CHAPTER FIFTY-ONE (Real Family)
The past is a place to learn from, not to live in.
RIEL
"You think he will understand?"
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni Meara sa kamay ko habang nakatayo kami pareho sa tabi ng kama ni River. Bugbog na bugbog pa ang hitsura nito. Nakabalot pa rin ng benda ang ulo.
"I don't know." Mahinang sagot ni Meara habang nakatingin din sa anak niya. Mayamaya ay naririnig ko siyang sumisinghot. Nang tingnan ko ay nakayuko lang at umaalog ang mga balikat.
"Hey. Hey," agad ko siyang iniharap sa akin at iniangat ko ang mukha. Punong-puno ng luha iyon. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin. "Look at me."
Nahihiyang nag-angat ng tingin si Meara sa akin tapos ay muling yumuko at humagulgol. Napahinga na lang ako ng malalim at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam ko pa rin ang bigat ng nararamdaman ni Meara mula sa mga nalaman niya tungkol sa amin ni River. Actually, tungkol sa aming lahat. Ibang klase magbiro ang tadhana. Talagang itinodo sa buhay ko. Sa buhay namin.
"I know he would understand but, I didn't want him to know the truth." Humihikbing sabi ni Meara habang nanatiling nakayakap sa akin.
Hindi ako nakasagot. Ang totoo, iyon din sana ang gusto kong mangyari. Napakabata pa ni River para maintindihan nito ang katotohanan tungkol sa pagkatao nito at sa pagkatao ko. Alam kong mahihirapan itong intindihin ang ganito kalalim na sitwasyon. Kahit nga ako, hanggang ngayon hindi ko matanggap na ganito. Na dahil sa pagiging sakim ng isang tao, ilang buhay ang nasira at nagka-sanga-sanga ngayon.
"We can lie about it." Sagot ko.
Marahang lumayo sa akin si Meara at gulat na tumingin sa mukha ko. "Lie?"
"Yeah." Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. "I know it's wrong to lie but, do you want River to end up like me? My life is a mess from the start. I... I am just... I tried to make everything right about my life. I tried to be strong for myself because I know there won't be anyone who will be there for me when the time comes that I need it." Napapikit-pikit ako para mabasag ang mga luha sa mga mata. "I don't want River to be like that. And he is lucky because you are here for him. Let's lie about the truth, Meara. I don't want him to know the truth about our connection. Tama nang ang buhay ko na lang ang nasira. We have the chance to change someone's life and we do it. Let's keep this secret down to our graves."
Tumingin si Meara sa anak niya at lumapit tapos ay hinawakan ang kamay nito.
"If you think that will be good for him then it's okay. We keep it." Tumingin siya sa akin at humarap tapos ay yumakap. "I am so sorry. I am sorry if I didn't listen to you."
Pinabayaan ko na lang siya ng ganoon. Pinabayaan ko ang sarili kong yakapin ako ni Meara dahil akala ko hindi ko na mararanasan uli ito. Matapos lumabas ang lahat ng katotohanan tungkol sa akin at sa ginawa ni Javier, tanggap ko nang hindi ko na makikita uli si Meara. Tanggap ko nang hanggang kamatayan ay dadalhin niya ang galit sa akin. Pero heto kami ngayon. Hindi na namin kailangan pang magpaliwag sa mga nangyari. Sapat na ang magkasama kami.
"Sshh... you don't need to say sorry. I think we don't need to talk about anything. We forget about it. We buried the past." Napahinga ako ng malalim tapos ay hinalikan ang noo niya. "I think this is destiny's will. To cross our paths so we could learn the truth and we could accept it."
Tumango lang siya tapos ay lumayo din sa akin at pinahid ang luha. "Do you think it's destiny? I think someone made this to happen. Who is Greg Laxamana?"
Napangiti ako. "He is my boss."
"I am afraid of him." Napailing pa si Meara. "That person, just his presence gives me creeps."
Doon na ako natawa. "He is a good man. He helped so many people to get justice that they deserve."
"What about your..." hindi maituloy ni Meara ang itatanong niya at naitakip ang kamay sa bibig. Alam ko na kung ano ang itatanong niya.
"You can file for a case against him for what he did to you. But... you should face the consequence and that will include your case will go in public. Everyone will know about what he did, about River. About me. Our connection." Ngumiti ako ng mapakla sa kanya. "If you want fair justice, go. You can do it. I will support you in any way. But we are trying to protect a life here." Tumingin ako sa gawi ni River.
Napahinga ng malalim si Meara at napailing. "Pero hindi ko yata makakayang basta na lang makatakas ang taong iyon sa ginawa niya sa akin. Ang tagal na panahon na hindi man lang siya nakonsensiya sa mga ginawa niya."
Ngumiti ako. "You will get justice, Meara. Trust me, hind sa paraang inaakala mo pero sigurado ako, makukuha mo iyon." Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang telepono ko. Unknown number ang lumalabas pero alanganin akong sagutin. Iniisip kong baka si Javier lang ito. Nang hindi ko sagutin ay text naman ang na-receive ko.
Riel, Eli here. Check your email. Watch the news.
Nagtataka ako kung ano ang news na gusto nitong ipakita sa akin. Nagpaalam ako saglit kay Meara na lalabas lang at doon ko tiningnan ang email na ipinadala niya.
Retired Police official found dead.
Iyon ang nabasa kong headline ng balita. Pakiramdam ko ay nanlamig ako sa nabasa kong pangalan na nakasulat doon.
Javier Silva.
Jesus. What the fuck happened?
Pinanood ko ang balitang ipinadala sa akin ni Eli at doon ko nalaman na kahapon natagpuan ang bangkay ni Javier sa bahay niya. Ayon sa imbestigasyon, nagbaril ito sa sarili.
He killed himself? No. That was impossible. That asshole would never do that. Noon ko tinawagan si Eli.
"Ghost did that?" Iyon agad ang bungad ko.
"No. Your father did it to himself. Conscience perhaps?"
Nagtagis ang bagang ko at napahinga ng malalim. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko kung nakakaramdam ba ako ng lungkot dahil sa nangyari. Pero nang maalala ko ang nangyari kay nanay, kay Meara, kahit si Javier ang nagpalaki sa akin at trinato niya akong anak niya, hinding-hindi mapapawi ang galit na nasa dibdib ko dahil sa ginawa niyang paninira sa buhay ng mga babaeng mahal ko.
"But Ghost became creative. Did something to spice Javier's sex life before he died."
Kumunot ang noo ko. "What did he do?"
"A dose of his own medicine." Narinig kong bumuga ng hangin si Eli. "I can't tell you. If you want to know, ask Ghost himself. I am so sorry about what happened to your father. I don't know what to say anymore."
Hindi ako sumagot. Kahit ako kasi ay hindi rin malaman kung ano ang mararamdaman ko dahil sa nalaman kong nangyari dito.
"You need to attend to your father's body. If you can't, Ghost can arrange for that. The properties and money that he left-"
"Can you help me for that?" Putol ko sa sinasabi niya. "Transfer it to River. All of it."
"Are you sure? Anak ka din."
"I am sure. Kay River lahat iyon."
"All right. Oh, about the hit and run investigation for River, we have a lead. We found the car that was used."
"And?"
"It found abandoned near a supermarket. The team is currently checking for prints and anything that may point to the owner of the car."
"Okay. Keep me posted."
"If you need anything, just ring."
Tumango-tango ako kahit hindi ko kaharap si Riel. "Thank you."
"Anytime, man. Anytime."
Wala na akong narinig pa at mayamaya lang ay busy tone na. Ibinulsa ko ang telepono at muling bumalik sa silid. Naabutan ko si Meara na nakaupo sa gilid ng kama ni River at hawak ang kamay ng anak niya.
"Baby, guess what? Your Kuya Riel is back. He is back with us." Nanginginig ang boses niya tapos ay hinahalikan pa ang kamay ng anak. "He is not going anywhere. He is going to stay. We are going to be a family."
Pakiramdam ko ay napupunit ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya. Kahit sinabi na kasi ng doctor na ligtas na sa kapahamakan si River, wala pa rin kasiguraduhan kung kailan ito magigising. Ilang araw na itong coma.
"Your Kuya and I are going to be married. Then we will travel anywhere you want. We are going to eat anything you want. We will do whatever you want. Just wake up." Doon na nabasag ang boses ni Meara. "Please, River. Wake up. Mommy misses you so much. I can't wait to tell you the good news."
Nilapitan ko siya at hinawakan ko sa balikat.
"He will wake up. I know it. I can feel it."
Hindi sumagot si Meara at nanatiling nakasubsob ang mukha sa kamay ng anak niya. Mayamaya ay bigla itong napabangon at natatarantang tumingin sa kamay ni River.
"He squeezed my hand," gulat na gulat na sabi niya. Agad siyang tumayo at hinaplos ang mukha ni River. Maging ako ay nataranta sa narinig na sinabi niya. Hinawakan ko ang kamay ni River at nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong pumisil nga iyon sa kamay ko.
"Oh my God! River," hindi mapakali si Meara at tuluyang napahagulgol nang magmulat ng mata si River.
Naitakip ko ang kamay sa bibig nang makita kong nagkamalay na si River. Lumapit ako at humalik sa noo nito. Tumingin sa gawi ko si River tapos ay sa mommy niya. Mukhang disoriented pa. Pinindot ko ang intercom na naroon at ini-inform ang nurse na nagising na ang pasyente. Hindi nagtagal ay pumapasok na doon ang nurses at doctor para i-check ang kalagayan ni River.
Magkatabi lang kami ni Meara at naghihintay kung ano ang lagay ni River. Nang matapos i-check ng doctor ay ipinaliwanag naman nitong maayos ang lagay ni River. A little bit disoriented which was normal from people who came out from coma. Pabayaan daw munang makapagpahinga at unti-untiin ang recovery.
Walang tigil sa pag-iyak si Meara. Sigurado na akong dahil sa kaligayahan na iyon dahil ligtas na sa kapahamakan ang anak niya. Nang makaalis ang mga doctor ay lumapit kami sa kama ni River at nakita kong sa akin nakatingin ang bata.
"Kuya," mahinang sabi niya at iniangat ang kamay. Agad kong kinuha iyon. "You're here."
"Of course. And I will not go away." Marahang ko pang pinisil ang kamay niya.
"Never?"
"Never. I'll stay with you and your mom and we are going to be a family." Bahagyang nabasag ang boses ko.
"You will be my dad?"
Doon na tuluyang nahulog ang luha ko na mabilis kong pinahid. Tumango ako. "Yeah. I'll be that."
Pumikit si River pero nakangiti. "But I still want to call you Kuya."
Natawa ako at tumingin sa gawi ni Meara na iyak nang iyak sa tabi ko.
"Kuya would be fine. Call me that. I will be your dad, I will be your Kuya. I will be anyone you want me to be."
"Finally. I got the real family I always dreamed of." Nakangiting sabi ni River.
Kinuha ko ang kamay ni Meara at pinalapit siya sa tabi ko. Niyakap ko ang baywang. All the secrets we knew about our lives will be kept hidden until the day we die. The lie that we will tell to River about the real me would be so perfect he wouldn't even have a hint of the dark past that we had.
And River was right.
Because like him, I also got the real family I always dreamed about.
- END
This will be the last chapter of this story. Thank you so much for staying with Riel and Meara's journey. You may also try to read the Ruthless People Series which is exclusively available on Patreon and FB VIP. You can message HELENE MENDOZA'S FB page to know how to subscribe and read the exclusive stories.
Riel and Meara now signing off.
xoxo,
❤️ HM
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top