CHAPTER FOURTEEN (Bond)
Trust starts with truth and ends with truth. - Santosh Kalwar
——————-
Riel
Tinapunan ko ng tingin si River habang tahimik lang siyang nanonood ng TV dito sa quarters ko. Re-runs ng Tom and Jerry ang pinapanood niya at napapangiti ako kapag naririnig ko siyang tumatawa. This was the first. The first time that I had seen him not being serious. The first time that I saw him smile. The first time that I heard him laugh.
The first time I met this kid, I knew right there and then that he was full of hate. I could see myself from him. Aloof. No friends. At hindi na bago iyon. Ganoon din naman ako noon. Galit sa mundo.
Muli kong itinuon ang pansin ko sa binabasang report na ipinadala ni Ghost. May kaso sa hospital ni Perry. May nagrereklamong pamilya dahil sa namatay na pasyente. According to this report, the patient died because of severe allergic reaction. Hindi daw sinabi ng pasyente na may allergy ito sa antibiotics na ininom.
Mukhang may sabit dito ang ospital ni Perry. Sinasabi pa ng pamilya na ayaw i-release ng ospital ang death certificate ng namatay na pasyente. Ang katwiran naman ng ospital, malaki ang bill na dapat bayaran ng pamilya. At ang isa pang ipinagwawala ng pamilya ay nalaman ng mga ito na na-harvest ang halos lahat ng internal organs ng pasyente nang hindi ipinaalam sa mga ito.
Tinawagan ko si Ghost at gusto kong magpamisa nang sagutin niya agad ang tawag ko. Himala ito. Mukhang nagsawa na sa hapi-hapi ang isang ito.
"You're not in a bar." Paniniguro ko.
"I am resting in my home. What do you need, Riel?" seryosong sagot niya.
Napakunot ang noo ko. Seryoso ang timbre ng boses niya. "Are you okay?"
Kahit maikli pa lang ang panahon na nagsasama kami ni Ghost, kabisado ko na rin naman ang moods niya at never ko pang narinig na ganito siya kaseryoso. Oo nga at ang persona niya ay nababalutan ng misteryo, hindi ko pa narinig na ganito kaseryoso ang boses niya.
"No. I am not okay," napahinga siya ng malalim nang sabihin iyon.
Tumayo ako at lumabas saglit ng silid ko. Ayaw kong marinig ni River kung ano man ang pag-uusapan namin ni Ghost.
"What's the problem?" Nag-aalalang tanong ko.
Matagal bago siya sumagot. "Nothing. It's just about an old case. I just couldn't believe what I found out."
"Mukhang seryoso. Is there anything I can help?"
Tumawa siya pero halatang peke lang iyon. "Don't worry about it. Kaya ko na ito. How are you there? Any progress?"
"I got the files that you sent. Are you sure kagagawan ito ng ospital ni Perry?"
"Yeah. They harvested the organs. Everything that they could get. I was trying to track all the transactions about this. The heart was sold to a rich businessman. The kidneys, to a young girl. Of course, the parents are rich. The corneas were sold to a senator. Other parts, I don't know where it went. Perry got rich selling those organs."
"But don't you think this is okay? I mean, the guy was dying. Puwede naman nilang sabihin na makakatulong naman para madugtungan ang buhay ng iba. You know, those doctors were trying to save more lives." Sagot ko.
"But that man doesn't want to die. Perry and his group are killing patients just to sell their organs in the black market."
"Anong mangyayari kina Perry? Malaking ospital ang pagmamay-ari niya. He can easily pay those people who are trying to sue him."
"I know. As of now, umatras na sa reklamo ang pamilya ng namatay na pasyente. They were paid one hundred thousand." Damang-dama ko ang frustration sa boses ni Ghost. "I can't blame those people. Poverty will lead them to take anything that was being offered on their table. Fucking assholes."
This was new. Ghost was really mad. Damang-dama ko iyon sa boses niya.
"You know what else I found out? That fucking asshole was playing God."
"Who? Perry?" Paniniguro ko.
"He is not a licensed doctor but he was operating on those people. He was operating them when they are still awake."
"What?" Gulat na gulat ako sa narinig ko.
"I am getting sick of this, Riel. This kind of people who preys on less fortunate ones. I wanted to kill them right now."
Nanginginig ang boses ni Ghost. Halata talagang nagagalit siya. At sigurado ako, hindi ito dahil sa nalaman niyang ginagawa ni Perry. Napakarami na niyang hinawakan na cases na mas malala pa dito. 'Yong hunting game nga lang mas matindi pa dito pero hindi ko siya naramdaman na nagalit ng ganito. I knew there was something more to this that he was not telling me.
"Are you sure you're okay? Are you sure what you're telling me is about this case?" Hindi na ako nahiyang hindi magtanong sa kanya.
Napahinga lang siya ng malalim. "I am so sorry, Riel. I just hope you will accept the truth when you find out about it."
"What? What the hell are you talking about? What truth? Ghost?" Naguguluhang tanong ko.
"I have to go. I'll send you more details about this. Watch Perry. I know he will do it again. And he will do it with his business associates. Apparently, those people love to play God too for the right price."
Bago pa ako makasagot ay naputol na ang pag-uusap namin ni Ghost. Sinubukan ko uli siyang tawagan pero cannot ba reached na ang number niya.
Ano ba ang sinasabi ng isang iyon? Truth? He was hoping I would accept the truth when I found out about it? At ano ang katotohanang iyon? Saglit akong nag-isip. Hindi kaya tungkol iyon sa kaso ko? Hindi kaya hindi na naka-sealed ang case ko at malalaman na ng lahat na ako ang pumatay sa stepfather ko at hindi ang nanay ko?
Napatingin ako sa pinto ng silid ko nang bumukas iyon at sumilip si River.
"Aren't you going back inside? Am I disturbing you that's why you went out?" nag-aalalang tanong niya.
"No." Pinilit kong ngumiti sa kanya. "I just talked to someone. A family. Let's get back inside." Sumunod na ako sa kanya na pumasok sa silid. Naupo si River sa kama ko at tumingin-tingin sa paligid. Tingin ko ay na-bored na sa pinapanood na cartoons.
"Are you sure you are okay with me staying here?" Muli ay tanong nito.
"Yeah. You can stay here anytime you want. Even if I am not here." Inimis ko ang mga papel na nasa harap ko at isinuksok sa bag ko.
"Kuya Riel."
Napahinto ako sa ginagawa. Hindi ko maintindihan kung bakit may kurot sa dibdib ang pagkakatawag na iyon sa akin ni River. Hindi kurot na nasasaktan ako kundi pakiramdam na parang ang pamilyar ng salitang iyon. Marami akong kakilala na tumatawag sa akin ng kuya. Kahit nga mga kriminal na hinuhuli ko noon kuya ang itinatawag sa akin. But River calling me that. There was something. There was the feeling of attachment. A bond between us.
Tumingin ako sa kanya at seryoso siyang nakatingin sa akin tapos ay ngumiti.
"Nothing. I just want to call you that. It felt right." Nakangiting sabi niya.
Yeah. That was it. When he called me kuya, it felt right. Maybe because I felt I was brought here to save him from the miserable life that he was experiencing. Maybe I was brought here to prevent a tragedy that was going to happen.
I was brought here to prevent him to become like me.
So, there won't be another kid who would live his life full of hatred. I was here to change the course of his life.
"Do you have a gun?" Ngayon ay iyon na ang tanong niya.
Tinapunan ko ng tingin ang bag ko dahil naroon ang dalawang glock ko at isang Beretta.
"Why?" Balik-tanong ko.
"Nothing. I just want to see it." Kitang-kita ko ang curiosity sa mukha ni River.
"Fine." Naiiling na sabi ko at kinuha ang bag ko. Inilabas ko ang tatlong baril at inilatag iyon sa kama. "This is Glock 19. Commonly used by Navy Seals. This one is Glock 17M, a handgun developed for FBIs. And this one is Beretta M9 that according to reports, the most reliable semi-automatic handgun. Used by many law enforcers."
Hindi nagsasalita si River at nakatitig lang sa mga baril na nakalatag sa kama ko. Kitang-kita ko na napukaw ang atensyon niya ng mga bakal na iyon. Napangiti ako. Naalala ko noon, ganitong-ganito rin ako nang muli akong makakita ng baril pagkatapos kong mapatay ang stepfather ko. Service pistol pa iyon ni Tatay Javier. Nang makita ko iyon kasama ng uniform ni Tatay Javier, nagbago ang pananaw ko sa mga baril. Hindi ko na naisip na masama iyon dahil nagamit ko sa pagpatay noon. Naisip ko na ang baril ay puwede ring makatulong sa mga tao. Katulad ni Tatay na isang pulis. Katulad ko na naging pulis din at ginagamit ko lang noon ang baril ko para sa mga masasamang taong nahuhuli ko.
Sabagay hanggang ngayon namang kahit hindi na ako pulis. Sinisiguro kong ang mga baril kong ito ay puputok lang para sa masasamang tao.
"Can I touch it?" Paalam niya.
"Just touch. Don't pick it up." Paalala ko sa kanya.
Marahang hinaplos ni River isa-isa ang mga baril na naroon. Talagang dinadama ang bawat kurba ng mga baril. Ang muzzle. Ang barrel. Ang grip. Tinitingnan ko lang siya sa ginagawa niya.
"Have you used your gun? I mean, did you fire it to hurt someone?" Ngayon ay nakatingin na sa akin si River.
Marahan akong tumango. "I was a police officer and in my line job I had to get those bad guys. But sometimes, I cannot prevent it and I had to use my gun to make them stop." Paliwanag ko sa kanya.
"Have you killed someone?" muli ay tanong niya.
"It's part of my job and I assure you those were the bad guys." Ngumiti ako ng pilit sa kanya.
"So, it's okay to kill bad guys?"
Shit. Paano ko ba sasagutin ang tanong na iyon?
"I mean, if those bad guys are hurting you. Beating you." Napalunok pa si River at nakatingin pa rin sa mga baril ko. "Is it okay to shoot them and kill them?"
Napakamot ako ng ulo. "River, what you were asking me-"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko at pareho kaming napatingin sa pinto ni River nang may kumatok doon. Nagkatinginan kaming dalawa nang marinig namin ang boses ni Meara ang narinig kong tinatawag ang anak niya. Dali-dali kong ibinalik sa bag ang baril ko at siguradong malilintikan ako kapag nakita ng babaeng iyon na ipinapakita ko ang mga baril ko sa anak niya.
"Don't tell your mom that I showed you my guns. She is going to kill me." Nanlalaki pa ang mata ko kay River na ikinatawa niya.
"I won't tell mom. I know she's going to mad. I remember she got mad when she learned that Chuck was teaching me how to use a gun."
"He did? Chuck was a bad guy." Tumayo na ako at tinungo ang pinto. Idinikit ko pa ang daliri ko sa mga labi na sinasabi sa kanyang tumahimik. Binuksan ko ang pinto at nakatayo doon si Meara.
Napaangat ang kilay ko. Himala. Hindi masungit ang mukha. Ang aliwalas at tingin ko may bahagyang ngiti pa sa akin.
"Ma'am." Bati ko sa kanya.
Doon na siya tuluyang ngumiti. "I-check ko lang kung nandiyan si River? Wala kasi sa kuwarto niya and I looked for him all over the house."
Nilakihan ko ang bukas ng pinto at nakita ni Meara ang anak niyang nakaupo sa kama ko at kumaway pa dito.
"Hi, mom. I'm just talking with Kuya Riel." Nakangiting sabi ni River.
Kumaway din si Meara sa anak tapos ay tumingin sa akin.
"Baka naiistorbo ka ng anak ko. You can always send him out." Sabi niya.
"Walang problema, Ma'am. Puwede siyang mag-stay dito kahit hanggang kailan niya gusto."
Halatang may gusto pang sabihin si Meara pero napahinga na lang ng malalim.
"River, baby. Do you want to go back to your room? Maybe Riel is going to rest. Let's give him some privacy," tumingin si Meara sa anak niya.
"Okay lang, Ma'am. Wala naman akong gagawin. Okay lang na nandito si River," ako na ang sumagot para sa anak niya.
"Sure? Baka gusto mong magpahinga." Tingin ko ay hindi sanay si Meara na ganitong may nagiging ka-close ang anak niya.
"Sure, Ma'am. Okay lang po. Sasabihan ko naman si River kung kailangan ko ng mapahinga."
Pilit siyang ngumiti tapos ay sinilip ang anak na ngayon ay nanonood na ng TV. Tumingin sa akin si Meara at kitang-kita ko na nangingilid ang mga luha niya sa mata.
"He's just a boy. And he seldom trusts people. Actually, he never trusts people. The last person that he trusted, left him with a broken heart. If you intend to make him trust you but you also have plans of leaving, please do it now hangga't hindi pa buo ang tiwala ng anak ko sa iyo. Ayoko ng madagdagan ang mga heartaches niya."
Hindi ko maialis ang tingin ko sa mukha ni Meara. She was not mad at me. She was not raising her voice like she used to do to me. Right now, her voice was soft. Calm but full of plead. Just like a mother who was asking a favor for her kid.
"Hindi naman ako aalis, Ma'am. Aalis lang ako kung paaalisin 'nyo ako." Nakatitig ako sa mga mata niya. "At huwag kayong mag-alala. If I had to leave because of something, I'll make sure that River won't be heartbroken."
Tumango lang siya at ngumiti ng pilit. "Thank you." Mahina niyang sabi at tumalikod na. Sinundan ko lang ng tingin si Meara habang palayo at napahinga ako ng malalim. Maganda si Meara. Hitsurang perpekto pero kitang-kita ko ang lungkot sa pagkatao niya. Damang-dama ko na hindi siya masaya. At isa pa nga pala ito na dapat kong alamin.
Kung ano ang nangyari sa kanya noon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top