CHAPTER THIRTY-FIVE (Donor)
Mouths can lie, eyes cannot. People may forget, karma will not.
----------------------------
Perry
Hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang papunta ako ng ospital. It was always good doing business with Greg Laxamana. He was providing me intelligence reports about how the police were monitoring the black market for human organ selling. Although I have people who can do that, Greg was good at his job. He got the right connections and people that could help me to conceal my work.
Just like I said. Money talks. And when my money talks, everybody listens. Walang palya iyon. Kahit kailan hindi pa ako sumablay kapag ginamit ko na ang pera ko. Even a saint couldn't reject my offer once I used my money.
Dinukot ko ang telepono ko at tiningnan sa photo gallery ang mga litrato ni Meara. Naroon din ang ilang mga video na kuha mula doon sa spy cam na inilagay ko sa kuwarto namin. Damn this woman. Si Riel pala ang dahilan kaya nagkaroon ng lakas ng loob ang babaeng iyon para takasan ako. Hindi naman kasi makakapag-isip si Meara na tumakas kung walang nagbigay ng idea sa babaeng iyon. Katulad nang ginawa noon ni Chuck. Tarantadong bakla. Kaya ko nga ipinapatay ang isang iyon dahil alam kong magagawan na niya ng paraan na makatakas si Meara sa akin. The attempted kidnapping of River that I orchestrated and made sure that Chuck would be the sole casualty of that fake abduction.
Dahil sa akin lang si Meara. Basura man ang babaeng iyon, ako ang magsasabi kung kailan ko siya dapat itapon at hindi pa ngayon ang panahon na iyon. Malaking sampal sa pagkalalaki ko ang ginawa niyang pagtakas sa akin. Napipikon ako doon. I owned her. Her life depends on me.
And now that I got the only person that she thought could help her, she didn't have a choice but to go back with me. Napangiti pa ako at ibinulsa ang telepono ko. Tiningnan ko pa ang mga kamay ko at lalo lang akong natuwa. These hands that could easily take any life anytime I wanted. I can't wait to go to the hospital and started the operation on Riel. I would make sure that his experience would be one of a kind from my hand.
Tumawag ako sa ospital at sinigurado ko kung naka-prep na ang OR. Ayaw ko din namang mapahiya kay Greg. Ilang beses na rin dapat siyang mag-a-attend sa mga operation pero laging hindi tumutugma sa schedule niya. At ngayong gabi na matutupad iyon. Sigurado akong magiging espesyal dahil tao pa niya ang magiging donor namin.
Dumeretso ako sa basement sa secret OR namin at naabutan ko si Doctor Ortega na inihahanda na ang mga gamit doon. Ang dalawang assistant niya ay busy din. Nagsimula akong magbihis tapos ay kinuha ko ang patient's chart at kumpleto na doon ang pangalan ni Riel.
Gabriel Alzea.
Naroon din ang complete medical history ni Riel na ibinigay sa akin ni Greg. Napakaganda ng records. Siguradong pag-aagawan ng mga bidders ang bawat organs na makukuha sa kanya. Mabilis kong mababawi ang ibinayad ko sa abogado ni Meara. Natawa ako. Akala ng asawa kong magaling nakatisod na siya ng magliligtas sa kanya. Hindi niya alam sa akin pa rin siya babagsak.
"Nasaan na ang patient?" Takang tanong ni Dr. Ortega.
Oo nga. Nasaan na nga ba? Kanina pa iyon umalis. Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan ko ang isang tao ko na kasama ni Riel para dalhin dito. Walang sumasagot.
"Baka na-traffic lang. Ayusin mo na lang diyan. Ayaw kong mapahiya kay Greg." Muli ay kinuha ko ang patient's chart tapos ay nagpipindot sa telepono ko. Inuumpisahan ko na ang bidding para sa mga organs na makukuha namin.
Maya-maya ay bumukas ang pinto ng OR at pumapasok doon si Greg kasama si Attorney Eli.
"Where's Riel?" Taka ko.
"Home." Walang anuman na sagot ni Greg at sinenyasan nito ang kasama. Agad na kumilos si Attorney Eli at nilapitan ang dalawang assistant nurse na naroon.
"What do you mean home?" Kunot-noong tanong ko. Tumingin ako kay Doctor Ortega at maging ito ay nagtataka din sa nangyayari. "What the fuck is going on, Greg?"
Napahinga ito ng malalim at may dinampot sa gilid tapos ay iniabot sa akin. Hospital gown.
"I think you will need that."
"What?" taka akong nakatingin sa kanya.
Nagkibit siya ng balikat. "You will be the donor, Perry. Change your clothes and lie down on the table."
Nanlaki ang mata ko. Sinenyasan ko ang dalawang nursing attendant doon na pigilin si Greg. These two were trained killers too pero mabilis ang kasama ni Greg na abogado. Agad nitong nasuntok at napigil ang dalawang nursing attendant doon. What the fuck was that? I thought my eyes played tricks on me. Just a couple of punches and my two attendants were lying unconscious on the floor.
"Damn, Perry. Look at this mess." Napahinga pa ng malalim si Greg at inalis nito ang suot na suit jacket. Noon ko nakita na may mga bahid ng dugo ang puting longsleeves nito. "I wanted to play God tonight just like you always do." Sinenyasan niya akong pumuwesto sa operating table pero hindi ako tumitinag. Nakatingin lang ako kay Doctor Ortega na naiiyak na ngayon sa takot habang nakataas ang dalawang kamay.
"Greg, what the hell is this? This is not what we talked about. We have a plan. We have a deal." Ngayon ay kinakabahan na ako.
Tumango-tango lang siya habang may kinuhang nakatuping envelope sa bulsa ng suit jacket tapos ay inilabas ang mga papel na naroon.
"This is your last will and testament." Inilatag niya iyon sa operating table na naroon. "I want you to sign this."
"Wha... No! I am not going to sign it!"
Tiningnan niya ako ng masama at may dinampot siyang isang maliit na vial at isang syringe. Ini-aspirate ang laman ng vial papunta sa syringe.
"Doc, do you know what is this right?" tumingin si Greg kay Doctor Ortega na ngayon ay talagang nakikita kong nanginginig na sa takot. "Explain this to us please."
Lumapit si Attorney Eli kay Doc Ortega at may dinukot sa likuran. Baril iyon at itinutok sa ulo ng doctor. Takot na takot ang hitsura ni Doc at kahit ako ay natataranta din dahil hindi ko alam kung anong nangyayari. I paid these people to work for me:
"K-ketamine." Pati ang boses ni Doc Ortega ay nanginginig din.
"And what is Ketamine for?" Sabi ni Greg at pinipindot-pindot pa nito ang hawak na syringe kaya pumupuslit doon ang gamot.
Tinapunan ako ng tingin ni Doc Ortega bago nagsalita.
"I-it is use as medication primarily for anesthesia. Sometimes to provide pain relief, sedation and amnesia." Napabuga pa ito ng hangin dahil sa takot.
"Very good, Doc. Alam mo, magaling kang doctor. I've seen your credentials and you have a potential to excel your craft." Tapos ay napailing-iling si Greg. "Too bad you connive with him. Wrong move."
"S-sir. Sir." Lalong itinaas ni Doc ang kamay. "P-please listen to me. W-wala akong choice. Mr. Azaceta owns this hospital and I only follow whatever he wanted to do. He is paying for the medication of my kid," doon na tuluyang napaiyak si Doc Ortega. Shit. "I'm sorry, Perry."
"God damn you, Al." ang sama ng tingin ko dito.
Ngumisi ng parang demonyo sa akin si Greg at itinuro ang mga papel na nakalatag sa OR table.
"Perry, what we are doing right now is a simple business deal. Just like what you're always doing with the patients that you killed in this very OR. Sign these papers then I might change my mind. I will let you walk from this room unharmed." Walang anuman na sabi nito.
Napalunok ako at tiningnan ko ang papel. Binasa ko at nanlaki ang mata ko.
"No way! I am not going to give my money to that bitch." Papalit-palit ang tingin ko sa papel at kay Greg. "Pinulot ko lang sa basurahan si Meara. Hindi siya dapat magkaroon ng kahit na anong parte sa perang pinaghirapan ko."
Napapailing na tiningnan ako ni Greg at naupo siya sa gilid ng OR table.
"Danyos sa sampung taong pambubugbog mo sa kanya. I've seen her photos," napapailing-iling pa siya. "Hindi nga ako makapaniwala na naka-survive pa siya sa pambubugbog na ginawa mo. I am sure she has some internal injuries that in the long run might affect her health."
"B-but she is okay with that. I mean, I fed her. I clothed her. Nagbuhay reyna naman siya sa akin. Alam naman niyang ako ang nagligtas sa kanya." Tumingin ako sa mga taong naroon. "Come on, Greg. Ganito na lang. I am going to give you ten million then we will pretend this didn't happen."
Umiiling na tumawa si Greg. "Ten million? Baka doblehin ko pa iyan na ibigay sa iyo." Tinapunan nito ng tingin si Attorney at maging ito ay natatawa lang din. "Just sign the papers."
Todo iling ako. "How about I'll make you a partner in this hospital?"
"I can build a hospital like this too. Whatever your offer is, I can make it double or triple. I want you to sign the papers." Inihagis niya ang isang ballpen sa gawi ko.
Nanginginig ang kamay ko at tiningnan ko lang ang ballpen. Hindi ko magagawang ipamigay ang pera ko lalo na at ang makikinabang lang ay si Meara. I should have killed that woman. Hindi ko alam kung anong nangyari at ipinagtatanggol siya ng mga taong ito.
Tumingin ako sa pinto at malapit lang ako doon. Mabilis akong tumakbo para matakasan sila pero pagbukas pa lang noon ay malakas na suntok ang sumalubong sa mukha ko.
Nahilo ako sa suntok na iyon at agad kong nahawakan ang dumudugo kong ilong. Nang mapatingin ako sa gawi ni Greg ay tatawa-tawa lang ito.
"Doc Mervin. Welcome to the party," sabi nito at tumango sa lalaking sumuntok sa akin.
"Sorry, I'm late. Inayos ko pa kasi ang mga recipients ng organ donors na makukuha ngayon." Sagot ng dumating.
Lumapit si Greg kay Doc Ortega at ngumiti dito.
"I am not going to use your service. I have my own doctor." Pagkasabi noon ay isinaksak nito ang syringe na hawak sa leeg ni Doc. Nanlalaki ang mata ko nang makita kong unti-unting napaluhod si Doc habang hawak ang leeg na nasaksakan ng gamot at maya-maya lang ay tuluyan nang lumugmok sa sahig.
Pakiramdam ko ay maiihi na ako sa takot. Nakatingin lang sa akin ang tatlong lalaki at wala na akong magawa para makatakas dito.
"Ghost, I've heard he did something to Meara. Taking videos of her while he is sexually assaulting her whenever she's passed out." Sabi ni Attorney.
Nakataas ang kilay na tumingin sa akin si Greg. Bakit ba siya tinatawag na Ghost? Sino ba talaga ang Greg Laxamana na 'to. I had him investigated and I knew he was clean. A rich businessman that I knew I could use.
"You have a sick mind, Perry. Asawa mo na, ganoon pa ang ginagawa mo?" napa-tsk-tsk ito at tumingin kay Attorney. "Make sure that their annulment will be granted this week. Pay everyone just to nullify her marriage to this asshole as soon as possible."
"Ginagawa ko na. One of these days lalabas na ang nullification ng marriage nila." Sagot nito.
"Let's start." Ang doctor na dumating ang narinig kong nagsalita noon. Nakapagbihis na ito at handa na para sa isang operasyon.
Naramdaman kong hinawakan ako sa braso ng doctor at pinapahiga sa operating table.
"W-wait," pumipiksi talaga ako. Hindi nila puwedeng gawin ito sa akin. This was my lair. I am the God in this place and they can't do this to me.
Nakita kong may dinampot sa mesa si Eli. Iyon ang Mac laptop ko tapos ay lumapit sa akin at walang sabi-sabing ihinampas iyon sa mukha ko.
Pakiramdam ko ay nabiyak ang mukha ko sa lakas ng impact noon sa mukha ko. Automatic akong napaluhod sa sakit at hilo. Doon na nila ako pilit na ihiniga sa operating table at naramdaman kong may hinilang strap para ma-restrain ako.
Parang umiikot ang paligid ko sa hilo at ramdam ko ang dugong umaagos mula sa pumutok kong ulo at sa ilong ko. Lumapit ang doctor sa akin at sinimulang gupitin ang suot kong damit.
"G-Greg, come on. We are partners," ngayon ay umiiyak na ako. Nagmamakaawa ang tingin ko kay Attorney na hawak pa rin ang laptop na ipinanghapas sa mukha ko. May bahid pa nga ng dugo iyon at bahagyang nagkaroon ng dent. "Attorney, what the fuck is this? I-I just wired two million pesos to your account."
"Retribution. From those people that you killed here. Those people that didn't have any choice but to face their untimely death because of your greed." Walang kaemo-emosyon ang hitsura ni Greg. Ibang-iba sa Greg na unang nakilala ko punong-puno ng ideas na ibinibigay niya sa akin. Walang awa akong nakikita sa mukha niya habang nakatingin sa akin.
"I didn't kill anyone! Those people wanted to be killed in exchange of money. Sila ang may gustong ibenta ang mga organs nila." Mabilis akong pumiksi nang maramdaman kong hinawakan ako ng doctor sa braso at may isinaksak doon.
Nakatingin lang sa akin si Greg tapos ay naupo siya sa isang silya sa gilid at dumekuwatro pa. Tatango-tango na nakatingin sa akin at sa ginagawa ng doctor niya.
"What about what you did to your wife?" Ngayon ay mas nakakatakot ang hitsura ni Greg habang nakatingin sa akin. "Beating her. Abusing her. Raping her while she's asleep. Even allowing your business partner to sleep with her without her knowledge. Good thing someone helped her and killed that son of a bitch. She is your wife and you are supposed to take care of her. Love her."
Napalunok ako at hindi ko malaman ang isasagot ko. "Si Morris? Hindi nagpakamatay si Morris?"
Ngumisi si Ghost at nakakatakot ang ngisi na iyon.
"Someone had to make him learn his lesson. How about you? What is your reason for abusing your wife?"
"M-matigas kasi ang ulo niya at ayaw niyang makinig sa akin. It was just a warning." Katwiran ko. Napapikit-pikit ako dahil nakakaramdam ako na parang nag-uulap ang mga mata ko.
Tumaas ang kilay ni Greg. "Warning?" tumingin ito kay Attorney at tumango. May kinuha si Attorney sa bulsa at ibinigay kay Greg. Tiningnan niya iyon isa-isa at lalo lang napuno ng galit ang mukha niya tapos ay lumapit sa akin. Inilapit ang mga litrato sa mukha. Mga litrato ni Meara na punong-puno ng bugbog ang buong katawan at mukha. "Look at these photos. This is what you did to her. And right now, I'll make sure that you're going to experience something like this."
Bahagya akong napaungol. Nahihilo na ako at may mga ikinakabit sa katawan ko. Suwero, mga machine na ikinakabit namin sa tuwing may ooperahan kami dito. Mabilis kumilos ang doctor na dumating. Halatang alam na alam nito ang ginagawa.
"My doctor put something in your body. Something that will make your body numb but definitely won't make you asleep. I want you to see, to experience the things that you did to those people that you operated."
Gusto kong magsalita pero hindi ko man lang magawang ibuka ang bibig ko. Walang pakiramdam ang buong katawan ko at nakita ko ang doctor na may hawak na scalpel at lumapit sa gilid ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong tumakas dito. Hindi nila ito puwedeng gawin sa akin.
Nakita kong dumukwang sa akin si Greg at bumulong sa tainga ko.
"Don't worry, Perry. I won't kill you. I will let you live but definitely far away from Meara and her kid. Far away from the luxurious life that you love. I'll make sure that she will get all your money and she will enjoy it while you watch her live her life. I'll make sure that your organs will be useful to those people who deserve to live. We will get one part of your lung, a portion of your liver, one of your kidneys. One cornea of your eye while you are awake." Tumawa nang parang demonyo si Greg. "Everything that we can harvest partially in your body, we will get it. I want you to live and suffer and the only thing that you can think about is death but I am not going to give you the joy of that."
Napaungol lang ako at hindi ko mapigil ang mga luhang tumutulo sa mata ako.
"And where do we start?" Sabi pa ni Greg at tumingin ito sa kasamang doctor. "I think, I want to see how to extract a cornea first."
Cornea? Damn. Are they going to operate on my eye? While I am fully awake?
"As you wish, Ghost." Narinig kong sagot ng doctor. "I don't normally do this but you said he is special." Naramdaman kong hinawakan ng doctor ang talukap ng mata ko at iminulat pa iyon. "One eye only?"
"Yeah." Sagot ni Greg at naupo sa silyang nasa tabi ng operating table. May kinuha pa siya sa ilalim ng mesa at nakita kong wine iyon. Iyon ang wine na iniinom ko sa tuwing nag-oopera ako dito. Sumenyas pa siya kay Attorney at may pinindot naman ito. Pumainlalang sa paligid ang classical tune na pinapatugtog ko din dito.
I was trying so hard to speak but I can't. My whole body was numb. I looked at the doctor when he put something in my eye. An apparatus that would make my open wide. The doctor leaned on me looking at my eye, this time he was holding something and without a word he inserted it into my eye.
I was moaning in horror. I couldn't feel any pain but I could feel everything that he was doing. He was poking my eye and now he was slowly slicing it. Immediately, my left eye couldn't see anymore.
I knew this was just the beginning of my nightmare and I couldn't do anything.
I wish they just killed me so I won't experience this kind of torture.
Please...
Just kill me.
But those words would just keep on repeating inside my head until they were done to me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top