Prologue
LOCATION: MOZAMBIQUE_
----------
Sa loob ng isang mansyon, makikita na nakaupo sa tabi ng kama sa marangyang silid ang isang babae na may dark ash blonde na buhok na naka-high ponytail. She sat with poise, her back was arched in a beautiful curve, stomach pressed in and her ass popped out on the way she sat. Her legs were crossed as the rays of sunset light from the balcony reached her light olive skin. She wore a white tube dress that matched her white high heels studded with small diamond-like stones. Habang nasa ganoong position, dahan-dahan niyang ini-swipe ang hawak na pulang lipstick sa kanyang mga labi.
"At eight in the evening, we will be flying to Mponeng gold mine to collect the gold bars--" she murmured in a low, discreet voice, "--that will be used to be filled-in by illegal cocaine before being shipped to Russia. Estimate shipping arrival--" she paused, her eyes stared at the balcony and watched the dancing of the thin white curtain with the summer breeze, "--two to five weeks."
Upon hearing the clicking of the door, she remained frozen in her seat. Hiniwalay na niya ang lipstick sa kanyang labi at inikot na iyon pasara. Sa pag-ikot niya sa lipstick pababa, nadi-disconnect din niyon ang naka-install na transmitter ng kanyang voice record na nakakarating sa kasama niya na ilang kilometro lang ang layo ng pinagtataguan na siyang nago-operate din ng receiver device.
She placed the cap back on top of the lipstick and stood up slowly with grace. Nilingon niya ang narinig na pumasok sa silid. Ito ay ang asawa ni Shakil Faizal-- ang drug lord na nakabase sa Mozambique na siyang ine-espiyahan niya ngayon. Yassira, Shakil's wife, slowly stepped in. Her red shoes clicked against the marble-floor of her room in that mansion. She was one of those women who possessed a black beauty. Her skin was dark but that did not conceal her beauty. She wore big gold earrings and a white off-shoulder dress. Puno ng mga singsing ang kanan nitong kamay at taas-noong hinarap siya.
"Hello, Russian," buka ng mapupula nitong mga labi habang pinagtataasan siya ng kilay.
Nanatiling seryoso ang kanyang mukha. "Yes, Yassira?"
"Shakil left for a while," kislap ng mga mata nito, nagbabanta ng panganib. "He needs to be hands-on with the preparations for your trip to Mponeng."
"That's nice," titig lang niya rito, walang kasigla-sigla sa kanyang mga mata. "Is that all, Yassira?"
"Not all," taas ng sulok ng labi nito sabay pasok ng mga tauhan ni Shakil na nakatutok na ang mga baril sa kanya. "You think flirting with my husband will do you good, huh?"
Nginisihan lang din niya ito. That was close. She thought that these fools already blew her cover. Personal pala ang dahilan ng babae kaya mukhang mapapasabak siya sa labanan.
She uncapped her lipstick, rolled it out and swiped some on her upper lip.
"Get rid of me then, Yassira. After all--" she bit her lower lip, "--my mission is already done anyway. I would need a jet ski out of here. Or a motor boat. Whichever is faster."
I am just looking for an alibi on how I can instantly leave this place. I'm so glad you'll be helping me escape your husband and his men. I hope Feliks is still in front of the receiver and hears everything I say.
Siya si Asja, isang Russian spy. Ang misyon niya ay kumalap ng sapat na impormasyon at ebidensya kung saan nagmumula ang nadiskubreng mga ilegal na droga na nako-conceal sa loob ng mga bara ng ginto na nata-transport sa Russia. Matagumpay niyang napasok ang grupo ng mga kasabwat ni Shakil na mga Ruso-- ang grupo na tumatanggap ng mga in-import na bara ng ginto mula sa Mozambique at naga-unpack ng mga droga na nakapaloob sa bawat bara.
Asja came too far for this mission. After gaining the trust of the Russian accomplice, she managed to convince them to allow her to represent the group in visiting Shakil in Mozambique. Kinailangan lang niya na bumisita roon para siguraduhin na tunay na mga bara ng ginto mula sa Mponeng nga ang pinapadala sa kanila. Those Russians were newbie criminals anyway and too afraid to be caught, a reason why they were unable to find an addition to the group who can identify a real gold. Samantala, bihasa na si Shakil at ilang taon na ring namamahala sa ilegal nitong negosyo. Sa kanyang pamamalagi sa Mozambique, nagawan niya ng paraan na maakit si Shakil-- charming men were, after all, one of her special talents. Naging matabil si Shakil sa kanya. At nagkunwari siya na interesado sa mga plano nito at ibibigay ng grupong kasabwat nito sa Russia ang buo nitong suporta.
Of course, flirting with Shakil caused Yassira's jealousy.
Oh, the woman was so pathetic. How could she fall madly in love with a heartless criminal like Shakil?
Sinuksok niya ang tube ng lipstick sa pagitan ng kanyang malulusog na mga dibdib bago sumulyap ng paitaas kay Yassira. Her eyes were fierce and looked bolder because of her perfect cat-eyeliner.
"Speechless? I got your husband speechless too, everytime I put something between my breasts," pang-iinis niya.
"Seize her!" nagpupuyos sa galit na utos nito sa mga tauhan.
Nagsimula nang magpaputok ng baril ang mga ito na mabilis niyang naiwasan sa pamamagitan ng pagtakbo patungo sa pinakamalapit na mesa at dumulas pailalim roon. Dahil may mahaba iyong mantel, tagong-tago siya at hindi napapansin ng mga ito na hinahawakan niya ang mga paa ng mesa. Inusog niya ang sariling mga paa nang umabot ang mga bala ng baril doon at tumayo para ibalibag sa mga ito ang mesa.
Sinamantala niya ang pag-atras ng mga ito at pagsalag sa binato niyang mesa para takbuhin ang balkonahe. Tinalon niya ang kurtinang puti para hugutin iyon at sa kanyang pagsampa sa marmol na balkonahe, mabilis niyang hinawakan sa magkabilang dulo ang kurtina bago tumalon papunta sa katapat na swimming pool niyon. The white curtain served as her parachute as she made her landing. Yassira's men appeared on the balcony and shot their guns. Napabitaw tuloy siya mula sa kurtina nang wala sa oras at bumulusok sa tubig.
She opened her eyes underwater and watched some of the bullets pierce the water, yet did not reach her.
Galit na sumulip si Yassira sa balkonahe at inagaw ang baril ng tauhan nito bago nagratrat patutok sa pool hanggang sa mag-click na lang ito. Walang nakitang dugo si Yassira na kumalat sa tubig kaya galit na hinarap ng babae ang mga kasamahan.
"Ano pa ang ginagawa ninyo?" wika nito sa kanilang native na wika. "Bumaba kayo roon at hulihin niyo siya!"
At initsa ng babae sa isa sa mga ito ang baril na wala nang bala bago sila kumaripas ng takbo. Sumulyap pa si Yassira sa kanya at nakita ang pag-ahon niya sa pool kaya nanggigigil na sumunod na ito sa mga tauhan sa pagbaba para habulin siya.
Asja breathed in as she rose from the water. Sa paglitaw niya, tapos na rin ang paghuhubad niya sa suot na high heels. Then she swam toward the edge of the pool as quickly as she could. Nang makaahon na ay initsa niya sa baba ang sapatos at habang sinusuot iyon ay hinuhubad na niya ang suot na tube dress. Mahirap kasi gumalaw ng suot iyon lalo na at hapit ng tela ng damit ang kanyang katawan. Tumambad ang magandang hubog ng kanyang katawan na tanging puting strapless bra at panties lang ang suot.
Then she turned around and upon seeing Yassira's men getting out of the mansion, she immediately made a run for it. Yes. She ran wearing those high heels. Asja was already used to that.
Narating niya ang mabuhanging beach sa tapat ng pribadong mansyon ni Shakil at kahit puno ng kaseryosohan ang kanyang mukha, sa loob-loob ni Asja ay masaya siya dahil narinig ni Feliks ang mga sinabi niya nung naglipstick sa harapan ni Yassira. Isang jet ski na ang nag-aabang sa kanya. She began wondering where Feliks was. Ang jet ski lang kasi ang kanyang nakita na nasa tubig.
Hinahabol na siya ng bala kaya walang anu-anong sumampa siya sa jet ski. Nakasalpak na roon ang susi na kanyang pinaikot para mapaandar iyon.
Nakalayo-layo na siya nang matunton ng mga tauhan ni Yassira ang dalampasigan at pinaulanan siya ng bala.
But it was too late, she was already too far. Napailing na lang siya at tumaas ang sulok ng kanyang labi.
Mission accomplished!
Asja was wearing her black elastic cat suit when she appeared in Gregori's office. Si Gregori ang kasalukuyang namamahala sa GRU o Main Intelligence Agency of the General Staff of the Armed Forces of Russian Federation. Si Asja ay isang espiya sa ilalim ng GRU pero ang misyon niya sa Mozambique ay nakapailalim sa isa sa mga operasyon ng SVR RF o Foreign Intelligence Service of the Russian Federation. May mga pagkakataon kasi na nakikipagtulungan ang GRU sa SVR RF pagdating sa mga delikadong misyon. The mission in Mozambique had been GRU's concern too because of the rumors that the shipped drugs inside the gold bars were also being concealed by being put inside bullets sold to some notorious military personnels. Along Asja's spying, she proved the rumors wrong.
Seryoso ang nakarehistrong emosyon sa kanyang mukha habang nakalugay ang buhok na hinarap ang ginoo. She flipped her hair on her back, exposing the chest part of her suit zippered low enough for her distracting cleavage to be seen.
Her red lips parted to greet him. "Good morning."
"Good morning," seryoso lang na tugon ng lalaking nakaupo sa swivel chair nito. "I would like to congratulate you first for the mission in Mozambique. It is going to be coordinated with the Mozambique government, evidences will be presented in order for Russia to get their full cooperation in eradicating Shakil's drug organization."
"I would appreciate an update for the results," aniya. "Alam mo naman ako--" wika na niya sa salitang Russian, "--gusto ko na sigurado at pulido ang magiging resulta ng bawat misyon ko."
"Kahit ako naman ganoon din, Asja."
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Iyon lang ba ang dahilan kaya pinatawag mo ako rito?"
Gregori let out a sigh. Bakas ang stress sa nangungulubot na nitong mukha. Sumulyap ito sa nakasarang blinds ng bintana sa opisina nito bago binalik ang tingin sa kanya. Dahil sa blinds kaya medyo madilim din ang silid.
"Asja," napabuntong-hininga muli ang lalaki. "May hihingiin sana ako'ng pabor sa iyo. Isa itong confidential at lihim na operation. Sa loob lang ito ng GRU at walang alam ang gobyerno ukol dito."
Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Iba ang pabor sa misyon, Sir."
"Oo, tama ka, dahil bilang direktor ng GRU, humihingi ako ng pabor sa iyo na hanapin si Sloven Markov."
Nilihim niya ang pag-ahon ng emosyon mula sa kanyang dibdib nang marinig ang pangalan ng lalaki. Kilala niya si Sloven Markov, lahat ng rookie sa GRU ay kilala ang lalaki. Isa ito sa mga pinagmamayabang noon ng GRU na pinakamagaling sa mga espiya nito. Pero noon iyon. Ngayon, nasa Wanted List na ng gobyerno at militar ng Russia ang lalaki. Isang kalapastanganan ang ginawa nito sa dating heneral ng Russian Army at isang kataksilan ang pagtatangka nito na nakawin ang memory card na naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon ng militar. Bukod doon, ginamit nitong hostage ang isang babae na malapit sa German officer na naatasan na hanapin at pangalagaan ang memory card na naglalaman ng RSF o Russian Secret Files.
"Bakit? Open case na naman ba ang kaso niya, Sir?"
"Nabaon na iyon sa limot," anito at napatayo na. Sumilip ito sa bintana, binaba ng isang daliri ang blinds bago nagpatuloy. "Tatlong taon na ang nakakalipas at magmula noon, nagtago na si Sloven at hindi na nagpakita pa. May mga napalitan na sa serbisyo at masyado nang marami ang naganap sa Russia. Alam mo naman na hindi na nag-aabala pa ang gobyerno na halungkatin ang isang kaso hangga't walang gulo at payapa rito."
"Pakideretso nga ako, Sir, bakit mo pinapahanap sa akin si Sloven Markov?"
"Kailangan ko siyang makausap," mahina nitong wika. "Baka sakaling matulungan ko siya na mababaan ang sentensya."
"And why would you do that?" she hissed.
"You see," lingon nito sa kanya, "GRU is not in the good position today. The government is starting to see us as useless."
"I just accomplished my mission in Mozambique, Sir," she gritted. "How come we are useless?"
"That's just a soft mission, Asja, a mission that fits for a woman. Honestly, what we really need here in GRU are aggressive and competitive men like Sloven Markov."
She let out a scoff and crossed her arms. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Ang babae ay babae para sa mga Ruso, ang lalaki ay lalaki. May lugar para sa mga babae at may lugar para sa mga lalaki. At hindi nakikita nila Gregori ang kanyang potensyal dahil isa siyang babae.
And men like Gregori could be really irrational with their reasonings.
Hindi naman lahat ng Ruso ganoon, pero sa GRU, lahat yata sila ganoon ang pananaw-- masyadong tradisyunal.
Isa pa, kung matutunton man niya si Sloven Markov, isa lang ang gagawin niya sa lalaking iyon.
Ang siguraduhin na kamatayan ang kahihinatnan nito. Traitors like him deserved that. Hindi naman kasi sa performance ng GRU ang nakikita niyang dahilan kaya walang kwenta na ang tingin sa kanila. Iyon ay dahil sa imaheng iniwan ni Sloven sa gobyerno at sa army. Sloven was that stain that made GRU dirty in the eyes of the public. Iba na ang tingin ng mga tao sa GRU dahil sa Sloven na iyon. Kahit sila na tapat na naglilingkod sa bayan ay nadadamay at pinag-iisipan na ng masama nang dahil sa ginawang krimen ng lalaking iyon.
Then an idea came to her mind. Iniwasan niyang ipahalata kay Gregori kaya yumuko na lang siya at tumango.
"Fine, I will find Sloven, Sir."
Tumayo na siya at nang nakapagpaalamanan na sila ni Gregori ay lumabas siya na suot ang isang nang-uuyam na ngisi sa kanyang mga labi.
I will find Sloven Markov alright. Ibabalik ko siya rito sa Russia. At hindi ko siya idederetso sa GRU, ipepresenta ko siya sa mismong Russian Army at sa korte para siguradong kamatayan na ang matatanggap niyang sentensya.
Her black high heels clicked against the tiled floor of that cold, gloomy and quiet hallway. Just like how she walked, Asja was willing to take things slowly and walk through her mission with grace.
------
AN
Peak will start this 25th of May 2018. Stay tuned!
Love,
ANA xoxo
** NOTE: I detailed the part about Asja working in GRU and added that her mission for Mozambique was under SVR RF because of the new infos I collected from my research. This may be confusing, so... here's a little guide:
GRU is mainly for Russia's military operations (military and political intelligence)
SVR RF is mainly for Russia's foreign and civil affairs, it is formerly known as KGB. (external/foreign and civilian intelligence)
Both are Russian Intelligence organizations. Both also do espionage, with different focus though (one for military, one for civilian affairs) but both tend to work side by side anyways.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top