Chapter 1

Chapter 1

Cardo

"Carmen gumising kana dyan nandito na yung bf mo tulog ka parin." Sigaw ni Berna kay Carmen na bestfriend niya at bestfriend ko rin.

"Hoy, ikaw wag ka ngang sumigaw dyan baka mamaya magising pa yon." Saway ko naman sa kanya. S'ya nga pala pinsan ko tong si Berna pero medyo tupakin at masungit nga lang to palibhasa menopause na.

"Anong nginingiti mo dyan?" Sikmat niya sakin. "Para kang baliw!" Sabi pa niya.

"Hoy, Carmen kapag hindi kapa dyan bumangon palalayasin ko natong bf mong baliw." Katok uli nito sa pinto ng kwarto ni Carmen.

"Manahimik kana nga dyan pa bayaan munang matulog yung tao." Hila ko sa kanya pabalik ng sala. "Wag mo ng guluhin yung si Carmen, magluto kana lang kaya nakikitira ka na nga lang dito sa bahay nila e nam bubulahaw kapa." Tiningnan naman niya ako ng masama na para bang kakainin na niya ako ng buhay.

"Hoy! Ricardo Dalisay Jr. FYI! Naman sayo po. Kung titingnan natin sa ating dalawa ikaw, yung nam bubulahaw ng natutulog! Ang sarap-sarap kay ng tulog ko at ang ganda rin ng panaginip ko tapos bigla mo nalang sinira ng hinilahin mo ko patayo. Diba o saan yung manners mo don? Nakakagigil kana. Bugbugin kaya kita dyan." Sabay hampas sakin ng tru pillow.

"Aray ko ang sakit non ah." Sigaw ko sa kanya sabay sunod sa kanya pa kusina. Ang sungit talaga ng menu na to nagugutom lang naman yung tao e. Kaya nga ako nandito sa bahay ni Carmen kasi segurado akong may pagkain talaga dito. Sa bahay kasi namin wala pa hindi pa sila nagluluto dahil namalengke pa sina Lola Flora.

"Kaya ka ba pumunta dito para lumamon na naman?" Tanong niya sakin. "Oo wala pa kasi pagkain sa bahay. Wala pa sina Lola Flora." Sagot ko naman sa kanya.

"E bakit? Dala ba nina lola Flora yung pinggan saka kaldero?" Pamimilosopo niya sakin. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Ayan yang sinasabi ko pupunta kalang naman dito kapag wala kang malamon don sa bahay. Pero kapag meron na don never ka namang nagdala dito. Saka yang mga modus mo. Ang galing mo talaga dyan na uuto mo parati si Carmen. Lalo na sa mga paawa epek mo, pero sorry ka mahal kung pinsan hindi mo ako makukuha sa mga paganyan-ganyan mo no." Mahabang litanya niya sakin habang nagluluto naman siya.

Sabi niya diko siya makukuha, e wala pa nga akong ginagawa nagluluto na nga siya. Baliw rin to sabi kona nga ba. "Saka alam mo. Kapag! Kapag may kailangan kalang naman dyan kay Carmen saka magpapakita at kapag wala naman ni anino mo di namin mahagilap. Diba ang galing-galing mo!" Duro pa niya sakin ng sandok ba hawak niya.

"Hoy maka tama ka!" Saway ko naman sa kanya. "Tatamaan kana talaga sakin pero magpasalamat kana lang talaga dahil pinipigilan ako parati ni Carmen." Singhal pa niya.

"Hindi naman kasi ako ganon! Ang sama mo para makikikain lang naman ako dito ang dami mo ng sina sabi akala mo naman sayo tong bahay na to. Nakikitira kalang naman dito ah." Reklamo ko naman sa kanya.

"Aba't gagong to!" Masamang tingin niya sakin. "At least ako merong naiambag sa bahay nato. E ikaw? Diba wala nganga lang!" Tuya pa niya sakin.

"Meno kana talaga ang sungit-sungiy mo." Natatawang biro ko sa kanya. Pinaghahampas nman niya ako ng sandok tudo naman ako sa kakailag pata hindi niya ako mahampas mukhang masakit pa naman yon.

"Awat na yan." Sita samin ni Carmen na kana pasok na pala sa kusina kaso hindi naman namin napansin ng dahil sa kakasagutan naming dalawa.

"Ang iingay n'yong dalawa abot kayo don sa kwarto ko. Para kayong di magpinsang kung mag-usap kayo para kayong aso't pusa." Reklamo pa niya samin. "Ako na nga dyan." Sabi niya kay Berna sabay agaw sa sandok na hawak nito.

"Oh! Ayan ipagluto muna yang kamahalan mo." Abot niya ng sandok kay Carmen habang masamang naka tingin sakin. Nginitian ko naman siya para mainis lalo siya sakin.

"Bakulaw!" Singhal pa niya sakin. "Diba sabi ko tama na yan. Magkakapikonan na naman kayong dalawa nyan." Saway ni Carmen sa kanya.

"Alam mo kasi Carmen meno natong si pinsan kaya ang sungit niya, tingnan mo ba ang sama ng tingin niya sakin." Pang aasar ko pa lalo kay Berna. "Saka kahit papano naman na iintindihan ko naman yang ugali niya meno na kasi." Naka ngising pang sambit ko na mas lalong pang kina inis nitong pinsang ko baliw.

"Kung meno naman ako, ikaw naman isang bakulaw na kasing manhid ng mga bato at siminto." Inis na turan niya sakin.

"So inaamin muna ngang meno kana? Menopause." Asar ko pa sa kanya.

"Cardo tama na nga yan kumain nalang tayo." Biglang singit ni Carmen bangayan naming dalawa.

"Buti pa nga kesa man makipag usap ako sa isang meno." Sabi ko pa. " Mamaya nalang ako kakain nakaka walang ganang kumain kapag may bakulaw sa paligid." Parinig nito sa kanya sabay walkout.

"Hoy! Cardo wag mo ngang tinatawag na menopause yung pinsan mo." Saway sakin ni Carmen. "Parati mo nalang yon inaasar." Puna pa niya. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Nakakaaliw kaya siyang makitang asar na asar." Sagot ko naman kay Carmen. "Ang sarap nitong niluto mo." Nakangiting bati ko sa niluto niya.

"Gusto ko sanang magpasalamat sa sinabi mo pero alam ko namang inuuto mo lang ako, itlog at saka hotdog lang naman na may kasamang sinangag yung niluto ko kaya di mo ako mauuto mister!" Sansala niya sakin.

"Bakit ba ayaw mong maniwala sa sinabi ko ha? Totoo namang masarap tong niluto mo ah." Tanong ko sa kanya habang tinititigan ko siya.

"Pwede ba Cardo wag mo akong tinititigan ng ganyan." Saway niya sakin. "Ano naman masama kong titigan kita? Saka nagtatanong lang naman ako sayo ah." Sabi ko naman sa kanya.

"Kumain kana lang dyan at bilisan muna dahil sa pagkakatanda ko may pasok kapa sa school." Paalala naman niya sa akin. Kaya naman bigla akong napatingin sa orasan nila at laking gulat ko ng makita kong 45 minutes nalang yung natitirang oras para sakin. Hindi pa naman ako nakakaligo pa. Napamura tuloy ako sa utak ko.

"Late nako kailangan ko ng umalis maraming salamat sa agahan." Sabi ko sa kanya sabay tayo.

"Sige na umalis kana ako ng bahala dito." Naka ngiting sambit niya sakin.

"Salamat talaga, Carmen." Sigaw ko sa kanya ng nasa pinto na ako ng bahay nila.

___

Next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top