CHAPTER THIRTY-THREE (Pre-Trial)
Let the monster see you smile.
----------------------------------------
Meara
Mabilis akong tumingin sa bintana nang marinig kong may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay ni Riel. Kandahaba ang leeg ko para malaman ko kung sino iyon pero na-disappoint lang ako nang muling umandar ang sasakyan paalis.
Nasaan na si Riel? Two days na siyang hindi umuuwi. Nag-text lang kay River na may pupuntahan pero kahit tawagan ng anak ko, hindi sinasagot. Lagi lang magti-text na busy. At ano naman ang pinagkaka-busihan niya? Wala naman akong alam na trabaho niya.
Napapikit ako napailing. Kung bakit kasi...
Napabuga ako ng hangin at dumeretso sa kusina. Uminom ako ng tubig at sumandal sa ref.
Kung bakit kasi nangyari iyon. That kiss was a mistake. It changed everything. Ngayon siguro ang sama ng iniisip sa akin ni Riel kaya hindi siya umuuwi dito sa bahay. Iniisip niya na masama talaga akong babae at kahit na sinong lalaki papayagan kong humalik sa akin. Damn it. I am still married to that monster.
Wala sa loob na nahawakan ko ang labi ko.
But his kiss was different. It made me feel something. It made me feel alive. It me feel that I was valued. I was something to be taken care of. Naramdaman kong importante ako. Hindi katulad nang nararamdaman ko noon na kasama ko si Perry. I felt I was like a thing that he would going to use every time he wanted. A dispensable thing that he could easily threw in the garbage when he didn't want anymore.
Kailan kaya uuwi si Riel? Kailangan namin mapag-usapan ang nangyari. Sigurado ako na kaya lang naman niya nagawa iyon dahil nalilito siya. May nangyari at nawala siya sa sarili niya at hindi niya alam na nagawa niya iyon. Oh my God. That freaking kiss complicated everything. Kumplikado na ang buhay ko lalo pang naging kumplikado ngayon.
Muli ay may pumaradang sasakyan sa tapat ng bahay at nang sumilip ako ay nakita kong si Attorney Eli ang bumababa sa sasakyan. Naalala ko na ngayon nga pala ang schedule ng pre-trial namin ni Perry. Ngayon kami maghaharap.
Nag-doorbell si Attorney kaya agad akong lumabas. Nginitian ko siya at pinapapasok sa loob.
"Good morning, Attorney." Nakasunod siya sa akin hanggang sa loob ng bahay.
"Are you ready for today?"
Ang ganda ng ngiti niya sa akin. Nakakagaan ng pakiramdam. Nawawala ang kaba ko na magkikita kami ni Perry at ang alalahanin sa nangyari sa amin ni Riel.
"Hindi ko alam. Kinakabahan ako."
Dahil iyon naman talaga ang nararamdaman ko. Isipin ko lang na makakaharap ko si Perry ay gusto ko nang mag-backout. I knew what he could do. Paano kung magharap kami at bigla niya akong saktan uli? Ayaw ko nang maranasan iyon. Hindi na kakayanin ng katawan ko.
"You don't have to worry. I'll be with you at hinding-hindi ka mahahawakan ng asawa mo. Nandito si Riel? Itatanong ko sana kung may libre siya ulit na paalmusal," natatawang sabi pa nito.
Umiling ako. "Two days na siyang umuuwi."
"Oh." Hitsurang nagulat pa si Attorney. "I thought he is coming with you today. So, okay ka lang kung hindi natin isasama ang anak mo? I mean, I don't want him to experience the horror of reliving what happened to you. I am going to be frank with you. When we get there, it's going to be ugly. Since your husband told the world that you are the bad guy, people think that you are the bad guy. Kailangan matibay ang loob mo. Kaya mo ba?" Ngayon ay seryoso na ang hitsura ni Attoney.
Sunod-sunod ang tango ko. "Ayoko ng maranasan pa iyon. I live in hell with that demon for ten years and I won't go back." Agad na namuo ang luha sa mga mata ko kaya mabilis kong pinahid iyon.
"I am sure your husband is going to counter your claims. I am sure he will tell everyone that he beat you because he found out that you have another man. The possible scenario would be he will offer to drop all the charges against you, the adultery case but he would want you to come back to him."
"Ayoko na. Hindi ko na kayang bumalik kay Perry. Papatayin ako n'on. Attorney, tulungan mo ako. Ang gusto ko lang ay mapawalang-bisa ang kasal namin. Hindi ako maghahabol ng kahit magkano sa pera niya. Kalayaan ko at kaligtasan ko ang pinaka-importante sa akin. Ang kaligtasan namin ng anak ko." Naiiyak na sabi ko.
Tumatango-tango si Attorney. "Just make sure that you tell me everything. Wala kang itatago sa akin. Then we will battle with your husband head on. Let's go. We don't want to be late. This meeting is important for your case. I'll wait for you in the car."
Nauna ng lumabas si Attorney at ako naman ay dumeretso sa kuwarto ni River. Natutulog pa ang anak ko. Ginising ko siya at sinabi kong aalis lang ako saglit para may i-meet. Nagbilin ako sa kanya at sinabing tawagan ako agad kung ano man ang mangyayari. Sigurado naman ako na hindi magtatagal ang meeting na ito. Sisiguraduhin ko na hindi ako magtatagal na kaharap si Perry.
Wala kaming imikan ni Attorney habang bumibiyahe kami papunta sa korte. Halos hindi ako makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nang pumarada nga ang sasakyan ni Attorney ay halos hindi ako makababa sa sasakyan niya. Nanginginig talaga ang tuhod ko. Kailangan pa niya akong alalayan para lang makapasok sa loob.
Sa isang silid kami pumunta at wala pa sila Perry doon. Maya-maya ay pumasok na ang isang lalaki at ganoon na lang ang kaba ko nang makita kong kasunod nito si Perry. Agad akong nagsiksik sa gawi ni Attorney at hindi ko makayang humarap sa kanya. Pumuwesto pa sa harapan ko si Perry at alam kong talagang sinasadya niya iyon. Alam niya kung gaano ako katakot sa kanya.
Muling bumukas ang pinto at pumasok na ang isang lalaki na sigurado akong judge dahil tumayo agad si Attorney at bumati dito. Ganoon din ang ginawa ng kasama ni Perry. Nang subukan ko siyang tingnan ay nakita kong seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
Nag-umpisang magsalita ang clerk. Binabasa ang mga kaso na isinampa laban kay Perry. Panay lang ako pindot sa mga daliri ko. Gusto ko na lang matapos ito at makalayo na sa kanya.
"Your honor, if I can speak to my wife."
Si Perry iyon. Malumanay na malumanay ang boses nito. Napakagaling niyang umarte. Parang maamong tupa na hindi gumagawa ng kasamaan.
Sumenyas lang ang judge na kausapin niya ako pero hindi ako tumitingin sa kanya.
"Meara, do we have to go to this far? We could talk to our problems privately."
Tumingin lang ako kay Attorney at nakatingin lang din ito sa akin. Tumango na sagutin ko ang mga sinasabi ni Perry.
"What do you want me to do? I love you. You know I can't live without you. Whatever you did, I am willing to forgive you." Naiiyak pa ang boses nito.
Doon na ako tumingin sa kanya. "After what you did to me?" Hindi ko na napigil ang sarili ko at napaiyak na ako. "You almost killed me, Perry. Did you see this?" Itinuro ko ang mukha kong papagaling na ang mga pasa at sugat. "This." Iniangat ko ang damit ko para makita ng lahat ang mga papagaling na pasa doon. Agad akong pinigilan ni Attorney at pinaupo.
"Your honor, he is trying to intimidate my client." Sabi ni Attorney sa judge na naroon.
Tumingin ang judge kay Perry at umiling ito.
"I don't see anything wrong. They are husband and wife and if they can settle the case here, better. Let them talk to each other." Sagot ng judge habang patuloy ito sa pagbuklat ng mga papel na nasa harapan nito.
"But we have evidences of what he did to his wife. It's in the file that's been sent to you. Medical records, pictures of her bruises and wounds courtesy of her husband. My client doesn't want to make amends with him. She wanted an annulment and to live in peace away from him." Seryosong sabi ni Attorney.
Nakita kong nagtagis ang bagang ni Perry at tumalim ang tingin sa akin. Narinig kong napahinga ng malalim ang judge habang may mga tinitingnan na litrato.
"Did you do this, Mr. Azaceta?" Ipinakita ng judge ang isang litrato ko na punong-puno ng bugbog ang mukha ko.
Napalunok si Perry at tumingin sa kasama na abogado.
"Yes." Mahinang sagot nito. "Because I found out that she is having an affair. I was mad. Niloko ako ng asawa ko." Hitsurang nagpapaawa ang hitsura ni Perry. "Kahit sinong lalaki ay magdidilim ang paningin kung malaman na niloloko ng asawa niya."
"Hindi 'yan totoo! Wala kong lalaki, Perry. Alam mo 'yan. Sampung taon akong nagtiis sa pananakit mo. Sa pambababoy mo sa akin tapos ako pa ang babaligtarin mo? Wala akong lalaki! Hindi kita niloko." Hindi ko na napigil ang umiyak.
"Can you support your accusations, Mr. Azaceta?" sabi ng judge.
May mga inilabas na mga litrato ang abogado ni Perry at ibinigay sa judge. Nagkatinginan kami ni Attorney at kita kong maging ito ay nagugulat sa mga ipinapakitang dokumento ng kampo ni Perry.
"That is Mrs. Azaceta with her former lover Chuck Mendiola. Chuck was the former body guard of their son who died in an attempted kidnapping years ago. Mr. Azaceta knew the affair between them but he just kept his mouth shut. He loved Mrs. Azaceta so much that even she was having an affair, he was willing to forgive her just to keep their family whole." Ang abogado ni Perry ang nagsalita noon.
"W-what?" Natataranta akong tumingin kay Attorney at umiiling tapos ay tumingin kay Perry. "No. I didn't have an affair with Chuck. Perry you know that. He was my friend. And he was gay."
"Your honor, may I see the photos presented to you?" Sabi ni Attorney sa judge.
Ibinigay naman ng judge ang litrato at ako nga naroon kasama si Chuck. Kuha iyon na pareho kaming nakaupo sa isang mesa at nagtatawanan. Nakasandal pa ako sa dibdib ni Chuck. Naalala ko ito. Ito iyong hinihintay namin palabas ng eskuwela si River. Pinag-uusapan na namin kung paano ako tutulungan ni Chuck na makatakas kay Perry.
"I didn't have an affair. Wala akong naging ka-affair kahit kanino." Pinahid ko ang mga luha ko. "I don't think I can do this anymore." Hindi ko na kayang harapin pa si Perry. Bakit ganoon? Bakit pakiramdam ko nababaligtad pa ako? Bakit parang ako pa ang may kasalanan kung bakit niya ako binubugbog?
"May I request to do this on another schedule? My client is experiencing shock right now. She is not ready for this kind of harassment. I need to bring her to a hospital." Sabi ni Attorney.
Halatang nairita ang judge at nagsabi lang ito ng susunod na schedule ng paghaharap namin ni Perry. Walang kibo itong umalis. Nagpaalam sa akin si Attorney na kailangan nitong kausapin ang judge at ganoon din ang ginawa ng abogado ni Perry. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil kami na lang ang naiwan doon.
"Did you miss me?"
Hindi ako sumagot at hindi ko tinitingnan si Perry.
"I missed you." Sabi pa niya. "I missed looking at you while your sleeping. I missed kissing you. Touching you." Doon ay unti-unti na siyang ngumingisi tapos ay umiiling-iling.
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at naalala ko na naman ang sinabi ni Riel noon. Perry's kind won't change. Babawi lang pero mas matinding balik ang gagawin sa akin.
"I don't want this to happen, Meara but you left me no choice. All I want is for our family to be whole again. You know you are my life." Wala akong maramdamang sinseridad sa paraan ng pagkakasabi niya noon.
Nag-angat ako ng mukha at tumingin sa kanya. "Your life? Or is more like a punching bag?" Nanginginig ang boses ko. "Ten years, Perry. Nagtiis ako ng ten years sa pananakit mo. You think your money can make happy? Ano 'yon? Bubugbugin mo ako. Bababuyin mo ako tapos ang kapalit ay pera? Mas maigi siguro kung nag-prostitute na lang ako. At least men will pay me without hurting me."
"You know you deserve to be beaten." Ngayon ay nagbago na ang tono ng salita ni Perry. Sinasabi ko na, na talagang arte lang niya ang kunwari ay pagiging mabait sa akin. Ganoon naman ang drama niya kahit noon. Babait sa tuwing matapos akong gulpihin. "Dahil matigas ang ulo mo. Hindi ka sumusunod sa akin. Asawa kita at lahat ng gusto ko ay dapat mong sundin. Kaya kita nasasaktan dahil kasalanan mo rin."
"No. Wala akong kasalanan. Ang tanging kasalanan ko ay nagpakasal ako sa iyo. Ang kasalanan ko, nagtiwala ako sa'yo at pinaabot ko pa ng ilang taon na saktan mo ako. But you cannot do that to me now. kahit marami kang pera, lalabanan kita." Matigas na sabi ko.
Ngumisi si Perry. "Sure? Meara, hindi ko alam kung nasisiraan ka na ng bait. Baka nakakalimutan mo kung sino ang asawa mo. Kung gaano karami ang connections ko. You cannot have a credible witness against me to support your accusations that I hurt you. Mga tao sa bahay? Sila Manang? Ang mga guards? Their loyalty is with me. It will be your words against the hundreds of people who backs me up. Wala kang medical records na magpapatunay na matagal na kitang nasasaktan. Mahihirapan ka lang. Your lawyer, I bet he is handling your case Pro bono. Dahil saan ka naman kukuha ng pera para ipambayad ng abogado? But time will come magsasawa 'yan. Dahil kaya kong i-delay nang i-delay ang court proceedings. My money can talk and when they talk, people listens. Even those who are already in power."
"I am not going to get back to you," umiiling na sabi ko. "Just give me the annulment. You can do whatever you want in your life kasama ang pera mo."
"No. You are going to be my wife forever." Bahagyang dumukwang si Perry kaya napaatras ako. "I'll make sure that all the cases that you filed against me will be dismissed. Your lawyer will abandon you. I will get your son. Whoever is helping you right now, I am going to kill him or her and I am telling you I can get away with that. You will be left with nothing until the only choice that you can do is to crawl back at me." Tumawa ng nakakaloko si Perry. "Or, we can settle this now, end this craziness and come home with me and live like a happy family just like before."
Sunod-sunod ang iling ko. "Hinding-hindi ako babalik sa iyo. Hinding-hindi mo makukuha ang anak ko. Anak ko iyon. Lalabanan kita, Perry. Kahit marami kang pera, kahit marami kang koneksyon, lalabanan kita. Hindi na ako takot sa iyo."
Sa unang pagkakataon ay nakatingin ako ng deretso sa mga mata niya. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na masabi iyon at nakita kong nagulat siya sa inakto ko.
Halatang nasira ang composure niya. "Matapang ka na? You are not like that. Who the fuck is helping you?" Ngayon ay dama kong nag-aalala siya.
Lalo kong itinaas ang noo ko at tumitig sa kanya.
"No one is helping me. I just realized that I am no longer allowing you to hurt me. Ten years is too much, Perry. I am not going back to the hell that you brought me in my life."
"All right. You chose the hard way, Meara. Let's see who is going to win here." Ngumisi siya ng parang demonyo sa akin. Noon bumukas ang pinto at pumapasok si Attorney at ang abogado ni Perry.
"Come on, Perry. Let's see them next time." Pilit na pinapatayo ng abogado si Perry pero nanatili siyang nakatingin sa akin.
"You will crawl back at me. Ilalabas ko lahat ng baho mo." Banta pa niya.
"Your client is harassing my client. We are going to file a temporary restraning order against him." Halatang inis na rin si Attorney habang hinaharangan ako.
"Attorney Suarez, right?" Tumawa si Perry. "You know, a lawyer shouldn't take cases like this. Pro bono? Aaksayahin mo ang oras mo sa ganitong kaso na alam nating lahat na hindi mananalo sa katulad ko. You still have time to change your mind and to change your team. I pay well."
"Mas lalo mo lang akong binigyan ng dahilan para tulungan siya at idiin ka. Don't worry, Mr. Azaceta, if I don't have money anymore, I know whom to call." Tumingin si Attorney sa abogado ni Perry. "Put a leash on your client. Nagkakalat."
Halatang napikon si Perry sa sinabi ni Attorney at padabog itong umalis doon. Noon lang ako nakahinga ng maluwag at napahagulgol.
"It's over. It's okay," pang-aalo ni Attorney. Umupo pa siya at hinawakan ang mga kamay ko. "Damn it. You're shaking. That's his effect to you? He cannot hurt you anymore."
Hindi ako makasagot at umiiling lang ako. Pakiramdam ko ay naririnig ko pa ang boses ni Perry. Nararamdaman ko ang mga pananakit niya.
"Hindi na niya magagawa iyon. I will tell the judge of what he has been doing. He is harassing you and he cannot do that next time. Don't worry. Everything will be fine, Meara. I swear. You will never go back to him." Punong-puno ng determinasyon ang tono ni Attorney Suarez.
Ilang beses akong huminga ng malalim. Aasa ako. Kakapit ako sa sinabi niyang iyon.
Dahil iyon na lang ang natitirang pag-asa ko na makawala sa impiyernong buhay kasama si Perry.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top