Chapter 4


Chapter 4

Berna

Isang linggo na simula nong araw na dalhin namin dito si Carmen pero hanggang ngayon hindi parin siya nagigising. Sobrang nag aalala na kaming lahat sa kanya pero ang sabi naman ng doctor niya normal na daw yung vital signs niya.

Nang dalhin namin siya rito nagkaroon pala siya ng minor heart attack. Yon rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi parin siya nagigising. Ang sabi rin ng doctor niya magigising rin daw siya pero minsan daw yung utak o yung katawan mismo ng tao yung may ayaw kaya siguro hanggang ngayon hindi parin siya nagigising.

"Carmen kilan mo ba balak na bumangon dyan." Bulong ko sa kanya. Araw-araw rin siya namin kina kausap dahil makakatulong rin daw yon sa kanya para naman magising na siya pero hanggang ngayon tulog parin siya. "Alam mo bang ang tagal munang natutulog at nakahiga dyan kailangan munang gumising sasakit na yung likod mo nyan." Sabi ko sa kanya

"Alam mo ba Carmen parati kang dinadalaw nina lola Flora at ng mga kaibigan natin dito. Gusto rin nilang magising kana. Saka kailangan mo rin magising kasi naman sa dami ng taong dumadalaw sayo rito napupuno na tong kwarto mo ng mga pasalubong nila para sayo. Kaya naman gumising kana dyan para naman makain muna rin ang mga to." Kausap ko sa kanya.

"Carmen gumising kana nga kanina pa kita kinakausap pero hindi ka naman sumasagot sa mga sinasabi ko." Reklamo ko sa kanya pero tulad parin ng mga nakaraang araw wala paring kahit isang sign na magigising siya sa napakahaba niyang tulog.

__
  
Cardo  

Nandito ako ngayon sa ospital para dalawin uli si Carmen. Halos araw-araw rin akong nandito para dalawin siya at bantayan. Hanggang ngayon hindi parin siya nagigising nag aalala na ako sa kanya pero wala rin naman akong magawa. Nang araw na sinugod namin siya rito sa ospital tinawagan ko agad yung kaibigan kung si Billy na kapatid ni Carmen para ipaalam sa kanya yung nangyari. Gulat na gulat rin siya sa nangyari kay Carmen. Lahat naman talaga kami nagulat sa nangyari sa kanya dahil hindi namin akalain na mangyayari yon kay Carmen. Kilala kasi namin siya kahit may sakit pa siya sa puso masigla at magiliw siyang tao. Alam ko rin inaalagaan talaga niya ang sarili kaya nakakapagtaka rin kung bakit nangyari sa kanya to.

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung ano ba ang mga  Dahil ba yon sakin? Dahil ba yon sa paglilihim ko sa kanya? Bakit siya ng ka ganon? Nagsisisi na nga rin ako kung bakit pa ako nagsinungaling sa kanya dapat talaga sinabi kona sa kanya yung totoo. Dapat hindi kona ginawa yon baka yon pa kasi ang dahil kung bakit siya nagkaganito ngayon.
_
"Carmen si Cardo to." Hinawakan ko ang isa niyang kamay. "Carmen kilan mo ba balak gumising? Alam mo bang nag aalala na ako sayo. Bumangon kana oh!" Pakiusap ko pa sa kanya.

"Alam mo paggumising ka ngayon next week pupunta tayong lahat sa baguio ipapasyal ko kayong lahat don. Isasama natin sina lola Flora diba gusto non? Kaya gumising kana dyan para maka punta agad tayo don next week." Kwento ko sa kanya.

Balak ko talagang dahil silang lahat don kapag gumising na si Carmen. Nagtrabaho talaga ako para don. Nagtrabaho ako bilang jeepney driver tuwing umuuwi ako galing sa school para makapag ipon ako ng gagamitin namin sa pagpunta namin sa baguio.

Alam kung sasaya si Carmen sa binabalak ko para saming lahat. Kaya sana naman magising na siya. "Sana panginoon hayaan n'yo ng magising si Carmen. Pangako ko po sa inyo aalagaan, babantayan at pasasayahin ko po siya palagi. Hindi ko po siya bibigyan ng rason para hindi maging masaya. Pasasayahin ko po talaga siya. Dahil ayoko na pong mangyari sa kanya uli to. Mahal na mahal ko po yan. Kaya lahat ng kaya kung gawin gagawin ko po para sa kanya. Ayokong dumating pa yung araw na mawala siya sakin o samin. Hinding-hindi ko po hahayaang dumating yung araw na yon ng hindi niya nararanasan o natutupad ang lahat ng kanyang mga pangarap. Kaya hayaan n'yo na po siyang magising namimiss kona po siya." Taimtim kong dalangin sa maykapal.

"Sana magising kana Carmen namimiss ko na yung mga luto mo." Naka ngiting sabi ko sa kanya.

"Nako Carmen wag kana pala munang magising dahil balak kana naman palang alilain ng isang dito. Kaya matulog kana muna dyan. Wag kang maniniwala sa isang to gagawin kalang niyang alila." Sabat naman ni Berna.

"Anong alila ka dyan! Porket ba namimiss ko lang yung luto niya tingin mo aalilain ko na agad si Carmen pagising niya?" Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Bakit hindi ba? Alam na alam ko na yang style mo. Akala mo ha! Carmen matulog kalang dyan ng matulog saka kana magising kapag nagsawa na yung isang to sa kakapunta dito." Sabi pa niya.

"Manahimik kana nga lang dyan! Alam mo ang sama mong kaibigan. Imbes na ihiling mong magising na siya mas gusto mo pa talagang matulog siya ng matagal." Naiinis na sambit ko sa kanya. Imbis kasing hilingin niyang magising na si Carmen mas gusto pa talaga niyang tumagal pa ito sa pagkakacuma nito. Ang sama talaga niyang kaibigan! Dapat talaga lumayo-layo na si Carmen sa kanya

"Sino kaya satin dalawa yung masamang kaibigan!" Parinig niya sakin.

Anong naman kaya yung pinagsasabi ng isang to?  "Hindi naman masama yung paglilihim sa isang tao kung alam mong mas makakabuti yon sa kanya.

"Makakabuti? Tingin mo ba naka buti yon sa kanya?" Galit na tanong niya sakin. "Tingnan mo nga si Carmen tingin mo ba naka buti sa kanya yung ginawa mo?

Naiiling naman akong tumingin sa kanya. Now i know! Lumabas narin yung totoo kaya pala siya galit na galit sakin nitong mga nakaraan araw ay dahil ako! Ako yung sinisisi niya sa nangyari kaya Carmen. Bakit nga ba diko na isip yon.

"Nang dahil lang don ako na agad yung sinisisi mo sa nangyari kay Carmen?" Tanong ko sa kanya.

"Sino ba yung huling kausap ni Carmen bago siya inatake? Diba kayong dalawa yung huli magkausap bago siya inatake?" Galit na sambit niya sakin.

"Dahil lang kaming dalawa yung huling magkausap at magkasama kasalanan kona agad yung nangyari sa kanya?" Nagtitimping tanong ko sa kanya.

"Oo! Kasalanan mo! Kasalanan mo lahat ikaw yung dahil kung siya inatake, kung bakit siya isinugod sa ospital at kung bakit hanggang ngayon hindi parin siya nagigising." Umiiyak na sambit niya sakin.

"Porket ako yung huling kasama at kausap ako agad! Grabe ka naman Insan!! Ako talaga yung may kasalanan. Bakit yon ba ang tingin n'yo saking lahat! Na ako yung may kagagawan nito. Tingin mo ba ginusto kong may mangyari-"

"Nagaaway na naman ba kayong dalawa?"

___

Next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top