya.
Nang makarating ako sa second floor ay lumabas ako sa fire exit at nagtungo sa hallway. May mga security din doon at nagkunwa akong relative ng isang patient doon at papunta sa pharmacy. Hindi naman ako pansin ng mga security dahil ang pakay nila ay si Meara talaga. Bumaba ako hanggang ground floor at doon ay lalong maraming security.
Ini-scan ko ang buong paligid. I put myself on Meara's shoes. If I was running away and hiding, where would I go?
Napatingin ako sa makakapal na halaman sa gilid ng ospital na malapit sa parking lot. Madilim sa bandang iyon. Magandang lugar para magtago.
Lumakad ako patungo sa parking lot. Nakikiramdam sa mga galaw ng mga security doon. Pero hindi ko agad tinungo ang kotse ko. Umikot ako doon at tiningnan ang paligid. Hanggang sa may makita akong gumagalaw sa pagitan ng mga kotseng nakaparada doon.
Someone wearing a thrashy hospital gown.
Just by looking at her, I knew it was Meara.
She was hiding. I could see that she was afraid especially when I saw two security coming to her place.
Doon ako lumakad at lumapit sa kanya. Nang nakakuha ako ng pagkakataon ay agad kong tinakpan ang bibig niya ay hinila siya palayo doon.
Agad na nagpapasag si Meara pero hindi ko siya binibitiwan.
"Don't make a sound." Mahinang bulong ko sa kanya.
Naramdaman kong huminto si Meara at nanlalaki ang matang tumingin sa akin. Sumenyas ako sa kanya na tumahimik siya at nagtungo kami sa lugar na hindi kami makikita ng mga security na nagtsi-check doon.
Kapwa kami halos hindi humihinga ni Meara habang nagtatago sa gilid ng kotse. Ang mga security ay palapit nang palapit sa lugar namin. May kinapa ako sa bulsa ko at inilabas doon ang baril ko. Magkahulihan man, hindi ko iiwan si Meara dito.
I was ready to kill again for her.
Narinig kong tumunog ang radio na hawak ng isang security.
"Sa fifth floor daw paki-check." Sabi ng nagsasalita mula sa radio chatter.
Agad na umalis doon ang dalawang security at nang tuluyang makalayo ay inalalayan ko si Meara para marating namin ang sasakyan ko. Binuksan ko ang pinto sa likod at pinasakay siya doon.
"Lie down. I'll cover you with something," sabi ko sa kanya.
Tinungo ko ang trunk at may kinuha akong itim na tarpaulin doon at binalikan siya. Nanlalaki ang mata niya sa akin at alam kong marami siyang gustong itanong. Saka ko na sasagutin lahat iyon. Ang mahalaga ay maitakas ko siya paalis dito.
"Please. Lie down. I'll cover you with this. Whatever happens, don't move." Bilin ko sa kanya at inalalayan siyang humiga sa rear passenger seat. Inayos ko ang tarpaulin doon para magmukha iyong bakanteng upuan. Kakulay naman kasi ng leather seat ng kotse ko ang tarpaulin.
Agad akong sumakay sa driver's side at pinaandar ang sasakyan. Napahinga ako ng malalim nang malapit na ako sa gate ay makita kong pila na ang mga sasakyang palabas. Mahigpit ang security. Lahat ay tini-check.
"Meara, don't move." Sabi ko habang nakatingin ako sa labas ng kotse. Ang baril ko ay naka-ready sa likuran ko.
Nang makarating ako sa gate ay ibinaba ng guard na naroon ang boom at may isang security ang nagsenyas na ibaba ko ang bintana ng kotse ko. Ginawa ko naman at ngumiti pa ako sa security.
"Good evening, Sir."
"Saan kayo galing, Sir?" Tanong nito at tinitingnan ang loob ng kotse ko.
"Bumisita sa isang kaibigan. May problema ba?" Kinapa ko ang baril sa likuran ko pero hindi ko kinuha. Ang kinuha ko ay ang wallet ko.
Hindi sumagot ang security at nanatiling sinisilip ang loob ng sasakyan ko. Inilabas ko ang wallet ko at kinuha ko ang isang ID.
"Kailangan mo ba ang ID ko? Ito. Puwede mong i-check ang identity ko," ibinigay ko dito ang PNP ID ko at nang makita ng security na isang police ID iyon, parang napapasong lumayo ito sa sasakyan ko.
"Sige na, Sir. Sige na po. Pasensiya na sa abala. Ingat sa biyahe." Sumaludo pa sa akin ang security at inutusan ang isang guard na itaas ang boom at padaanin ako.
Kumaway pa ako sa kanila at ngumiti tapos ay pinaharurot paalis doon ang sasakyan ko.
Doon ako nakahinga ng maluwag. Nang makalayo-layo na kami ay binagalan ko na ang pagpapatakbo sa sasakyan ko. Noon ko naramdaman na gumalaw si Meara at dahan-dahang naupo.
"Just lie down. Take a rest. You are already safe." Sabi ko sa kanya habang nanatili akong nakatingin sa kalsada.
Wala akong narinig na sagot sa kanya. Maya-maya lang ay naririnig ko siyang sumisinghot. Hanggang ang mga pagsinghot na iyon ay unti-unting naging hikbi. Hanggang sa maging hagulgol.
Pinabayaan ko lang siyang umiyak. Hindi ko siya nililingon. She needed that moment to gather herself.
Because after this, I am going to help her to crush her husband, that fucking asshole to the ground.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top