Chapter 8
Alyana
Kanina ko pa hinihintay si Cardo gusto kong sabihin sa kanya na pinayagan na ako nina mama na sumama sa kanila sa baguio ang kaso para hindi yata siya pumasok ngayon. Dahil padat kanina pa siya rito sa tagpuan naming dalawa. Ngunit hanggang ngayon wala parin siya baka nga hindi siya pumasok ngayon.
"Oy! Alyana bakit parang mag-isa kalang yata ngayon?" Tanong sakin ni Joaquin. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Bakit kaya to nandito. Hindi ko naman to napapasing dumadaan dito para ko kasi silang nakikita sa canteen hindi rito sa garden.
"Ah?" Sagot ko sa kanya. Umiwas naman ako sa kanila. "Sige mauna nako." Paalam ko naman sa kanila.
"Sali lang." Pigil niya sakin. "Bakit nagmamadali ka naman yata. Hindi kaba sinipot ni Cardo?" Nang iinis na tanong niya sakin. Tumawa naman yung mga kaibigan niya sa sinabi ni Joaquin.
Nainis naman ako sa sinabi niya sakin kaya tiningnan ko sila ng masama. "Kung wala kayong magawa sa buhay nyo pwede bang wag ako yung byusit nyo." Byusit na singhal ko sa kanila.
"Ang sungit naman nito. Dika naman mabiro." Sabi niya sakin. Hindi ko naman na siya pinansin. Iniwan ko na lamg silang lahat sa Garden.
Ano naman kaya yung kailangan sakin ng mga yon. Sigurado naman akong sisiraan lang naman niya sakin si Cardo. Alam na alam kona ang tunay na ugali ni Joaquin kaya hinding-hindi ko siya hahayaan sirain kami ni Cardo.
Hindi niya pwedeng sirain ang magandang pagtitinginan namin ni Cardo.
-
Joaquin
"Akala ko ba si Carmen yung gusto mo?" Tanong sakin ni Jason. "Bakit nag iba na yata ngayon.
Na iiling na tumingin naman ako sa kanya. "Sino bang nagsabi sa inyo na hindi! Si Carmen nga yung gusto kung babae. Pero wala rin namang masama kung lalapit ako sa ibang babae diba.
Ang totoo wala naman talaga akong pakialam dito kay Alyana pero ang gusto ko lang talaga ay ang maka ganti kay Cardo sa ginawa niya sakin. Akala niya siguro nakalimutan ko na yon. Kung maka asta siya akala mo naman dati pag-aari niya si Carmen. Pero sisiguradohin kong malalaman niyang nagkamali siya ng kinalaban. Pagsisihan talaga niya na kinalaban niya ako.
"So anong balak mo dyan kay Alyana?" Tanong ni Marco. "Simple lang! Aagawin ko siya kay Cardo. Lalong-lalo na si Carmen. Kukunin ko sa kanya ang lahat hanggang sa wala na siyang maipagmamayabang sakin." Naka ngising sagot ko sa tanong niya.
"Tingnan nalang nating kong hanggang saaan yung yabang ng Cardo na yon kapag na agaw muna yung dalawang importanting babae sa buhay niya. Sigurado akong magwawala yon." Natatawang tapik sakin ni Marco. "Goodluck Tol, galingan mo."
Goodluck kay Cardo! Sisigurduhi ko talagang mawawala sa kanya ang lahat. "Pupuntahan ko nga pala si Carmen sa ospital mamaya." Sambit ko sa kanila.
"Sigurado ka dyan sa binabakal mo. Baka mamaya nandon si Cardo at yung kapatid ni Alyana." Nag aalangang sambit ni Marco.
"Oo naman. Sigurado naman akong walang magagawa si Cardo kapag nasa harap nila ni Carmen. Hindi yon papalag." Paninigurado ko sa kanila.
-
Cardo
"Carmen aalis muna pala ako may pupuntahan lang ako saglit." Paalam ko kay Carmen.
"Saan kana naman pupunta?" Tanong niya sakin. "Uuwi lang ako saglit nagtxt kasi sakin si Lola Flora." Sagot ko naman sa kanya.
"Si Lola rin ba yung dahilan kung bakit mo ko iniwang mag-isa dito kahapun?" Tanong niya sakin. "Pasensya kana pala kahapun. May importanteng pinuntahan lang talaga ako kaya di nako nakapag paalam sayo kasi tulog kapa non e." Paliwanag ko sa kanya.
Hindi kona muna sasabihin sa kanya na isasama ko si Alyana sa lakad namin. Gusto ko kading ma surprise silang lahat kapag nakita nilang kasama ko si Alyana. Gusto rin bago ko ipakilala si Alyana sa kanila kami na para mas mapatunay ko sa kanilang lahat na seryoso talaga ako kay Alyana.
"Importante." Naka simangot na sambit niya. "Mas importante pa sakin?" Seryosong tanong niya sakin. "Ha?"
Nagulat naman ako sa tanong niya sakin. Sempre siya siya ang isa sa pinaka importante sa buhay ko. Parehas lang naman silang dalawa ni Alyana at nina Lola. Silang lahat ang pinaka importanting tao sa buhay ko.
"Oy! Joke lang. Di kana naka sagot dyan." Tapik niya sakin. "Saan kaba kasi pumunta kahapun.
"Nakipag kita lang ako sa isa kong kaklase." Pagsisinungsling ko sa kanya. "Sinungaling!" Inis na sambit niya sakin. "Gusto mong mabatokan? Wag kana ngang magsinungaling sakin. Baka nakakalimutan mong kilala kita mula ulo hanggat paa." Sermon naman niya sakin.
Nangamot naman ako ng batok ko. Ano naman kaya ang pwede kong e rason sa babaeng to. Bakit ba kilalang-kilala talaga ako ng isang to. Wala talaga akong takas sa kanya.
"Bakit kasi di mo nalang aminin sakin na si Alyana ang pinuntahan mo kahapun. Alam ko namang mahalaga siya sayo. Ay! Mali di lang siya mahalaga sayo para nang buhay muna siya diba." Pasaring naman niya sakin.
Matampuhin rin ang isang to. "Asus tampo ka naman agad. Hindi naman ako nagtagal don ah." Yakap ko naman sa kanya. "So inaamin mo na nga na galing ka kay Alyana kahapun.
"Oo, sorry kung iniwan kitang mag-isa rito kahapun." Hingi ko ng pasensya sa kanya. "Wag kang mag-alala sanay nakong mag-isa at sanay narin akong maiwan ng dahil sa ibang tao.
Bawal nga pal siyang mastress. Baka mamaya merong mang yaring masama sa kanya. "Wag kanang malungkot, sorry na." Lambing ko naman sa kanya. "Bawal kang maging malungkot kaya wag kanang maging malungkot, please." Pakiusap ko naman sa kanya.
Dapat parati lang siyang positive para mapadali ang pagalong niya. Para makapag baguio na rin ksmi. Sigurado akong mag eenjoy si Carmen don. Kaya nga don ko narin na isip na dalhin siya para narin sa malayo muna siya sa stress.
"Di naman ako malungkot. Sino bang nagsabi sayo na malungkot ako." Iwas naman niya. "Sigurado ka?" Tanong ko naman sa kanya.
"Oo namam." Pinasiglang sagot niya sakin. Ngumiti naman siya sakin. "Hindi ka naniniwala?" Tanong niya sakin. Tumango naman ako bilang sagot.
"Nakakainis ka." Sambit naman niya sabay talikod sakin. Napangiti na lamang ako sa ginawa niya. Para parin talagang bata tong si Carmen. Pero kahit na ganyan masayang kasama yan. Masayang kausap. Pwera nalang kapag may tupak siya.
-
Next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top