CHAPTER THIRTY-SEVEN (Stakeout)
A guy is only insecure about losing his girl when he knows someone else can treat her better - Unknown
--------------------
Riel
Nakaupo lang ako dito sa silid na tinutulugan ni River at nakatitig sa mga nakasabog na bala ng playstation. Naka-on pa nga ang unit. Hindi na napatay dahil nagmamadali na silang umalis ng mommy niya kanina.
Napatiim-bagang na lang ako habang isa-isang dinadampot ang mga cd at inilalagay sa case. Ini-off ko din ang unit at inis na ibinato sa kama ang game console. Mahina akong napamura at naikuyom ko ang mga kamay. Gusto kong suntukin ang sarili ko.
I lost it. It was my fault kaya umalis si Meara dito. Dahil pinaalis ko sila. Dahil hindi na nila kailangan na magtago dito.
Dahil na nila kailangan ang tulong ko.
Meara was free already. Ghost and that asshole lawyer made it sure that Perry will be gone forever. Although they didn't kill him, I knew Perry was somewhere out there where he would be wishing that he was dead.
Napabuga ako ng hangin habang nakasalampak sa carpet at nakatitig sa mga gamit na naroon sa loob ng silid ni River. Wala silang dinala na kahit na ano. Lahat ng mga ibinili ko, binigay ko para kay River ay naiwan dito. Napangiti ako ng mapakla, ayos lang. At least, walang souvenir. Mas madaling makaka-move on si River at alam kong darating ang panahon makakalimutan na rin niya ako.
I loved that kid. I saw myself in him but it was better this way. Mas maigi na habang maaga ay malayo na siya sa akin. Masyado akong iniidolo ng batang iyon. Ang akala niya ako ang tagapagtanggol niya at ng nanay niya. Hindi niya alam, ako ang dahilan kung bakit nasadlak sa ganitong buhay ang nanay niya. That was the guilt that was eating me alive. Looking at Meara's face and seeing her every day, it was fault she was raped by a monster then ended up with his devil husband.
Ang huling alas ko na nga lang para mabawasan ang guilt feeling ko ay ang mahanap kung sino ang nang-rape sa kanya. Ang pulis na bumaboy sa kanya. But now that Vic's dead, it's fucking dead end for me.
Kaya ako nagkakaganito. Kaya ako nagagalit sa sarili ko dahil wala akong magawa para mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Meara. Pati sa pagliligtas sa kanya kay Perry hindi rin naman ako ang gumawa. Kung hindi pa dahil kay Ghost at sa gagong abogado na naman na iyon, hindi pa magiging malaya si Meara. Putangina. Anong silbi ko? Tagaluto dito? Taga-aliw kay River? Taga-kausap kay Meara para sabihin sa kanya na huwag na mag-aalala? Gusto kong makita ni Meara na kaya ko siyang ipagtanggol. Kaya ko siyang iligtas kahit kanino. Kaya kong tumulong sa kanya para maging maayos ang buhay niya. Hindi man ako kasing-yaman ng asawa niya, pero matinong tao ako. Hinding-hindi ko siya sasaktan.
Pero umiiyak siya nang umalis dito kanina. Hindi mo pa siya sinaktan n'on?
Mahina akong napamura nang maisip iyon at inis na naihilamos ang kamay sa mukha ko. Pakiramdam ko ay binibiyak ang dibdib ko sa tuwing maalala ko na umiiyak si Meara sa harap ko. Umiiyak siya dahil kagagawan ko. Pero tama lang iyon. Maigi nang buuin niya ang sarili niya na wala na ako sa anino niya.
Magkakaroon na sila ng bagong buhay ng anak niya at masaya ako doon kahit na nga isang bahagi ng pagkatao ko ang umaasa na kasama ako doon.
Tumunog ang telepono ko at nakita kong si Ghost ang tumatawag sa akin. Tiningnan ko lang ng masama ang telepono at hindi ko sinagot. Pinabayaan kong tumunog nang tumunog. Nahiga ako sa carpet na nakalatag sa kuwarto ni River habang patuloy sa pagtunog ang telepono ko. Fuck Ghost. Bakit pa siya tumatawag? Doon na siya sa paborito niyang abogado.
Huminto ang tunog ng telepono kaya napahinga ako ng malalim. Nanatili lang akong nakahiga doon at nakatingin sa kisame tapos ay pumikit. Can Meara do it alone? How was she going to start over? Inis kong sinabunutan ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay sasabog na ang isip ko. Sirang-sira ang diskarte ko. Wala akong matinong magawa ngayon.
Naramdaman kong parang may tao sa paligid ko kaya mabilis kong kinuha ang baril na nakasuksok sa likuran tapos ay tumayo at itinutok iyon sa kung sino man na naroon. Pero naningkit lang ang mata ko nang makilala iyon. Inis ko siyang tiningnan at inis na itinapon sa kama ang hawak kong baril at muling nahiga sa sahig.
"What do you want?" asar na tanong ko.
"You didn't report to me. I told you to go home last, but you didn't." Kaswal na sagot ni Ghost at nagpalakad-lakad sa loob ng silid.
Hindi ko siya pinansin kahit na nga sa gilid ng mata ko ay nakikita ko siyang tinitingnan ang mga kung ano-anong naroon sa silid. Nakita ko siyang may dinampot na damit at napakibit-balikat lang tapos ay muling ibinalik din iyon sa pinagkuhanan.
"So, Meara's son stays here?" sabi pa niya.
Hindi ako sumagot. Wala akong panahon makipagusap sa kanya. Maya-maya ay naramdaman kong pabiglang hinawakan ni Ghost ang suot kong t-shirt at sapilitan akong pinatayo at iniharap sa kanya.
"What the fuck is wrong with you?" Ngayon ay seryoso na ang hitsura niyang nakatingin sa akin. Napalunok ako. Pakiramdam ko ay nanginig ang tuhod ko dahil ngayon ko lang nakita na ganito ang hitsura ni Ghost. Sure, I had seen him torturing people. I knew what evil ways he could do to people but right now, he looked like the devil himself staring at me and he could make me disappear in just a snap of his finger.
Pero hindi ako nagpakita ng takot sa kanya. Marahan ko lang inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa damit ko at umiling.
"Get your shit together, Gabriel. It's just a woman." Tonong naiinis na siya.
"This is not about any woman," labas sa ilong na sagot ko.
"What the hell is happening to you? You're having tantrums because?"
Hindi pa rin ako sumagot.
"Is this about Perry?" Natawa siya. "I told you I'll handle it. And I did. We did."
Lalo lang parang sinilaban ang inis ko. "Sino? Kasama mo ang nagmamagaling mong abogado? That asshole. Kapal ng mukha."
Tumaas ang kilay ni Ghost at natatawang tumungin sa akin tapos ay itinuro ako. "That's freakin' jealousy."
Sinamaan ko siya ng tingin habang painis kong pinagdadampot ang mga nakakalat pang gamit ni River doon at niligpit.
"I am not jealous." Sa pagitan ng mga ngipin ay sagot ko.
"Hindi ka pa nagseselos niyang lagay na 'yan? Have you seen yourself lately? Magmula nang dumating si Eli? He is just helping Meara. Just like you, he wanted to take out assholes who are abusing women. You are on the same team." Tonong nagpapaliwanag siya.
"I can take Perry out. I can take care of Meara." Mariing sagot ko.
"With the stunt you pull last time? Sumugod ka sa bahay ni Perry? Is that your plan to take him out? Kung wala ako doon, malamang naibenta na ang lahat ng laman-loob mo." Naupo si Ghost sa couch pero hindi agad itinuloy. Marahang pinahid ang uupuan at pinagpag ng kaunti bago tumuloy sa pag-upo. "I understand that sometimes when our head is full of shit, we tend to lose to our anger and we do things we don't normally do. I know what kind of a person you are. You plan. You're righteous. But with Meara, you are throwing it all away."
"Because she needed to be saved. Because I am the reason why she ended up like that." Sagot ko.
"Sigurado ka bang konsensiya lang ang nararamdaman mo?" Ngumiti ng nakakaloko si Ghost.
"Hindi ka pa ba masaya na wala na si Meara? Iiwasan ko na tutal lagi mong sinasabi sa akin she's trouble. Now, she got her freedom and she can do whatever she likes." Napalunok ako. "She can date whoever she wants." Pakiramdam ko ay sumakit ang lalamunan ko nang sabihin iyon.
Tuluyan ng napahalakhak si Ghost tapos ay tumayo. Lumapit sa akin at tinampal-tampal ang mukha ko.
"I told you to stay away from her because she was married. Demonyo man si Perry, still she is married with him. But right now, she's free. Legally. Hindi na pangit tingnan." Tumaas pa ang kilay niya na nakangiti. "Now, you have your chance."
Hindi ako kumibo at napahinga lang ng malalim. Lumakad lang si Ghost patungo sa pinto para lumabas pero huminto din at humarap sa akin. Ngayon ay seryoso na siya.
"Just be sure to accept everything when you know the truth. I have something about your friend's death. You can ask your old chief about that."
Kumunot ang noo ko. "Chief? Chief Magtanggol?"
Nagkibit-balikat siya. "I can't find him yet but you can ask around where to look for him. I'm sorry about what happened to Vic." Tuluyan na siyang lumabas pero muli ay bumalik na naman. "I almost forgot. I heard that Meara is looking for security. Bodyguard for her son. BShe asked Eli's help. I heard that he is going to pay her a visit tonight to talk about that. Just so you know." Pagkasabi noon ay tuloy-tuloy nang lumabas si Ghost.
Ang sama lang ng tingin ko sa dinaanan niya at inuulit-ulit ko sa isip ko ang mga sinabi niya. Pero ang hindi ko makalimutan ay ang sinabi niyang humihingi ng tulong si Meara kay Eli. At dadalawin pa ng abogagong iyon?
Dali-dali kong dinampot ang susi ng kotse ko at umalis doon. Dumeretso ako sa bahay ni Meara pero inihinto ko ang sasakyan hindi kalayuan doon. Sa lugar na hindi nila ako mapapansin pero kitang-kita ko ang lahat ng nangyayari sa paligid. Sanay naman akong nakababad sa ganito. Noon nga, 48-72 hours na stakeout kami ni Vic pero okay pa rin kami. Hindi ko lang makalimutan ang sinabi ni Ghost na pupunta dito si Eli.
Wala namang bago sa paligid ng bahay ni Meara. Katulad pa rin ng dati. Ang naiba lang, wala na ang mga nakakalat na mga tao dati ni Perry. Tahimik na tahimik ngayon ang paligid. Silang dalawa na lang kasi ng anak niya ang nakatira doon ngayon. May naiwan kayang mga maids? Si Trixie. Definitely, Meara's going to fire that woman. Alam kong asar siya doon.
Nanatili lang akong nakaupo doon sa kotse ko at nakamasid sa bahay ni Meara. Lumilipas ang oras at tinutubuan na rin ako ng pagka-inip. Naisip kong pumasok na lang kaya? Puntahan si Meara. Harapin. Mag-sorry ako sa kagaguhang ginawa ko. Pero hindi. Masyadong maaga. Baka hindi rin ako harapin kasi nasaktan ko siya.
Nabanas kasi talaga ako nang maabutan ko sa bahay si Eli. May pabulaklak pa. Alam niyang kailangan ng comfort ni Meara kaya sinasamantala. Kung makakaharap ko uli ang isang iyon, susuntukin ko pa uli ang mukha niya.
Napakislot ako sa kinauupuan nang makita kong may pumaradang sasakyan sa harap ng bahay ni Meara. Napamura ako nang makita kong si Eli Suarez ang bumaba. Inayos-ayos pa ang suot na damit at may dinukwang sa loob ng kotse. May dala na namang bulaklak ang animal.
Nagtatagis ang bagang ko habang tinitingnan ko siyang nag-doorbell at maya-maya ay bumukas iyon. Ngumiti pa ang gago tapos ay tuloy-tuloy na pumasok. Hindi ako mapakali at panay lang ang tingin sa bahay ni Meara. Ano kayang ginagawa ng gagong iyon? Ano kaya ang mga paandar na sinasabi? Hindi ako mapapakali dito. Lumabas ako ng sasakyan at nagpalinga-linga sa paligid tapos ay patalilis akong pumunta sa bahay ni Meara. Siniguro kong hindi ako makikita sa mga cctv cameras. Umikot ako sa likod dahil mas mababa ang gate doon. Sumampa ako sa bakod hanggang sa makapasok ako sa loob. Walang namang tao. Mukhang wala na nga ang mga dating tauhan ni Perry.
Tahimik na tahimik sa buong paligid. Sumilip ako sa loob ng bahay mula sa bintana at nakita ko na nasa sala si Eli at nakaupo. Palinga-linga. Maya-maya ay may lumapit na kasambahay at inabutan ng juice. Napasimangot ako. Kapal ng mukha. Naki-juice pa. Tapos maya-maya ay nakita kong dumadating na si Meara. Para akong nalungkot nang makita ko siyang nakangiti agad kay Eli.
Lumipat ako ng puwesto. Doon sa lugar kung saan maririnig ko ang pag-uusapan nila. Kita kong naupo sa harap ni Eli si Meara tapos ay iniabot ng lalaking iyon ang dalang mga bulaklak. Gago talaga. Ano? Nanliligaw na? Dinadaan sa pagiging abogado niya. Kinuha naman iyon ni Meara at nagpasalamat.
"How many men do you need?" Narinig kong tanong ni Eli.
Ngumiti si Meara na parang nahihiya. "Wala akong idea kasi. You now, si Perry ang lahat ng nag-aasikaso ng mga tao dito sa bahay. The bodyguards, the maids. I don't know how to get them. I don't know kung mapapagkatiwalaan."
"Madali lang naman 'yan. I know people who owns security agency and trustworthy ang mga tao. Sa mga maids mo, ilan ang kailangan mo?"
Tumingin sa paligid si Meara. "Actually, the truth? I want to leave. I mean, I don't want to stay in this house anymore. There are so many bad experiences that reminds me of my life with Perry. Even if he's dead, I can't lose the painful memories." Naiiyak na sagot ni Meara.
Nakita kong umusod ng upo si Eli para mapalapit pa kay Meara kaya mahina akong napamura. Gago talaga. Style din ang hayop. Hinawakan pa ang kamay ni Meara.
"Don't worry. Everything is going to be fine. Perry is no longer here to hurt. No one is going to hurt you anymore. There are so many people who are willing to help you. Me. I can help you with anything." Ngumiti pa si Eli. "You want to look for a new home?"
Ulol mo. 'Tangina. Pakitang-gilas talaga.
Kailangang mapaalis ko na ang lalaking ito dito. Hindi siya puwedeng magtagal. Desperate times calls for desperate measures. Lumabas ako ng bahay ni Meara at bumalik ako sa kotse ko. Doon ko tinawagan si Ghost.
"I need your help. I will do anything you want just do this favor that I am going to ask," iyon ang bungad ko sa kanya nang sagutin ang tawag ko.
"All right. Hit me." Sagot niya.
Napabuga ako ng hangin. "Call the lawyer. Tell him to go. Anywhere. Just tell him to go."
Hindi agad nakasagot si Ghost tapos maya-maya ay narinig kong napapatawa.
"That's it? That's the favor you're asking?" Paniniguro niya.
"Just do it, please? Whatever you ask, I will do it. Kahit ilan ang ipapatay mo sa akin, ilan ang ipa-torture mo, gagawin ko lahat. Just tell that ass... lawyer to go."
"Where are you? Meara's house?" tanong pa niya.
Hindi ako kumibo kasi alam kong alam naman niya na nandito ako. Naririnig kong tumatawa pa rin siya.
"Fine. I'll try to check what I can do." Pagkasabi noon ay naputol na ang usapan namin.
Nakakainip maghintay kung ano ang gagawin ni Ghost para lang mapaalis si Eli sa bahay ni Meara. Nangangati na ang daliri kong tawagan siya para alamin kung nakausap na niya ang abogadong iyon. Napapitlag pa ako nang tumunog ang telepono ko dahil tumatawag si Ghost.
"You told him to go? Bakit hindi pa lumalabas?" Sagot ko agad sa kanya.
Napatikhim si Ghost. "I called him but... I think they are busy doing something. When he answered my call, he was whispering. I can't hear what was it but it was like they're in Meara's room. I heard her saying on the background 'take if off'? I don't know..."
Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng dugo sa mukha. Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko na tinapos ang sinasabi ni Ghost at pinatay ang telepono ko tapos ay dali-daling lumabas ng kotse ko. Patakbo akong pumunta sa bahay ni Meara at tumalon para makapasok sa loob. Sa isip ko ay kung ano-ano ang naglalaro. Baka naghahalikan ang dalawa. Baka naghuhubaran. Why would she say take it off? She was asking that asshole lawyer to take off her clothers. Shit. Mapapatay ko talaga ang animal.
Wala na akong pakialam kung makasuhan ako ng trespassing. Pumasok ako sa bahay ni Meara at wala sila sa sala. Lalo nang kumabog ang dibdib ko. Nagdidilim ang paningin ko. Patakbo kong tinungo ang silid nila noon ni Perry. Humihingal kong isinalya ang pinto ng kuwarto ni Meara.
At naroon nga silang dalawa. Gulat na gulat na nakatingin sa akin si Meara at ganoon din si Eli.
Sure, he was taking something off.
But not Meara's clothes.
He was taking off those tiny cameras that Perry put in this room.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top