Chapter 3

Chapter 3

Carmen

"Totoo ba?" Seryosong tanong ko kay Cardo magkasama kami ngayon sa labas ng bahay ko.

Hindi ko alam kung bakit nga ba tinatanong ko pa siya ngayong alam ko na namang totoo nga yon. Pero hindi ko lang talaga matanggap. Marami na ring nakakaalam ng tungkol sa babaeng nililigawan niya kahit nga rin ako nagresearch narin kagabi ng tungkol sa babaeng yon. At ang dami kung nalaman tungkol sa kanya. Tama nga rin si Berna dahil ang ganda nga talaga ng babaeng yon. Kamukha nga talaga niya si Maria Clara.

Nang tinititigan ko siya doon ko rin na realise na ang lalayo ko pala kay Maria Clara. Masakit mangtanggapin pero walang-wala talaga ako kay Alyana. Kaya rin siguro kahit na anong gawin ko hindi talaga ako magugustuhan ni Cardo.

"Yung ano?" Tanong niya sakin. "N-na meron kang nililigawang babae at tatlong buwan muna siyang nililigawan?" Sabi ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin. Nabigla siya seguro na alam kona. "Oo! Alam kona kahapun pa. Bakit mo nga pala tinago sakin?" Inis na tanong ko sa kanya. "Bakit di mo sinabi?

"Hindi ko gustong itago sayo. Ayoko lang talagang magalit ka sakin dahil nga bukod sa nililigawan ko si Alyana. Meron din akong girlfriend dito sa atin. Alam kung magagalit talaga kayo sakin. Kaya naman naisip ko munang itago sayo. Pero balak ko naman talagang sabihin sayo, pero kapag wala na akong sabit." Naka yukong paliwanag niya.

"Gago kaba! Sempre magagalit talaga ako sayo, bakit anong tingin mo matutuwa ako sa mga pinaggagawa mo?" Tiningnan ko naman siya ng masama. Hindi talaga nag iisip ang isang to. Alam naman pala niyang magagalit ako sa kanya tapos ginawa pa talaga niya yon.

"Kaya ko nga tinago dahil alam ko talagang magagalit ka. Pero wag kanang magalit dahil seryoso na naman ako ngayon e." Paawang sambit niya sakin. "Saka nakita kona siya. Yung babaeng gusto kung pakasalang." Masayang sambit niya.

"Talaga?" Tanong ko sa kanya. "Mahal mo ba s'ya?" Seryosong tanong ko sa kanya. Kamukha ba siya ni Maria Clara? Diba nga ang sabi mo, gusto mo yung kamuha niya.

"Oo kamukha nga niya si Maria Clara! Yung mga kagaya talaga niya ang pinapangarap kung pakasalan." Naka ngiting sambit niya. "Ang ganda-ganda ni Alyana. Ang talino rin niya at saka higit sa lahat mabait siya. Kaya nga kahit ang hirap niyang ligawan nagtsatsaga talaga akong ligawan siya. Alam ko namang may gusto rin siya sakin, dahil nararamdaman ko yon.

Bakilala at nakita nga niya ang babaeng kamukha ni maria clara na pinapangarap niya simula pa nong mga grade school kami. Ngayong sa tingin niya nahanap na nga niya yung babarng para sa kanya. Paano ko naman sasabihin sa kanya na masaya ako para sa kanya kahit na alam kong para na akong hindi maka hinga dahil pinipigilan ko yung nararamdaman ko. Pati pagiyak ko pinipigilan ko narin kahit ang sakit-sakit na ng nararamdaman ko.

Bakit ko pa ba siya tinanong! Alam kona naman yung isasagot niya at masasaktan lang ako kapag sinabi niyang "Nahanap kona siya Carmen!" Kahit na alam kung masasaktan lang yung puso ko  sige parin ako. Iwan ko nga ba seguro dahil sanay nakong parating nasasaktan ng dahil kay Cardo. Nasanay na yung puso ko na parating nawawasak ng dahil sa kanya.

Siya lang naman yung makakayahang wasakin yung puso ko ng hindi niya nalalaman. Ang galing nga e, kahit parati niya akong sinasaktan nandito parin ako para sa kanya. Hindi ko parin siya iiwan kahit na anong mangyari kadi ganon ko siya kamahal. Mahal na mahal ko talaga yung lalaking to pero hindi niya alam yon.

"Carmen!" Tawag niya sakin. Tumingin naman ako sa kanya pero hindi ako sumagot. Pilit ko paring pina pakalma yung sarili ko. "Oky kalang ba?" Nag aalalang tanong niya sakin.

Tumango naman ako sa kanya saka bumuntong hininga ng napakalalim. "Oky lang ako! Sige na papasok nako sa loon. Umuwi kana rin pagabi narin naman." Utos ko naman sa kanya.

"Segurado kaba talagang oky kalang?" Tanong niya ulit sakin. Pumikit naman ako saka ngumiti sa kanya. "Oo nga sabi! Bakit ba ang kulit mo?" Kunwari naiinis na tanong ko sa kanya.

"Nag aalala na nga ako sayo tapos susungitan mo pa ako." Reklamo naman niya sakin. "Meron ka no!" Pabiro naman. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Umuwi kana kasi." Tulak ko naman sa kanya. Kailangan ko siyang itulak para maka alis na siya sa harapan ko dahil hindi kona talaga kayang pigilan yung nararamdaman ko para akong nahihilo ng dahil sa paninikip ng dibdib ko.

Pakiramdam ko ano mang oras babagsak na lamang ako sa harapan niya kaya naman tinulak ko na talaga siya ng tinulak hanggang sa tuluyan na nga siya umalis at ako naman pumasok na ko agad sa bahay para punta sa kwarto ko.

Hindi kona nga na malayang naiiyak na pala ako ng dahil sa paninikip ng dibdib ko. Hirap na hirap nakong sa huminga. Pero kasi hirap nako pinilit ko paring makarating sa kwarto ko dahil nandon yung gamot at nebulizer ko. Kailangan ko yon para bumalik sa dati yung paghinga ko.

"Carmen oky kalang ba?" Nag aalalang tanong sakin ni Berna. Hindi ko na pansing sinundan na pala niya ako dito sa  loob ng kwarto ko. "Carmen ito!" Abot naman niya sakin ng nebul ko. Kahit nararamdaman ko ng kumikirot yung dibdib ko pinipilit ko uli na pakalmahin yung sarili ko kaso tingin ko hindi kona kaya.

"H-hindi ko kayang huminga." Hirap na hirap na sambit ko sa kanya. Hindi kona alam yung nangyayari sakin para bang nauubusan na ako ng hininga. Hindi kona talaga kaya.

"Carmen.. carmen magrelax kalang. Tatawag lang ako ng tulong. Relax lang!" Rinig ko pang sambit sakin ni Berna bago ako tuluyang malunod sa kadiliman.

__

Cardo

"TULONG!!! TULUNGAN N'YO KAMI!!" Rinig kong tarantang sigaw ng pinsan kung si Bernadett. Ano kayang nangyayari.

"Tulong....." Sigaw niya uli kaya naman na patakbo agad ako sa bahay ni Carmen.

"Anong nangyayari?" Nag aalalang tanong ko naman sa kanya. "S-si Carmen hindi maka hinga dalhin natin siya sa ospital." Naiiyak sa pakiusap niya sakin. Agad naman akong pumasok sa loob ng bahay ni Catmen ng makita kong wala siya sa sala kaya agad akong tumakbo sa kwarto niya.

Nakita ko naman agad siya doon na nakahandusay sa kanyang kama. Nilapitan ko agad siya at chinek. "Carmen!" Yugyug ko naman sa kanyang balikat at ng hindi man lang gumalaw ang kanyang mga bibig at pilik mata ay agad kona siyang binuhat palabas ng kanyang bahay.

"Onyok!" Sigaw ko sa pangalan ng alalay ko. "Tumakbo ka sa labasan at kumuha ka ng Jeep dali." Utos ko naman sa kanya habang nagmamadaling lumalakad.

"Kuya idol dito!" Sinyas sakin ni Onyok agad ko namang sinakay si Carmen sa jeep. "Kuya ospital po tayo pakibilisan nalang po." Pakiusap ko naman sa driver.

Habang nasa buyahe naman kami pa puntang ospital diko naman ma iwasang mag alala ng sobra kay Carmen. Ano bang nangyayari sa kanya? Maayos naman kaming nag uusap kanina bakit kaya bigla nalang siyang inatake ngayon? Pinag-aalala talaga ako ng babaeng to. "Ano na naman bang ginawa mo Carmen? Bakit ba nagkakaganito ka ngayon? Gumising kana dyan pinag-aalala mo ako ng sobra-sobra sayo." Bulong ko naman sa kanya.

"Kuya bilisan n'yo pa po." Natataranta paring pakiusap ni Berna sa driver. "Malapit sa tayo." Sagot naman ng driver.

Nang makarating naman kami sa ospital agad kung binuhat si Carmen at dinala sa emergency room. Dinaluhan naman agad siya ng mgs nurse naroon at meron ding lumapit na doctor rito. Tinanong rin nila kami kung anong nangyari kay Carmen. Pero hindi naman ako naka sagot dahil hindi ko naman alam yung nangyari kaya hinayaan ko na lamang si Berna na makipag usap sa doctor habang yung mga nurse naman busy sa pag eksamin kay Carmen.

__

Next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top