CHAPTER TWENTY-EIGHT (Attorney Elias Suarez)
Remember and recover. Not forgive and forget.
----------------------------------
Riel
"Did you see what he did?"
Tumingin pa ako sa paligid para masiguro ko na wala doon si River at hindi maririnig ang pag-uusap namin ni Ghost tapos ay hininaan ang boses ko at lalong inilapit ang telepono sa bibig ko. "That animal had a press con! Telling everyone that Meara was the bad one."
"I know. I was there. I was the one who gave you the link, remember?" Mahinahong sagot niya.
Napamura ako. "Gago talaga siya. At babaliktarin pa niya si Meara? Demonyo talaga." Nanggigigil talaga ako sa galit at gusto ko nang umalis dito at puntahan si Perry para durugin.
"I told you he is powerful. He can do that. He can manipulate everything because of his money. If he knows about what you did that you are helping her, he can also crush you. He can make your life upside down." Sabi pa niya.
"Wait. Wait. Ano ka ba talaga? Galit ka ba talaga kay Meara? Bakit pagdating kay Meara hindi ko maramdaman na bukal sa kalooban mo ang pagtulong sa kanya." Inis kong sagot sa kanya.
"Because she's trouble. To you. Paulit-ulit kong sinasabi sa iyo, I am just protecting you. Time will come all of what you're doing for her will backfire at you. Did you already tell her that you are the police officer who arrested her ten years ago? And that arrest paved the way of her miserable life?"
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Ghost at napahinga lang ng malalim. May point siya doon. Galit si Meara sa mga pulis at siguradong hindi niya matatanggap kapag nalaman niya na ako ang pulis na umaresto sa kanya noon kaya may nangyaring hindi maganda sa kanya at napunta pa siya sa impiyernong buhay kasama si Perry.
"I wanted to save her back then." Mahinang sagot ko. "But I was young. Stupid. Masyadong gigil dahil baguhan. Maraming gustong patunayan pero pinagsisihan ko iyon ngayon. Alam ko na may kasalanan din ako sa nangyari sa kanya. Hindi lang ang putanginang pulis na bumaboy sa kanya." Mahinang sagot ko. "Kaya lahat ay gagawin ko ngayon para matulungan siya. Sila ng anak niya. I am going to help her get her revenge. I will help her to fight back."
Napa-uhmm lang si Ghost tapos ay narinig kong huminga ng malalim.
"I know. Matigas ang ulo mo kaya nga gusto kita. Maipilit mo, iyon ang gagawin mo. I told this to you before and I am going to tell it again. You have to be ready for whatever you're going to find out about her."
"Mayroon pa ba akong hindi alam? Kung ang sinasabi mo ay ang pulis na bumaboy kay Meara, matatagpuan ko rin kung sino iyon. Hawak ko si Vic. Siya ang magiging susi para pulis na iyon."
"Ikaw ang bahala. Anyway, hindi naman sa ayaw ko kay Meara. I told you yesterday I am going to help her but Perry did something like that, medyo magiging madugo ang issue na 'to. Dapat siguraduhin ni Meara na handa siyang makipag-head-to-head kay Perry. Lahat ng sikretong itinatago niya ay makakalkal. Good thing my lawyer is ready for this kind of mess. The messier, the better for him. If Perry wanted to threw dirt, Eli can put him in the garbage."
Napangiwi ako sa kayabangan ni Ghost. Nai-imagine ko na ang hitsura niya na confident sa harap ko habang poised na poised na inaayos ang suit niya. The old man was a clean freak. Tingin ko nga may OC disorder ang isang iyon dahil kahit sa pagto-torture at pagpatay, ayaw nito ng makalat. Well, Mayor Hanauer was an exception. He killed the bastard with his own hands. In his own words, it was something personal for him.
"Sino ba itong lawyer na ipinagmamalaki mo? Siguradong kaya niyang durugin si Perry?" Paniniguro ko.
Tumawa ng nakakaloko si Ghost.
"Alam mong hindi ako pumipili ng basta-basta. Dahil hindi kita pipiliin kung ganoon lang naman ang mga tipo ko. Eli is good. Graduated from UP College of Law. Bar topnotcher. Scored 94.5 in his bar exam. Criminal Prosecutor and Defense Lawyer. He also handles civil and family law and annulment cases. Wala pang naipapatalong kaso. You can Google him." Buong-buo ang confidence na sabi niya.
Napatango-tango lang ako. Talagang igu-Google ko ang lawyer na iyon. Kailangang bago makaharap ni Meara ang kung sino ay naimbestigahan ko na. Mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon. Anyone could be her enemy dahil sa connections ni Perry.
"Do you still want to hear another quality of Eli that makes him a good lawyer?"
"Meron pa? Ano 'yan? Pinagpala?" Asar na sagot ko. Masyado naman kung i-build-up ni Ghost ang lawyer na iyon.
Natawa siya. "He is good looking." Tonong nang-aasar pa siya.
Napangiwi ako. "'Yon lang? Bilib ka na, na magaling na lawyer 'yang pinagmamalaki mo dahil good looking?" Bakit nakakaasar? Hindi ko pa nga nakikita ang lawyer na sinasabi niya naaasar na ako. Sa mga traits na sinabi ni Ghost mukhang mana sa kanya ang lalaking iyon. Nuknukan ng yabang.
Tuluyan nang humalakhak si Ghost.
"He will pay Meara a visit. Talk to you again, Riel. Have a nice day." Tumatawa pang sabi niya at naputol na ang usapan namin.
Imbes na matuwa ako dahil alam kong gugulong na ang kaso ni Meara, naasar lang ako. Gaano ba kagaling ang lawyer na iyon at bilib na bilib siya? Inis akong nag-browse sa telepono ko at hinanap ko doon ang ipinagmamalaking lawyer ni Ghost at may nakita naman ako.
Attorney Jaden Elias Suarez.
Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa litrato ng lalaki.
'Tangina, guwapo nga.
At hindi ako natutuwa na guwapo siya. Marunong akong mag-appreciate ng hitsura ng kapwa ko pero bakit hindi ako natutuwa sa lalaking ito? Hitsurang modelo tumindig. Bagay na bagay ang suot na mamahaling ternong suit. Sigurado akong mahal iyon dahil katulad iyon ng mga isinusuot ni Ghost. Maganda magdala ng damit. Disente. Ang mga litrato ay kasama ang ilang mga prominenteng tao sa pulitika at business world. Halatang may sinasabi.
Wala sa loob na napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin na malapit sa akin at napangiwi ako sa hitsura ko.
White shirt. Faded maong jeans. Worn out sneakers. Hindi pa ako nakakapagpagupit ng buhok.
Tangina, hitsura pa lang taob na ako.
Nanlaki ang mata ko at agad na inalis sa browser ang tinitingnan kong site. What the fuck was wrong with me? Did I just compare myself to that douchebag? Ano naman kung maganda manamit? Ano naman kung lawyer at topnotcher sa bar exam? I was a police officer. A good one. Kung sinasabi ni Ghost na nakakatulong sa mga taong nangangailangan ang lawyer na iyon, ako din naman. Marami din akong natulungang mga tao noong pulis pa ako at kahit ngayon na ako na dapat ang hinuhuli ng mga pulis dahil sa mga ginagawa ko.
Napahinga ako ng malalim at natawa din sa mga kagaguhang naisip ko. Stress lang 'to kaya kung ano-ano ang naiisip ko.
"Riel."
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Meara na nakatayo sa pinto ng silid niya. Agad ko siyang nilapitan at inalalayan.
"Bakit ka tumayo? Magpahinga ka muna." Nag-aalala kong sabi sa kanya.
Pilit siyang ngumiti.
"Okay lang naman. Kailangan ko din gumalaw. Mas nakakapagod ang maghapong nasa kama lang. Pakiramdam ko mas lalo akong nanghihina. Saka okay na ang pakiramdam ko. Pangit lang ang hitsura ko dahil alam mo na, pero okay ako."
"What do you need? Hinahanap mo ba si River? Nasa kuwarto ko. Naglalaro ng Playstation."
Tumingin siya sa akin na parang 'di makapaniwala.
"You have a Playstation?" Paniniguro niya.
Nahihiyang napakamot ako ng ulo. "The latest. Pang-ubos ko ng oras 'pag bored. You should see River and me play Hitman 3. He is good eliminating his target." Pagmamalaki ko.
"That's too much violence," nagpapaalalang sabi niya at lumakad papunta sa sala.
Hindi ako nakasagot. Pakiramdam ko ay napagalitan ako ng nanay ko.
Inalalayan ko siya hanggang makarating sa sala at naupo sa sofa. Pumikit pa si Meara tapos ay huminga ng malalim. Nang magmulat ng mata ay tumingin sa akin tapos ay ngumiti.
"It feels good to be free." Muli ay huminga siya ng malalim. "The feeling that there is no more fear around me. I felt relieved." Mangiyak-iyak na sabi niya.
Ngumiti ako at tinungo ko ang kusina. Nagtimpla ako ng kape tapos ay bumalik sa sala at iniabot ko ang isa sa kanya. May salamin doon at nakita kong tinintingnan niya ang sarili niya.
"Ang pangit ko pala talaga." Sa sarili lang niya nasabi iyon. Tinitingnan niya ang mga pasa at sugat niya sa mukha.
"Gagaling din iyan. Gaganda ka uli." Sagot ko.
Tumingin siya sa akin at natawa. "Salamat sa pagpapalakas ng loob ko. Parang gusto kong maniwala."
"Totoo naman. I knew someone who experienced worse than you. She survived. Came back stronger." Si Elodie ang pumasok sa isip ko nang sabihin iyon. That woman was so strong. I admire her strength when she came back after a terrible nightmare that happened to her.
"Really? What happened to her now?"
Hindi ako nakasagot agad at napangiti ng mapakla. "She is in safe place now and I know she's happy." Hindi ko na sasabihin sa kanya ang totoong nangyari kay Elodie. Baka lalo lang siyang mawalan ng pag-asa.
Ngumiti si Meara at dinampot ang kape na itinimpla ko.
"I know I will heal. I know I will get better." Humigop siya sa tasa ng kape at ibinaba iyon. "I know one day I will look at Perry's eyes and I won't feel fear anymore." Ramdam ko ang tapang sa tono ng boses niya.
"That's good. That's the start of your healing."
Pareho kaming napatingin sa labas nang marinig kong may nag-doorbell. Sumilip ako at nakita kong may nakaparadang kotse sa tapat ng bahay ko. And who could this be? Wala akong inaasahang bisita. At wala naman talaga akong aasahang kahit sinong bisita dahil wala namang nakakaalam nitong bahay ko kundi si Tatay Javier lang at si Ghost.
"You're expecting someone?" Nakita kong nataranta ang mukha ni Meara. "It's your girlfriend. Oh no. Baka kung ano ang isipin niya kapag nakita ako dito. Kami ni River. I... we... we can go." Akmang tatayo siya kaya pinigilan ko.
"I don't have a girlfriend." Natatawang sagot ko sa kanya. "Relax. Maybe assistant ng boss ko. Stay here. I'll check."
Tinungo ko ang pinto at lumabas doon. May nakita akong lalaki na nakatayo sa gate ko at naka-shades tapos ay nakangiti sa akin. Pamilyar ang mukha nito pero sigurado ako na hindi ko ito kilala at ngayon ko lang nakita.
"Anong kailangan mo?" Nakatayo lang ako sa gate at hindi binubuksan iyon.
Hinubad ng lalaki ang suot nitong shades at nakangiti pa rin sa akin.
"You must be Riel." Sabi nito habang isinusuksok sa bandang dibdib ng suot na damit ang shades. "Mr. Laxamana sent me here. He said someone needs my help."
Hindi agad ako nakakibo at tiningnan ang lalaki mula ulo hanggang paa.
The hair. The suit. The leather shoes.
Fuck.
This was the lawyer that Ghost was telling me about.
At mas malakas ang personality nito sa personal.
"I am Elias Suarez and I am here to represent Almeara Azaceta. Can I come in?"
Hindi ako ngumingiti at nanatili lang nakatingin sa kanya.
"Medyo mainit dito sa labas baka puwedeng sa loob tayo. The suit is killing me."
"Bakit kasi nakaganyan ka pa? Puwede namang normal na damit lang. Hindi naman court room ang bahay ko." sagot ko habang asar na binuksan ang gate para makapasok siya.
Natawa siya. "Habit. I always wanted to look presentable in front of my clients. You know. First impressions always last. Hindi ba iyon naituro ni Mr. Laxamana sa iyo?"
Asshole.
That was my first impression of him. Mayabang ang gagong 'to. Kung hindi lang ito padala ni Ghost ay sisipain ko na ito palabas.
Hindi ako kumibo at nauna na lang na pumasok sa bahay. Agad na nataranta ang hitsura ni Meara nang makita akong may kasunod na hindi niya kilala.
"If you are not comfortable with him, I can send him away." Iyon ang sabi ko kay Meara dahil iyon ang gusto ko talagang gawin sa lalaking ito. Gusto ko siyang sipain palabas ng bahay ko.
"Good morning, Mrs. Almeara Azaceta. My name is Jaden Elias Suarez. I am a lawyer and I am here to help you to build a case for your husband." Nakangiting pakilala ni Eli at inilahad pa nito ang kamay kay Meara.
Papalit-palit ang tingin sa akin ni Meara tapos ay kay Eli. Halatang naguguluhan siya sa nangyayari. Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit mabigat ang dugo ko sa lalaking ito. Wala namang ginagawa sa akin at pinagkakatiwalaan ito ni Ghost. At kahit gusto kong paalisin ang lalaki, alam kong malaki ang maitutulong niya kay Meara. Hindi ko dapat pairalin ang insecurity na kumakain sa akin dahil sa pagdating ng lalaking ito.
"He is a friend, Meara. He is a lawyer. And according to my friend, he is a good one." Flat na flat ang tono ko nang sabihin iyon.
Doon mukhang bumaba ang guard ni Meara at tumingin kay Eli. Iniabot nito ang kamay ng lalaki para makipagkamay.
"All right. The introduction is done then we will go to the fun part. Taking down the person who did this to you. I have one question though." Napahinga ng malalim si Eli at naupo sa tabi ni Meara. Agad akong lumapit at pinaurong ito palayo.
"She has been through a lot. I mean, a terrible ordeal. He is not comfortable with other men sitting next to her," tiningnan ko nang makahulugan si Eli at sinenyas ko gamit ang mata na lumipat siya ng upuan.
"Oh." Natatawang sabi nito at agad na tumayo at pumuwesto sa harap ni Meara. "My bad. My apologies, Mrs. Azaceta. I just want to be relaxed around my client so the trust is easier to build. But we could start like this." Nakangiti pang sabi nito.
Hindi ako ngumingiti. Hindi ko magagawang ngumiti dahil naaalibadbaran ako sa lalaking ito na nagsusumigaw ang kayabangan sa katawan.
Eli started to explain things to Meara. And one thing I heard was that she has to tell everything that happened to her during her stay with Perry.
And that would mean reliving the nightmare that she endured living with her husband.
Nagsisimula pa lang magkuwento si Meara ay nag-uumpisa na itong umiyak. Pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko habang nakikinig sa mga kuwento niya.
But I knew deep inside, she has to go through this.
Because after this, just like Elodie, she would come back stronger and ready to face the monster that made her like this.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top