Chapter 9

Carmen

Sa wakas pagkatapos ng napaka habang byuhe nakarating narin kami dito sa baguio. Napaka ganda talaga ng lugar nato at napaka sariwa rin ng hangin. Masaya ako dahil dinala kami ni Cardo rito. Kahit naman puro kalukuhan lang at mga babae ang nasa isip nito ay meron din naman itong magandang puso.

Nakakatuwa dahil naisip niya to para sakin. Ang saya ko talaga ngayon araw. "Ano maganda ba?" Naka ngiting tanong sakin ni Cardo habang nakaharap kami sa isabg penthouse na inupahan daw nilang dalawa ni kuya Billy para maging tirahan namin sa apat na araw namin dito sa baguio.

Tumango naman ako sa kanya. "Maganda." Masayang sagot ko sa kanya. "Thank you, napasaya nyo talaga ako." Naluluhang sambit ko sa kanya. Ang weird ko talaga sa araw na ito masyado akong madrama. Kunting kimbot lang feeling ko maiiyak na agad ako. Siguro dahil subrang saya ko talaga ngayon.

"Ano kaba bakit ka naman naiiyak dyan?" Punas niya sa mga luhang naglalaglagan sa pingin ko. Hindi ko talaga kayang pigilin yung nararamdaman ako. "Tears of joy lang to." Sagot ko sa kanya.

Naiiling naman siyang niyakap ako saka niyaya niya akong pumasok na sa loob ng bahay. "Mga bata mag si tigil nga muna kayo sa paghaharotan ninyo." Saway naman ni Lola Flora sa mga bata.

"Onyok samahan mo nga muna sila sa kanilang kwarto." Utis ni Cardo kay Onyok. "Kayo naman magpahinga muna kayo mamayang hapun na tayo mamasyal. Oky ba yon." Masayang tanong ni Cardo sa mga bata na bigla nalang naghiyawan.

"Sige na magpahinga muna kayo don." Sambit ko rin sa kanila. "Nakakatuwa talaga silang tingnan. Salamat talaga Cardo hindi lang ako ang napasaya mo pati narin yung mga bata." Nakangitng sambit ko sa kanya.

"Wag mo na ngayon isip. Alam mo namang lahat gagawin para mapasaya lang kayong lahat. Lalong-lalo kana lahat gagawin ko para sayo." Seryosong sambit niya sakin.

Lahat! Lahat kaya niyang gawin para sakin. "Paano kaya kung papiliin ko siya between me and Alyana sino kaya yung pipiliin niya sa aming dalawa?" Nakakatuwang tanong ko sa sarili ko. Ma lamang hindi ko yon kayang itanong kay Cardo. Dahil natatakot sa posibling mahing sagot niya.

Paano kung si Alyana yung piliin niya. Natatakot akong masaktan na naman ng dahil sa kanya. Pero kahit nga napapasaya niya ako ngayon. Nasasaktan parin ako dahil alam kong ginagawa lamang niya to dahil mahal niya ako bilang isang kaibigan hindi bilang isang babae.

"Carmen, oky kalang?" Nag-aalalang tanong niya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya. "Oo naman. Saan nga pala yung kwarto ko?" Tanong ko naman sa kanya. Gusto ko narin munang magpahinga bago kami mamasyal mamaya para naman kahit papano ready yung katawan ko sa paglalakad na gagawin namin. Tiyak akong mahaba-haba yung gagawin naming paglalakad mamaya.

Alangan naman kadibg sumakay pa kami ng sasakyan e nagpunta nga kami rito para makita yung magandang view ng baguio kaya para makita namin yon kailangan naming maglakad.

"Ito yung kwarto mo. Sige na magpahinga kana muna. Tatawagin nalang kita kapag malapit na tayong umalis para naman makapag handa ka." Sambit niya sakin saka nagpaalam na aalis na daw muna siya dahil may pupuntahan lang daw ito.

Nagtataka naman ako kung saan ba siya pupunta pero hindi ko na lamang siya tinanong pumasok na lang ako sa kwarto saka nagpahinga.

-

Cardo

"Alyana." Nakangiting kuha ko ng pansin niya. Kanina ko pa siya pinagmamasdan habang kumukuha siya ng pictures sa sarili niya. Naka ngiting tumingin naman siya sakin.

"Cardo." Sambit niya. "Kanina kapa ba dito?" Tanong niya sakin. "Hindi naman." Sagot ko sa kanya. Ngimiti naman siya sakin saka ako kinunan ng litrato.

"Picture tayo." Aya niya sakin. "Smile." Ngumiti naman ako sa harap ng camera. Ang gamda talaga ni Alyana pati yung mga ngiti niya napaka ganda. Bagay na bagay talaga sa kanya. Para bang nakalaan nga talaga sa kanya yung gandang yon.

Sana lang habang buhay ko ng parating nakikita yung ngiti niyang yon. "Kumusta pala yung pamilya mo? Nahatid muna ba sila sa penthouse?" Tanong naman niya sakin.

"Kanina pa sinabihan ko nga muna silang magpahinga muna para mamaya." Naka ngiting sagot ko sa tanong niya. "Gusto mo bang mamasyal muna tayong dalawa? Mamaya ko pa naman sila ipapasyal dito sa baguio.

"Tara." Excited na sambit ni Alyana. Hinawakan ko naman siya habang naglalakad kaming dalawa. Napangiti naman ako kasi akala ko bibitaw siya pero hindi niya 'yon ginawa.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong ko sa kanya . Mukhang nag-isip naman siya muna bago naka ngiting humarap sakin. "Gusto kong pumunta sa may Grotto. Doon tayo mauna." Masayang sambit niya sakin.

"Tara pagkatapos natin don pumunnta tayo sa Burnham Park." Naka ngiting sambit ko sa kanya.

Masaya naman kaming dalawa habang namamasyal kami. Ang dami rin naming kinainan na kainan pagkatapos namin pumunta sa Grotto at Burnham Park. Susunod-sunod n ang mga lugar na pinuntahan naming dalawa hindi ko na nga napansing gabi na pala.

Huli kona naalala sina Lola Flora at Carmen. Pati narin ang mga bata nangako pala ako sa kanila na sasamahan ko silang mamasyal pero ito ako ngayon. Nakasama ko lang si Alyana nakalimutan kona agad silang lahat. Siguro babawi nalang ako bukas. Minsan lang rin kasi ako magkaroon ng pagkakataong makasama si Alyana ng kagaya nito ng kami lang dalawa. Yung walang ibang inisip. Masaya lang kaming dalawa habang nag-uusap at sabay na kumakain at namamasyal.

Magpapaliwanag nalang siguro ako mamaya kay Carmen. Alam ko namang maiintindihan ako non. "Oky kalang ba?" Tanong sakin ni Alyana. "Oo naman tara na." Aya ko sa kanya. Ihahatid kona kasi siya sa country club.

"Cardo, salamat nag-enjoy talaga ako sa pamamasyal natin." Masayang paalam sakin ni Alyana. "Sige mauna nako." Naka ngiting paalam ko sa kanya.

-

Next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top