CHAPTER TWELVE (Punch)
Heroes are ordinary people who make themselves extraordinary
——————-
Riel
Gago.
Napakagago ko.
Paulit-ulit kong minumura ang sarili ko habang sinusundan ng tingin si Meara. Alam kong nagalit siya sa mga sinabi ko pero hindi ko mapigil na hindi sabihin iyon. I hated to see a woman being abused by their husband. Si Ghost ang gusto kong murahin dahil dito. Alam naman ng matandang iyon ang nangyari sa nanay ko kaya bakit pa niya ibinigay sa akin ang case na ito? Kahit na ba si Perry lang ang dapat kong manmanan. Kung araw-araw ko naman na nakikita si Meara na gulpi-sarado dahil sa kagagawan ng asawa niya. Bumabalik lang ang lahat ng mga nakita ko noon na nangyari sa nanay ko. Every day, I would see my mother being beaten kaya madali akong ma-trigger kapag nakakita ako ng babaeng sinasaktan.
Painis akong bumalik sa sasakyan at nag-drive paalis doon. Kailangan kong bumalik sa eskuwelahan ni River para sunduin ito. Sigurado na rin naman akong pagkauwi ko mamaya, sisisantehin na ako ni Perry. Siguradong magsusumbong dito si Meara. At siguradong mayayari naman ako kay Ghost.
Nanatili lang ako sa loob ng kotse habang hinihintay na lumabas sa school si River. Habang naghihintay ay sinusubukan kong tawagan si Ghost pero as usual hindi na naman sumasagot. Nag-browse na lang ako ng mga emails na galing sa kanya. Muli kong binuksan ang mga litrato na padala niya tungkol sa human organ smuggling. May kinalaman nga kaya si Perry dito? Naalala ko kagabi na may pinag-uusapan ito kasama ang mga kaibigan na nambabastos kay Meara. May pinag-uusapan sila tungkol sa isang experience. What could that be?
Ni-research ko ang ospital na pagmamay-ari ni Perry. Sikat talaga. Mga kilalang doctor ang affiliated doon. Hindi ko maisip na sisirain ni Perry ang magandang reputasyon ng ospital niya para lang sa human organ smuggling. Although he could have an access, but no one in their right mind would do something like that. Bilyonaryo na si Perry. Hindi na niya kailangan pang gumawa ng ganoong mga illegal na gawa.
Napahinga ako ng malalim. Mas dapat ko ngang pagduduhan ang mayayaman na ito. Ilang kaso na ba ang nahawakan ko na mayayamang tao ang involved? Those rich people who had sick fantasies that they do to their victims. Hindi ko na mabilang. Natatakasan lang ang mga kaso dahil nga sa mayaman at may malalaking taong kilala na nasa puwesto.
Ang daming articles tungkol sa ospital ni Perry. Karamihan ay puro magagandang feedback. Marami ding mga litrato ng mga doctor na nagta-trabaho doon. May litrato din na kasama ang pamilya ni Perry.
Nilakihan ko ang litrato ng pamilya ni Perry at tiningnan iyon. Nakangiti si Perry. Ganoon din naman si Meara pero halatang pilit. Si River, seryosong-seryoso ang mukha. Halatang napilitan lang. Tinitigan kong maigi ang mukha ng bata tapos ay si Perry. Anak nga kaya ni Perry si River? Ang layo ng hitsura ng dalawa. Si Meara ang kamukhang-kamukha ni River.
Sinubukan kong i-access ang files ko noon sa presinto. Mahina lang akong napamura dahil naka-block na ako doon. What would I expect? I went AWOL from the service. My used to be co-workers were mad at me because I abandoned them. Natawa ako. Abandoned? I didn't abandon them. I just learned the truth and I chose side. My side.
Binuksan ko ang contacts sa telepono ko at hinanap ko ang number ni Vic. Kahit galit ako sa gagong iyon dahil sa ginawa niya noon na pakikipag-connive kay Jorge Baldomero, kailangan ko siya ngayon. Na-transfer siya sa ibang unit dahil sa kagagawan ko pero siya na lang ang natitirang pag-asa ko para mabuksan ko ang case ni Meara noon.
Nakatitig lang ako sa number niya at nangangati na ang daliri kong pindutin ang call button. Pero hindi ko magawa at inis lang na pinatay ko ang telepono ko. 'Tangina nitong si Vic. Hindi pa rin maalis ang galit ko sa tarantadong iyon.
Napatingin ako sa gate ng eskuwelahan dahil nakita kong bumukas na iyon at nag-uumpisa nang maglabasan ang mga bata. Lumabas ako sa sasakyan at tumayo sa gilid noon habang hinihintay na lumabas si River. Ayaw kong salubungin at baka hindi naman sumama sa akin. Masyadong tahimik ang batang iyon. Pero ramdam kong punong-puno ng galit ang dibdib. Hindi ko naman masisisi. Mahirap lumaki sa isang abusive na environment. Lalo na at walang magawa kahit nakikitang sinasaktan ang mahal sa buhay. Just like me. I was consumed by hate. By guilt and until now, my heart was filled with those dark emotions.
Umayos ako ng tayo nang makita kong lumabas mula sa gate si River. Bitbit nito ang bag at mag-isa lang na naglalakad na may nakapasak na earphones sa tainga at nakatingin cellphone. Walang pakialam sa mga batang nagtatakbuhan sa paligid niya. Napapailing ako. I could see him just like me when I was young. Brooding. Alone. I was always by myself because I didn't want to hear what other people was telling about me and what was happening to my family.
Napa-deretso ako ng tayo sa gilid ng kotse nang makita kong may dalawang teenager, siguro ay matanda lang ng mga ilang taon kay River na umakbay dito. Halatang hindi kumportable si River doon at nagtatawanan ang dalawang binatilyo. Napakuyom ang kamay ko nang makita kong biglang binatukan ng isa si River tapos ang isa ay itinulak naman siya. Subsob sa semento si River. Napakuyom ang kamay ko at gustong-gusto ko nang lapitan ang mga iyon para patulan pero nakita kong mabilis na tumayo si River at sinugod ang isa. Iyong bumatok sa kanya at sinapak ito sa mukha. Bagsak ito. Tapos ay sumugod naman ang tumulak sa kanya para suntukin pero mabilis na umilag si River. Nang makakuha ng pagkakataon ay sinuntok din niya iyon. Napangiti ako. Nice punch. Nang makita kong pagtutulungan na ng dalawa si River ay doon na ako patakbong lumapit at umawat.
"I am going to tell Teacher that you punched us!" Sigaw ng isa at kita kong putok ang labi nito.
"You will be expelled!" Sigaw naman ng isa. Ito naman ay may malaking putok sa gilid ng kilay.
Nang tingnan ko si River ay seryoso lang itong nakatingin sa dalawa. Naka-kuyom ang dalawang kamay at handang manuntok uli kung kinakailangang ipagtanggol ang sarili.
"Then I am going to tell your teachers, your parents, your friends that I saw you two kissing each other then you punched each other." Walang anuman na sabi ko.
Nanlalaki ang mata ng dalawang binatilyo na nakatingin sa akin.
"What? We are not!" Nagkatinginan pa ang ito at lumayo sa isa't-isa.
"Then I am going to tell that you two are bullying kids. I saw what you did to River." Sabi ko pa.
"What? No! He was the one who punched us! Look what he did." Maya-maya ay nakita kong ngumisi ang isa. "Even if you tell everyone that we bullied him, no one would believe you. He is the known bully in this school. He is the bad guy in this school."
Tumingin ako kay River at nanatili lang siyang nakayuko pero halatang nagpipigil ng galit.
"Are you sure? Do you want me to post the video that I took when you slapped the back of his head and pushed him?" Inilabas ko ang telepono ko. Lumapit ako sa dalawang binatilyo. "Huwag ako. Dahil kahit bata kayo, hindi ko kayo pagbibigyan. I hate bullies. I kill bullies." Mariing sabi ko at tiningnan sila ng masama.
Kita ko ang takot sa mukha ng dalawa at nagkatinginan pa ito.
"I'll tell my dad about you!" Banta pa nito.
Ngumisi ako. "Then I will tell all the secrets of your dad and your whole family. Trust me, I can do that." Muli akong lumapit sa kanila tapos ay hinablot ko ang mga ID na nakasabit sa leeg at pinicturan ang mga iyon. "Leave River alone. The next time I found out that you hurt him again, I will personally beat your ass until you can no longer walk. I got your details."
Umaatras na lumalayo sa amin ang dalawang binatilyo.
"Magsumbong kayo, I have my proof that you started the fight." Muli ay ipinakita ko sa kanila ang telepono ko.
Doon na nagtakbuhan palayo sa amin ang dalawa. Nang tumingin ako kay River ay sinusundan niya ng tingin ang dalawa tapos ay pinagpag ang nadumihang uniform. May gasgas siya sa magkabilang braso gawa ng pagkakasubsob sa semento. Tinulungan ko siya pero agad siyang lumayo sa akin. Tiningnan lang ako tapos ay walang imik na sumakay sa kotse.
Sumakay na din ako sa driver's side at tinitingnan mula sa rearview mirror si River na walang imik pa rin. Pero tingin ko ay nag-aalala ang hitsura.
"Are you okay?" Tanong ko sa kanya nang umaandar na kami paalis doon.
Umiling lang siya at yumuko tapos ay tumingin sa akin.
"Are you going to tell my mom about this?"
"About what?" Nakatingin ako sa kalsada at patuloy na nagmamaneho.
"About the fight."
"Why would I tell it to her? What I saw were two bullies trying to hurt someone. You're just defending yourself." Napangiti ako habang nakatutok ang tingin sa pagmamaneho. "Nice punch by the way. Next time, try to punch them here. It will hurt them more." Itinuro ko ang bandang temple at jaw area.
Kumunot ang noo sa akin ni River. "You're not mad?"
"Why would I get mad? I think you did the right thing defending yourself."
Napahinga ito ng malalim. "Dad would get mad if he knew about this. And mom. He would hurt my mom again."
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela. "Your dad is hurting your mom?"
Tingin ko ay nabigla lang si River sa nasabi niya at sunod-sunod na umiling.
"I'll take a rest." Pagkasabi noon ay isinaksak nito ang earphones sa tainga at pumikit ng mata.
Wala na kaming kibuan ni River hanggang sa makarating kami sa bahay. Agad siyang bumaba ng sasakyan at patakbong pumasok sa loob. Napahinga na lang ako ng malalim at kinuha ang bag niya sa kotse tapos ay ipinasok din iyon sa loob ng bahay. Pagpasok ko pa lang ay naririnig ko na ang malakas na boses ni Perry. Hinanap ko kung saan nanggagaling iyon. Nakita kong nasa sala at mukhang nasalubong si River. Pilit tinatanong kung bakit marumi ang damit nito at bakit may mga gasgas sa braso.
"Ano na naman ang ginawa mo? Nakipag-away ka na naman!" Malakas na sabi nito habang nakaharap sa bata.
Hindi kumikibo si River at kita ko lang ang galit sa mukha.
Mariin nitong hinawakan ang braso ni River at tiningnan ang mga gasgas doon. Wala akong makitang pag-aalala man lang sa mukha ni Perry dahil sa mga natamong sugat ng anak.
"Gago ka kasi. Ang bata-bata mo pa basagulero ka na. Mapapahiya na naman ako sa mga teachers mo." Painis nitong binitiwan ang bata.
"Perry! Stop." Mabilis na lumapit doon si Meara at agad na niyakap ang anak. "Ano ba?"
"Anong ano ba? Nakita mo ba ang hitsura ng anak mo? Ayan. Mukhang basura na naman dahil siguradong nakipag-basagan na naman ng mukha. Ipapatawag na naman ako sa eskuwelahan. Sawang-sawa na akong maka-receive ng mga emails na puro reklamo mula sa teacher 'nyan." Punong-puno ng inis ang mukha nito nang tapunan ng tingin si River. "Lumayas ka nga sa harap ko at sinisira mo ang araw ko." Patulak pa nitong inilayo si River tapos ay tumalikod na. Nakita kong ang sama lang ng tingin ng bata sa tatay niya.
"River, baby. What happened? How did you get this?" Punong-puno ng pag-aalala si Meara na tinitingnan ang mga sugat ng anak niya.
"Nadapa siya sa garahe. Inaayos kasi niya ang earphones niya and hindi napansin na may bato siyang natapakan. Hindi naman nakipag-away si River, Ma'am." Sabat ko.
Tumingin sa akin ang bata napapikit-pikit. Hitsurang hindi makapaniwala na hindi ko sinabi ang totoo.
"Is that true, baby? Why you didn't tell your dad?" Tinulungan ni Meara na hubarin ng anak ang maduming damit. "Come on. I'll help you fix yourself."
Lumakad na ang mag-ina paalis doon at sinundan ko lang ng tingin. Ang tingin ko kay River ay ang sarili ko noong mga panahong nakatira pa kami ng nanay ko kasama ang step father ko.
This fucking case had been bringing back old memories.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top