CHAPTER FORTY-FIVE (Address)


Deep down you already know the truth. You just have to learn to accept it.

Riel

Pigil ko ang hininga ko habang nagmamaneho at patungo sa address na ibinigay ni Ghost. Hindi ko alam kung kaninong address ito pero kung sinasabi niyang dito ko matatagpuan ang sagot kung nasaan si Meara, kahit dulo ng mundo 'to ay pupuntahan ko. Parteng Cavite na iyon. Pasikot-sikot ang daan. Kahit hindi ko kabisado ang daan dito, tutuntunin ko talaga kung ano ang matatagpuan ko sa address na ito.

Sa isang malaking bahay ako napadpad. Paulit-ulit kong tinitingnan ang address na ibinigay ni Ghost at ang number sa nasa harapan kong bahay. Tama naman. Bumaba ako at nanatiling nakatingin doon. May mga cctv sa palibot ng bahay kaya mabilis akong umiwas sa kung saan makikita ako doon. Sumilip ako sa bahay. Kanino kaya ito?

Tumingin ako sa paligid. Walang masyadong tao doon. Naglakad-lakad ako at sa bandang dulo ng kalye ay may nakita akong tindahan. Nagpunta ako doon at bumili ng sigarilyo. Nagsimulang magtanong-tanong sa may-edad na tinderang naroon.

"Manang, naliligaw kasi ako. May hinahanap akong bahay. Ito ang address." Sinabi ko ang address na ibinigay ni Ghost.

Tiningnan naman nito ang address na ipinakita at nakita kong agad na nagliwanag ang mukha.

"Iho, lumampas ka na. Lumakad ka pa at may makikita kang bahay. Iyong parang mansion. Iyon ang address na nandiyan."

Napatango-tango ako. "May idedeliver kasi ako sa nakatira dito. Kilala n'yo ho ba kung sino ang nakatira?"

Napakamot ng ulo ang tindera. "Naku, iho. Pasensiya ka na. Hindi naman kasi ako lumalabas dito sa tindahan kaya hindi ko rin kilala ang nakatira doon. Pero naririnig ko sa mga nag-iinuman dito na retiradong pulis daw ang nakatira sa address na iyan."

Napalunok ako at muling tumingin sa bahay. Nagpasalamat ako sa tindera at lumakad na pabalik sa bahay na iyon. Umikot-ikot pa ako para masigurong walang taong makakakita sa akin at nang makakuha ng pagkakataon ay mabilis akong sumampa sa gate at pumasok sa loob.

Malaki ang buong bahay. Mukhang mayaman ang nakatira. Umikot ako sa paligid at sumisilip sa loob ng bahay. Parang wala namang tao. Tumitingin ako sa paligid at umiiwas talaga ako na mahagip ako sa cctv cameras. Umakyat ako sa may veranda dahil iyon ang nakita kong pinaka-madaling daan para makapasok sa loob. Nang pihitin ko doorknob sa pinto doon ay napangiti ako.

Hindi naka-lock.

Tuloy-tuloy ko iyong binuksan at pumasok. Kanino kayang bahay 'to? Kung tatawagan ko naman si Ghost at tanungin kung kanino ito ay siguradong hindi iyon sasagot. Ghost was like this. He loved to leave crumbs. He loved people to attach puzzle pieces. He loved to play with people's minds. And in the end, there was some deep dark secrets to be unearthed.

What will I find here? Will it be about Meara? Napahinga ako ng malalim. Sigurado ako. Alam kong alam na ni Ghost noon pa man kung ano ang kaugnayan ni Meara sa buhay ko. Pinabayaan lang niyang ako mismo ang makadiskubre noon.

Sigurado ako kung sinabi ko naman kay Ghost na ayaw kong malaman, at nag-request ako ng ibang case puwede naman. Hindi siguro ako malulong ganito kay Meara. I cannot get of this pit anymore. I am drowning on her. I am deep in this hole and only the truth can help me climb up.

Dahan-dahan akong lumakad papasok sa bahay. Nakapasok ako sa isang kuwarto at napakunot ang noo ko nang makita ko ang portrait ng isang pulis na nakasabit doon.

Si Chief Magtanggol ba ito?

Lalo pa akong lumapit sa portrait para masiguro ko kung tama ba ang nakikita ko. Shit. Si Chief nga. Muli akong luminga sa paligid at nagtingin sa ibang mga photo frames na napatong. Naroon din si chief.

Bahay ito ni Chief Magtanggol?

Lumabas ako sa silid at nakarinig ako ng boses na nagsasalita. Walang kilatis akong bumaba at nakita kong may lalaking nakatayo sa sala at may kausap sa telepono.

"Ginagawan na natin ng paraan 'di ba? Gumawa tayo ng task force at may suporta naman ng departamento. Mahuhulog din natin sa bitag ang gagong iyon. Huwag ka nang mag-isip. Sigurado ako, hindi ka nakilala 'nong babae. Baka nagkaroon lang iyon ng hindi pagkakaunawaan saka ng ampon mo. Ganito na lang, ipapahanap ko ang babaeng iyon. Ano ang gusto mong gawin ko?" Natatawa pang sabi nito.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Napalunok pa ako. Sino ang kausap niya? Sino ang pinag-uusapan nila?

"Masyado mo talagang mahal 'yang ampon. Kumalma ka na. Ako na ang bahala. Hindi manggugulo ang babaeng iyon."

Lumapit ako nagpakita ako sa kanya. Nakita kong nanlalaki ang mata ni Chief Magtanggol sa akin. Halatang hindi niya ako inaasahan na makita dito.

"A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman 'to?"

Bago pa makapagsalita muli si Chief Magtanggol ay agad kong inagaw ang telepono sa kanya at agad kong ipinulupot ang mga braso ko sa leeg niya. Idiniin ko para mawalan siya ng malay. Kung puwede ko lang siyang tuluyan ay gagawin ko na pero kailangan ko siya. Kailangan kong malaman kung ano ang ginawa nila kay Meara.

Panay ungol lang si Chief Magtanggol at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko. Hanggang sa unti-unti ay hindi na siya gumagalaw. Wala nang malay. Noon ko dinampot ang telepono niya at pinakinggan kung sino ang kausap niya.

"Gardo! Anong nangyayari sa'yo?"

Wala sa loob na nabitiwan ko ang telepono.

Boses ni Tatay Javier iyon.

Nanlalaki ang matang nakatingin ako sa cellphone at ang lakas-lakas ng kaba ng dibdib ko.

Naalala ko tinanong ko si Tatay kung may contact pa siya kay Chief Magtanggol pero sinabi niya wala. Pero sigurado ako, boses niya ang narinig ko kanina.

Nanginginig ang kamay na dinampot ko ang telepono ni Chief at tiningnan ko ang huling dialed number doon.

J. Silva.

Javier Silva.

Putangina. Javier Silva. Si tatay iyon. Bakit nagsinungaling sa akin si tatay? Bakit hindi niya sinabing alam niya kung saan ko matatagpuan si Chief?

Ang sama ng tingin ko sa walang malay na retiradong pulis. Hinila ko ang dalawang paa niya at dinala ko siya sa CR. Binarahan ko ang inidoro niya ng basahan at pinuno iyon ng tubig. Itinali ko din ang dalawang kamay niya sa likuran niya bago ko siya pinilit na ginising.

Binuhusan ko ng tubig ang mukha niya at pupungas-pungas si Chief na tumingin sa paligid at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

"A-ano ang ginagawa mo dito, Gabriel? Paano mo nalaman ito?" halatang kinakabahan siya at nagtataka kung bakit siya narito sa loob ng banyo.

"Alam mo ang nangyari kay Milana Zaragosa."

"Ha?" Kunot na kunot ang noo niya. "H-Hindi ko kilala ang babaeng 'yon? Sino 'yon?

Nagtagis ang bagang ko at hinawakan ko siya sa buhok at inilublob ko ang mukha niya sa naipong tubig sa baradong inidoro. Nagpapapasag si Chief pero talagang idinidiin ko lang ang mukha niya doon. Nang iahon ko ang mukha niya ay habol siya ng paghinga.

"Milana Zaragosa, Chief. Kilala mo 'yon. First case ko. Drug bust. Ten years ago." Paalala ko sa kanya.

Takot na takot ang hitsura ni Chief habang nakatingin sa akin tapos ay muling umiling.

"H-hindi ko talaga siya kilala. W-wala akong maalalang Milana Zaragosa."

Muli ay hinawakan ko sa ulo si Chief at inilublob ang mukha niya sa inidoro. Naghahanap ng makakapitan ang mga kamay niyang nagpapapasag. Nang i-angat ko ang mukha niya ay umaagos ang tubig mula sa ilong niya. Namumula na ang mga mata at abot-abot ang habol sa paghinga.

"You remember now?"

Sunod-sunod pa rin ang pag-iling niya. Nang muli kong ilublob ang mukha niya doon ay sumigaw siya ng sandali.

"Sandali..." humihingal na sabi niya at diring-diri na tumingin sa inidoro. "S-sandali."

Painis ko siyang binitiwan at naupo sa harap niya.

"Ang kailangan ko lang malaman kung ano ang ginawa n'yo sa kanya." Napahinga ako ng malalim. "May pinagsamahan tayo, Chief. Pulis din ako."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Kung pulis ka, maiintindihan mo kung bakit maraming mga bagay ang nangyayari sa paligid. May mga tradisyon na kailangang gawin para umangat ang ranggo. Hindi lahat kailangan deretso."

"Iyan ang katwiran mo? Para lang umangat ang ranggo gagawin n'yo ang lahat kahit makasira kayo ng buhay ng iba? Putangina ka. Ang taas pa naman ng tingin ko s aiyo. Iniidolo ka ng mga kasama ko pero basura ka din pala. Wala kang kuwentang pulis."

Tumawa ng nakakaloko si Chief Magtanggol. "Sa tingin mo ba, maabot ko ang posisyon ko kung hindi ako sumunod sa mga nakakataas sa akin? Kung hindi ko ginawa ang gusto nila? Tumingin ka sa paligid mo, Gabriel. Lahat ng nasa mataas na posisyon ay may mga bahong itinatago. Kami-kami ang nagtatakipan noon. At hindi doon ligtas ang tatay mo."

"Huwag mong idamay si Tatay sa mga kahayupan n'yo. Sa kabulukan n'yo. Si Tatay Javier lang ang matinong pulis."

Malakas na humalakhak si Chief. "Bakit? Iyon ba ang akala mo? Baka mabigla ka sa ginawa ng tatay mo."

Nagtagis ang bagang ko at hinawakan ko siya sa buhok. Gigil na gigil kong inilublob ang mukha niya sa inidoro para lunurin siya. Dinampot ko pa ang bote ng Lysol na nakita ko doon at ibinuhos ko sa tubig ng inidoro kung saan siya nakalublob. Papatayin ko na talaga siya.

Pero hindi. Hold your fucking temper, Riel. Kailangan mo pa siya. Hindi pa niya nasasabi sa iyo ang nangyari kay Meara.

Pag-angat ko ng mukha ni Chief ay pulang-pula na ang mukha niya dahil sa kemikal na ihinalo ko sa tubig at naghahabol siya ng hininga. Napapaubo pa dahil siguradong nakainom siya ng tubig doon.

"Ano ang ginawa n'yo kay Milana Zaragosa?"

"Bakit hindi mo tanungin mo ang tatay mo?" kahit nahihirapang huminga ay tumatawa pa rin siya sa akin. "Kilala ng tatay mo ang babaeng iyon. Batang-bata. Sariwang-sariwa. Naririnig ko pa kung paano siya sumigaw. Kung paano magmakaawa. Naroon ang tatay mo. Alam na alam niya kung ano ang nangyari sa Milana Zaragosa na tinatanong mo." Tumawa pa siya ng parang demonyo kaya talagang nagdilim ang paningin ko.

"Alam din ng kaibigan mo. Ni Vic. Mag-iingay kaya pinatahimik."

Nanlaki ang mata ko. "Ikaw? Ikaw ang pumatay kay Vic?"

"May mga taong mas matataas ang ranggo sa akin. Hindi ako ang nagde-desisyon noon. Pero para sa ikabubuti ng lahat, kailangang manahimik ng kaibigan mo dahil maraming tao ang masisira kung nag-ingay siya."

Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Pati si tatay dinadamay pa niya. Pati si Vic pinatay nila. Lumabas ako ng banyo at naghanap ng lubid sa bahay niya. Nang makabalik ako doon ay sinusubukan pa ni Chief na makawala sa pagkakatali niya.

Itinali ko ang lubid sa leeg ni Chief. Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin.

"G-Gabriel. Ano 'to? Itigil mo 'to. Kilala mo ako. Pulis ako. Kapwa mo pulis papatayin mo?" Dama ko ang kaba sa boses niya.

Tiningnan ko lang siya at patuloy ako sa ginagawa. Kailangang malinis ang pagkakagawa ko dito. Hindi puwedeng bumalik sa akin ito. Kailangang lumabas na suicide ito.

Katulad ng ginawa ko noon kay Morris, ganoon din ang gagawin ko sa kanya. At wala akong pakialam kung pulis siya at magkapareho kami. Pulis ako noon. Hindi na ngayon.

"G-Gabriel," nanginginig ang boses niya habang itinatali ko sa doorknob ang lubid. Iyong kapag binuksan ang pinto ng banyo ay siguradong mabibigti siya.

"Sir," matabang kong sabi. "Chief pala." Dumura pa ako dahil nandidiri akong banggitin ang ranggo niya na iyon. "Magmula nang umalis ako sa pagiging pulis hindi na tayo magkatulad. Masasamang tao ang hinuhuli ko at kasama ka doon." Lumabas ako ng banyo at hinila ko ang lubid para masakal siya.

"S-sandali... acckkk...." Lalo kong hinila ang lubid para masakal siya. "G-Gabriel... acckkk.... A-ang t-tatay mockkk..."

Itinigil ko ang paghila ng lubid at binalikan siya sa loob ng banyo. Naghahabol ng paghinga si Chief Magtanggol at kita kong namumula na ang mata gawa ng pagkakasakal.

"Ano si Tatay?"

Umiiyak siya. "Ang tatay mo..." Humihingal na napahagulgol si Chief tapos ay tumingin ng masama sa akin. "Papatayin mo din naman ako. Putangina! Patayin mo na lang ako pero hindi ko sasabihin ang nalalaman ko!"

Nagtagis ang bagang ko at ang sama ng tingin ko sa kanya. Muli kong hinila ang lubid hanggang sa maramdaman kong nagpapapasag siya. Nagtatagis ang bagang ko at talagang lumalaban siya. Hanggang sa unti-unti ay bumibigat na lang ang lubid. Wala nang gumagalaw.

Napahinga ako ng malalim at binitiwan ang lubid. Nang pumasok ako sa loob ng banyo ay nakita kong nakalawit ang dila ni Chief Magtanggol at higit na higit ang lubid sa leeg niya. Inayos ko ang pagkaka-stage ng katawan niya sa banyo. Siniguro kong magmumukha iyong suicide. Nilinis ko ang banyo. Inalis ko ang nakabarang basahan doon tapos ay lumabas. Pinunasan ko ang lahat ng hinawakan ko at sinigurong walang maiiwang finger prints pero kinuha ko ang telepono niya.

Napatingin ako sa labas nang makarinig ako ng sirena ng pulis. Shit. Mabilis akong umakyat at doon dumaan sa pinanggalingan ko kanina. Nang sumilip ako sa veranda ay nakita kong paparating na ang mga pulis. Dali-dali akong bumaba at mabilis na nagtago. Patalilis akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko. Mabuti nan ga lang at naiparada ko iyon sa malayo. Sa lugar na hindi mahahagip ng mga cctv cameras.

Habang nagmamaneho ako paalis doon ay tinitingnan ko ang telepono ni Chief Magtanggol na nakapatong sa passenger seat.

Kausap niya si Tatay. At sinasabi niyang may alam si Tatay Javier.

Nagtagis ang bagang ko at lalo ko lang binilisan ang pagmamaneho.

Kailangang magharap kami ng tatay-tatayan ko.

————

To read other exclusive HM stories you can visit Helene Mendoza's Stories FB page and drop a message on how to read stories not available here on Wattpad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top