Iba ang pelikula sa totoong buhay.

Wala ako sa pelikula.

Papunta sa sinehan, oo. After two years, ngayon na lang ulit ako nakalabas. Pinapatawad ko na ba ang parents ko sa sobrang paranoid nila? Medyo. Ayaw nga naman naming pumanaw nang maaga dahil sa virus. Sige, pwedeng nagpapasalamat na rin, dahil kung hindi sa obsessive worry nila, hindi ko makikilala si Dan.

Ganito siguro kapag ang tagal nang hindi nakakita ng totoong tao. Ang dali na ngang magka-crush, tumatapang din-nagiging walangya; gustong pakawalan ang mga nakulong na damdamin.

He's basically everything. When I laid my eyes on him as he opened his camera during our advertising class, ang nasabi ko na lang, "ang charming!" Given na 'yong gwapo, but he's really more than that. Dean's lister, singer-songwriter, insightful, at charismatic. Nasa kanya rin ang deadly combo: mysterious intellectual. Favorite ko kapag ipinapaliwanag niya ang sarili. Sa galing niyang sumagot, parang binabasahan niya ako ng magic spell to mesmerize, tipong mapapa-oo niya ako.

Tapos mayaman pa siya.

Langit talaga siya, lupa ako.

Dahil lumagpas ako ng baba, nadaanan ko ang Jackman Plaza papunta sa mga kaklase ko sa SM Grand Central. Ako na lang daw pati sina Dan, Eri, at Mari ang hinihintay para sabay-sabay kaming makabili ng snacks sa supermarket. Kilala sa pangmalakasang tugtog dahil sa naglalakihang mga speaker, hindi nakatulong 'yong katamtamang hagod ng She Moves ni Sezairi sa nararamdaman kong nerves. Dose kaming magre-renta ng sinehan (na kalahati ng bayad ay ambag ni Dan) pero huminto muna ako dito sa LRT Mall at nagsabi sa GC namin na matatagalan ako nang konti dahil may kausap lang ako sa phone saglit.

Ang totoo, nakipagchikahan lang muna ako.

MGA BEH

Mikay
Ano mars kamusta ka jan bahsha

Maya
gusto ko na umatras!!!

Mikay
Kaya mo yan ikaw pa baaaa

Shaira
Ay bakit beh?

Manonood lang naman kayo huh

Sabagay iba pinunta mo dyan ee
😆 2

Maya
HAHAHAJAJAAHAHA GAGA KA SHAI

Shaira
Sabihan mo agad i love you beh

Maya
hahahahahaha hoy wag naman!

ganto lang: "beh, bat mo sinabing pampaganda ako ng umaga?"
😋😆 2

Shaira
HHAHSHSHSHSHAHSHSHSSH

Gusto ko yung ganan katapang

Maya
ayoko na, mga beh. hindi pa naman siya
nadating. pwede pa akong umuwi.
🥶 1

Mikay
Wag ilaban mo mars?

*!

Sabi nga nila kung ako una nagkacrush dyan tas inagaw mo sakin ngayon ka pa ba bibitaw???
🥵😆 2

Maya
HAJSJAHAJAAKAJAHAJAKAKAJAKAJA SOBRANG LAPTRIP KA MIKAY HUHU
😆 1

Shaira
Ahahahshajajaahahahaha tamah

Maya
okay...

let's do diz!
😋👍🏼 2

Huminga ako nang malalim.

Nang tuluyan akong makarating sa loob ng Grand Central, marami na silang nandoon sa bungad ng supermarket kasama si Dan. Sobrang tangkad pala niya sa personal!

Hoy, kaya mo 'to, Maya!

Tandaan mong crush mo lang siya. Kung meron man siyang girlfriend man, so what? Hindi ka naman mang-aagaw. In fact, you know your boundaries. Mas gusto mo pang maghintay kaysa sumugod. Kahit hindi mo ipagpapalit si Lord over sa sinasabi ng astrology, may konting grain of truth naman 'yong sinasabi ng Aquarius Rising mo.

You hold enough space for yourself.

Syempre, space din kay Dan.

"Oh, ayan na si Maya," sabi niya sa lahat.

"Hello."

"Bakit ang hinhin?"

Tawanan sila.

Akala yata ni Dan, na-off ako sa comment niya dahil cute siyang napangiti, alanganin. Gusto kong sabihing, "Beh, ano ba, okay lang! Akala ko nga di mo ko papansinin!" Pero napayuko lang ako, lost for words.

Nyeta. Ganito pala 'yon.

Ayokong i-theologize ang pagkatao ko ngayon, pero si Dan 'yong una-well, pangalawa, kung isasama 'yong dati kong internet crush-kong hinangaan na hindi ko nire-repress ang kabaklaan ko. I wrestled with the complexity of my queerness and my Lord Jesus during the whole pandemic. After two years, eto na 'yon. . .malaya. Hopeless romantic pa rin, sa straight pa rin may crush, pero wala na ang burden na magpigil.

It was liberating.

That I had freedom to behold, to admire, to take delight in someone without the overwhelming desire for exclusivity, si Lord lang talaga ang pasasalamatan ko.

Sabay-sabay kaming pumunta sa mga aisle nina Revi, Mari, Ahon, Eli, Grace, saka 'yong apat pang hindi ko pa nakakausap sa amin. Halos hindi na nga kami magkasya dahil wala talagang humihiwalay. Samahan mo pang nagbabatuhan ng mga punchline na lagi naming ginagawa kahit sa group chat pa lang. Katabi ko si Eri, isa sa mga naka-close ko sa original block nila dahil returnee lang naman ako gawa ng paghinto ko ng isang academic year.

No'ng nasa chillers na kami, naghiwa-hiwalay kami nang konti dahil iba-iba ang gustong inumin.

"Uy, soy milk."

Si Dan.

Nagtutulak ng cart.

Pinakiramdaman ko ang lamig ng bote. Sinipat-sipat ko pa kung itong chocolate flavor na ba ang gusto kong bilhin. "Ikaw rin?"

"Nope. Umiinom lang ako niyan for protein." Ang swabe ng boses niya. Para siyang nakanta kahit simpleng nagsasalita lang.

"Halata nga. Ganda ng physique mo, halatang nagwo-workout." Ulo hanggang paa, tiningnan ko siya. Contrary to my expectation, hindi siya nailang. Mukhang hinintay niya pa nga ang sasabihin ko. "Kahit saang bagay, masipag ka, 'no? Tao ka pa ba?"

He snickers. I love how he remains an embodied mystery. Ipinamulsa niya ang isang kamay. "Ikaw, witty ka pa rin."

"Alam niyo 'yan."

Nakarinig kami ng tawanan. Tumingin kami doon kaya nakaisa ulit ako ng silip sa kanya. Siya na yata ang pinakamatinong lalaking natipuhan ko. Ngayon pang wala nang screen na nakaharang sa amin, nagtataka pa rin ako kung totoo pa ba siya. "Tara?" He motions his head towards our friends.

"Una ka, susun-dan kita."

Napaisip siya-ta's natawa agad.

Ewan ko kung may clue na siyang crush ko siya. Transparent kasi ako, maraming nagsasabi. Kahit tinatago ko naman, hindi ko alam what gives me away. Or baka deep down, gusto ko pa ring malayang makapagpahayag, kahit paulit-ulit silang nagkakamali ng intindi.

Hindi na siya ulit lumapit sa 'kin kahit no'ng nasa theater kami. Tumabi siya kina Eri at Mari, since sila talaga ang magkakasama. He was engaging with the whole group. Kung siya 'yong tatahi-tahimik sa online classes, at ako 'tong bibida-bida, nag-reverse ang roles namin ngayong gabi. It was refreshing to behold how he sways people effortlessly. Wala siyang kailangang pwersa. Parang laging willing makinig ang tao sa kanya.

Kahit tumitig lang.

We enjoyed the Spiderman: No Way Home with his jokes. Since kami lang dose sa sinehan, tumayo-tayo pa kami, nagkulitan. Sinabayan niya 'yong eksena ni Dr. Octavius at ang linyang: "You're not Peter Parker. . ."

Imbis na magpatuloy sa panonood, nagpatugtog si Eli ng Pelikula ni Arthur Nery. Doon na sila nagsimulang magsayawan. Si Revi ang unang umaya sa 'kin. No'ng paikot niya akong binitiwan, against the backdrop of Earth's doom and Peter Parker's heroism, lumapit sa 'kin si Dan at inilahad ang kamay niya.

Isayaw mo ako sinta
Ibubulong ko ang musika
Indak ng puso'y magiging isa

"Takbo ng mundo'y magpapahinga. . ."

Tinanggap ko ang kamay niya.

Wala namang malisya, beh.

"Medyo hindi tugma sa gumuguhong mundo," ang sinabi ko sa kanya sa pagkanta niya ng lyrics.

He chuckles. "You're a fan of Marvel?"

"2018," simple kong sagot.

"Nice. Sa time ako ng Captain America: Civil War." Walang OA na reaksyon no'ng marahan niya akong hilahin palapit. May kaba, pero unti-unting umiimpis. May pagbabago sa nararamdaman sa bawat segundong lumilipas. "I heard gusto mo lang makalabas kaya sumama ka tonight."

Nanliit ang mga mata ko.

"Two years 'ka mo. Nabanggit mo sa klase."

Napangiti ako. "Naks, nakikinig."

"Meh. Kapag Advertising lang."

Wala sa aming lumihis ng tingin. Habang nagtatawanan na naman 'yong iba naming kasama, he continues to hum the song, like he's singing it to me.

I remember attending his virtual gig last month. Kinailangan kong pakinggan lahat ng singers mula umpisa hanggang literal na dulo dahil hindi ko alam na siya ang hinuli sa listahan. But I wholeheartedly enjoyed it, for he was worthy of my enduring patience.

Of course, I had to say na nanood ako para i-congrats siya, and his thank you thank you thank you was the simple reciprocity I treasured in my heart.

"Dan. . ."

"Hmm?"

Sabi ko nga, gusto ko lang namang manggaling sa kanya. Kaya pagtapos kong bumuga ng nanginginig na hangin, itinanong kong, "Bakit mo sinabing pampaganda ako ng umaga?"

Natapos ang kanta, tapos ang tawanan, kalauna'y ang buong pelikula.

Wala akong nakuhang sagot maliban sa mahina niyang tawa.

Naging masaya naman kaming lahat sa panandaliang pangako ng normal. Sabay-sabay sa pag-uwi 'yong mga magkakaparehas ng city. Sa Malabon yata sina Mari at Eri, pero may sundo sila, so ako na lang talaga ang inalok ni Dan na ihatid sa Morning Breeze.

"Ang lapit ko lang," tanggi ko.

Pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto. "Sabay na. Pagalitan ka pa ng Mama mo."

"Grrr, okay."

Two years sa bahay. Akalain mo 'yon?

Nakatira ako rito sa Caloocan pero ngayon ko na lang ulit nakita ang Monumento ni Bonifacio; 'yong Araneta Square, SM Hypermarket, at combination ng McDo at Yellow Cab sa magkabilang gilid ng dating palengke; pati 'yong gumandang footbridge dahil nilagyan na ng bubong. At meron na ring bagong facility ang MCU Hospital.

Ang daming nagbago.

Natawa pa tuloy sa 'kin si Dan habang cool na cool na nagmamaneho dahil may mga mahinang "oooh!" at "grabeeee!" ako habang naglilibot ng tingin.

"May lisensya ka na pala?" tuloy ang naitanong ko sa kanya.

"Yep."

"Burgis," tukso ko.

Mahinang tawa ulit.

Wala pang sampung minuto, nakarating na kami sa kanto ng subdivision namin. Huminto kami sa tapat ng bakery, sa gitna ng barbeque-han at ng barber shop. Maliwanag sa labas, madilim dito sa kotse. May pulso ng init sa bawat bigkas ni Adie ng Paraluman, pero binabalot ng lamig ng kinundisyong hangin. Nasa loob kaya may gustong kumawala. Sa ingay sa paglabas. . .may pabulong na hiling ng pananatili sa loob.

Wala ako sa pelikula.

But I still planted a kiss on his cheek.

"Thank you, Dan."

Tumitig lang siya.

Tuluyan na akong lumabas, payapa ang puso at buong katawan. Bago ko pa siya hintayin, nagkusa na siyang ibaba ang bintana. Nginitian niya ako. "Because you are."

Ano daw?

Another chuckle, preserving his embodied mystery. "You make mornings good, Jeremiah. Masaya kaming maging kaklase ka."

Iba ang totoong buhay sa pelikula.

Totoong tao si Dan.

Hindi pa ako handang palalain ang lahat dahil hindi ko pa rin tuluyang batid ang taglay niyang katangian. That I had freedom to behold, to admire, to take delight in him without the overwhelming desire for exclusivity, sobrang sapat na 'yon. Kung lumago't lumalim man, o tuluyang mawala ang musika sa pagitan, araw-araw ko siyang kakabisaduhin sa naging pribilehiyo ng malapitan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top