CHAPTER THIRTEEN (Kuya)
Pain changes people. It makes them trust less, overthink more and shut people out.
---------------------
Meara
"Ang sinasabi ko lang ay kung puwedeng i-consider mong maghanap ng ibang bodyguard para kay River. Someone more competent. Someone that can get along with your son."
Napu-frustrate na ako habang nakikipag-usap kay Perry. Kanina pa ako dakdak nang dakdak dito pero hindi niya iniintindi ang sinasabi ko. Sige lang siya sa pagpipindot sa telepono niya. Parang may ka-chat o ano. Tumatawa pa nga tapos ay napapailing pa.
"Perry. Are you listening to me?" Bahagya pa akong lumapit sa kanya at punong-puno ng iritasyon na tinapunan niya ako ng tingin.
"What do you want?" Muli ay ibinalik niya ang pansin sa hawak na telepono.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Maghanap ka na lang ng ibang bodyguard para kay River. Ayaw ko sa Riel na iyon."
Doon tumingin sa akin si Perry at dumilim ang mukha. Bahagya akong napaatras nang gumalaw siya mula sa kinauupuan niya.
"Iyan na naman ba ang issue natin? Ano ba ang problema mo kay Riel? Maayos magtrabaho 'yong tao. Natitiyaga ang anak mong barumbado. Wala na akong makukuhang magtitiyaga pa sa anak mo. Magpasalamat ka nga at hindi pa lumalayas si Riel." Iritableng sagot niya.
Napailing ako. "Did you know that he brought me home last night?"
Sinimangutan ako ni Perry. "Yeah. He insisted on bringing you home because you were fucking drunk acting like a bitch in front of my friends. Nakakahiya ka. Hindi mo kasi tigilan ang mga alak na 'yan. Pasalamat ka at nagtiyaga pa si Riel na iuwi ka."
Pakiramdam ko ay may bumarang kung ano sa lalamunan ko. At pinabayaan niya akong kung sino ang maghatid sa akin pauwi? Siya ang asawa ko. Siya ang dapat na mag-intindi sa akin.
"And okay lang sa iyo na kung sino lang ang maghatid sa akin? Hindi pa nga natin lubos na kilala kung sino ang Riel na iyon?"
"Anong inaarte mo? Si Chuck nga na lagi mong kasama noon pinakialaman ba kita? Kahit umuugong ang tsismis dito sa bahay na naglalandian kayo ng lalaking iyon." Natawa si Perry. "Mabuti na nga lang at alam ko ang totoong pagkatao ni Chuck. Alam ko kasi na hindi ikaw ang type n'on."
"He is dead, Perry. At alam mong wala kaming ginagawang masama ni Chuck. Siya lang ang bukod-tanging nakasundo ni River kaya malapit sa kanya ang anak mo at ganoon din ako sa kanya." Katwiran ko.
Tumalim ang tingin sa akin ni Perry at lumapit sa akin. Hinawakan ng madiin ang mukha ko.
"Are you sure na wala kayong ginawang masama ni Chuck? Are you fucking sure, Meara?"
Nakakatakot ang hitsura ni Perry at inihahanda ko na ang sarili ko kung sasaktan niya ako. Lalo niyang idiniin ang pagkakahawak sa pisngi ko tapos ay painis iyong binitiwan. Maya-maya ay ngumiti siya sa akin.
"Well, Chuck is in good place now. And no one will give you horrible ideas."
Ang bilis magbago ng mood ni Perry. Kanina lang na galit na galit ang hitsura niya, ngayon ay maaliwalas na ang mukha niya. Ang tamis-tamis na ng ngiti sa akin. Kapag ganito na si Perry, nawawala na ang takot ko sa kanya. Pero naalala ko ang sinabi ni Riel kanina.
Kahit sabihin nila na hindi na uulitin, kasinungalingan iyon. It won't stop. Mas lalo lang magiging malala. Mas magiging worse ang mga pananakit.
And that was what happening right now. Mas lumalala ang pananakit ni Perry. Mas nagiging madalas. Mas nakakatakot.
If only Chuck was still alive, he could help me and River to get away from here.
"And if you think Riel will like you?" Tumawa nang nakakaloko si Perry. "Please stop your fucking illusion. You know why I chose him? Because he doesn't look at you. Like me, he sees you like a trash. No one will like someone like you. Lalo na kapag nalaman nila kung saang basurahan kita nadampot." Iiling-iling pa siya. "Ako lang ang magtitiyaga sa iyo. Ako lang ang makakasama mo hanggang mamatay ka. Kayo ng anak mo." Sa pagkakataong iyon ay sumeryoso na ang mukha niya. "Get out of my face."
Hindi na lang ako kumibo at umalis na lang doon. Dumeretso ako sa kuwarto ko pero hindi pa ako nakakapasok ay naririnig ko nang nagsisisigaw si Perry. Dali-dali akong bumalik sa sala at nakita ko siyang hawak-hawak sa braso si River. Shit. What happened to my son? Napaaway na naman ba? Duming-dumi ang damit na suot. May mga sugat pa sa braso. Galit na galit ang hitsura ni Perry habang kinakastigo ang anak ko.
"Gago ka kasi. Ang bata-bata mo pa basagulero ka na. Mapapahiya na naman ako sa mga teachers mo." Painis niyang binitiwan si River. Patulak pa nga at muntik pang sumubsob ang anak ko. Dali-dali akong lumapit para malaman kung ano ang nangyayari.
"Perry! Stop." Agad kong niyakap ang anak ko. "Ano ba?" Itinago ko sa likuran ko si River para hindi na masaktan pa ni Perry.
"Anong ano ba? Nakita mo ba ang hitsura ng anak mo? Ayan. Mukhang basura na naman dahil siguradong nakipag-basagan na naman ng mukha. Ipapatawag na naman ako sa eskuwelahan. Sawang-sawa na akong maka-receive ng mga emails mula sa teacher niyan." Nanlilisik ang mata ni Perry nang tapunan ng tingin si River. "Lumayas ka nga sa harap ko at sinisira mo ang araw ko." Patulak pa nitong itinulak si River tapos ay tumalikod na. Lalo ko lang niyakap ang anak ko tapos ay hinarap ito.
"River, baby. What happened? How did you get this?" Nag-aalala kong tanong habang tinitingnan ang mga sugat sa braso ng anak ko. I knew Perry was right. He got into a fight again and I was sure I would receive an email from his teachers. Mas lalong malaking gulo kapag pati si Perry ay ipapatawag sa school.
"Nadapa siya sa garahe. Inaayos kasi niya ang earphones niya and hindi napansin na may bato siyang natapakan. Hindi naman nakipag-away si River, Ma'am."
Tumingin ako sa gawi ni Riel at seryoso lang itong nakatayo malapit sa amin bitbit ang bag ni River.
Hindi ko na pinansin si Riel at hinarap ang anak ko.
"Is that true, baby? Why you didn't tell your dad?" Tinulungan ko si River na mahubad ang maruming damit. "Come on. I'll help you fix yourself." Inalalayan ko na siya na umalis doon at dumeretso kami sa kuwarto niya.
Walang kibo si River habang tinutulungan kong magbihis. Napahinga ako ng malalim nang makita ang mahahabang gasgas sa braso niya. Tiningnan ko ang mukha ng anak ko at seryosong-seryoso lang iyon habang nakatingin sa kung saan. He was not talking but I could feel his anger. His pain. And I couldn't blame him for feeling this way. I knew he felt like a prisoner in this house too.
"Baby, come on. Tell mom what happened," ngayon ay pinupunasan ko ng wipes ang mga dumi sa sugat niya. "Did you get into a fight?"
Umiling lang siya tapos ay tumingin sa akin. Napalunok ako dahil for the first time, natakot ako sa tingin na iyon ng anak ko.
"Mom, when are we going to get away from here?" Punong-puno ng galit ang boses niya. Pati ang mga mata niya.
Napapikit-pikit ako habang pinipigil ko ang mapaiyak. Pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Baby, this is our home. Why do we need to get out of here?"
"You said we are going away. You told that to Chuck and he was going to help us." Ngayon ay nangingilid na ang luha ni River. "I don't like here anymore, Mom. I don't like dad. I don't want him to hurt you again."
Tuluyan nang nahulog ang mga luha ko at mabilis kong pinahid iyon.
"You know it's just a misunderstanding between your dad and I. It's normal for couples to argue. You know. Adult stuff. And your dad being mad right now is just because he has lots of things to do at work. It's not about you. He is not mad about you." Iyon ang lagi kong sagot sa kanya. But I knew even if my son was only ten, he was matured for his age. Maybe because he grew up seeing me full of bruises. He was used to hear his father yelling at me. Kaya nga talagang ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko na alam kong hinding-hindi maibibigay ni Perry.
"Lies, Mom. You know that's a lie." Mahinang sagot niya. Mabilis siyang lumayo sa akin. "I wish Chuck is still alive. I know he would get us out of here. He promised me that." Ngayon ay naiiyak na si River pero halatang pinipigil. "I am going to rest, Mom." Dumeretso siya sa kama at nahiga doon tapos ay tumalikod sa akin.
Napahinga na lang ako ng malalim at tiningnan ang anak ko. Alam kong kahit pilitin ko pang makipag-usap sa kanya ay hindi na ito sasagot sa akin. What was happening to me was taking its toll on my kid and I couldn't blame him if he grew up with full of hate. And my worst fear was he would also hate me because he thinks that I am letting all of this happen to us.
If only he could understand the truth. If only he could understand that I am taking all the abuse because I wanted to protect him.
Napahinga na lang ako ng malalim at lumabas doon. Dumeretso ako sa silid naming mag-asawa para kausapin si Perry pero wala ito doon. Pumunta ako sa office ni Perry pero wala din. Si Trixie ang naabutan ko at inaayos ang mga papeles at gamit doon ng asawa ko.
"Where is Perry?" tanong ko sa kanya.
"Umalis na, Ma'am. May meeting po sa hospital. And ibinilin niya na darating daw ang mga kaibigan niya mamaya. Tatawagan na lang daw po kayo." Pilit siyang ngumiti sa akin. "Alis na ako, Ma'am. Kailangan ko po itong isunod sa office ni Sir." Tuloy-tuloy na siyang lumabas. Sumunod ako sa kanya hanggang sa garahe at nakita kong naroon din si Riel at naglilinis ng sasakyan. Lumapit pa dito si Trixie at ang ganda ng ngiti. Halatang nagpi-flirt. Nanatili lang akong nakatingin sa kanila dahil mukhang masaya din si Riel na makipag-usap sa babaeng iyon. I didn't like Trixie from the very beginning. I knew there was something going on with her and my husband but I didn't have the right to question that. Perry had his share with lots of women. But every time I would ask him about it, I would just end up being beaten.
Kumaway pa si Trixie kay Riel at tuloy-tuloy na itong lumabas. Naiwan doon ang lalaki na nagpupunas ng kotse. Saglit itong huminto at nagpahid ng pawis. Napataas pa ang kilay ko nang hubarin nito ang suot na t-shirt at hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin ang katawan niya.
I've seen Chuck shirtless before and I didn't feel anything. We were like brother and sister to each other. Siguro dahil alam ko naman kung ano talaga siya. Chuck and I were so close that he knew all the secrets that I had even the secret about River. But Riel. I never felt comfortable with him especially now that I could see those sweats dripping from his neck down to his chest. His tight stomach with lines in it.
Agad kong iniiwas ang tingin sa kanya nang makita kong nagliligpit na siya ng mga ginamit niya sa paglilinis ng sasakyan. Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay at bumalik sa kuwarto ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko at ilang beses napabuga ng hangin.
Napakarami ko ng problema kaya hindi ko na dapat pang intindihin kung nakahubad mang maglinis ng sasakyan si Riel. Pero hindi ako mapakali. Muli akong lumabas at pinuntahan na lang sa kuwarto si River. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para masilip kung natutulog pa siya pero nanlaki ang mata ko nang wala ito sa kama.
"River?" Tuluyan na akong pumasok at wala nga doon ang anak ko. Kumabog na ng matindi ang dibdib ko dahil saan pupunta iyon? Dali-dali akong lumabas at tinanong sa yaya ng anak ko kung nakita si River. Ang sabi ay nasa kuwarto lang naman daw. Dumeretso ako sa garahe at wala din doon. Tinanong ko sa ibang mga bantay doon kung nakita si River pero ang sabi ay hindi daw. Saan pupunta ang anak ko?
Napatingin ako sa kuwarto ni Riel. Lumakad ako patungo doon at tumayo sa harap ng pinto. Kakatok na lang ako nang marinig ko ang boses ni River doon.
"Can we become friends now?" Anak ko ang nagsalita noon.
"Sure. From the start I want to be friends with you." Sagot ni Riel.
"Can I call you Kuya? I think Kuya Riel would be nice. I always wanted to have a brother. I wanted to call Chuck Kuya Chuck but he didn't want me. I remember he said, he didn't like to be called kuya. He said he wanted to be called ate. How was that? He was guy but he wanted to be called ate? But he said it was a joke and he was laughing about it." Natatawa na ngayon ang boses ni River. Napahawak ako sa dibdib ko at naluluha. For the first time in years, I heard my son laugh. I could feel that he wasn't afraid at all.
"Ate? Wait. Was Chuck... " hindi naituloy ni Riel ang sasabihin kaya napangiti ako. Now he knew Chuck's ultimate secret that River and I only knew.
"I don't know. He didn't look like that. Chuck was a big guy. But I'll ask my Mom about that." Katahimikan ang narinig ko. "Can I stay here for now?" sabi pa ni River.
"Of course. You can stay here all you want."
"Thanks." Punong-puno ng saya ang boses ni River.
Dahan-dahan akong umatras paalis doon. Pinabayaan kong naroon na lang muna ang anak ko.
At least he was trusting again.
Even if I hated Riel, if my son trusts him, I need to trust him too.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top