Chapter 2
Chapter 2
Berna
"Best pwede kanang kumain." Tawag sakin ni Carmen sakin. Buti naman at umalis narin yung bakulaw na yon.
Nangigigil talaga ako don. Lalo na tuwing nakikita kung nasasaktan si Carmen ng dahil sa kanya. Bakit ba naman kasi si Cardo pa sa dinami-rami ba naman ng mga lalaki dito sa mundo yung pinsan ko pa talagang babaero. Yung napili puso niyang mahalin.
Yan tuloy parati nalang siyang nasasaktan sa tuwing nagkakaroon ng bagong girlfriend yang pinsan ko. Iwan ko nga dito kay Carmen alam na nga niyang masasaktan siya, pero sige parin siya. Idagdag pa yung magaling kung pinsan na parati nalang dinadamay tong si Carmen sa mga kabaliwan niya. Magpatulong ba naman kay Carmen para mapasagot yung nililigawan nito at itong si Carmen naman gura din kahit na alam niyang masasaktan lang siya sa huli lalo na kapag sina sagot si Cardo ng babaeng nililigawan nito.
Kaya nga hanggat maaari ayokong magkita tong si Carmen at Cardo dahil sigurado na namang masasaktan si Carmen kapag nakita nito ang pagiging babaero ni Cardo.
__
"Buti naman umuwi na yung bakulaw na yon." Komento ko habang kumukuha ng isang plano para sakin. "
"Dapat nasasanay na ako sa inyong dalawa e. Pero diko parin magawa. Parati nalang kayong nagbabangayan." Naiiling na sambit ni Carmen.
"Hindi ko naman siya tatarayan kung titino na siya. Hindi naman kasi siya ganyan dati. Nag-aral lang siya sa bayan naging ganon na siya, napaka insensitive at kababaero na niya. Yan tuloy kahit di naman niya sinasadyang saktan ka. Nasasaktan ka parin niya ng hindi niya alam." Komento ko naman.
"Wala akong masabi! Kumain kana lang at ako na yung maghuhugas ng mga plato." Sabi niya sakin. "Wag na ako na." Pigil ko sa kanya.
"S'ya nga pala Carmen aalis ako next week baka dalawang linggo rin akong mawawala kaya sana kung maaari layuan muna yang pinsan ko. Baka kasi gamitin kana naman niya. Lalona't may na balitaan ako kay lola Flora na meron na namang nililigawan yang si Cardo at segurado akong magpapatulong na naman yon sayo." Bilin ko sa kanya. Nagtatakang namang na patingin naman siya sakin.
"Ano?" Tanong niya. "Diba wala pangang one week simula nong nagbreak sila ng dati niyang girlfriend?" Puna niya. "Ang bilis naman niyang nakahanap ng pangpalit don." Mahinang sambit naman ni Carmen. Tumango naman ako sa kanya. Napaka babaero nga talaga kasi nong pinsan kung yon.
"Nagtaka kapa! Di kapa ba sanay?" Tanong ko sa kanya. "Kilala mo naman yang si Cardo diba. Di yan mabubuhay ng walang girlfriend at kapag meron naman siyang girlfriend nakakalimutan kana niya agad. Diba ang galing!" Inis na sambit ko naman.
Ang galing-galing kasi ng pinsan ko na yon. Sobrang napaka manhid! "Sino naman kaya yung kawawang babaeng yon?" Mahinang tanong sakin ni Carmen.
"Actually mukhang hindi kawawa yung babaeng yon. Kasi balita ko tatlong buwan na pala siyang nililigawan ni Cardo. Kaya tingin ko seryoso siya sa babaeng yon. Journalism yung course nong babae."
Nagtatanong na tumingin naman siya sakin. "Paano nangyari yon" Tanong niya. "Hindi ko rin alam."Sagot ko naman sa kanya.
"Paanong naging tatlong buwan?" Tanong niya uli. "E diba sa loob ng nakaraang tatlong buwan meron siyang girlfriend dito satin." Hindi mapakaling sambit ni Carmen.
"Yon na nga! Ang sabi sakin ni Tyang habang meron siyang girlfriend dito satin. Sa campus naman daw tudo ligaw yung ginagawa ni Cardo don sa babae. Balita ko pa maganda daw yung babae. Alyana yata yung pangalan non. Alyana Arevalo.
"Parati kaming magkasama sa campus paanong hindi ko nalaman yon? Baka naman fake news yan? Alam mo namang maraming fake news ngayon." Nagtatakang ngunit nalilitong sambit niya.
Oo nga naman parati silang magkasama pero paanong nangyaring walang alam si Carmen tungkol don sa babaeng yon? Kaya naman nagtataka rin ako kung paanong hindi nalaman ni Carmen na meron palang pinopormahan si Cardo sa campus nila.
"Yung alam ko hindi yon fake news dahil umamin na si Cardo kay lola Flora at ang sabi pa nga niya kapag mapasagot daw niya yung babae dadalhin daw niya sa bahay. Kaya masasabi ko talagang hindi yon fake news dahil kay lola na mismo ng galing ang balita. Saka nag-aalala na pala sayo si lola Flora.
"Pakisabi kaya lola Flora na oky lang ako, saka salamat narin." Malungkot na sambit niya. "Wag mo na ngang isipin si Cardo at yung babaeng yon. Masasaktan kalang lalo. Kaya wag kana ring magpapakita dyan kay Cardo." Bilin ko sa kanya. "Layuan mo muna siya." Sabi ko pa.
"Gusto siyang kausapin. Gusto sa kanya mismo marinig yung totoo at yung rason niya kung bakit niya tinago sakin na meron na pala siyang nililigawang babae. Gusto ko ring makita yung babaeng yon dahil kung totoo ngang seryoso sa kanya si Cardo gusto kung malaman kung ano bang meron sya at ano bang nakita ni Cardo sa kanya para magkagusto ito sa kanya." Determinadong namang sambit ni Carmen.
Matigas rin yung ulo ng isang to. Kakasabi ko nga lang na iwasan si Cardo tapos ngayon mas gusto pa niyang makakita at makausap! Pasaway rin yung isang to.
"Ano kaba naman Carmen diba nga ang sabi ko iwasan mo. Tapos ngayon mas gusto mo pa talaga siyang kausapin at pati yung babaeng yon gusto mo pa talagang makita!" Inis na sirmon ko sa kanya. Tumingin naman siya sakin na para bang nakikiusap na payagan ko siya sa gusto niyang gawin.
"Nako Carmen wag mo akong titingnan ng ganyan." Saway ko naman sa kanya. "Ano bang masama sa gusto kung gawin.?" Tanong niya sakin.
Ang tigas talaga ng ulo ng babaeng to! Nagtanong pa talaga siya. Hindi pa ba niya alam kung anong masama don sa plano niyang gawin! Sempre kapag ginawa niya yon masasaktan siya. Kapag ginawa niya yon parang siya narin yung kusang sumaksak dyan sa mahina niyang puso at baka mamaya kung ano pa ang mangyari sa kanya ng dahil dyan sa pinaplano niya. Kaya naman kahit pa anong gawin ng isang to hindi ko parin siya papayagang gawin yung gusto niyang gawin.
"Alam mo naman ang masamang kalalabasan non diba!" Paalala ko sa kanya. "Gusto ko lang namang makita saka wala namang mangyayari sakin kapag tiningnan ko yung babaeng yon e." Sabi niya.
_
"Segurado ka? Paano kung sabihin ko sayong kamukha ni Maria Clara yung babaeng yon. Na never pang nagkaboyfriend at anak ng sikat na tv anchor dito sa pilipinas. Isa rin siya sa pinaka matalinong estudente sa room nila top ranking rin siya parati at si Cardo lamang ang hinayaan niyang manligaw sa kanya." Sambit ko na ikinatahimik ni Carmen alam ko at alam din niyang ang pangarap na pakasalang babae ni Cardo. Pangarap nitong makasal sa isang maka maria clarang babae. Kaya nga ginawa rin ni Carmen ang lahat para maging isang maria clara at para ma pansin narin siya ni Cardo. Ngunit kahit ano pang gawin niya wala paring epekto iyon kay Cardo para bang bulag ito kapag kaharap niya si Carmen. Para bang hindi niya nakikita rito ang katangian ng babaeng pinapangarap niya e samantalang na kay Carmen na nga ang lahat.
Simbolo si Carmen ng isang perpektong girlfriend na never nagkaron si Cardo. Si Carmen lang ang may kakayahang gawin ang lahat para sa kanya pero hindi iyon nakikita ni Cardo. Nakikita lamang niya bilang isang matalik na kaibigan si Carmen. Hindi niya ito nakikita paraang gusto ni Carmen. Sa paraang gusto nitong makita sa kanya ni Cardo.
__
Next...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top