CHAPTER SIXTEEN (Roadtrip)
Don't ask why someone keeps hurting you. Ask yourself why you're allowing them.
-----------------------
Meara
Sabi ni Perry, three days and two nights daw ang bakasyon namin na ito. At sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakadama ng excitement na aalis kami kasama ang anak ko. Kahit kasama si Trixie at si Riel, pakiramdam ko isang buong pamilya pa rin kaming aalis. Isang buong pamilya na magbabakasyon at magsasaya. Napahinga ako ng malalim. Mukhang dinidinig na ng Diyos ang matagal ko ng panalangin. After ten years, magiging isang maayos na pamilya na rin kami at mukhang nagbabago na si Perry.
Napatingin ako sa gawi ni Trixie na tumatawa sa passenger side habang hinahampas pa sa braso si Riel na tahimik lang na nagmamaneho. Napa-angat pa ang kilay ko nang sa bawat paghampas sa braso na ginagawa ni Trixie ay may bahagyang pagpisil pa na ginagawa. Tinapunan ko ng tingin si Riel at napapangiti lang ito sa mga jokes ni Trixie na hindi naman nakakatawa. Ewan ko ba kung ano ang nakita ni Perry at sobrang bilib na bilib sa babaeng ito. Tingin ko naman walang ibang ginagawa kundi ang magpaganda at magpa-cute lang sa asawa ko at sa mga clients.
"Ang tigas naman ng braso mo, Riel. Ang tigas pisilin. Parang laging alaga sa weights," nangingiti pang sabi ni Trixie kaya napaikot na ang mata ko at tumingin sa labas ng bintana para mabaling ang atensyon ko sa nakikita sa paligid. Pero naririnig ko pa rin ang malalanding pagtawa ni Trixie. Kung bakit kasi hindi puwede si Manong Cardo para ipag-drive kami. Sana doon na lang kami ni River at hindi ko nakasama ang mga ito.
"Every day kang nagwo-workout?" Tanong pa ni Trixie kay Riel.
Tinapunan ko ng tingin si Riel at nanatiling nakatutok ang tingin sa kalsada. Mukhang wala naman siyang intensyon na makipagkuwentuhan kay Trixie pero wala na lang magawa. Mukhang gentleman lang talaga siya at ayaw niyang maramdaman na nababastos ang kumakausap sa kanya.
"Minsan lang kapag hindi busy," tipid niyang sagot.
Tinapunan ko ng tingin ang kabuuan ni Riel. Mula sa braso niyang pinipisil ni Trixie pababa sa mauugat na kamay. Halatang sanay sa trabaho ang hitsura ng kamay niya. Nang makita kong naglilinis ng sasakyan si Riel at walang suot na t-shirt, sigurado akong babad nga siya sa gym at halos araw-araw na nagwo-workout. Grabe ang muscles. Galit na galit. Ang dibdib, nagmamalaki. Ang tiyan, ukit-ukit. Walang katiting na taba akong nakikita.
Mabilis kong inalis ang imaheng iyon sa isip ko. Wala sa loob na napabuga ako ng hangin at marahang hinawakan ang leeg ko dahil pakiramdam ko ay pinapawisan ako. Nang tapunan ko ng tingin ang rearview mirror ay nakita kong nakatingin sa gawi ko si Riel kaya mabilis akong nagbawi ng tingin. Kinuha ko na lang ang telepono ko at nag-browse doon. Kahit na ano para mabaling lang sa kung ano ang isip ko.
Wala akong hilig sa lalaki. Ang totoo, ayaw ko sa mga lalaki. Pagkatapos ng nangyari sa akin, si Perry lang ang lalaking pinagkatiwalaan ko na akala kong magliligtas sa akin mula sa impiyernong kinasadlakan ko noon. Yeah. He saved me. But he didn't tell me that he was going to give me much hell than those men gave me. Ang advantage ko lang, I was married to the devil kaya kahit impiyerno din ang buhay na ibinibigay sa akin ng asawa ko, kung mabibigyan ko naman ng magandang kinabukasan si River, titiisin ko.
Kay Chuck lang ako nagtiwala. Siguro dahil siya ang unang bodyguard na naging close sa anak ko. River trusted him so much kaya ganoon din ako sa kanya. He knew what was going on in my life especially Perry's beatings. Awang-awa siya sa akin sa tuwing makikita niya akong ginagawang punching bag ng asawa ko pero wala siyang magawa. Sabi niya, ang tanging tulong lang na maibibigay niya sa akin ay iligtas ako at anak ko doon. I was ready to leave Perry. I couldn't take the beatings anymore. We already had a plan how we would escape. But the fucking attempted kidnapping happened and that incident killed Chuck. The only best friend that I had.
Napahinga ako ng malalim nang maalala si Chuck. Napangiti ako nang maalala ko ang mga kalokohan na ginagawa niya. Wala naman kasing nakakaalam na sa kabila ng pagiging nakakatakot na barako ng isang iyon, isa siyang mahinhing bakla. Ako lang ang nakakaalam ng sikreto niyang iyon. Kaya siguro kami nagkasundo ng sobra. Dahil pareho naming alam ang sikreto ng isa't-isa.
"'Buti nga naisip ni Sir Perry na isama ako sa trip na 'to. Super excited talaga ako nang malaman kong kasama ka."
Napatingin ako sa gawi ni Trixie at ngayon ay hindi na inaalis ang pagkakahawak sa braso ni Riel. Napapataas pa ang kilay ko nang paminsan-minsan ay bumababa sa mga hita ng lalaki ang kamay nito at doon pumipisil. Bahagya akong tumikhim at nakita kong mabilis na binawi ni Trixie ang kamay at umayos ng upo.
"Malayo pa ba tayo?" Seryosong tanong ko at nakatingin ako sa rearview mirror. Tumingin naman sa akin si Riel mula doon at sumagot.
"Mga fifteen minutes na lang, Ma'am." Tipid na sagot niya at nanatiling nakatingin sa akin mula sa salamin. Inirapan ko lang siya at muling ibinalik ang tingin ko sa labas ng bintana. Nang muli akong tumingin sa rearview mirror ay nakatingin pa rin siya sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at doon niya ibinalik sa kalsada ang tingin niya.
Tinapunan ko ng tingin si River at busy pa rin sa pinapanood. Ang totoo, ayaw nga nitong sumama sa trip na ito pero nang sinabi kong kasama si Riel ay biglang na-excite ang anak ko at ito pa talaga ang nagmamadaling mag-ayos ng gamit niya. Sa tuwing maiisip ko na muling nagtiwala sa tao ang anak ko, nakakampante na ako. At least, alam kong nag-o-open na ulit si River katulad ng ginagawa noon kay Chuck.
Muli akong nagtitingin sa telepono ko. Naka-receive ako ng text galing kay Perry at tinatanong kung nasaan na kami. Sinagot ko ang sinabi sa akin ni Riel. Ang sagot sa akin, pagdating ko sa hotel-resort, magbihis ako ng swim wear at puntahan ko siya sa Lush Paradise. Iyon ang pangalan ng restaurant na malapit sa beach.
Swimsuit? And not just ordinay swimsuit. He wanted me to wear a two-piece swimwear. Ano ba ang nangyayari kay Perry? Gusto ba niyang makita ng mga tao ang mga pasa ko sa katawan na kagagawan niya? Parang sinagot ang tanong ko sa sarili nang maka-receive ako ng text mula ulit sa kanya.
Conceal all your bruises, Meara. Ayokong may magtanong ng kung anong mga nasa katawan mo. Ayusin mo 'yan.
Napahinga na lang ako ng malalim at napailing. Makakatanggi ba ako sa gusto ni Perry? Siguradong masasaktan lang ako kung hindi ko susundin ang gusto niya.
Narinig kong napatili pa ng mahina si Trixie at muli ay hinampas sa braso si Riel nang pumapasok na kami sa hotel-resort. Ang daldal na naman ni Trixie. Panay kuwento kay Riel na nakapunta na siya dito. Na nag-enjoy siya nang isinama siya ni Perry kasama ang ilang clients. Kung ako lang talaga ang masusunod, ipa-fire out ko na ang babaeng ito. Minsan hindi alam ni Trixie kung saan ang lugar niya.
Agad kaming sinalubong ng mga staff ng hotel nang iparada ni Riel sa tapat ng entrance ang sasakyan. Bumaba si Riel at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan pa akong makababa at ganoon din ang ginawa niya kay River. Si Trixie naman ay bumaba na din at may kausap na sa telepono. Mukhang tinawagan na ni Perry dahil sumenyas na ito kay Riel na aalis na at mauuna nang pumasok sa loob. Sinabi ko sa mga attendant ang room number namin na isunod doon ang mga gamit. Nauna na kaming lumakad ni River na tunguhin ang silid namin. Connecting rooms iyon. Kuwarto namin ni Perry tapos sa kabila ay silid ni River. Hindi ko alam kung saan naka-stay si Riel. Iisa kaya ang silid nila ni Trixie?
Halos kasunod lang din namin ang mga gamit namin. Iniayos ko na muna ang mga gamit ni River at ibinilin ko sa kanya ang mga gamit niya. Pumunta ako sa sarili kong silid at tumunog ang telepono ko. Si Perry ang tumatawag.
"Nasaan ka na?" Dama ko ang iritasyon sa boses niya.
"Nandito sa room. Kakarating lang namin." Isa-isa kong inaalis ang mga gamit sa maleta ko.
"Bilisan mong pumunta dito. 'Di ba sabi ko sa iyo dito ka dumeretso?"
"Perry, we just got here. As in kakapasok ko pa lang sa room. Inasikaso ko pa si River." Katwiran ko.
"I don't fucking care. If I tell you to go here, you go here. Wear your damn two piece." Singhal niya.
"Bakit ba kailangang iyon ang isuot ko? Perry, I am not going to swim." Protesta ko.
"Shut up, Meara. Huwag mo akong pikunin. Pumunta ka dito ngayon na. Huwag mong hintayin na kaladkarin kita papunta dito."
Bago pa ako makasagot ay pinatayan na ako ng telepono ni Perry. Napahinga na lang ako ng malalim at inis inilapag sa kama ang lahat ng mga gamit ko sa maleta. Kahit naman nagdala ako ng panligo, wala naman akong planong magswimming talaga. Isa-isa kong inalis ang suot kong damit at isinuot ang black two-piece na naroon. Humarap ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Maganda pa rin naman ang katawan ko. May hubog pa rin. Makinis pa rin. Nakapangit lang talaga ang mga pasa roon at ilang peklat na kagagawan ni Perry. Dinampot ko ang concealer make-up at pinagtatakpan ko ang mga iyon. Bahagya akong napangiti nang mapantay ng make-up ang balat ko. Wala nang bahid ng mga pasa. Maganda na ang hitsura.
"Mommy! I want to swim!"
Nagulat ako nang biglang bumakas ang pinto ng connecting room at pumasok si River. Pero mas nagulat ako kasi naroon sa silid si Riel na nakatingin lang sa akin. Natataranta akong naghanap ng kung anong maitatakip sa katawan ko. Shit! Bakit wala akong makitang kahit tuwalya dito? Pakiramdam ko ay hubad na hubad ako.
"Damn it!" Sa sobrang katarantahan ko ay hinablot ko ang comforter sa kama at iyon ang itinakip ko sa katawan ko. Nang mapatingin ako sa connecting room ay nakasara na iyon. Marahil ay isinara ni Riel.
"Jesus, River. Next time you need to knock." Pakiramdam ko ay sumakit ang ulo ko. Hindi man ako hubad at napakaraming naka-two piece sa paligid ng hotel, hindi pa rin ako sanay na ganito.
Napangiti lang ang anak ko. Mukhang wala naman sa kanya ang nangyari.
"I'm sorry, Mom." Iyon lang ang nasabi niya. "I am going to swim and Kuya Riel is coming with me. Is that okay?" nakangiting sabi niya.
Tumingin lang ako sa nakasaradong silid at sunod-sunod na tumango. "Fine. Go."
Mahinang napa-yes pa si River at tumatakbo na binuksan ang connecting room. Nakita kong nakatayo lang sa isang gilid si Riel at nakatingin lang sa akin tapos ay tipid na ngumiti at muli ay isinara ang pinto.
Napabuga lang ako ng hangin at muli ay humarap sa salamin. Wala namang masama sa hitsura ko. Maganda naman at hindi naman nakakabastos ang hitsura ko. Iyon nga lang, talagang nagmamalaki ang dibdib ko. Litaw na litaw ang buong katawan ko.
Pero ito ang gusto ni Perry at wala akong magagawa doon.
Muli ay tumutunog ang telepono ko. Si Perry ulit. Pinagmamadali na akong pumunta sa restaurant. Ayaw ko na ng away kaya naghanap ako ng robe. Nasa loob pala ng cabinet kaya hindi ko makita kanina. Kinuha ko at isinuot. Hindi naman siguro magagalit si Perry kung may robe ako. Hindi ko kayang lumakad na halos hubad sa resort na ito.
Lumabas ako ng room at dumeretso ako sa Lush Paradise. Nakita kong naroon si Perry at may alak sa harap nito. May kausap sa telepono. Agad na dumilim ang anyo nang makita akong papalapit at nagpaalam sa kausap nito.
"What the fuck is that?" Tinitingnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"I am wearing the swim wear under this robe." Nakangiti kong sagot sa kanya at akmang hahalik sa pisngi niya pero mabilis niyang iniiwas ang mukha.
"Did I tell you to wear a robe? I told you to wear a two-piece. Hubarin mo 'yan." Utos niya at dinampot ang baso ng alak at uminom doon.
"Perry, I am not comfortable with it." Naiiyak kong sagot.
Pabagsak niyang binitiwan ang hawak na baso.
"Ano ang hindi kumportable sa suot mo? Look around. Tingan mo nga ang mga babae sa paligid mo. May nakikita ka bang nakabalot? Halos lahat naka-two-piece. Huwag mo akong ipahiya. Huwag kang magmukhang tanga dito. Remove the fucking robe!" Sa pagkakataong iyon ay tumaas na ang boses niya.
Napatingin ako sa paligid at naipagpasalamat kong wala namang mga taong nakarinig ng pagtatalo namin. Alam kong wala naman akong magagawa dito kaya kahit labag sa loob ko ay hinubad ko ang suot kong robe. Nakatingin lang sa akin si Perry at taas-baba ang tingin sa katawan ko tapos ay dinampot ang iniinom niya. "Sit down." Utos niya sa akin.
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Muli akong tumingin sa paligid at nakita kong ilang mga tao na doon ang nakatingin sa akin. Ngayon talaga, pakiramdam ko, hubad na ako at gusto ko nang kumaripas ng takbo paalis doon.
Dinampot ni Perry ang telepono niya at sinagot ang kung sino man na tumatawag.
"Yes, Trixie. You need to entertain them. I am with my family kaya ikaw na muna ang bahala sa mga clients. You think I brought you here to unwind? Of course not. You do your job," iritableng sabi niya tapos ay tumingin sa gawi ko. Ngayon ay nakangiti na si Perry sa akin at kinuha ang kamay ko. "You are very beautiful, Meara. Kaya dapat sinusunod mo ang mga sinasabi ko sa iyo para hindi ka nasasaktan. I want you to wear that because I am proud to show to everyone how lucky I am for having you."
Pilit lang akong ngumiti kay Perry pero naguluhan ako nang biglang lumapad ang ngiti niya at nakatingin sa likuran ko. Nakita kong palapit doon ang isang lalaki at namumukhaan ko ito. Ito ang client niyang ipinakilala sa akin noong huling event na pinuntahan namin.
"Moriss! This is a surprise. What are you doing here?" Tumayo pa si Perry at sinalubong ang lalaki. Nakipagkamay pa dito tapos ay inaya ang lalaki na maupo sa mesa namin.
Nakangiti lang ang lalaking Moriss ang pangalan tapos ay nakatingin sa akin. Nakakaasiwa ang paraan ng pagtingin ng lalaking ito sa akin. Pakiramdam ko ay nanghuhubad. Agad kong dinampot ang robe para maisuot ko pero naramdaman kong pinigilan ni Perry ang kamay ko tapos ay tiningnan ako ng makahulugan.
"I have a business meeting here. With leisure. So, you're here with the family?" Sabi ni Moriss at muling tumingin sa akin. "Your wife is very beautiful, Perry." Pagkasabi noon ay tumingin na si Moriss sa asawa ko.
"Of course. Hindi ako pipili ng pangit," tumatawa pang sabi ni Perry.
I can't stay here like this. Kahit gulpuhin ako ni Perry mamaya, aalis ako dito at hindi puwedeng nakabilad ang katawan ko.
Akmang tatayo na lang ako nang makita kong tumatakbo si River palapit sa akin na may dalang tuwalya tapos ay mabilis iyong ibinalot sa katawan ko.
"You might get cold, Mom." Seryosong nakatingin sa akin ang anak ko.
Pakiramdam ko ay gusto kong umiyak dahil sa ginawa ng anak ko. Nang tumingin ako sa gawi ni Perry ay ang sama ng tingin niya sa akin. Pero wala akong pakialam. Magalit na siya kung magalit siya. Aalis ako dito.
"Let's go, Mom. Let's swim for a bit." Hinihila pa ni River ang kamay ko paalis doon.
"Meara," tonong nagbabanta ang boses ni Perry.
"My son wants to swim and I'll go with him," hindi ko na hinintay na sumagot ang asawa ko at dali-dali akong tumayo doon kasama si River.
Hindi ko na inintindi kung may sinasabi pa si Perry. Handa na rin naman ako mamaya kung saktan niya ako. Basta hindi lang ako kumportable doon at naroon pa ang kaibigan niyang ang bastos-bastos ng tingin sa akin.
Dinala ako ni River sa isang gazebo at maya-maya lang ay lumalapit sa akin si Riel at inabutan ako ng robe.
"Baka lamigin ka, Ma'am." Mahinang sabi niya.
Gusto ko nang umiyak pero pinigil ko ang sarili ko. "S-salamat." Iniabot ko ang robe at isinuot. Lumakad naman paalis doon si Riel at sinundan na si River na nagsu-swimming.
Sinundan ko ng tingin ang lalaki. For the first time, there was someone who didn't show any interest in me. I meant, may isang lalaki na hindi ko naramdaman na babastusin ako. Isang lalaki na pakiramdam ko ay nagpapahalaga sa kahit sinong babae.
And Riel was like that.
He knew how to respect a woman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top