CHAPTER NINETEEN (Nightmare)
Inside of us is a monster; inside of us is a saint. The real question is which one we nurture the most, which one will smite the other. - Jodi Picoult
------------------------------
Riel
Fuck those police officer.
Fuck Varona. Fuck Chief Magtanggol and his team. Mga gago ang animal. Sinasabi ko na nga ba at may nangyari noon kay Meara kaya biglang-bigla ay nawala ang kaso niya. Nanginginig ako sa galit at ang gusto ko ngayon ay umalis dito at puntahan isa-isa ang mga pulis na involved sa pagkakahuli kay Meara.
Pero naisip ko, kasama ako doon. Ako ang arresting officer ni Meara. Technically, may kasalanan ako kung bakit iyon nangyari sa kanya. Kung hindi ko siya hinuli, hindi mangyayari iyon. Pero bagong pulis ako noon. Kaka-graduate lang mula sa academy. Mainit. Mapusok at marami pang gustong patunayan. At isa pa, sinunod ko lang ang lahat ng ebidensiya na hawak ko at lahat ng ebidensiyang nakuha ko ay nagtuturo na isa siyang drug dealer.
Sa isip ay minumura ko ang sarili ko. Nagsisisi kung bakit ko pa nahuli si Meara noon. 'Tangina. Kung puwede ko lang ibalik ang nakaraan, ako mismo ang sasagip sa kanya doon.
Napabuga ako ng hangin. Pakiramdam ko kagagawan ko kung bakit nasa ganitong sitwasyon si Meara at ang anak niya. Kaya ako dapat ang gumawa ng paraan para mailigtas ko sila sa walanghiyang asawa niya.
Kinuha ko ang laptop ko sa bag at binuksan iyon. Nagsimula akong mag-search ng mga pulis na involved sa pagkakahuli niya. Alam ko kung nasaan si Varona. Si Chief Magtanggol ay retired na at hindi na alam kung nasaan. Ang ibang mga pulis na kasama doon ay wala na rin sa serbisyo. Mahina akong napamura. Paano 'to? Si Vic na lang ang madidikdik ko pero sa tingin ko, wala akong makukuhang maayos na detalye doon.
Pero sino ang opisyal na gumahasa kay Meara? Was it Chief Magtanggol? Pero naalala ko, hindi naman na-promote si Chief matapos mawala ni Meara. Limang taon pa siyang naging Chief ng department namin bago siya na-promote at nalipat sa ibang lugar. Who could that officer be?
Inis kong dinampot ang telepono ko at tinawagan si Ghost. Tulad ng dati, matagal na naman bago sumagot. Seryoso pa rin ang timbre ng boses nang sagutin ang tawag ko.
"Do you have a report about Perry?"
Napakamot ako ng ulo. "He's here. Having a family time with his wife and kid."
"Family time, huh? After he killed another person?"
"Ghost, come on. Konting panahon pa. Hindi ko basta-basta masusundan si Perry. Mas may importante akong ginagawa dito."
"Like what?"
Napahinga ako ng malalim. "His wife. He is abusing his wife. Beating her. Like hardcore beating her."
Napa-hmm lang si Ghost. Alam ko naman na alam niya ang tungkol doon. Si Ghost pa ba? Daig pa nito si Nostradamus. Bago pa mangyari ang mga bagay-bagay ay alam na niya at nakapag-isip na siya ng kung anong magagawa niya.
"I need to save them." Sabi ko pa.
"You are there to follow Perry not to interfere with his personal life. Tigilan mo ang asawa. Hindi siya ang mission mo." Seryosong sagot niya.
Napakunot ang noo ko. Tama ba ang naririnig ko na sagot niya?
"Am I hearing you right?" Paniniguro ko.
"Yes. Leave the wife alone, Riel." May tigas na ang pagkakasabi niya noon.
Hindi ako nakasagot. Ghost wanted me to do nothing about this? What the fuck was wrong with this old man? Sa kanya ko pa maririnig iyon samantalang lahat nga ng mga taong naaagrabyado gusto niyang ipagtanggol at tulungan.
"Her battle is not your battle. Leave it to her. She can only decide what to do in her situation. The case you need to follow is about Perry. That's it."
"The fuck is wrong with you? Alam mo kung ano ang nangyari sa nanay ko. It was too late to save her that's why she died. Now that I have a chance to save another one, you are telling me not to meddle in this? Are you high?" Napipikong tanong ko. "Meara and her son needs help. Perry is going to kill them soon."
"Riel. Listen to me. Forget about them. You focus on Perry. This is not yet the time. Believe me. It will be for the best if you don't interfere in their lives."
"At kailan pa? Kapag patay na si Meara? Katulad ng nangyari sa nanay ko? Ganoon ba? You're fucking insane. They need help, Ghost. They need my help." Mariing sagot ko.
Napahinga lang siya ng malalim. "Mukhang hindi naman kita mapipigil diyan. Bahala ka. Just make sure you are ready for everything that you will find out."
Kahit may gusto pa akong sabihin ay hindi na ako nakapagsalita dahil busy tone na lang ang narinig ko. Inis kong binitiwan ang telepono ko at tumitig sa laptop na nasa harap ko. Shit. Paano ko ngayon tutulungan si Meara kung pati ang huling taong inaasahan ko ay walang planong ayunan itong gagawin ko. Ghost was my last resort to get the files that I needed. I had to check on those police officers that were involved in her case ten years ago.
Naisuklay ko ang kamay sa buhok ko at nanatiling nakatitig sa laptop. Sige lang tap ang daliri ko at hindi malaman kung ano ang una kong hahanapin. I tried to search for Chief Magtanggol. Mga lumang photos lang ang nakita ko at kuha noong mga panahong nabibigyan ng award ang dating Chief.
Asar kong isinara ang laptop at pahilatang naupo sa kinauupuan ko. Napatingin ako sa pinto ng silid ni Meara dahil nakarinig ako na parang may kumikilos doon. Tumayo ako at lumapit tapos ay nakiramdam. Idinikit ko ang tainga sa pinto at nakarinig ako ng boses lalaki na nagsasalita mula doon. May kausap. Napangiti ako ng mapakla nang maisip na si Perry iyon. Hindi ko maintindihan ang nabubuhay na kung ano sa dibdib ko. Naiinis ako. Napipikon. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Nai-imagine kong nilalambing in Perry ang asawa niya. Hinahalikan. Hinahawakan. Niyayakap. And my imagination was getting worse. I was thinking more than that. A dirty play was inside my head seeing them both naked and having sex in bed.
Mahina kong kinatok ang ulo ko at parang napapasong lumayo sa pinto. Ang gago ko. Napakagago ko. Mag-asawa sila at kung ano man ang gawin nila sa silid na iyon, wala na akong pakialam. Tinapunan ko ng tingin ang tulog na tulog na si River. Mukhang hindi naman na magigising ang batang ito kaya dinampot ko ang telepono ko at ibinulsa. Lalabas muna ako. Doon muna ako sa bar area ng restaurant mag-stay. Hindi ko kayang magtagal dito kung alam kong may ginagawang kung ano ang mag-asawa sa kabilang silid. Ngayon ko naisip na sana nandito si Trixie para mabaling sa iba ang atensyon ko.
Deretso ako sa bar area at umorder ng beer. Wala namang gaanong tao dito kundi ilang mga guests din ng hotel na nag-a-unwind. Nakatitig lang ako sa bote ng beer at naaalala ko pa ang mga sinasabi ni Ghost.
Her battle is not your battle. Leave it to her. She can only decide what to do in her situation.
Paano kung hindi naman niya kayang mag-decide na iwanan ang gagong iyon dahil sa anak niya? Nakita ko na ang resulta sa ganoong sitwasyon. My mom dead and here I was. An angry and lonely man still asking the world what was the purpose of my life.
Dinampot ko ang bote ng beer at tumungga doon. Nilalaro ko ang keypad ng telepono ko at binuksan ang contacts noon. Hinanap ko ang number ni Trixie. Damn it. Kailangan ko ng distraction ngayon. At alam kong kung yayayain ko ngayong gabi ang babaeng iyon, hindi naman iyon tatanggi. She was flirting with me the moment I stepped foot in Azaceta's house. Kaya sigurado ako, isang text ko lang sa babaeng iyon papupuntahin na ako sa room niya.
Iti-text ko na lang si Trixie nang mapatingin ako sa labas ng restaurant at nakita ko ang isang pares ng babae at lalaki na naglalakad doon. Napakunot ang noo ko. Tama ba ang nakikita ko? Si Perry ba iyon na may kasamang ibang babae? Agad akong dumukot ng pera at inilapag sa mesa at nagmamadaling lumabas para masiguro kung tama ang nakita ko.
And it was fucking Perry. Halos nakalingkis na dito ang kasamang babae habang papunta ang dalawa sa parking lot ng hotel-resort. Sinundan ko pa sila at nakita kong tinungo nila ang sasakyan at sumakay doon para umalis.
Natigilan ako. If Perry was here, then who was the...
Shit.
Patakbo akong pumasok sa hotel at halos liparin ko ang hagdan makabalik lang sa silid ni River. Hindi na ako nag-elevator dahil magtatagal pa ako doon. Humihingal akong lumapit sa pinto na naghihiwalay ng silid ni River at silid ng nanay nito. Nakiramdam ako. I knew someone was in there besides Meara and it was not her husband.
Nanginginig ang buong katawan ko nang hawakan ang door knob. Nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko iyon. Paano kung si Meara lang naman ang naroon at praning lang talaga ako? Pero iba talaga ang kutob ko. Sigurado ako may ibang tao dito sa kuwarto niya.
'Tangina. Bahala na.
Kumatok ako. "Mrs. Azaceta?"
Wala akong sagot na narinig pero nakarinig ako ng pagkaluskos doon.
Muli ay inulit ko ang katok. "Ma'am Meara. Okay lang ho kayo diyan?"
Idinikit ko ang tainga ko sa pinto at naramdaman kong parang may naglakad sa loob ng silid. Nakarinig ako ng pagtikhim.
"She's okay here. I am going to sleep with my wife."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ng lalaki. Pakiramdam ko ay umakyat ang dugo sa ulo ko at gusto kong magwala at wasakin ang pinto na ito. Sigurado ako na hindi si Perry ang lalaking nasa kuwarto ni Meara.
Damn it. Kailangan kong kumalma kahit gustong-gusto kong magwala. Inaalala ko si River na baka ma-trauma kapag bigla kong winasak ang pinto na ito at makita kung ano ang ginagawa sa nanay niya. Siguradong magkakaroon ng gulo sa buong hotel. Kailangan kong kumilos ng tahimik para hindi rin mabulabog ang sino mang gagong lalaki na pumasok sa kuwarto ni Meara.
Kinuha ko sa wallet ko ang isang lock pick at dahan-dahang ginamit iyon sa door knob ng connecting room. Nang ma-unlock ay walang ingay kong pinihit iyon at binuksan ang pinto. Walang ingay akong pumasok at nakita ko ang isang lalaki na nasa kama at nasa ibabaw ni Meara. Walang pang-itaas at hubad na rin ang katawan ni Meara sa kama. Gusto ko nang sugurin ang lalaki pero pinigil ko ang sarili ko. Sa ilang buwan kong pagsama kay Ghost, natutunan ko sa matandang iyon kung ano ang kahalagahan ng pasensiya sa trabaho namin. Na tipong kahit galit na galit na, kailangan pa ring kumalma para makapag-plano ng mga dapat gawin. That's how we do our business with calm and full of grace.
That's how we kill.
I stood there watching the man touching Meara. My hands were rolled into a fist while my head was thinking of so many ways how am I going to torture and kill him. Iniisip ko kung paano nakapasok sa silid na ito ang lalaki. Nang gumalaw ito at tumagilid ay nakilala ko kung sino ito.
Perry's fucking friend. 'Yong Morris ang pangalan.
At sigurado ako, may basbas ni Perry ang nangyayaring ito. Damn that asshole. Papayag siyang ipatikim sa iba ang asawa niya? Demonyo ang gago.
Kitang-kita ko ang pagnanasa mukha ng lalaki habang nag-uumpisa na itong maghubad ng pantalon. Dinukot ko sa bulsa ang pocket knife at walang katunog-tunog na lumapit sa kama. Alam kong gulat na gulat ang lalaki nang hawakan ko ang ulo niya at itapat ang pocket knife na iyon sa leeg niya.
"Don't fucking move. Not even a single breath." Mahina kong bulong sa tainga niya.
Hindi naman nakagalaw ang lalaki na alam kong gulat na gulat sa nangyayari. Napatingin ako sa gawi ni Meara na tulog na tulog sa kama. She was naked on the bed and sleeping like a log. Mukhang kahit anong mangyari dito ay hindi magigising.
"Get off the bed," utos ko sa lalaki habang nanatiling nakatutok ang pocket knife sa leeg nito.
"W-who the fuck are you?" halatang kabado ang boses nito habang umaalis sa ibabaw ng kama.
"Your worst nightmare." Bago pa makagalaw ang lalaki ay isang malakas na suntok ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ko na binigyan ng pagkakataon na maka-recover at ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya hanggang mag-pass out.
Dali-dali kong dinampot ang mga damit ni Meara at isinuot iyon sa kanya. Dapat hindi niya mahalata na may nangyaring ganito dito. Tinapunan ko ng tingin ang lalaking walang malay sa lapag at binuksan ang pinto tapos ay tumingin sa hallway. Walang mga tao. Tiningnan ko rin kung may mga cctv cameras na nakakabit sa paligid. Wala. Maigi. Ngayon ko din naipagpasalamat na malapit sa fire exit ang kuwarto ni Meara. Mas madali kong mailalabas ang lalaking ito dito.
Isinuot ko ang damit ng lalaki at siniguro kong walang makakakita sa amin. Pinagtiyagaan ko itong buhatin hanggang sa fire exit at bumaba ng dalawang floors dahil doon ko may nakitang banyo. Mukhang hindi naman ginagamit ang banyo na ito dahil bukod sa naka-lock ay hindi pa ito daanan ng tao. Binuksan ko iyon at hinila papasok doon ang lalaki.
Nakatingin ako sa wala pa ring malay na lalaki habang nag-iisip ng kung anong gagawin ko sa kanya. I could take off his nails one by one, cut his ears, poke his eyes using my pocket knife pero huwag na. Maingay pa iyon. Magsisisigaw lang ito at baka may makarinig pa. Hindi puwedeng madugo. Hindi ako puwedeng madumihan para hindi magtanong si River kapag natapos ako dito.
Lumabas ako ng banyo at sa tabi noon ay naroon ang isang maintenance room. Binuksan ko at nakita ko ang isang gallon ng Clorox at lubid. Kinuha ko iyon at bumalik sa banyo. Sa labas ay nilagay ko pa ang under maintenance sign para mas lalong walang iistorbo sa gagawin ko.
Itinali ko ang kamay at paa ng lalaki. Ipinulupot ko rin ang lubid sa leeg niya at itinali ko sa bintana na naroon. Dinampot ko ang isang basahan at ibinuhos doon ang Clorox tapos ay ipinasak ko sa bibig niya. Maya-maya lang ay nakita kong gumagalaw na ang lalaki. Nang magmulat ng mata ay agad na napatingin sa akin tapos ay nagtangkang gumalaw. Halatang nataranta nang maramdamang nakatali siya at may nakapulupot pang lubid sa leeg niya. Na sa bawat paggalaw niya ay unti-unti lang humihigit sa leeg niya.
"I won't move if I were you." Malumanay kong sabi sa kanya at naupo sa harap niya. Kitang-kita ko ang takot sa mukha ng lalaki at parang iiyak pa. Nakarinig ako ng mahinang ungol na nagtatangka siyang magsalita.
"May sinasabi ka?" Tanong ko at sunod-sunod ang tango niya. Inalis ko ang nakabusal na basahang may Clorox sa bibig niya ay sunod-sunod ang pag-ubo niya. Napapasuka pa dahil sa Clorox na nalasahan tapos ay ang sama ng tingin sa akin.
"Who the fuck are you? Hindi kita kilala." Mahinang sabi niya.
Tumaas lang ang kilay ko. "Told you. I'm your worst nightmare. Lahat ng sasabihin mo sa akin doon nakasalalay ang buhay mo."
Napalunok siya at humihingal na nakatingin sa akin.
"Paano ka nakapasok sa kuwarto ni Mrs. Azaceta?"
"I have a keycard. Bigay ni Perry. He said I can fuck his wife." Natatarantang sagot nito.
Napa-hmm lang ako at napatango-tango.
"At ginawa mo naman?"
"I like that woman. And Perry told me she's okay with that. She's a player and pumapayag sa kahit na kaninong lalaki. Come on, man. Pakawalan mo ako dito. I can give you money. Kaya kitang bigyan ng milyon." Muli ay nagpipiglas ito at lalo lang humigpit ang pagkakatali ng lubid sa leeg.
"Marami kang pera?" Paniniguro ko pa.
"Yes! I am worth millions. I can pay how much you need."
"Ano ka ni Perry?"
"I'm his business partner. I just signed a partnership with him yesterday. He told me if I would do something he would let me fuck his wife. And I did that and his wife is my prize." Ngayon ay parang naiiyak na ito. "Come on. Untie me."
"Anong klaseng partnership? At ano ang ginawa mo kasama si Perry?" Kinuha ko ang bote ng Clorox at inalog-alog pa ang laman noon.
"We operated on someone. We harvested his organs and Perry sold it to people. I-I don't know. For me it was just an experience. Perry let me experience to be a doctor for a day." Napabuga ito ng hangin. "I paid for that and he also paid for the life of that man so we could do anything to his body."
Nagtagis ang bagang ko. "Sino-sino kayo? Sino ang mga involved na tao?"
"I don't know" Sunod-sunod ang iling niya. "There was a doctor and some of his assistants."
"Saan 'nyo ginawa?"
"Sa hospital ni Perry. Sa basement. Hindi ko rin alam. Isinama lang kami doon. Si Perry ang nakakaalam ng lahat. Please. Pakawalan mo ako dito. Bibigyan kita ng maraming pera."
Hindi ako kumibo at tumayo lang tapos ay hinawakan ang ulo niya at pilit na pinabuka ang bibig. Ibinuhos ko doon ang Clorox. Hindi ako tumitigil hanggang hindi nauubos ang laman ng gallon. Wala akong pakialam kung malunod siya o hindi makahinga sa ginagawa ko.
Nang maubos ang laman ay dinampot ko ang basahan at ipinasak sa bibig niya para di siya makasigaw o kahit makaubo o kahit makabawi ng hininga. Pati sa ilong niya ay lumalabas na ang Clorox at ngayon ay umiiyak na siya.
"Fuck you. You and your friends. You and Perry. Fuck you and your money. Ang mga katulad 'nyo ay walang karapatang mabuhay sa mundo. Do you think Meara would like you to touch her? To fuck her? No. She hated her life. She hated her husband. And I am sure, she would hate you too." Hinawakan ko ang lubid at hinila iyon. Bahagyang umangat ang katawan niya at nasakal sa ginawa ko.
Hindi siya makasagot. Kumakawag lang sa hangin ang mga kamay niyang nakagapos. Nanginginig ang mga paa. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya.
"And you know what I do to people that she hates?" Ibinitin ko pa ang tanong ko at inilapit ang bibig sa tainga niya. "I kill them."
Pagkasabi ko noon ay marahas kong hinila ang lubid para lalo siyang masakal. Lalong nagpapasag ang katawan ng lalaki. Panay ungol lang ito habang patuloy kong hinihila ang lubid para lalong sumakal sa leeg niya. I was looking at his face while slowly his life was leaving him. His eyes were staring at me, begging for me to stop. To spare his life. But I didn't feel any guilt. I was looking straight at him while I was waiting for him to catch his last breath.
Until his body stops moving. His eyes stopped blinking. He was dead and I killed him.
Noon ko lang binitiwan ang lubid at humihingal na tiningnan ang patay na katawan sa harap ko. Wala akong konsensiya na nararamdaman sa ginawa ko sa kanya. Being with Ghost for months made me like this. A cold-blooded killer who doesn't feel any shame of what I did. In my mind, I knew what I did was right. This man deserved to die.
Inayos ko ang mga gamit na naroon. Kailangang maging malinis ang pagkakagawa ko dito. Kailangang maipalabas kong suicide ang nangyari dito. Siniguro kong walang ebidensiya na babalik sa akin. I knew how to clean this kind of mess. Alam ko kung paano matatakasan ang mga imbestigador na mag-iimbestiga dito. The perks of being a police officer before.
Nang matapos ako at masiguradong malinis ang lahat ay kaswal akong naglakad paalis doon at bumalik sa kuwarto ni River. Pumasok ako sa silid ni Meara at tulog na tulog pa rin siya. Napahinga ako ng malalim at maging doon ay inayos ko din ang lahat para hindi niya maisip na may nangyaring kakaiba at muntik na siyang mapahamak.
Tumayo ako sa gilid ng kama habang nakamasid sa babae.
Ghost didn't want me to help her and her kid. Fuck him. I would do anything to save her from his damn husband.
Even if he was telling me that helping her, I would find out something I might didn't like.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top