CHAPTER NINE (Eavesdropping)
You save your soul by saving someone else's body. - Arthur Hertzberg
Riel
Mrs. Azaceta really hated me.
Well, she was consistent on telling me that she hated my kind. Policemen. I was sure something happened to her ten years ago. Something that involves those policemen that held her case.
But what really happened to her case back then? Talagang naku-curious ako pero mahihirapan na akong kalkalin pa iyon lalo na nga at wala na ako sa serbisyo. Kapag nagpatulong ako kay Tatay Javier, siguradong magtatanong siya. Siguradong pati siya ay makiki-imbestiga.
Malakas kong isinara ang pinto ng sasakyan nang maiparada ko at tumingin sa mga naggagandahang sasakyan na nakaparada doon. The car that I drove was top of the line. As much as I wanted to protest when Mr. Azaceta told me that I had to drive for his wife, I couldn't say no. Walong kotse ang nakaparada sa garahe ng mga Azaceta. Mayroon pang ilan sa labas. Karamihan European cars. There was a Lamborghini. Two BMW's. Maclaren. Porsche. An AUDI. Hindi ko na nakita ang brands noong iba at ito ngang gamit namin na Mercedes Benz. Alam kong bagong model ito na hindi pa nailalabas dito sa Pilipinas.
The Azaceta's was rich. So rich that I knew Ghost found something that was why he had to look at this family. And this event could give me answers to those files that he sent me. Siguradong ang mga imbitado dito ay ang mga business associates ni Perry.
Pumasok ako sa loob at kita ko nga na hindi mga basta-bastang tao ang naroon. May mga nakikilala akong madalas kong mapanood sa TV. May mga politicians. Narito din ang DOH Secretary na madalas ma-interview. I knew this guy was under fire because of corruption but he was all smiles with the people around. Napailing ako. Kahit saan talaga hindi nawawala ang corruption.
Madali naman akong naka-blend in sa mga tao dito. Sinabihan ako ni Perry na magdamit ng maayos at hindi nga daw basta-basta ang event na ito. Malalaking tao ang imbitado. Totoo naman. Itong venue pa lang sigurado na akong daang libo ang halaga. Ang mga sini-serve na mga appetizer ng umiikot na mga servers ay hindi basta-basta. Dumampot ako mula sa tray ng dumaang server sa harap ko. Kinain ko at napatingin pa ako sa kinagat kong pagkain at muling isinubo. Hindi ko alam ang tawag pero masarap. Muli akong dumampot ng isa pa mula sa isang server na naman. Wine na rin para lubos-lubusin ko na.
Nakita ko si Mrs. Azaceta na nasa bar area at mag-isang nakaupo doon. Hinanap ko si Perry at nakita kong nasa kabilang parte ito ng venue at may mga kausap na lalaki. Mukhang hindi naman intindi ang asawa niya. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa at iniisip ko kung lalapitan ko si Mrs. Azaceta. Pero naisip kong huwag na lang. Baka bulyawan lang ako. Pumuwesto na lany ako malapit sa puwesto nila Perry at siniguro kong hindi mapapansin na naroon ako.
"Ganda ng asawa mo, Perry. 'Tangina, jackpot ka d'on."
Tumaas ang kilay ko at tumingin sa gawi ni Mrs. Azaceta. Totoo naman ang sinabi ng kausap ni Perry. Maganda naman talaga ang asawa nito. Pero agad na bumalik ang tingin ko sa grupo nila Perry. Hindi ko kursunada ang tono ng sinasabi ng kausap nito.
"Pipili ba ako ng hindi maganda? Meara is pretty. Pretty much okay in bed too. You should hear her scream in bed." Natatawang sagot ni Perry.
"Shit. Fuck, man. I am sorry. But right now, I am having a fucking hard on just looking at your wife and thinking how she screams in bed."
Tumingin ako sa lalaking nagsabi noon at nakita ko ang lalaki na nakatingin sa gawi ni Mrs. Azaceta. I was expecting Perry to get mad. Punch the guy in the face. But he just laughed. Hitsurang okay lang sa kanya na binabastos ng ganoon ang asawa niya.
"Morris, hold your dick inside your pants. You'll have your chance. And there is more exciting experience that you can enjoy in my hospital besides lusting for my wife." Tumatawang sabi ni Perry.
Pasimple akong lumapit pa para mas lalong marinig ang pinag-uusapan nila. Lumakas kasi ang tugtog sa loob ng venue kaya nahihirapan akong marinig ang mga sinasabi nila.
"Are you sure the doctors are going to allow that?" Ngayon ay seryoso na ang tono ng isa pang lalaki na kausap nila.
Uminom muna si Perry sa hawak na wine glass bago tumango.
"Of course. They are paid three times their salary plus bonuses when the organs are sold. They will not talk. They will just follow my orders." Buong-buo ang kumpiyansang sabi ni Perry.
"I always wanted to be a doctor but I hated the thick books and the late-night studies." Sabi ng lalaking nambabastos kay Mrs. Azaceta. Gusto ko n dukutin ang mata nito dahil nakakapikon ang paraan ng pagkakatingin sa babae. Pero mas gusto kong basagin ang mukha ni Perry dahil pinapayagan niyang bastusin ang asawa niya.
"Ulol. Plastic mo, Morris. I am sure kaya mo lang gustong maging doctor para makayari ng magagandang nurse. Ikaw magdo-doctor? Napakatamad mo." Tumatawang sabi ng isang lalaki.
Tawanan ang tatlo at lalo lang iyon nagpadagdag sa galit na nag-uumpisang pumuno sa dibdib ko. I hated these kinds of men. These misogynist assholes who were thinking they were above everyone else especially women.
"Why? Don't tell me you don't have a fantasy like that? Fucking nurses? Ang sexy kaya nila when they are wearing those white slutty nurse uniform and nurse cap. Plus the thigh-high white stockings. Then they are going to bend for you. Fuck. That would be a total experience." Tumatawa pang sabi ng isa.
Sa tatlo, iyong Morris ang gusto kong basagin ang mukha. Demonyo na ang tingin ko sa isang iyon tapos manyakis pa. Hindi matigil-tigil ang pagtingin sa gawi ni Mrs. Azaceta.
"Someone is watching too much porn," natatawang sabi ni Perry. "But seriously if you want to join the experience, I can schedule you with the team."
"Sure. Gusto ko 'yan. Can we really use the..." iminuwestra nito na parang may hinihiwa sa hangin. "Hindi kami makakasuhan?" Tanong pa ng kasama ni Perry.
"No. Ang tagal-tagal na namin itong ginagawa. Trust me, once you tried it, it's fucking addicting. The first time I tried it, I was so worried but when it was starting, wala na rin. Saka may mga doctors naman na mag-aalalay. Kaya mapi-feel mo talaga, doctor for a day ka. Your money is nothing for this experience. Siguradong hahanap-hanapin mo," proud na sabi pa ni Perry.
"Game na ako diyan. I already transferred my payment. Saka nakita mo naman ang perang ini-invest ko sa ospital mo." Lumapit 'yong Morris kay Perry. "Kaya sana naman, kahit isang minsan lang maka-date ko ang asawa mo."
Ang lakas ng tawa ni Perry. "Iyon lang ba? You want to date her now?" Hinanap ni Perry ang asawa at nagliwang ang mukha nang makita si Mrs. Azaceta sa may bar area. "There she is. Just take it slow so she would talk to you. But I will remind you the additional investment that you're going to pledge. Hindi ko kakalimutan iyon," uminom ito sa hawak na wine glass.
Tawanan nang tawanan ang mga lalaki. Hindi ko naman mapapayagan na mangyari iyon na lapitan ng gagong ito si Mrs. Azaceta. Nang nakita kong aalis na doon ang lalaki ay pasimple ko itong itinulak at napasubsob sa dumadaang waiter na may dalang tray ng red wine. Tumapon ang mga iyon sa lalaki at nagbagsakan sa lapag ang mga baso. Dere-deretso lang akong naglakad at hindi naman nila napansin kung sino ang tumulak dahil maraming taong naglalakaran sa paligid. Lumapit ako kay Mrs. Azaceta at nakita ko ang ilang mga baso na walang laman na mukhang nainom na nito.
"Mrs. Azaceta," tawag ko sa kanya. Nang tumingin siya sa akin ay nakangiti siya. Ibang-iba ang aura kumpara kanina na galit sa akin.
"Riel!" Napatingin ako sa paligid dahil malakas na ang boses niya. "Come here. Let's have a drink." Sinisenyasan niya akong lumapit at itinuturo na maupo ako sa tabi niya.
Tumingin ako sa gawi nila Perry at nakita kong nagagalit ang mga ito sa waiter dahil sa nangyaring aberya. Sasamantalahin ko na ito para maiuwi ko si Mrs. Azaceta.
"Ma'am, I am going to take you home. You are drunk," sabi ko sa kanya at inilayo ang baso ng wine na iniinom niya pero inagaw sa akin.
"Hindi! Akin 'to." Tumawa ito at inubos ang laman ng baso at sumenyas sa bartender ng isang pa pero umiling na ako. Nakita ko ang relief sa mukha ng bartender sa nakitang inakto ko.
"Nakaubos na ng isang bote si Ma'am." Tonong nagsusumbong sa akin ang bartender.
Napahinga na lang ako ng malalim at inalalayan na lang makatayo si Mrs. Azaceta. Tinatampal pa niya ang kamay ko dahil ayaw niyang hawakan ko siya. Pero tumatawa din siya ng walang dahilan. Halatang lasing na lasing na.
Habang naglalakad kami papunta sa pinto ng venue ay may narinig akong tumawag sa akin. Napamura ako nang makita kong si Perry iyon at ang mga kasama niya palapit sa lugar namin.
"Riel. What is going on?" Seryosong tanong niya at nagtataka sa hitsura ng asawa na tila wala na sa sarili.
Alanganin akong napangiti. "Mukhang naparami ho ng inom si Ma'am. I am going to bring her home so she can rest."
Halata ang disappointment sa mukha ni Perry nang tingnan ang asawa. Narinig kong bumulong ang lalaking kasama nito. 'Yong Morris at kita ko ang mga mantsa ng red wine sa damit nito.
"Ako na ang bahala kay Meara. Leave her. I still want her to meet my friends." Utos ni Perry.
Nagtagis ang bagang ko at lalo lang humigpit ang pagkakahawak ko sa asawa niya.
"Sir, with all due respect, your wife is drunk. She needs to take a rest. Why don't you let me bring her home so you can attend to your guest? She is not in good shape right now," pigil na pigil kong mabulyawan ang isang ito.
Halatang naiinis na si Perry lalo na nang tumawa na parang nawawala sa sarili ang asawa kaya napailing na lang. "Fine. Fuck it. Bring her home." Bumaling ito sa lalaking Morris ang pangalan. "Next time." Pagkasabi noon ay tinalikuran na kami at hitsurang nagpapaliwanag sa mga kasama. May grupo ng mga babaeng lumapit sa mga ito at doon na nabaling ang pansin ng tatlo.
Alalay ko pa rin si Mrs. Azaceta hanggang sa makarating kami sa parking lot. Dahan-dahan ko siyang isinakay sa kotse at ni-recline ko ang upuan para mapahinga siya. Pagsandal pa lang niya sa upuan ay naririnig kong malalim na ang paghinga nito. Tahimik lang akong nagmaneho pauwi at tinatapunan lang siya ng tingin.
What kind of relationship does she have with her husband? I knew in my gut that she was being abused. Verbally and physically. Maybe mentally too. And this kind of abuse didn't just start yesterday. Just like my mother when she married my step-father. I took a deep breath and shook my head. In my mind, I was asking myself why there were men who love to beat women? What kind of satisfaction did they get? They wanted to show power? Control? They wanted to feel invincible? My hand gripped the steering wheel tighter while I was looking on the road. No. Men who were hitting and abusing women were insecure assholes. They wanted to set the boundaries between being a man and being a woman. That a woman can never be equal to a man that was why they needed to show who was the king that women need to bow at.
Naalala ko noon sa tuwing uuwi ang step-father ko. Nanginginig na sa takot ang nanay ko. Sasabihin na niya akong magkulong sa kuwarto habang ipinaghahanda niya ng makakain ang kinagisnan kong ama. It went on for years and I was hating my mom why she was letting that monster abused her. Until I found out she was doing that for me. She was saving me from my step father's wrath. Hindi bale nang siya ang bugbugin. Siya ang masaktan kaysa sa ako ang pagbuhatan ng kamay.
Fuck that asshole. Maigi nga at nakalibing na ang gagong iyon at 'di na makakapanakit pa. Kahit kailan hindi ako magsisisi na ginawa ko iyon sa demonyong iyon.
Tulog na tulog na si Mrs. Azaceta nang makarating kami sa bahay. Ginigising ko siya pero ang lalim na ng tulog. Tumingin ako sa paligid at mukhang wala na rin namang mga tao kaya nag-desisyon na akong buhatin na siya. Pinagtiyagaan ko siyang kuhanin mula sa loob ng kotse at binuhat papasok sa bahay. Ang plano ko ay ibaba na lang siya sa couch at pabayaang doon makapagpahinga pero hindi ko naman maaatim na iwanan siya dito na puwedeng pag-piyestahan ng mga kasambahay at ibang bantay dito. Iniakyat ko na lang siya sa kuwarto nilang mag-asawa at marahang ibinaba sa kama.
Napabuga ako ng hangin habang pinagmamasdan si Mrs. Azaceta na nakahiga sa kama. Hindi ko naman kasi masisisi ang kaibigan ni Perry na hindi humanga dito. Ang ganda naman kasi talaga ni Mrs. Azaceta. Lalo na ngayong gabi na naka-postura talaga. Hindi ko nga nakilala kanina nang lumapit sa akin kaya napatanga ako. Akala ko anghel na bumaba sa lupa. Pero nang tarayan na ako, alam kong hindi siya anghel. Malditang nilalang. Iyon siya.
Nakatitig ako sa mukha niya at tingin ko mas maganda si Mrs. Azaceta kung walang make-up sa mukha. 'Yong hitsurang natural niya. Bumaba ang tingin ko sa bandang leeg niya at iyon din ang napansin ko. Hanggang leeg ay makapal ang make-up. Napakunot ang noo ko at nagtaka. Pero bakit hanggang braso parang may make-up?
Lumapit ako at marahan kong kinuskos ng daliri ang braso niya para mabura ang make-up. Napatiim-bagang ako nang makita ko ang kulay ube na malaking pasa. Siguradong kagagawan ito ni Perry.
"What are you doing to my mom?"
Napalingon ako at nakita ko si River na nakatayo sa pinto ng silid at seryosong nakatingin sa akin. Agad akong lumayo kay Mrs. Azaceta at humarap sa bata.
"Nothing. I brought her home because she is not feeling well."
Nanatiling nakatingin siya sa akin nang lumakad at lumapit sa mommy niya. Kinuha ang comforter na naroon at kinumutan ang ina. Lihim akong napangiti. Naalala ko ang sarili ko sa kanya. Ganitong-ganito ko alagaan ang nanay ko noon.
"She's drunk." Parang sa sarili lang iyon sinabi ni River.
"No, she's not." Pagsisinungaling ko. "Actually, she was complaining for her headache. She didn't drink anything." Ayaw kong pumangit ang tingin ni River sa nanay niya. In a family that there was an abuser, there should be someone that a kid can hold on to. At kung makikita ni River na pati ang nanay niya ay bumibigay na, mawawalan na ito ng pag-asa at baka kung ano pa ang magawa. Tulad ng nagawa ko.
"Get out of my mom's room." Utos niya sa akin.
Tumango-tango lang ako at tinungo ang pinto tapos ay muling tumingin sa kanya.
"Let's both get out. Let's leave your mom to rest for the night," sagot ko sa kanya.
Hindi kumibo si River pero humalik ito sa pisngi ng ina at lumakad na rin patungo sa pinto. Naunang lumabas sa akin at iniwan na ako para pumasok sa sarili niyang silid. Sinundan ko lang siya ng tingin at naiiling akong umalis na rin doon at dumeretso sa sarili kong silid. Pabagsak akong nahiga sa kama.
What a day.
Tomorrow would be just another battle with this family.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top