CHAPTER FORTY-EIGHT (AB)
Life has to end, love doesn't – Mitch Albom
Riel
"Tell him, Javier. Tell him the reason why you adopted him. Because you learned that Maria Silva got pregnant and had a kid."
"Of course. Because Gabriel is your real son. You raped Maria Silva and got her pregnant too."
My hands were shaking. Ghost voice was like an echo inside my head. Telling me the hard truth over and over. Like the devil who was taunting me. Teasing me to listen to all the truth that his mouth has to say. Truth that I wished I had never known.
"Because Gabriel is your real son."
Humihingal ako. Pakiramdam ko ay kakapusin ako sa paghinga. Hanggang sa kailangan kong bumigay at humagulgol ako.
Parang batang umaatungal habang nakaupo sa isang sulok ng kuwarto ko. Walang pakialam na sira-sira ang mga gamit ko dito. Nagsabog ang gamit. Ang mga wasak na upuan, mesa. Nagkalat na mga damit. I needed to let out the anger in me. The truth that was thrown at me was too much to bear. I didn't know if I can still function after this.
Tatay Javier.
"Fuck you," umiiyak na sabi ko kahit wala naman akong kausap doon. "Fuck you!" Malakas kong sigaw at dinampot ang baril na nasa tabi ko at ipinutok iyon ng ipinutok hanggang sa mapagod ako at muli ay humagulgol ng iyak at isinubsob ang mukha sa mga kamay ko.
Bakit ganoon? Ang dami kong tanong. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang ganoon ang mga pangyayari sa buhay ko? Hindi pa ba sapat na namatay ang nanay ko? Matinding sakit na ang nangyari sa akin noon. Napakasakit. Pero pinilit kong ibahin ang buhay ko. Pinilit kong maging mabuting tao, maging tapat sa serbisyo. Pumapatay man ako, pero sinisiguro kong mga masasamang tao ang mga iyon. Pero bakit pakiramdam ko hindi pa rin ako mahal ng Diyos? Bakit pinabayaan niyang mangyari ito sa buhay ko?
Bakit niya ako binigyan ng isang demonyong ama?
Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa hawak kong baril. Javier Silva raped my mother. He also raped the woman that I love. Napapikit ako at napapailing. Pakiramdam ko ay sasabog na ulo ko. Gusto kong balikan ang lalaking iyon at talagang papatayin ko siya.
Inampon niya ako. Pinalaki na parang tunay niyang anak dahil iyon pala iyon ang totoo. He fucking lied to me. He perfectly did the fucking lie right into my face so he could cover all the horrible things that he did. Napapailing ako habang patuloy ang pagbukal ng luha sa mga mata ko. Isinandal ko ang ulo sa sinasandalan kong dingding habang nanatiling nakatingin sa hawak kong baril. Tinanggal ko ang magazine at nakita kong wala na iyong laman pero sigurado akong may isang bala pang naiwan sa chamber.
Ikinasa ko ang baril tapos ay unti-unti kong inilagay sa tapat ng sentido ko ang dulo noon. Ramdam na ramdam ko ang malamig na bakal. Nagtatagis ang bagang ko at isang bahagi ng isip ko ang nagsasabi na iputok ko iyon. Ang higpit ng hawak ko sa baril. Ang hintuturo ko ay nakakawit sa gatilyo.
One shot.
That was all I needed to do and everything will be over.
Now I knew why Meara ran away. She saw that fucking Javier Silva here. She saw the man who ruined her life. And I realized, I was an accomplice of her nightmare. If I hadn't arrested her, that won't happen. She won't be raped. She won't meet Perry. She won't have a miserable life.
Everything that happened to her was my fault.
There was no reason to move on at all. I knew our love story was already fucked up. There won't be us anymore. After all of the secrets that had been spilled, I am sure Meara would hate me. I am the son of her rapist. And that god damn asshole was the father of her son.
"Fuck!" Malakas kong sigaw at inis na ibinato ang hawak kong baril tapos ay muling humagulgol. Napayuko at patuloy na umiiyak. Hindi ko alam kung gaano katagal ako sa ganoong posisyon. Narinig kong tumutunog ang telepono ko sa bulsa. Kaninang-kanina pa iyon. Labong-labo na ang mga mata ko sa luha at dinukot ang telepono. Nakita kong si Ghost at ang tumatawag sa akin. Napakuyom ang kamay ko habang nakatingin sa pangalan niyang nagri-register sa telepono ko. I didn't want to talk to him right now. I am angry at him. From the start, he knew the truth about my life. He knew what really happened to my mother, he knew the dark secret that Javier Silva was hiding from me. He lured me. He used me. That damn old man was the devil who uses people for his gain. I am mad at him. I am going to kill him. He shouldn't come to me. I wished I never met him. I wished I was like before. When everything was still all right. When everything in my life was in order and okay.
Because right now, I didn't know what to do anymore. I just wanted this pain in my heart to go away.
Huminto ang pagtunog ng telepono. Mayamaya ay text message ang na-receive ko.
Come on, Riel. We need to talk.
Galing pa rin kay Ghost iyon pero hindi ko sinagot. Pinahid ko lang ang luha ko at ibinalik sa bulsa ko ang telepono. Fuck him.
Muli akong napatingin sa baril. Kinuha ko iyon at muling itinapat iyon sa sentido ko. Fuck everyone.
I knew death was the only answer so I could let go of this pain.
I closed my eyes and took a deep breath. I was about to shoot my brains when I heard a voice calling my name.
"Kuya. Kuya Riel."
Natigilan ako. Wait. I knew that voice.
"Kuya Riel."
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang masiguro kong hindi ako nagkakamali sa naririnig kong tumatawag sa akin. Agad kong binitiwan ang baril at itinago iyon sa ilalim ng kama. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto at nakita ko si River na nasa pinto na ng bahay.
"Jesus," naibulalas ko at dali-dali ko siyang pinuntahan. Nakita ko ang kasiyahan sa mukha ni River nang makita ako at nang mabuksan ko ang pinto ay tumakbo sa akin at yumakap ng mahigpit.
"I hate my mom."
Ang higpit-higpit ng yakap niya sa akin at hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko. Hindi ko napigil ang sarili kong mapaiyak at niyakap din si River.
Niyakap ko ang kapatid ko.
"I heard her. She said she hated you. I don't know why. She said we are going away. Away from you. She never tells me the reason why we need to go away." Umiiyak na sabi niya. "I don't want to go. I want to stay with you."
Hindi ako sumasagot at nanatili lang nakayakap sa kanya. So, that was reason why I felt something about this boy. Why I had the urge to protect him so bad. It was not because I was seeing myself at him. It was because we had the same blood. The same blood of that asshole who preys with vulnerable women.
We were both a product of a horrible mistake.
Bahagyang lumayo sa akin si River at nagtataka siyang nakatingin din sa akin dahil umiiyak ako.
"You don't want us to go, right? You are going to fix the problem with my mom?" humihikbing sabi niya.
"I... I don't think that I can still fix it, River." Napabuga ako ng hangin at pinahid ko ang luha ko. "Your mom has the right to get mad at me. I don't think that we can still be together."
"What?" Lalo nang umiyak si River. "Why? You have plans, right? You said we are going to be a family. I don't want anyone but you. You are my best friend. You are my only friend."
Lalo nang parang pinupunit ang dibdib ko sa nakikita kong hitsura ni River. Hindi ko alam kung paano niya maiintindihan ang lahat ng nangyayari. Dahil kahit ako, hindi ko alam kung paano ko ipa-process sa sarili ko ang mga nalaman ko.
"T-there are some things that I cannot explain why it happened, River." Basag na basag ang boses ko nang sabihin iyon. "I don't think you can understand what is going on. For now, you need listen to your mom. If she wants to go, you go with her."
"Why?" Walang tigil ang pagtulo ng luha ni River. "No. I won't. I will stay with you."
Napatingin ako sa labas dahil narinig kong may pumaradang sasakyan doon. Lalo nang kumapit sa akin si River dahil tingin ko ay alam niya kung sino ang dumating na iyon. Mayamaya lang ay nakikita kong pumapasok na si Meara kasunod si Eli.
"River!" malakas na sigaw ni Meara hanggang sa makapasok pero agad ding napahinto nang makita ako doon.
All I could see in her eyes were anger and hatred. There was no love there anymore. Sobrang bilis ng pagbabagong nangyari dahil lang sa katotohanan na nalaman namin pareho. Binago ng katotohanang iyon ang buhay namin pare-pareho. Hindi sa magandang paraan. Lalong sinira ng katotohanang iyon ang lahat. Ngayon ko naisip na sana, pare-pareho na lang kaming nabuhay sa kasinungalingan. Siguro, masaya kaming lahat.
"Give me back my son," mariing sabi niya sa akin.
"Meara," mahinang sambit ko.
"Don't fucking say my name! You don't have the right to say my name!" Umiiyak na siya. Nakikita kong inaawat siya ni Eli. Siguro kung noon, baka sinugod ko na si Eli dahil sa ginagawa niya. Pero ngayon, tingin ko mas deserve ni Eli si Meara. Ang katulad ko ay hinding-hindi na mapapatawad ng babaeng mahal ko.
"Mom!"
Pare-pareho kaming napatingin kay River. Doon ko nakitang lumambot ang mukha ni Meara.
"Baby, come here, please. Let's go home." Inilahad pa ni Meara ang kamay sa anak.
Sunod-sunod ang iling ni River. "No. I won't go with you. I will stay with Kuya Riel. You are selfish, mom."
Ang sama ng tingin sa akin ni Meara. "Tingnan mo ang ginawa mo? Pati ang anak ko nilason mo na ang isip. Pareho kayo ng tatay mo. Mga demonyo kayo. Sinira n'yo ang buhay ko tapos pati anak ko dinadamay mo."
Hindi ako kumibo. I deserved that. I deserved all of her wrath. Kung hindi dahil sa akin, hindi magkakaganoon ang buhay niya. Kung hindi ko siya hinuli, hindi magku-krus ang landas nila ng demonyo kong ama.
Nagtatakang tumingin sa akin si River tapos ay kay Meara.
"Mom, why are you mad at Kuya Riel?" umiiyak na tanong ni River. Nakita kong napapikit si Meara at napailing. Sigurado na akong alam na niya ang totoo sa pagkatao ko. Alam na niya ang koneksyon ko sa anak niya.
Pinilit na ngumiti ni Meara. "Just come with me, baby. Come on. Everything will be fine. Just come to me." Umiiyak na sabi niya.
"Go to your mom," mahinang sabi ko kay River. Tumingin siya sa akin at umiling. "Go. You don't want to give her a hard time, right? You don't want to hurt you mom. You go with her." Bahagya ko pa siyang inilayo sa akin kaya nagtataka siya sa inakto ko.
"No. Kuya Riel, you don't want me?"
Mahina akong napamura at bumaling kay Meara. "Can you please let me talk to him? Alone?"
"Nababaliw ka ba? Sa tingin mo ipagkakatiwala ko pa ang anak ko sa iyo? Matapos ng ginawa mo sa akin. Matapos ang ginawa ng tatay mo." Mariing sabi ni Meara. Pagkasabi noon ay walang sabi-sabing hinila niya si River palayo sa akin.
"No!" Nagpipiglas si River. Gusto ko mang umawat ay wala akong magawa. Nagwawala talaga ang bata at naihilamos ko lang ang kamay sa mukha ko habang tinitingnan kung paano nagpapalahaw ng iyak si River. Kitang-kita ko naman ang frustration sa mukha ni Meara.
"Stop doing this! We will go!" halos hilahin ni Meara paalis dito ang anak niya pero mabilis na nakakawala si River at tumakbo palabas. Pare-pareho kaming humabol at mula sa kung saan ay may dumarating na isang humahagibis na kotse.
Kitang-kita ko kung paano sinalpok ng kotse na iyon si River.
Ang lakas ng sigaw ni Meara. Ako naman ay napatulala lang sa bilis ng mga pangyayari. Ang kaninang tumatakbong si River ay nakahandusay na ngayon sa gitna ng kalsada. Duguan. Tingin ko ay hindi na humihinga.
Nakita ko si Eli na sinubukang habulin ang kotse pero mabilis iyong humarurot paalis. Bumalik siya at nilapitan si Meara na natataranta at hindi malaman kung paano hahawakan and duguang si River.
"Anak..." humahagulgol siya. "Tulungan n'yo ako. River, don't do this."
Tingin ko ay pare-pareho kaming tulala sa nangyari. Si Eli ay parang estatwa lang na nakatakip ang kamay sa bibig. Mabilis akong tumakbo sa kanila at wala na akong pakialam kung magwala si Meara. Mabilis kong binuhat si River at isinakay sa kotse ko at pinasibad paalis doon. Bahala na silang sumunod sa akin. Bahala na si Meara kung ipakulong niya ako pagkatapos nito. Hindi puwedeng may masamang mangyari sa kapatid ko.
Labong-labo ang mata ko sa luha kaya mabilis ko iyong pinahid. Sige ako busina para mabilis akong makarating sa ospital. Tumutunog ang telepono ko at si Eli ang tumatawag.
"St. Matthew Hospital. Doon ko dadalhin si River." Hindi ko na pinabayaang makapagsalita pa si Eli. Iyon ang pinakamalapit ng ospital dito. Diniinan ko ang tapak sa accelerator ng sasakyan at hindi nagtagal ay pumaparada na ako sa tapat ng emergency room.
Ipinasok ko doon si River at mabilis akong sinalubong ng mga nurse at doctor. Mabibilis ang kilos ng mga ito at ako ay parang naging spectator na lang doon. Napatingin ako sa mga kamay ko at sa damit kong punong-puno ng dugo. Mayamaya lang ay humahangos na pumapasok doon si Meara kasunod si Eli.
"Ang anak ko! Nasaan ang anak ko!" Talang natataranta na siya. Wala na ang poise. Talagang nagwawala.
Hindi ako kumikibo at nasa gilid lang ako. Ayaw ko ng madagdagan pa ang pasakit ni Meara kung makikita niya ako. Alam kong ayaw na niya akong makita pa. Nakita kong may doctor na lumapit kay Meara at ipinapaliwag siguro ang nangyari kay River. Lalong humagulgol si Meara at yumakap kay Eli.
Napalunok ako at lumakad palayo doon. Pero pasimple kong nilapitan ang isa sa mga doctor na nag-a-assist kay River. Ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan niya. Saka na ang imbestigasyon ng pagkakabundol sa kanya. From what I saw, that was not an accident. That was done by purpose.
Someone hit River by purpose. Wanting him dead.
"Doc, ano ang lagay ng pasyente?"
Tiningnan ako ng doctor. "Ikaw ba ang nagdala sa pasyente?"
Tumango ako. "Kumusta siya?"
"Not good. Nagkaroon ng bleeding sa utak ang pasyente at kailangan iyong ma-operahan agad. Dadalhin na siya sa operating room ngayon. Bukod pa sa ibang mga injuries sa katawan niya. We need blood. Type AB and we already told the parents about it para ma-operahan agad ang bata. We are trying our best to get that type of blood. Nagtatawag na kami sa ibang ospital pero matatagalan pa ang dating dito. Kailangan na niyang ma-operahan agad-agad. Dahil kung magtatagal pa, lalong malalagay sa panganib ang buhay niya."
Napahinga ako ng malalim at ngumiti ng mapakla.
"I am type AB." Nangingilid ang luha na sabi ko.
Nakita kong nagliwanag ang mukha ng doctor at napangiti sa narinig na sinabi ko.
"You are an angel. You are going to help that kid," sabi ng doctor at agad na tumawag ng nurse para i-assist ako.
Tumingin ako sa gawi ni Meara na ngayon ay kausap pa rin si Eli na nagtatawag sa telepono. Tingin ko ay naghahanap ng dugo para sa operasyon ni River.
Yuko ang ulo kong sumunod na lang sa nurse at dinala ako sa isang cubicle para kabitan ng kung ano at makuhanan ng dugo. Kahit ilang bag pa ang kunin nila sa akin wala na akong pakialam. Kahit ubusin pa nila basta iligtas lang nila ang kapatid ko.
Habang nakatingin ako sa dugong dumadaloy sa maliit na plastic tube mula sa braso ko papunta sa blood bag ay naalala ko ang muntik ko nang gawin kanina.
I was ready to end it all, but River came and stopped me from killing myself.
I am not the angel. River was and it was so fucked up that he was the one dying and not me.
Pagkatapos nito ay itatama ko na ang lahat.
Pagkatapos nito ay pababayaan ko na si Meara.
Dahil sigurado ako na hinding-hindi na kami magkakasama pa.
————
To read the HM's exclusive stories you can visit HELENE MENDOZA'S STORIES FB PAGE to know how to subscribe to Patreon and FB VIP group.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top