CHAPTER THIRTY-SIX (Fresh Start)
A fresh start is not a new place. It's a new mindset.
------------------------
Meara
"Mom, where is Kuya Riel?"
Nilingon ko ang anak ko na kagigising lang at naupo sa harap ng mesa. Hinarap ko uli ang niluluto kong almusal at hindi siya sinagot. Nasaan nga ba si Riel? Hindi ko din alam. Nang umalis siya two nights ago ay hindi na siya umuwi. Nag-aalala ako. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya nang umalis siya dito. Pinuntahan ba niya si Perry?
"I... I think he went to a friend," iyon na lang ang isinagot ko sa anak ko at inilapag ko sa harap niya ang isang cup ng hot chocolate.
Napalabi si River. "He never stays home. He's been out for days already. He is just coming here to take a bath then he will leave again. He is not playing with me anymore." Dama ko ang tampo sa tono niya. "Do you think he is mad at me?"
Ngumiti ako ng pilit. Totoo iyon. Ramdam kong umiiwas si Riel kaya hindi nga nagtatagal dito considering na bahay niya ito.
"Of course not. Why is he going to get mad at you? Maybe he is just busy taking things for himself. You know. Adult stuff." Ngayon naman ay inilapag ko sa harap niya ang isang plato ng kanin at bowl ng sauteed broccoli and beef. Tumingin siya sa akin nang makahulugan at tinaasan ko lang siya ng kilay. "Eat your veggies. If not, I am going to tell Riel that you didn't eat that."
Sumimangot ang mukha ni River at kumutsara ng broccoli tapos ay kinain. "Happy now, Mom?"
"Good." iyon na lang ang tanging sagot ko at muling hinarap ang ginagawa ko. Gusto kong magkausap kami ni Riel. Damang-dama ko ang biglang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin magmula nang may mangyari sa amin nang gabing iyon. That kiss. It ruined everything.
Naitukod ko ang kamay ko sa lababo. Wala sa loob na nahawakan ko ang labi ko.
Because that kissed ruined my self-control too. Every night, I was thinking to taste his kiss again.
Luka-luka ka talaga, Meara. Hindi mo pa naaayos ang buhay mo, iyan ka na naman. Hindi lahat ng lalaking nagpapakita ng kabutihan sa iyo, magkakagusto ka na. Hindi ka gusto ni Riel. Naaawa lang siya sa iyo. Iba ang awa sa pagmamahal.
Nangilid ang luha ko nang maisip iyon at napahinga ng malalim. Alam kong iyon lang naman talaga ang nararamdaman ni Riel. Awa. Kahit kailan, walang matinong lalaki ang magkakagusto sa katulad kong pinagsawaan na ng ibang lalaki. Maybe that was the reason why Perry was beating me up. Because am I trash. And I belong to a trash.
Narinig kong may nag-doorbell kaya agad akong kumuha ng paper towel at tinuyo ang kamay ko: Tumayo din agad si River at tumakbo patungo sa gate. Alam kong ini-expect ng anak ko na si Riel iyon pero alam ko ng hindi. Dahil hindi naman nagdo-doorbell si Riel kapag dumarating dito.
"Mom! You have a visitor."
Hindi na ako nakalabas ng bahay dahil nasa pinto na at nakatayo doon ang bisitang sinasabi ni River. Si Attorney Suarez. May dala pa siyang bulaklak at nakangiti sa akin.
"Good morning. Fresh flowers for you," iniabot niya ang bulaklak sa akin at napatingin ako sa anak ko na nagtatanong ang tingin sa akin at sa bulaklak na ibinigay ni Attorney. Kahit nagtataka ay kinuha ko iyon dahil nakakahiya namang tumanggi.
"Good morning, Attorney. Come in," pinapasok ko siya sinenyasan kong maupo sa couch. "Do you want anything? Coffee? Juice?"
"What do you have for breakfast?" Nakangiti pa ring tanong niya.
Napakamot ako ng ulo. "We have sauteed beef and broccoli. Nothing special. Ulam na rin naman 'yan kasi for lunch. Dalawa lang kasi kami ni River dito. Okay lang sa'yo 'yon?"
"That's fine. That's my favorite. Can I have taste?" Tumayo pa si Attorney at tinungo ang kusina kaya lalong nagtaka si River nang maupo ito sa harap ng mesa sa tabi ng anak.
"He's going to eat here?" Takang tanong ng anak ko.
"River, he is a guest. Be nice," tiningnan ko ng makahulugan ang anak ko at naglagay ng plato sa harap ni Attorney. Nasa hitsura niya na talagang excited siyang kumain. Naalala ko nang magpunta din siya dito noon. Nakikain din ng breakfast. Wala kaya siyang almusal sa bahay niya?
"Wow. This looks yummy," nakangiting sabi niya. "And the smell," napapikit pa si Attorney nang amuyin ang ulam. "Mukhang madami akong makakain."
"You don't have food in your home?" Sabat ni River.
Gusto kong takpan ang bibig ng anak ko sa katabilan. Nakakahiya kay Attorney.
Ang lakas ng tawa niya at nagsimulang kumain.
"Actually, I do have food. I have my private chef who cooks food for me. Breakfast, lunch and dinner and snacks. But I really prefer home cooked food. Food that is cooked by a mom for his kid. It tastes way better than those gourmet food," sagot niya at nagsimulang kumain.
"Why don't you ask your mom to cook food for you?" Sabi pa ni River.
"River," saway ko sa anak ko.
Ngumiti ng mapakla si Attorney. "I love to. But unfortunately, I don't know who my mom is. I came from an orphanage. No mom. No dad. Just me."
Nakita kong nag-iba ang timpla ng hitsura ni River at hindi na nakapagsalita. Ganoon din naman ako sa narinig kong sinabi niya.
"You don't have a dad too?" Muli ay tanong ni River. Mukhang nakuha noon ang atensyon ng anak ko.
"None. Sometimes I think I am Superman and I came from planet Krypton and my real parents brought me here on Earth to become a superhero. I have an 'S' on my costume underneath my clothes," natatawang sabi ni Attorney na alam kong nagbibiro na kay River.
Natawa si River. "You're joking."
Napangiti ako. My son laughing at other people's jokes, that was something. Hindi basta-basta nagtitiwala sa tao ang anak ko.
"And we both could agree that your mom is a good cook. Right?" Tinapunan ako ng tingin ni Attorney tapos ay nakipag-high-five sa anak ko.
Gumaang ang mood ni River at mabilis na naubos ang kinakain niya. Nang makatapos ang anak ko ay sinabihan ko itong tumungo sa kuwarto para makapag-usap kami ni Attornery dahil sigurado akong may sasabihin siya sa akin kaya nagpunta dito.
"Sarap ng luto mo. Dami kong nakain," sabi pa ni Attorney at bahagyang hinimas ang tiyan. "The perks of doing pro bono."
"May kailangan ka ba, Attorney? Is this about my case?" Nakaramdam ako ng kaba dahil baka sabihin niya na may talo ang case namin kay Perry.
Sumeryoso ang mukha niya. "About that." Napahinga siya ng malalim at kinuha ang bag niyang dala at may kinuhang mga folders at envelopes doon. "You are a free woman now, Meara."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Kinuha niya ang isang envelope at inilabas doon ang mga papel at inilatag sa harap ko.
"This is the decision of the court that grants the nullification of your marriage with Perry."
Napapikit-pikit lang ako at pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa nakikita kong papel. Kapirasong papel na nagsisigaw ng kalayaan ko. Napatingin ako kay Attorney at nakangiti lang siya sa akin.
"I-is this true?" Napapiyok pa ako at kinuha ko ang papel dahil baka mali lang ang nababasa ko doon.
"Yes. Your annulment is granted. And, Perry left you a chunk of money." Muli ay may papel siyang inilagay sa harap ko. "The house will be yours too. Wala na ang mga taong naroon. Ang mga tauhan niya, ang lahat ng staff niya. It will your decision whom do you want to stay with you among your staff in that house."
Napaawang ang bibig ko at hindi ko malaman ang sasabihin ko.
"O-one hundred million?" Hindi makapaniwalang sabi ko dahil iyon ang nakita ko na nakasulat sa papel.
"Yes. And the mansion, and all of the properties the he left. That will be for you and your son. However, the hospital won't be yours. Someone already bought that. But everything is yours."
Hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang nangyayari. Noong nakaraan lang ay sinasabi ni Perry na hindi ako mananalo sa kaso na isinampa ko laban sa kanya. Sinisiguro niya na gagawin niya ang lahat para makuha ako muli. Pero ano 'to? Hindi ko mapaniwalaan ito. Hindi ko namalayan ang lumandas na ang luha sa mga pisngi ko at napatingin na lang ako kay Attorney nang abutan niya ako ng panyo.
"Don't cry. After all of you've been through, you deserve everything. It's yours." Nakangiting sabi niya.
"P-pero paano? What happened? Perry won't never give up his wealth for me."
Doon sumeryoso si Attorney. "The truth is, Perry is gone, Meara. He is dead."
Nanlaki ang mata ko. "What?"
Tumango-tango si Attorney. "He was found dead in his hospital two nights ago. I don't want to give any details about that because the board of the hospital decided to make it a secret. Ayaw nilang ma-eskandalo din ang ospital. I met with his lawyer and he discussed this."
"Perry is dead?" Paniniguro ko. Nahawakan ko ang dibdib ko at gusto kong mahiya sa sarili ko. Dahil wala man lang akong nadama na kahit na ano nang malaman kong patay na ang asawa ko.
"Perry has a last will and testament. Nandoon ang lahat ng gusto niyang mangyari kapag namatay siya. And his request is for him to have a private burial when he died. His lawyer is fixing it now as we speak. Ayaw na niya na malaman ng lahat kung ano ang nangyari sa kanya. So, everything will be off from the press. His lawyer will make a press con today to tell everyone that Mr. Azaceta is stepping down as the CEO of his hospital. But the important thing is you are now free. No one is going to hurt you anymore. You and your son can live your life without being feared that someone will hurt you again."
Doon na ako tuluyang napahagulgol. Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag. Ang tagal-tagal kong nagtiis sa takot kay Perry at ito ang pinakamagandang balitang narinig ko.
"H-how did he die?" Pinahid ko ang luha ko at tumingin kay Attorney.
Saglit na napatahimik si Attorney tapos ay napakibit-balikat.
"He shot himself." Tanging sagot niya.
Natigilan ako. Si Perry? Magbabaril sa sarili niya? Parang malabo niyang gawin iyon. Bakit bigla akong kinabahan?
"I want to see his body. As his wife..."
"Ex-wife, Meara. Annuled na kayo." Pagtatama ni Attorney.
"I... I know. But I still have the right to see his body. Right? I have the right to bury him."
Umiling siya. "His lawyer is doing everything. Iyon ang nakalagay sa last will niya. You cannot do anything about it. Saka pabayaan mo na iyon. Gusto mo pa bang makita ang demonyong nanakit sa iyo sa mahabang panahon? This is your chance to stand up again. To have a new normal life. To find love again."
Malakas na kalabog ng pinto ang narinig namin kaya pareho kaming napatingin doon ni Attorney. Agad akong napatayo dahil nakita kong nakatayo doon si Riel at dilim na dilim ang mukha habang nakatingin kay Attorney. Tinapunan pa ng tingin ang bulaklak na nakapatong sa mesa at muli ay bumalik ang tingin sa lugar namin.
"Riel," pakiramdam ko ay tumalon ang puso ko nang makita siya. Pero kataka-takang hindi siya nakangiti sa akin. Seryoso lang ang mukha niya at halatang nagtitimpi ng sasabog na galit.
"'Morning, Riel." Nakangiti pang bati ni Attorney sa kanya. Pabagsak niyang binitiwan ang dalang bag at lumakad palapit sa amin. Lalong dumilim ang anyo nang makita ang pinagkainan ni Attorney.
Napalunok ako. Bakit nakakatakot naman si Riel ngayon? Seryosong-seryoso.
"Get out."
Nagtataka akong tumingin sa kanya. Pinapaalis niya si Attorney?
"Riel. Come on. You woke up at the wrong side of the bed? Whose bed?" Natatawang sagot ni Attorney.
Hindi sumagot si Riel at napasigaw ako nang malakas niyang suntukin sa mukha si Attorney.
"Oh my God! Riel!" Agad akong umawat sa kanya. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya at akmang susuntukin uli si Attorney. Pero hindi naman gumanti si Attorney at tatawa-tawa lang na pinahid ang gilid ng pumutok na labi. Tumayo na at iiling-iling na kinuha ang bag.
"That's my cue. I have to go. The papers are all yours, Meara. Congratulations. You won." Marahan pang hinihilot ni Attorney panga niya na sinuntok ni Riel at tuluyan nang lumabas.
"What the hell was that?" Gulat na gulat ako sa ginawa ni Riel.
Tinapunan lang ako ng tingin ni Riel tapos ay walang imik na tinungo ang kuwarto niya. Sumunod ako at dahil talagang nagagalit siya. Bakit?
"Ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit mo sinuntok si Attorney?"
Hindi pa rin siya nagsasalita at isa-isa lang na tinatanggal ang butones ng suot niyang polo tapos ay painis na hinubad iyon.
"Nagagalit ka ba na nagpunta siya dito at nakikain? Pasensiya na. Iyon lang kasi ang alam kong pambayad para sa paghawak niya sa case ko. And it paid off. I am now free. Perry is dead."
Hindi ko nakita na nagulat si Riel sa sinabi ko. Hindi nga natuwa. Wala lang siyang imik at binuksan ang cabinet niya at kumuha ng t-shirt doon. Sa inis ko ay nilapitan ko na siya at pilit na iniharap sa akin.
"What the hell is your problem?" Nauubos na ang pasensiya ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin lang sa akin pero kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.
"Ilang araw kang mawawala na hindi ko alam kung anong nangyayari sa iyo. Kinakain ako ng guilt dahil feeling ko kasalanan ko kaya ka nagkakaganito. Kaya ka nagagalit. Pati ibang tao dinadamay mo. Kung galit sa akin, tell me. Is this because of that fucking kiss? Damn it, Riel! I didn't want you to kiss me!" Hindi ko na napigil ang sarili ko dahil talagang pikon na pikon na ako sa kanya.
Doon ko nakitang nagulat siya sa sinabi ko at biglang nag-iba ang timpla ng mukha. Napalunok siya at bahagyang lumayo sa akin.
"I heard that you're free and you can go back to your own place. There will be no one to hurt you anymore. Ihahatid ko na kayo doon ni River ngayon." Malumanay na sabi niya.
Hindi ko napigilan ang mga luha ko. "That's it?"
"Hindi ka na bagay dito, Meara. You can hire dozens of bodyguards if you think you and River are still in trouble." Walang kaemo-emosyon si Riel.
"What is going on? Bakit ganyan ka?" Hindi ko nakilalang ganito si Riel. Sobra ang pagpo-protekta niya sa amin ni River pero bakit ngayon nararamdaman kong itinataboy na niya ako?
"I am done taking care of you." Pagkasabi noon ay tinalikuran na niya ako.
Tuluyan akong napahagulgol. Ang sakit-sakit naman nito. Bakit siya nagkaganito sa akin? Ano ba ang nangyari? Dapat kasama ko siya na nagdidiwang dahil sa wakas nakuha ko na ang kalayaan na inaasam ko. Pero bakit ganito? Kung alam ko ganito ang magiging kapalit ng kalayaan ko, mas gugustuhin ko pang habambuhay akong guluhin ni Perry at protektahan ako ni Riel.
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at tumingin sa kanya.
"Sige. Kung iyan ang gusto mo. Maraming salamat sa lahat ng tulong." Pagkasabi noon ay lumabas na ako ng silid niya at tinungo ang silid ko. Doon ako iyak nang iyak habang nagsisilid ng mga gamit ko. Pero naalala ko, mga gamit ito na binili ni Riel para sa akin kaya hindi ko kailangan 'to. Pinuntahan ko ang kuwarto ni River at nagulat ang anak ko nang makita akong umiiyak.
"What's wrong, Mom?" Taka niya.
"We are going home." Hinawakan ko siya sa braso at hinila palabas.
"What? Wait. No. I don't want to go home. This is our home, Mom. I don't want to live with that monster." Pilit na kumakawala sa akin si River.
"Trust me, we are free. I'll explain everything in the house. Let's leave." Naiiyak pa din ako dahil talagang nasasaktan ako sa ipinakita sa akin ni Riel.
"No. Mom, I want to stay here with Kuya Riel." Protesta niya.
"I'm sorry, anak. But he doesn't want us here anymore." Basag na basag ang boses ko. "Please, River. I don't want to stay here."
Nakita kong nalungkot ang mukha ng anak ko habang nakatingin sa akin.
"Did he hurt you? Did he make you cry?"
Umiling ako pero alam kong ramdam ng anak ko na nasasaktan ako.
"I just want to get out of here." Humihikbing sabi ko.
"Okay, Mom. Let's go." Malungkot na sabi ni River at humawak na sa kamay ko. Naipagpasalamat ko na hindi na nagpilit pa ang anak ko na kausapin niya si Riel o magpaliwanag sa kanya kung ano ang nangyayari. Alam na ng anak ko na nasasaktan ako at kailangan kong makaalis dito.
Wala kaming kinuha na kahit ano ni River. Ang mga gamit na ibinili ni Riel para sa amin ay iniwan ko lahat. Tanging ang mga papeles lang na bigay ni Attorney ang binitbit ko. Kahit sinabi niyang ihahatid kami, para ano pa? Ramdam ko naman na gusto na lang niya kaming itaboy. Mabuti na nga lang at saktong may dumaang taxi nang makalabas kami ng bahay. Pagsakay doon ay talagang napabunghalit ako ng iyak. Dahil hindi man lang niya kami sinilip kahit alam kong alam niyang umalis na kami.
Because of that fucking kiss, it ruined everything that I had with him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top