CHAPTER FORTY-THREE (Run)
The whole world can become the enemy when you lost what you love – Kristina McMorris
Riel
"Come on. Pick up."
Pigil na pigil ang emosyon ko habang tinatawagan ang number ni Meara. Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nang muli ko siyang tawagan ay nakapatay na ang telepono niya.
"Shit!" Inis kong ibinato ang telepono ko at pabagsak na naupo sa sofa at nasalo ng mga kamay ang ulo.
"Iho, ano ba ang nangyayari?" Damang-dama ko ang pag-aalala sa boses ni Tatay Javier.
"Nawawala siya, 'Tay. Sila ng anak niya." Naihilamos ko ang kamay sa mukha. "Nandito lang sila kanina. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit sila biglang umalis dito. Maayos kami ni Meara." Napamura na ako at kinuha ko ang telepono ko at muling tinawagan ang numero ni Meara. Pero katulad pa rin kanina, nakapatay pa rin ang telepono niya.
"Nag-away ba kayo?" Naupo sa harap ko si Tatay Javier at kinuha ang telepono niya. "Ibigay mo sa akin ang buong pangalan niya at ipapahanap ko."
"Meara," naiiling na sabi ko. "Meara Azaceta. Dating asawa ni Perry. Peregrine Azaceta. Mayaman 'yon. I'm sure lalabas agad kung ano man ang mga detalye nila." Muli ay napamura ako. "Where the hell are you, Meara?" Sa sarili ko na lang nasabi iyon dinampot ko ang telepono ko at muling sinubukan na tawagan ang numero niya.
Nagpipindot si Tatay Javier sa telepono niya tapos ay mayroong mga tinatawagan. Maya-maya ay tumunog ang telepono niya.
"Yes. This is Retired Major General Javier Silva. I need some details to the name of the person that I sent you." Iyon ang narinig kong sabi ni Tatay sa kausap niya. 'Tangina, imbestigador ako pero bakit pakiramdam ko ngayon inutil ako at wala akong magawa para hanapin si Meara. Pilit kong iniisip kung ano ang dahilan at bakit sila biglang nawala ni River.
"All right. Please send me the details," sabi pa ni Tatay at tinapos na nito ang pakikipag-usap. Naramdaman kong dumantay ang kamay niya sa balikat ko. "Relax, Riel. Everything is going to be fine. They are looking for her. Huwag ka nang mag-alala."
"Hindi ko alam kung anong nangyari. Okay na okay kami. Nag-uusap na nga kami tungkol sa kasal. 'Tay, pakakasalan ko siya." Napabuga pa ako ng hangin at napapailing.
Tumunog ang telepono ni Tatay at pareho kaming napatingin doon. May nagpadala ng message sa kanya. Binuksan niya iyon at tiningnan. Nakita kong kumunot ang noo ni Tatay tapos ay tinapunan ako ng tingin at muling tumingin sa telepono niya.
"Meara Azaceta 'di ba?" Paniniguro niya. Napansin kong biglang nag-iba ang timpla ng boses ni Tatay. Naging sobrang seryoso habang nakatingin sa telepono niya.
Tumango ako. "Oo, 'Tay. Si Meara. May nakuha silang lead? Kung saan siya puwedeng pumunta?"
Napalunok si Tatay at muling tumingin sa telepono niya tapos ay ipinakita iyon sa akin. Litrato ni Meara ang naroon. "Ito ba?" paniniguro pa niya. "Ito ba ang Meara na sinasabi mo?"
"Yes, that's her. Now, tell me if they have a lead." Desperado na ako dahil hindi ako alam kung saan ako magsisimula na hanapin si Meara. Walang dahilan para umalis siya dito nang hindi nagsasabi sa akin.
Wala akong sagot na narinig mula kay Tatay pero halatang naging un-easy siya. Tingin ko nag-aalala din siya na nawawala ang babaeng mahal ko.
"'Tay, ano? May lead sila?" Muli ay tanong ko.
Napatikhim siya at umiling. "W-wala. Wala pa. Litrato lang ang ipinadala sa akin. T-they are just making sure that this is the woman you're telling me." Napabuga ng hangin si tatay. "Riel, are you really sure this is her?"
"Yes, it's her. Bakit ba paulit-ulit tayo? Fuck," tumayo na ako at nagpalakad-lakad. Muli ay sinubukan kong tawagan ang numero ni Meara. Pero katulad kanina, cannot be reached pa rin.
I cannot stay here. Hindi puwedeng hindi ko malaman kung ano ang nangyari kay Meara. Dinampot ko ang susi ng sasakyan ko at nagmamadaling lumabas. Hindi ko na pinakinggan ang pagtawag sa akin ni Tatay. Pero bago pa ako makasakay sa kotse ko ay inabutan na niya ako at pilit na pinipigilan makasakay sa kotse.
"Riel, sandali." Pigil niya.
"Wala na akong sandali. Kailangan kong hanapin si Meara."
Kita kong nagtagis ang bagang niya. "At saan mo hahanapin ang babaeng iyon? Makinig ka sa akin." Hinawakan pa ni tatay ang braso ko at pilit niya akong inihaharap sa kanya. "Umalis ang babaeng iyon nang hindi nagsasabi sa iyo. Tinatawagan mo, ayaw sagutin. Riel, napakalinaw noon. Iisa lang ang ibig sabihin. Ayaw niya sa iyo."
Napailing ako. "Hindi. Imposible. Imposible ang sinasabi mo. Napakaayos ng pag-uusap namin ni Meara. Ang dami na naming plano."
"Anak, imulat mo ang mata mo. Ganyan ang mga babae. Mga paasa ang mga iyan. Pabayaan mo na lang siyang umalis." Pinipigilan pa rin niya akong makasakay sa kotse ko. "K-kung talagang gusto ka niya, babalik iyon. Pero ngayon, huwag mo nang hanapin."
Napatitig ako kay Tatay sa sinasabi niya. Ganoon na lang ba 'yon? Sa dami ng pinagdaanan ni Meara, naming dalawa basta na lang ako bibitaw? Basta niya ako iiwan? Hindi. Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa kanya. Imposibleng basta siya aalis ng walang dahilan.
"I can't stay here. I need to find her."
Hindi ko na inintindi ang mga sinasabi ni tatay at sumakay ako sa kotse ko. Pilit niya talaga akong pinipigilan at ayaw niyang isara ang pinto ng kotse ko.
"'Tay, let go." Nagtataka akong nakatingin sa kanya.
"Dito ka na lang. Dito natin hintayin ang babaeng iyon. Huwag ka nang umalis," pakiusap niya.
Napikon ako sa pagkakasabing iyon ni Tatay Javier. Hindi ang babaeng iyon lang si Meara. May pangalan si Meara.
"She has a name and it's Meara. Call her Meara. And I cannot stay here. Hahanapin ko siya at iuuwi ko siya."
Wala nang nagawa si Tatay nang malakas kong hilahin ang pinto ng kotse at malakas na isara iyon. Kinakatok pa niya ang bintana ng kotse ko pero ini-start ko na iyon at mabilis kong pinaharurot paalis doon.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Meara. Pakiramdam ko ay sasabog na ang ulo ko kung ano ang nagawa ko para bigla siyang umalis.
Tumunog ang telepono ko at nakita kong si Ghost ang tumatawag sa akin. Agad kong iginilid ang sasakyan ko at sinagot ang tawag niya.
"She's gone, Ghost. She ran away," iyon agad ang bungad ko sa kanya.
Wala akong sagot na narinig sa kanya.
"I-I don't know what happened. I-I was about to introduce her to my father. I am going to marry her," nakakuyom ang mga kamay ko sa galit at frustration na nararamdaman.
"Oh," iyon lang ang narinig kong sagot ni Ghost. "She met your father?" Paniniguro pa niya.
"No. Not yet. Ipapakilal ko pa nga lang tapos biglang nawawala sila ng anak niya sa bahay ko. Ghost, we are good. We talked. I fucking love her, man."
Hindi sumagot si Ghost at narinig kong huminga lang ng malalim.
"Are you being honest to Meara?"
Kumunot ang noo ko. "What? Of course. I am not lying to her. What I feel for her is true. Hindi ito awa lang dahil sa nangyari sa kanya. Hindi ito awa dahil tingin ko sa kanya ay nanay ko na hindi ko naisalba. Hindi ganoon. Mahal ko si Meara dahil siya si Meara. Hindi dahil naaawa ako," mariing sagot ko.
"I am not talking about that. I am talking about you. You being a police officer." Muli ay napahinga ng malalim si Ghost. "I know things, Riel. About you. Your past life. I know what happened ten years ago."
Hindi ako nakasagot at pakiramdam ko ay napipi ako. Hindi kaya nalaman ni Meara na ako ang arresting officer niya noon? Pero malabo. Kung may magsasabi man sa kanya noon, ako lang. Wala na si Vic. Wala na ang mga pulis na involved sa pagkakahuli niya noon.
"I-I am going to tell her about that." Sigurado akong alam na ni Ghost ang tungkol doon at iyon ang tinutukoy niya.
Mahina siyang napamura. "You should have told her from the start. From the moment that you felt that you have something for her. You should have been honest to her."
"I am about to tell her." Mariing sabi ko. "Can we not talk about that now? I need your help. I need to find her."
"Let her be. Give her some time."
Natigilan ako sa sinabi niya. Iyon din ang sinabi ni Tatay Javier sa akin.
"Do you know where she is?"
"No. I am just telling you that give her some time. I know for sure that she learned something about you. Hindi tatakas ang isang tao kung sa tingin niya safe ang sinamahan niya."
"But she is safe with me! Alam niya iyan. Ilang beses ko na siyang iniligtas. Fuck, I even killed for her. And I am willing to kill for her again and again as long as she is going to be safe. She and her kid." Mahina pa akong napamura at naisabunot ko ang kamay sa buhok ko.
"I hope you can kill someone that did something to her. If you know who her rapist was, can you kill him?" Tonong naniniguro si Ghost.
Nagtagis ang mga bagang ko. "I will kill that son of a bitch over and over. Even if he is dead, I am still going to kill him in after life." Sa pagitan ng mga ngipin ay sabi ko.
"Wow." Natawa si Ghost. "Whoa. That's... something. That's... fucking heavy. I hope you can do that."
"Ghost, I am begging you. I know you know things. Please, help me find her. If something is going on, please tell me." Nakikiusap na sabi ko.
"I wanted to, Riel. But this time, I want you to uncover the truth by yourself." Napahinga siya ng malalim. "And it is not going to be an easy one. Trust me, what you are about to know is something that is going to change the course of your life."
"What? Ghost, hey. Come on. Please tell me. I am begging you." Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya.
"I'll send you an address. You can start there." Pagkasabi niya noon ay busy tone na ang narinig ko. Maya-maya ay naka-receive naman ako ng text galing kay Ghost. Address iyon.
Dali-dali akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot paalis doon ang sasakyan.
Walang pangalan ang pinadala ni Ghost kundi address lang. He said I can start there.
Fuck it. Kung ano man ang malalaman ko, tatanggapin ko iyon lahat. Ang tanging kailangan ko lang ay bumalik si Meara sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top