Ending
Lumipas ang mga araw at oras marami na ang nagbago sa takbo ng buhay ni Carmen. Nagkaron siya ng maraming kaibigan. Marami narin siyang nakilala sa loob ng campus nila. Kung dati parating na kay Cardo lang ang buong attention niya ngayon ang buong attention niya ay umiikot na sa lahat ng taong nasa paligid niya.
Yung mga dating hindi niya pinapansin ngayon na pagtutuonan na niya ng pansin. Masaya siya sa takbo nga bago niyang buhay. Paminsan-minsan naaalala parin niya si Cardo at ang mga magaganda nilang alala pero hindi na naman siya tulad ng dating mahina na agad nagpapatalo sa bugso ng kanyang damdamin.
Natutu na siya sa lahat ng nangyari sa kanya. Marami ng nagbago at isa naroon ang damdamin niya para kay Cardo sa lumipas na panahon natutu na siyang pigilid at unti-unting kalimutan ang kanyang nararamdaman para rito. Siguro nakalutong narin sa pagmomove on niya ang hindi nito pagpapakita sa kanya sa loob ng tatlong mahabang panahon.
Natulongan rin siya ng mga taong nasa paligid niya para kalimutan yung sakin nadulot sa kanya ng pag ibig niya kay Cardo. Nagbago na rin yung iba niyang pananaw sa buhay. Masaya siya dahil don at hinihiling niya na sana bahang buhay nalang siyang ganon dahil gusto pa niyang mabuhay pa ng mas matagal.
Hindi narin siya tulad ng dating parati nalang humihiling na sana makita niya si Cardo. Ngayon mas gusto pa nga niyang wag nalang itong magpakita pa muli sa kanya. Nandyan parin kasi sa kanya yung takot na baka pag nagkita ulit silang dalawa baka kung ano na naman ang mangyari sa kanya.
Kaya na niyang kontrolin ang nararamdaman niya pero hindi pa siya ganon ka lakas para harapin muli si Cardo. Nag iingat parin siya hanggang ngayon.
"Carmen." Tawag sakin ni Joaquin naka ngiti naman akong tumingin sa kanya. "Oky kalang?" Tanong niya sakin.
Tumango naman ako sa kanya. "Oo naman." Pinasiglang sagot ko sa kanya. "Sure?" Naniniguradong tanong niya sakin.
Natawa naman ako sa klase ng pang uusisa niya sakin. Kilalang-kilala na talaga ako ng isang to. Alam na alam talaga siya kung kilan ako nagsasabi ng totoo at kung kilang ako nagsisimungaling sa kanya.
Mabait na tao si Joaquin kaya naman mas madali sakin na tanggapin siya bilang kaibigan. Masaya siyang kasama kagaya ni Cardo. Ang pinagkaiba lang nilang dalawa. Mahal raw ako nito isang to. Pero gaya nga ng parati kobg sinasabi sa kanya hindi pa ako handang magmahal muli.
Ang sagot naman niya sakin kaya raw niyang maghintay kahit gaano pa daw katagal. Pinagsabihan ko nga rin siya na wag na dahil wala rin naman akong kasiguradohan kong si Joaquin na nga ba ang lalaking papalit kay Cardo sa puso kaya naman ayokong umasa lang siya sa wala.
Pero isa rin tong makulit si Joaquin ayaw niyang makinig sakin kaya naman hinyaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin. Umaasa nalang talaga ako na balang araw mahanap rin ni q
Joaquin ang babaeng mamahalin siya ng totoo at mamahalin rin niya.
"Nakatulala kana naman. Gusto ko tuloy isipin na siya ulit yung nasa isip mo." Biro niya sakin. Sinimangutan ko naman siya. "Iwan ko sayo." Sambit ko sa kanya saka na una ng maglakad.
Natawa naman siyang sumunod agad sakin. "Biro lang." Sabi niya sakin saka pinatong ang isa niyang braso sa balikat ko.
Tahimik naman kaming naglalakad ng bilag nalang meron humarang sa naraanan naming dalawa. "Besty." Naka ngising bungad sakin ni Berna.
Nagulat naman ako ng makita ko siya. Agad niya akong niyakap. Sa subrang tuwa naman naming dalawa parang nakalimutan kona yata na may kasama ako kanina kung di pa ako tinanong ng isang to kung kami na daw ba ni Joaquin hindi ko pa maaalala na kasama ko pala siya.
Namiss ko kasi tong besty ko ang talaga ko narin siyang di nakikita almost two years narin lumipat ba kasi ako ng bahay beninta na ng Kuya Billy yung luma kong bahay malapit kina Lola Flora kaya naman hindi kona sila parating nakikita. Busy rin kasi ako sa pag-aaral ko.
"Kumusta kan Besty?" Tanong niya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya. "Ito maganda parin." Biro ko naman sa kanya.
Natawa naman siya sa sinabi ko. "Namiss kita ng sobra. Hindi muna kasi ako dinadawal palibhasa meron kanang bagong pinagkakaabahalan dyan." Nagdadramang parinig niya sakin.
Binatokan ko naman siya. "Wag ka nga. Baka marinig ka ni Joaquin kung ano-ano yang lumalabas sa bibig mo." Saway ko naman sa kanya.
"E bakit? Totoo naman ah." Naka simangot na reklamo niya sakin. "Hali kana nga lang ililibre kita. Gutom lang yan. Sabi ko naman sa kanya sabay hila papuntang canteen.
Tumingin naman ako kay Joaquin para sabihan siyang sumama siya samin kaso ang sabi niya. Wag nalang daw pupuntahan lang daw muna niya sina Marco yung mga kabarkada niya.
"Besty yung totoo kayo na ba niyang si Joaquin?" Seryosong tanong niya sakin ng kumakain na kami sa canteen. Umiling naman ako. "Magkaibigan lang kaming dalawa. Hindi pa ako handang magmahal muli." Sambit ko naman.
Sa ngayon kailangan ko munang mahalin ang sarili ko. Bago ko mahalin ang ibang tao.
"Tama yan. Unahin mo naman yung sarili mo hindi yung ibang tao nalang parati ang nasa isip mo." Komento naman niya.
Tumngo-tango naman ako. "Kumain na nga lang tayong dalawa." Natatawang sambit ko sa kanya.
Minsan kailangan nating unahing mahalin ang ating sarili bago tayo magmahal ng ibang tao. Dahil naniniwala ako na hindi mo maibibigay ang iyong buong puso sa taong mahal mo kung hindi mo mahalin ang iyong sarili. (Because i believe that you can not give your whole heart to the person you love if you can't love yourself.)
The End!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top