CHAPTER THIRTY-FOUR (Night Encounter)


Half of life is messing up. The other half is dealing with it.

Riel

             I had to clear my head.

            Two days akong hindi umuwi para makapag-isip-isip. Isa pa, ako na rin ang nag-asikaso ng cremation ni Vic. Wala na siyang pamilya kaya wala na ring mag-aasikaso pa sa kanya. Investigation was now rolling about his death. According to reports, it was a robbery gone wrong. May mga nawawala daw sa gamit ni Vic pero sigurado ako na hindi pagnanakaw ang motibo sa pagkamatay ng kaibigan ko. Definitely, it was a hit. He was silenced because he knew something about what happened to Meara. And those people involved wanted to cover up whatever he had learned about what happened to her.

            I could still remember the last time we had a talk. I knew he was telling the truth. Nagpakagago man si Vic at nagpaalipin sa pera, pero nang sabihin niyang may alam siya sa nangyari ay sigurado akong totoo ang sinasabi niya. Lalo na nang sabihin niyang kilala ko ang nang-rape kay Meara.

            But who could it be? Agad kong naisip si Chief Magtanggol. Siya kaya? Pero malabo kasi hindi naman siya na-promote n'ong time na 'yon: At saan ko hahanapin si Chief Magtanggol ngayon? Wala akong lead kung nasaan na siya magmula nang mag-retire. He went off the grid. And people who do that has something to hide.

            Kanina pa ako nakaupo lang dito sa sasakyan at nakatingin sa bahay ko. Tiningnan ko din ang telepono ko at binabasa ang mga messages ni River. Ang dami. Sunod-sunod ang mga text messages na nagtatanong kung nasaan ako na ang sagot ko lang naman ay may ginagawa akong importante. May mga missed calls pa na hindi ko sinasagot. Pero ang totoo, nahihiya ako sa kanya dahil sa nagawa ko sa nanay niya. Mahina akong napamura. Tangina kasi. Bakit ko hinalikan si Meara?

            Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at napabuga ng hangin. Pero kailangan kong umuwi. Kailangan kong harapin kung ano man ang nagawa ko. Magpapaliwanag ako kay Meara na nabigla lang ako kaya ko nagawa iyon. At...

            Wait.

            Napakunot ang noo ko nang bumukas ang gate ng bahay ko at lumalabas doon si Eli. Tumingin ako sa relo ko at pasado alas-nuebe na ng gabi. Gabi na, ah. Anong ginagawa ng tarantadong abogadong ito dito?

            Seryosong nag-uusap si Meara at si Eli. Napakuyom ang kamay ko nang makita kong hinawakan pa ni Eli sa kamay si Meara tapos ay marahang tinatapik-tapik sa balikat. Putangina. May ganito bang abogado? Bakit masyadong touchy? Hindi na galawang professional ang ginagawa ng gagong iyon. Agad kong tinawagan si Ghost pero hindi sinasagot ang tawag ko. Dapat malaman niya kung ano ang katarantaduhang ginagawa ng ipinagmamalaki niyang abogado. Sinasamantala ang pagiging vulnerable ni Meara. At gabing-gabi na nandito pa. Tapos na ang office hours para magdiskusyon sila tungkol sa kaso.

            Nakita kong tumatango-tango pa si Meara habang nakikinig sa kung anong sinasabi ni Eli. Napaangat ako sa kinauupuan ko nang makita kong hinaplos pa ni Eli ang mukha ni Meara. Nangigigil na ako sa inis at gusto ko nang bumaba sa sasakyan ko at sugurin ang lalaking iyon. Kumaway pa ito habang palayo at patungo sa sasakyan. Ang sama ng tingin ko dito at gusto kong banggain ang sasakyan niya.

            Pakiramdam ko ay nagdidilim ang paningin ko habang nakatingin sa papaalis na sasakyan ni Eli. Pilit kong kinalma ang sarili ko at nang makalayo na ang sasakyan ni Eli ay saka ako bumaba. Hindi ako sa harap ng bahay dumaan at umikot ako sa likod. Hindi pa naka-lock ang pinto doon. Sumilip ako at nakita ko si Meara na nagliligpit ng mesa. Ibang klase din ang animal. Mukhang nakikain na naman dito.

            Noon ako pumasok at nakita kong nagulat si Meara nang makita ako.

            "R-riel," bulalas niya at napahawak pa sa dibdib niya.

            Pilit lang akong ngumiti sa kanya at nilampasan siya. Dumeretso ako sa kuwarto ko at naligo. Gusto kong kumalma kaya nagbabad ako sa shower. Nang magsawa ako ay saka ako nagbihis at lumabas ng silid. Alam kong nasa kusina pa rin si Meara dahil nakakarinig ako ng mga pagtunog ng mga pinggan pero hindi ako doon dumeretso. Tinungo ko ang kuwarto ni River at sumilip doon. Tulog na. Nakadapa sa harap ng TV at mukhang nakatulugan na ang paglalaro ng video games.

            Tahimik akong lumabas ng silid ni River at nagulat pa ako nang makasalubong ko si Meara doon. Pareho pa kaming nagkagulatan at halatang nahihiya siyang ngumiti sa akin.

            "Naghanda ako ng pagkain mo. I hope you like pork steak." Pilit na pilit ang ngiti niya pero hindi siya makatingin sa akin.

            Hindi ako kumibo at lumakad ako papunta ng kusina. Sa mesa nga ay nakahain doon ang pagkain. May kanin, ulam. May fruit platter pa. Maayos ang pagkakahanda. Parang meal ng isang taong may naghahanda para sa hapunan. Na pagkatapos ng isang nakakapagod na araw sa trabaho ay may uuwian na may nakahandang masarap na pagkain. Nasanay kasi akong kung ano na lang ang makain. Ganoon naman kasi ang nag-iisa. Minsan, mga cup noodles na lang ang kinakain ko o kaya kahit anong ready to eat meal o mga nabibili ko sa labas.

            "Kumain na kasi kami kaya hindi kita masasabayan. But, please. Eat. You look like you're tired and hungry," sabi pa ni Meara mula sa likuran ko.

            Naupo ako sa harap ng mesa at tiningnan ang mga pagkain. Mukhang masarap. So, ganito rin kaya kaayos ang inihanda niya para sa pagkain ng abogagong Eli na 'yon? Pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana kumain. Pero nakakahiya naman kung hindi ko kakainin ang inihanda ni Meara. Mukhang pinaghandaan pa naman niya ito.

            "Matulog ka na," matabang na sabi ko at sinimulan kong sumubo. Pero bakit ganoon? Bakit ang pait ng lasa ko? Kasi naiisip ko na kumain dito si Eli at kasabay pa ni Meara. Did he like what she cooked too? Did they talk about something else besides her case while eating? 'Tangina. Nakakawalang gana.

            "Riel, may problema ba?" Damang-dama ko ang pag-aalala sa boses ni Meara kaya humarap na ako sa kanya. Kita ko rin sa reaksyon ng mukha niya na nag-aalala siya.

            Umiling lang ako at napahinga ng malalim.

            She cleared her throat and shook her head. "If this is about what happened last time, I-I'm sorry. Kung dahil lang sa nangyaring iyon ay magkakaroon tayo ng problema..." napabuga siya ng hangin. "I know it was wrong. I shouldn't do that. I am really sorry," naiiyak na ang tono niya.

            Pakiramdam ko ay dinurog ang puso ko sa nakikita kong reaksyon niya. I am a fucking asshole. I knew how vulnerable she was and I am treating her like this.

            "Stop saying sorry. Why are you saying sorry?"

            Napakagat-labi siya at napabuga ng hangin.

            "Alam kong kaya hindi ka umuwi ng dalawang araw kasi dahil do'n sa nangyari sa atin." Kitang-kita ko ang guilt sa mukha niya. "It was wrong. Ikaw na ang tumutulong sa amin ng anak ko tapos ganoon pa. I don't want you think that I am an easy woman. Na kahit sinong lalaki ay papatulan ko." Sunod-sunod ang iling niya. "It's just..." napakagat-labi si Meara. "I don't know. I am broken, okay? And I am looking for something, someone that could help me feel that I can be complete and safe. And with you, I can feel that. But that kiss..."

            "You forget about it." Putol ko sa sinasabi niya. Humarap ako sa plato at sumubo ng pagkain. "I am eating. See? The food is great. Tasty." Sige ako sa pagnguya kahit hindi ko malasahan ang kinakain ko. No. Hindi na namin dapat pang pag-usapan ang nangyaring iyon. Isipin na lang na hindi iyon nangyari.

            Hindi nakasagot si Meara at nang tapunan ko ng tingin ay napapailing lang.

            "What did you guys do those two days that I am away?" Iyon na lang ang naitanong ko. Ayaw ko nang pag-usapan pa ang nangyaring iyon.

             "Hinahanap ka ni River. Sabi ko busy ka lang sa trabaho. And... I went out with Attorney Eli today."

            Pabagsak kong binitiwana ng hawak kong kutsara at tinidor at tumingin sa kanya.

            "What? You went out with him?" Pakiramdam ko ay uusok na ang ulo ko sa inis. "Kayong dalawa lang?"

            Nakita ko ang pagkataranta sa mukha ni Meara. "Pre-trial namin kanina. Nagharap kami nila Perry."

            "Oh." Parang binuhusan ng malamig na tubig ang galit na nararamdaman ko. May dahilan naman pala na umalis sila. "Nagharap kayo?"

            Tumango siya at nakita kong nangingilid ang mga luha sa mata. Maya-maya ay tuluyan na iyong nalaglag sa pisngi niya.

            "I don't know if I can do this anymore." Mabilis niyang pinahid ang mga luha. "Binabaligtad ni Perry ang lahat. Pinapalabas niya na ako ang nagloko kaya niya ako nasaktan. And right in my face, he told me he could pay everyone to win his counter case against me. I know he can do that. Malabo akong manalo dito. I am nothing. Makakalkal ang lahat ng nangyari sa buhay ko. My real name, what happened to me at pinaka-maapektuhan nito ay si River. I don't want my son to know what happened to me. I don't want him to know that he was conceived because of rape. And Perry could do that. With his money, his connections, he could ruin our lives. My son's life." Tuluyan nang napaiyak si Meara kaya tumayo ako at humarap sa kanya.

            "That's not going to happen." Paniniguro ko sa kanya.

            "Nandito si Attorney Eli kanina. Sabi niya, naka-receive siya ng call at may nakuha siyang information about sa case ko. It's not doing good. Imagine, pre-trial pa lang, mukhang talo na ako kahit napakarami naming ebidensiya na ibinigay. Perry is using his money and connections well. And, he made an offer that he is willing drop all the charges, to settle everything if I go back with him." Napahagulgol na si Meara.

            Damn that asshole. Demonyo talaga si Perry. Dapat talaga pinatay ko na ang gagong iyon. Nagpapatong-patong lang ang galit na nararamdaman ko. Mabilis akong lumayo kay Meara at tinungo ang pinto.

            "W-where are you going?" Nagtatakang tanong niya.

            "He is not going to take you back. He is not going to ruin your life. I promise you that. Stay here."

            Deretso akong sumakay sa sasakyan ko at pinaharurot iyon paalis doon. Umaapaw na ang galit na nararamdaman ko at nanginginig na talaga ang mga kamay ko. Tinatawagan ko si Ghost. Kailangan niyang malaman kung anong nangyayari pero inis ko lang ibinato ang telepono dahil hindi siya sumasagot. Kahit kailan, kung kailan kailangan, hindi maaasahan.

            Lumikha pa nang malakas ng tunog ang sasakyan ko nang pabigla akong huminto sa harap ng bahay ni Perry. Agad akong sinalubong ng mga security niya.

            "Kailangan kong makausap si Mr. Azaceta." Pigil na pigil ko ang galit ko.

            "Riel, gabi na. Hindi ka na haharapin n'on ni Sir. Saka may ka-meeting siya." Sagot nito.

            Nagtagis ang bagang ko. Hindi puwedeng hindi ko maharap si Perry ngayon. Dapat nang matapos ang mga katarantaduhan niya. Kung hindi kaya ni Ghost na ayusin ang mga pinaggagagawa ni Perry, ako na ang gagawa. Ngayon pa lang, papatayin ko na ang gagong ito.

            Nang makita kong bahagyang bumukas ang gate ay pabigla akong pumasok doon at patakbong tinungo ang opisina ni Perry. Hindi ko pinapansin ang mga security na humahabol sa akin. Kapag nakapasok na ako sa opisina ng gagong iyon, all I had to do was to put one bullet in his fucking head. Tapos ang lahat ng problema ni Meara.

            Agad kong ibinalandra ang pinto ng opisina ni Perry at kita kong nagulat siya nang makita ako. Pero mas nagulat ako nang makita kung sino ang taong naroon.

            Putangina. Anong ginagawa ni Eli Suarez dito?

            Mabilis kong dinaluhong si Eli at sinuntok sa mukha. Agad naman itong pumalag at gumanti sa akin. Tarantado siya. Papatayin ko siya. Pinagkatiwalaan siya ni Meara tapos ganito ang gagawin niya? He was conniving with this monster because of money.

            "She trusted you! Asshole! She fucking trusted you!" Galit na galit kong sigaw habang inuundayan siya ng suntok.

            Naramdaman kong may biglang humila sa akin palayo kay Eli at ilang mga tao ang pumipigil sa akin. Ang sama ng tingin sa akin ni Eli habang tumatayo at pinapahid ang dugo sa ilong at bibig. Si Perry naman ay nakatingin lang sa akin na halatang gulat na gulat sa nangyayari.

            "What the hell is this, Riel?" Natatawang tanong ni Perry.

            Ang sama ng tingin ko sa kanya. "You, asshole. Just leave her alone. That's all she wanted. You leave her."

            Tumaas ang kilay ni Perry. "Oh?" Natatawa ito. "What the fuck? Oh, fuck." Tuluyan na siyang napahalakhak. "It's you? Ikaw ang ipinagmamalaki ng asawa ko kaya lumakas ang loob na layasan ako?" Napapailing ito na tumatawa pa rin. "Fucking unbelievable."

            Ang sama ng tingin ko sa kanya at pilit akong kumakawala sa mga taong humahawak sa akin pero lalong lang humigpit ang pagpigil sa akin ng mga ito.

            Naiiling na lumapit sa akin si Perry. "I should have known the signs. But I never imagined it would be you. You are not the type that would like a trash like her."

            "Wala kang karapatang manakit ng babae. Duwag ka. Nagtatago ka pera mo at sa mga koneksyon mo. Babae lang ang kaya mo. Ako. Ako ang harapin mo ngayon." Gigil na sabi ko.

            Nakita kong iiling-iling lang si Eli at muli ay pinahid ang dugo na umagos sa ilong nito.

            "How much did he pay you? Mas malaki ba sa ibinibigay ni Ghost? 'Tangina ka. You are the only hope that she was holding on to. She was hoping that you could help her to get away from this monster. But look at you right now. You fucking sold her out." Nagtatagis ang mga ngipin ko. Kapag nahawakan ko talaga ang Eli na 'to talagang papatayin ko. Ibubuhos ko sa kanya ang lahat ng galit na nararamdaman ko.

            "You don't know what you're saying," mahinang sagot ni Eli at tiningnan ako ng masama.

            Tumawa ng malakas si Perry. "Damn. I am moved. Really. I never imagined that you could do that for her. For a nobody like her? Handa kang pumatay at masira ang buhay para sa babaeng iyon?" Napapailing-iling si Meara. "I don't know what's with that woman." Napangiti siya. "Well, she got my attention too kaya ko nga pinulot ko sa kalsada at pinakasalan. But you know what was the reason I did that? Because she is the perfect play thing. A ragged doll that I can beat and abuse over and over without her asking why. Kaya nga nagulat ako nang biglang lumakas ang loob niya na takasan ako. Ikaw pala ang dahilan. Ikaw pala ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob."

            "Dahil dapat ka lang niyang iwanan. Ang mga katulad mo ay walang karapatang mabuhay. Demonyo ka. Demonyo kayong lahat na nananakit ng babae at nambababoy sa kanya." Tumingin ako sa mga security na humahawak sa akin. "Iyan ang amo n'yo. Babae lang ang kayang saktan."

            "Babae lang?" ang lakas ng tawa ni Perry. "You're not sure what else I can do." Ngayon ay sumeryoso na ng mukha si Perry. "You know what, I like you. Okay ka. You're young, you're smart. Buo ang loob. Pero pagdating sa babae, bobo ka. Ang dami mong makikitang maganda. Maayos. Meara is a lost cause. Patapon na ang buhay. Ako na nga lang ang nagbigay ng chance sa kanya na magkaroon ng maayos na buhay tapos itinapon pa niya." Napahinga ng malalim si Perry at marahang hinilot-hilot ang noo. "Now, what will I do to you?"

            "Give him to me. After all, I am the reason why he worked for you. Ako ang nag-refer sa iyo."

            Napatingin ako sa nagsalita mula sa bumukas na pinto at lumalabas doon si Ghost na nagpapahid ng paper towel sa kamay. Ang sama ng tingin ko sa kanya at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. What the fuck is going on? Anong ginagawa ni Ghost dito?

            "Your hound is going mad, Greg. Imagine, sugurin ako sa teritoryo ko. Mukhang gustong magpakamatay nito." Lumakad si Perry at dinampot ang baso na may lamang alak at inubos ang laman noon. "What are we going to do about him?"

            "Just like what we planned." Walang emosyong sabi ni Ghost at nanatiling nakatingin sa akin.

            "What plan? What the fuck, Ghost?" tanong ko sa kanya.

            "I'm sorry, Riel. Now that I no longer have a use for you, this is end of the line for us," nagkibit pa siya ng balikat nang sabihin iyon.

            "Wha... what the fuck are you talking about?" Nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya. Ganoon na lang 'yon? Pagkatapos ng lahat na ginawa ko para sa kanya?

            "You are a lost case. I thought I can help you." Napahinga siya ng malalim at sinenyasan ang mga humahawak sa akin na ilabas ako. Humarap siya kay Perry. "We see each other at the hospital?"

            Tumango si Perry. "He will be a good donor. Mukhang maganda ang physique ni Riel. Pag-aagawan 'yan. I'll put the bidding about his parts. Be ready for a bit chunk of money in your bank account." Bumaling naman ito kay Eli. "I'll wire the money into your account. Tomorrow, make sure that every case that she filed against me will be dismissed. You will drop her as your client too, and I want her to be home tomorrow. Can we do that?"

            Ngumisi si Eli. "That will happen, Mr. Azaceta. It is so nice to do business with you." Nakipagkamay pa ang animal na abogado kay Perry.

            Malakas akong sumigaw at talagang nagwawala ako sa pagkakahawak ng mga tauhan ni Perry. Papatayin ko talaga ang Eli na 'to.

            Napaigik ako nang lumapit si Ghost at malakas akong suntukin sa sikmura. Habol ko ang hininga ko at nagtatanong ang tingin ko sa kanya. I trusted him. I thought he was different. I chose him over my own adoptive father because I believe in his cause. But what the hell was this? He sold me out to the demon that was hurting Meara and killing innocent people. Now, he was about to give me away and have my organs to be harvested.

            "Take him. Susunod ako." Utos niya sa mga tao ni Perry. "Perry, are you sure the OR is ready? Para pagdating namin salang agad?"

            "I already called them. Told them we have a special one tonight." Nakangisi pang sabi nito at kumindat sa akin.

            Wala akong nagawa nang halos kaladkarin akong ilabas doon at isakay sa sasakyan. Pinagitnaan ako ng dalawang tao ni Perry habang may dalawang nakasakay sa unahan ng kotse. Nakita ko si Ghost na sumenyas sa driver niya at agad siyang pinagbuksan ng pinto.

            Mula sa pagkaka-ziptie ng dalawang kamag ko, nakakuyom ang mga kamay ko sa galit. Tumutulo ang luha ko sa nag-uumapaw na galit na nararamdam ko. I am not going to let this happen. They can't kill me. People wanted to kill Ghost, then I'll be the one to kill him and I'll parade his head on a stick:

            Nagtaka ako nang huminto ang sasakyan namin at nang tingnan ko sa likuran ay huminto din ang sasakyan ni Ghost. Bumaba ang driver niya tapos ay pinagbuksan siya ng pinto at bumaba din. Inaayos pa niya ang suit niya habang naglalakad papunta sa sasakyan namin. Cool na cool na hitsurang walang gagawing maganda sa akin. Ibinaba ng driver ang bintana ng sasakyan at ngumiti dito si Ghost.

            "Sir, may problema? Deretso daw ito sa ospital," tanong ng driver.

            Tumango lang si Ghost at tumingin sa akin. Tapos ay may dinukot siya sa likuran at walang sabi-sabing binaril sa ulo ang driver, ang kasama nito sa passenger seat at ang dalawang lalaking nakapagitna sa akin.

            Ako? Nanlalaki lang ang mata kong nakatingin sa kanya habang pinahid niya ang dugo na tumalsik sa pisngi niya.

            "Get out," walang emosyon niyang utos sa akin.

            Dali-dali akong bumaba ng sasakyan at ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin sa mga walang buhay na tao sa loob ng sasakyan. Pagbaba ko ay agad akong hinawakan sa damit ni Ghost at ibinalandra sa kotse.

            "What the fuck were you thinking?" Nanlilisik ang mata niya sa akin. "What the hell did you do? Are you stupid? Sumugod ka kay Perry na hindi mo alam kung ano ang nangyayari. You just put Meara's life in danger." Halatang-halata ang frustration ni Ghost.

            Napaawang lang ang bibig ko at hindi makasagot sa kanya.

            Painis nitong pinahid muli ang pisngi dahil may mga talsik ng dugo doon. Napamura pa ito nang makitang maging ang suot na suit ay natalsikan din ng dugo.

            "You're working with him." Iyon na lang ang nasabi ko.

            Sinamaan niya ako ng tingin.

            "Of course, I work with him." Isinuksok niya ang baril sa likuran niya at may kinuha sa bulsa. Swiss knife iyon at pinutol ang ziptie na nagtatali sa mga kamay ko. "You know I work with those monsters. That's how I could get inside their heads. Tapos ikaw susugod ka nang wala kang plano. Na hindi mo alam kung anong nangyayari?"

            "I know what is happening. Your favorite lawyer is working with that monster. You heard them. He paid him just to drop Meara's case." Masama ang loob na sabi ko.

            Hinawakan ni Ghost ang mukha ko at tinampal ang pisngi ko.

            "Because that's the plan. We have to give everything to Perry so he would think that he is winning. I thought I trained you well," naiiling na sabi niya. "Her effect to you is something. You are willing to risk everything for her. 'Yan na nga ang sinasabi ko. Nasisira ang lahat ng plano dahil sa babae."

            Napalunok ako at napayuko. Because that was the truth. I fucked up tonight because I let my anger went over my head.

            Napahinga ng malalim si Ghost. "Go home."

            "No. I'll go with you." Protesta ko.

            "You will go home Riel, and you will wait for my call. I don't care what you're going to do, just stay home. I am going to clean the mess that you started." He said that in between his teeth. This was the first time that I saw Ghost lost his composure because he was angry. And I knew it was because of me.

            Pakiramdam ko ay para akong bata na sinisermonan. Hindi ko magawang tumingin sa kanya dahil totoong kung ano ang plano niya, sirang-sira na iyon. Starting with the four dead bodies inside this car.

            Kinuha ni Ghost ang telepono niya at may tinawagan doon. Hilot pa rin ito nang hilot sa noo niya. Halatang-halata na pinipigil lang ang galit na nararamdaman.

            "What are you going to do with Perry?"

            Pareho kaming nakasandal sa kotse kung saan naroon ang mga pinatay niya. Hinihintay namin ang tinawagan niyang maghahatid sa akin pauwi. May dinukot siya sa bulsa ng suit niyang suot at nakita kong tobacco iyon. Pinutol niya ang dulo at sinindihan.

            "His favorite." Humithit siya at bumuga-buga ng usok. Nilalaro ang korte ng usok na pinapalabas niya sa bibig niya.

            Kumunot ang noo ko. "What do you mean his favorite?"

            Hindi siya sumagot dahil nakita namin ang dalawang paparating na sasakyan at huminto iyon sa tapat namin. Siya pa ang nagbukas ng pinto at sinenyasan akong pumasok doon.

            "Stay home. Wait for my call." Iyon ang sabi niya nang makapasok ako at malakas na isinara ang pinto ng sasakyan. Maya-maya lang ay umaandar na iyon paalis.

            Napahinga ako ng malalim at napasandal sa kinauupuan ako.

            I messed up tonight. Damn it. This was the first time that I messed up something like this. I am an organized person. I made sure everything will be done according to my plan. I meticulously check everything if I have something to do. That was the reason I was a good investigator. But right now, what I did was chaos. I ruined everything.

            Just because Meara told me that she was giving up.

            I cannot allow her to do that. I am willing to risk everything just to turn her life around. I was the reason she was in this kind of mess, and I should be the one to make everything right.

            Because I care for her.

            Because I am beginning to fall for her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top