Chapter 7
Chapter 7
Cardo
"Cardo." Naka ngiting bungad sakin ni Alyana. Ang ganda talaga ni Alyana kasing ganda at kasing bait talaga niya si Maria Clara. Napaka swerte talaga ng lalaking mapipili niya.
Kung ako yung mapipili niya napaka swerte ko sa kanya. Wala nakong mahahanap na babaeng kagaya niya na mabait, masipag mag-aral, maalaga, magalang at higit sa lahat makadiyos siyang tao. Perfect package na talaga siya. Sigurado akong, ako na yung pinaka masayang tao sa buong mundo kung siya ang magiging kasama ko hanggat na bubuhay ako sa mundo ito.
Sana nga ako yung mapili niya. "Ano bang gusto mong sabihin sakin?" Malumanay nitong tanong sa kanya. Ngumiti naman siya saka umupo sa harap ng upuan nito.
"Malapit na kasing lumabas sa ospital si Carmen kaya balak ko sanang pumunta kami ng baguio para naman marelax rin siya kahit panandalian lamang." Kwento ko sa kanya. "Ano naman yung maitutulong ko sayo?"
"Wala naman." Sagot ko sa kanya. "Gusto ko lang isama ka sa baguio. Kung oky lang sana sayo?" Nakangiting sambit ko.
Sana pumayag siyang sumama para naman makilala narin siya nina Lola Flora at Carmen. Tiyak na magugulat yung mga yon kapag nakita nila si Alyana. Saka gusto ko naring patunayan sa kanila na nagbago na ako na hindi na ako kagaya ng dati na babaero at saka maluluko ng mga babae. Nagbago nako simula nong makilala ko si Alyana.
Gusto ko rin kasing patunayan kay Alyana na wala akong ibang hangarin sa panliligaw ko sa kanya. Ang gusto ko lang naman e yung makuha ko ang kanyang matamis na oo. Balak ko nga rin na doon kona siya tatanungin sa baguio kung papayag ba siyang maging kasintahan ko.
Hinding-hindi talaga ako gagawang ng ikasisira naming dalawa ni Alyana wala akong ibang babaeng sasambahin kundi siya lamang at siya lamang ang babaeng titingalain ko.
"Titingnan ko muna. Saka kailangan ko rin magpaalam muna kina mama't papa." Sagot naman niya. "Ganon ba. Basta ipaalam mo nalang sakin kung pwede kang sumama para naman masabi ko narin kina Lola Flora.
"Ah, Cardo hindi ba yon nakakahiya sa kanila na isasama mo ako?" Nag-aalangan namang tanong niya sakin. "Nako wag kang mag-alala mababait ang mga yon lalo na sina Carmen at Lola Flora. Baka nga magkasundo pa kayong dalawa ni Carmen."
Ngumiti naman siya sakin. "Alam ko naman yon pero hindi ba talaga nakakahiyang isama mo ako sa lakad n'yo?" Mahinang sambit naman niya. "Wag kang mag-alala sigurado kapag nakasama muna silang lahat sigurado akong hindi muna mararamdaman yang nararamdaman mk ngayon.
"Sige, ikaw ang bahala." Sagot naman niya sakin. "May gusto kabang kainin?" Tanong ko sa kanya. "Ice cream. Gusto ko nga ice cream." Masiglang sagot naman niya sakin. Tumayo naman ako para bilhan siya ng ice cream na gusto niya.
Sana naman payagan si Carmen ng mga magulang niya na sumama samin sa baguio. Doon ko kasi balak na pormal siyang ipa-kilala kina Lola Flora.
Gusto kung patunayan sa kanila na seryoso talaga ako kay Alyana at sa nararamdaman ko para rito at wala rin akong balak na isama si Alyana sa mga babaeng dumaan sa buhay ko na para namang mga bula na bilag nalang nawala ng dahil narin sa pagiging maluko ko.
Para sakin iba si Alyana sa kanilang lahat para rin siyang si Carmen ang pinagkaiba lang nila iba yung nararamdaman ko para kay Carmen. Ibang-iba sa nararamdaman ko kesa kay Alyana. Hindi ko pa sa ngayon kayang pangalanan ang nararamdaman ko para kay Alyana kung pag-ibig na ngayon pero para sakin. Si Alyana yung isa sa pinaka importanting babae sa buhay ko ngayon.
-
Cardo
"Cardo pwede ba tayong mag-usap?" Tawang ni lola Flora sakin.
"Ano po 'yon?" Nagtatakang tanong ko naman kay lola. Mukhang napaka seryoso ng sasabihin niya sakin. Minsan ko lang talaga nakikitang ang ganitong side ni lola.
"Tungkol ito sa pagpunta natin sa baguio. Nakikiusap ako sayo Cardo kung sana pwede wag mong isasama sa lakad nating 'yon ang babaeng nililigawan mo!
"Po?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Bakit naman hindi pwede? Ayaw ba niyang makilala si Alyana. "Lola sinabi kona po kay Alyana napupunta tayo ng baguio at isasama ko siya don. Ayaw n'yo po ba siyang makilala. Mabait at magalang na tao po si Alyana. Saka maganda rin po siya. Kasing ganda niya yung ugali niya." Nakangiting paliwanag ko kay lola.
"Bakit ba ang hilig mong magdesiscion ng hindi mi pinag iisipan? Hindi ka man lang nagiisip bago ka sumugod?" Inis na sambit ni lola sakin. "Hindi mo man lang inisip yung sasabihin ni Carmen sa ginawa mo? Hindi mo rin inalala yung mararamdaman niya ng dahil sa ginagawa mo? Ang akala ko ba naman ay para lamang kay Carmen yung lakad nating 'yon! Selebrayos sa pagaling niya tapos ngayon sasabihin mo sa akin na isasama mo don yung babaeng nililigawan mo?
Naiiling sambit ni lola Flora. "Wala naman pong masama kung isasama ko si Alyana don. Para makilala n'yo narin siya at lalo na ni Carmen. Para malaman rin ni Carmen na seryoso talaga ako kay Alyana." Paliwanag sa lola Flora.
"Hindi ko naman sinabing hindi ka seryoso kay Alyana! Ang sa akin lamang isipin mo naman si Carmen gusto mo bang may mangyari namang masama sa kanya? Hindi mo man lang iniisip na oras na mabigla siya pwede siyang ma ospital uli ng dahil dyan sa mga mali mong disisyon." Galit pangaral sakin ng lola Flora sakin. "Hindi ako nagagalit na merob kanang siniseryoso babae, pero yung ikinagagalit ko sayo ay sana kung meron ka naman palang ibang balak sa lakad nating 'yon edi sana hindi mo na lamang sinabi kay Carmen na para sa kanya yung lakad nating 'yon kung hindi naman pala para sa kanya!" Galit na sabi ni lola sakin sabay alis sa harapan ko.
Nalilito naman ako sa sinabi sakin ni Lola Flora. Pero naiintindihan ko naman siya baka nag-aalala lang talaga siya kay Carmen. Alam ko naman kasi kung gaano nila kamahal si Carmen. Lahat naman kami rito siya lagi yung inaalala. Pero ano naman yung kinalaman ni Alyana sa karamdaman ni Carmen. Kaya ko nga isasama sa Alyana para narin sa ika-papanatag ng loob ni Carmen. Gusto kong makita niyang nagbago na ako at masaya ako kay Alyana.
"Nakikinig kaba sakin Cardo!" May diing tanong sakin ni Lola Flora. Tumango na lamang.
Ayokong suwayin si Lola Flora pero paano naman si Alyana naka pangako na ako sa tao. Ayoko rin namang mapahiya sa kanya. Kaya bahala na nga lang.
-
Next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top