Epilogue
WHITE NIGHTS
----------------------------------------------------
Two Years Later...
Nakatayo sila Sloven, Asja at Boris sa tulay ng Saint Petersburg. Maliwanag ang langit na para bang alas-singko lang ng madaling araw kahit ang totoo ay alas-dose pa lamang ng madaling araw.
Maingay ang paligid, naghalo ang mga turista at lokal na Ruso dahil sa selebrasyon ng White Nights Festival. Tuwing buwan ng Hunyo, dumaranas ang Saint Petersburg ng ganitong penomena kung saan buong araw at gabi na hindi lumulubog ang araw kaya nagmimistulang bente-kwatro oras na maliwanag ang paligid na tila ba hindi ito dumaranas ng pag gabi.
Sa kanilang kinatatayuan ngayon, napapanood nila ang Scarlet Sail-- barko na may pulang mga sail na nagpapaikot-ikot sa habang patuloy ang water at fireworks show. Kinulayan niyon ng matingkad na pula at dilaw at ginto ang kalangitan. Masayang nakatingala ang mga tao roon habang sumasakop sa paligid ang malapang-opera na mga awitin at tugtugin na sinabayan ng manghang pagsigaw ng mga tao habang pinapanood ang mga fireworks.
Saglit na pinanood iyon ni Sloven bago nilipat ang mga mata sa kanyang akbay-akbay na si Asja. Nakanganga ang kanyang asawa na nakangiti habang parang bata na nakatitig sa fireworks. Nang sumabog ang kulay ng isa pa sa kalangitan ay napapiksi ito.
"Oh! Look!" turo nito sa fireworks sa dalawang taong gulang na nilang anak na si Siberia, na may platinum blonde na buhok, asul na mga mata at nakanguso habang nanlalaki ang mga mata na sinundan ng tingin ang fireworks.
"Wow! Ang ganda!" tuwang-tuwa na lingon ni Asja sa kanilang anak na buhat nito na nakasuot ng cute na pink na dress.
He smiled automatically upon seeing her smile. Asja always did that, make him smile when she smiles; and she could make him cry too when her eyes were teary. Nilipat niya ang tingin kay Boris na masayang nakangiti lang habang tahimik na pinapanood ang fireworks nang nakayakap ang mga braso sa sarili. Hindi na nila kasama si Bruno dahil bumalik na ito sa asawa nito sa Pulau Sapi. At napunta ang paningin ni Sloven sa tabi ni Boris.
It was as if he could hear a tender voice singing I'll Be Seeing You when his eyes rested on an innocent girl's face.
Na-imagine niya na nasa tabi ni Boris si Anya, nakatingala rin at manghang-mangha ang mga mata habang pinapanood ang Scarlet Sails at ang fireworks show. Muli niyang naalala ang sabi nito noong, niyaya siya nito na manood ng ganitong event sa White Nights Festival-- kinuwento nito ang istory sa likod ng Scarlet Sails at humiling na sana ay may prinsipe na magligtas din daw sa kanya para hindi na puro sopas ang kinakain nila.
His eyes moistened, still imagining Anya standing beside Boris-- pale, platinum-blonde-haired and wearing a wide smile, eyes were happily watching the fireworks show while clapping her hands. She loved fireworks shows, it always made her innocent heart awed at the sight of the glittering lights before they fade from the sky and fall like shooting stars. Anya clapped her hands and released a merry laugh, then stole a glance on his way. She pointed at the sky and he followed it.
Only to see a shooting star pass behind the fireworks.
Nung binalik na niya ang mga mata kay Anya ay wala na ito.
And for the first time, Sloven finally felt light, and smiled at the memory of her.
Binalik na niya ang atensyon kay Asja at sa anak bago niyakap ang mga ito sa kanyang bisig. He placed a head against Asja's and continued watching the fireworks color up the sky.
Pagsapit ng ala-una ng madaling araw ay natapos na ang selebrasyon. Nagsipag-alisan na ang lahat at pinasya ni Boris na mauna nang umuwi sa bahay nila Sloven sa Saint Petersburg dala-dala ang nakatulog nang si Siberia. Kaya naman nag-iwan si Asja ng halik sa kanyang anak bago ito pinaubaya kay Boris bago naglakad-lakad, namasyal na kahawak-kamay ang kanyang asawa.
Mula nang matanggap si Sloven sa isang military school sa Saint Petersburg bilang isang guro ay doon na sila lumipat at nanirahan. Doon na rin pinanganak si Siberia at doon na rin sila kinasal. Pinanood nila ang unti-unting mas pagliwanag pa ng langit na hindi naman talaga dumilim dahil White Nights na sa Saint Petersburg. He placed an arm around Asja and kissed the side of her forehead as they walked along that bridge, admiring the view of the place, the sky taking a brighter and whiter shade, the calm waters along the embankments, and the scarlet-sailed boat was gone. Sumandal si Sloven sa gilid ng tulay at hinapit siya sa bewang palapat sa katawan nito.
Natawa tuloy siya saka tumitig sa mga mata ng lalaki habang nakayakap na siya sa bewang nito. He just looked down and met her gaze with his blue eyes that sparkled for her and their baby alone. His lips stretched into a smile.
"Lagi akong nakatingin sa iyo dahil pinipilit kong alamin kung paanong sa isang tingin lang ay minahal na kita, pero tuwing inuulit-ulit ko lang ang pagtingin sa iyo lalo lang itong lumalala."
Nanunukso na ang kanyang tingin at pag ngiti rito. "Guro ka ba sa military school o sa literature?"
Poetic na naman kasi ang lalaki.
Hinawakan siya nito sa baba. "I can be anything you want. I'll teach you the beauty of words, but too bad I can't."
"Dahil?" tanong niya sa lalaki, feeling kasi ni Asja ay babanat lang ito sa kanya ng maganda-gandang pick-up lines.
"Kasi mamutawi lang ang isang salita sa labi mo, gumaganda na."
"Kahit mura?" panunubok niya, natatawa at dahil sa natural na kontrabida siya ni Sloven, in a fun way, of course, she excitedly waited for his counter-attack.
"Oo," makakaloko nitong ngisi sabay hawak sa kanyang puwitan para idiin siya sa umbok sa pantalon nito. Her eyes widened at this naughty, naughty man!
"You only cuss me when I hit you so good between the thighs," he leaned close and murmured that with his lips so close to her ears, rubbing her teasingly with his bulge. "And I think that's beautiful and sexy, coming from your sweet lips."
Kinikilig na pinalo niya ito sa braso at sinandal ang ulo sa dibdib ng lalaki.
"Thank you nga pala," pikit niya habang nakasandig ang ulo sa dibdib nito, "kasi sinamahan mo akong bisitahin si Mama."
Nasa GRU pa kasi noon si Asja nang pumanaw ang kanyang ina. Isa ito sa mga nagtangkang tumakas noong nagkaroon ng drug raid. Kahit kasi na naging maayos ang buhay ni Asja nang magtrabaho sa GRU ay hindi tumigil ang kanyang ina noon sa pagkalango sa droga.
"Alam ko," patuloy niya, "na masama ang loob mo sa kanya dahil sa mga dinanas ko. Kaya--" higpit niya ng yakap dito, "--salamat kasi sinamahan mo pa rin ako bisitahin ang puntod niya."
"I'll do anything for you," hiwalay nito sa pagkakayakap niya para hawakan siya sa mga pisngi.
Sloven bent down and reached her lips, enveloping Asja with a tender morning kiss.
Kinawit ni Asja ang braso sa leeg ng lalaki at hinayaan ito na alalayan ang kanyang likod. Their kiss went deeper, passionate and loving. And it was the best feeling, a soft glowing sunlight, the cool chill in the air, and their love so hot.
As the brightness of the sun broke across the horizon, their smiles also did the same as their lips parted from their long, passionate kiss.
"Alam mo ba kung bakit gustong-gusto ko na ngayon ang panonood sa Scarlet Sails?" tanong sa kanya ni Sloven.
She shook her head. "Bakit?"
"Because in Saint Petersburg tradition, simbolo ito ng kalayaan mula sa mga... rules. Kaya nga tuwing end of school year ito sine-celebrate 'di ba? It's their freedom from school and the rules that make the students love this event so much."
Sinundan iyon ng mababa nitong sexy na tawa.
"So you are celebrating your freedom from GRU," nanunukat niyang titig dito, nakataas na ang sulok ng labi.
"Oo," haplos nito sa kanyang pisngi. "Kasi nung na-in love ako sa iyo, nangako ako sa sarili ko na matapos lang ang kailangan kong gawin sa GRU... makalaya lang ako sa delikadong buhay na pinasok ko, I'll fall in love with you again-- and when that moment comes, I'll never let it go."
Alam niya kung saan huling nabasa ang ganoong kataga pero nilihim na lang iyon. May parte ng pangako na iyon na hindi natupad.
He did not fall in love with her again.
Because he did not stop loving her. She knew it, deep in her heart that he did not stop loving her.
They stared into each other's eyes, watching the sunlight kiss the side of their faces with thousands of other beautiful realizations making their heartbeats flip happily inside their chest.
"I love you," malumanay niyang wika.
"I love you too," he replied.
And this time, Asja knew it was for real. No deception, no lies, no pretense. It was pure, it was omnipotent, it was a love that knew how to accept her for who she is, and it would always live and be immortalized by memories, his diary and history itself. Sloven always kept it a secret about how he rescued her, and Asja had no problem with that.
She also kept a secret from him anyway.
A secret that won't be kept for too long though.
She's pregnant with their second baby.
And again, Sloven caged her in his arms and sealed her lips with his hot, passionate kiss.
THE END
------------------------------
May Author's Note ako after this na may announcement sa dulo ;) <3
P.S. In real life, bukas na talaga ang White Nights celebration-- June 23, 2018 sa Saint Petersburg, Russia <3 <3
------------------------------
hi, ana here! ♥️
if you enjoyed ꜱʟᴏᴠᴇɴ ᴍᴀʀᴋᴏᴠ's story, then you might want to vote for 🅿🅴🅰🅺 as your favorite 𝘧𝘪𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘪𝘯 𝘧𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘰/𝘵𝘢𝘨-𝘭𝘪𝘴𝘩 category in 𝕗𝕚𝕝𝕚𝕡𝕚𝕟𝕠 𝕣𝕖𝕒𝕕𝕖𝕣'𝕤 𝕔𝕙𝕠𝕚𝕔𝕖 𝕒𝕨𝕒𝕣𝕕𝕤 𝟚𝟘𝟚𝟚 !!
vote through this link: https://s.surveyplanet.com/vhdw1uyv
Voting period is extended until October 2, 2022!
•••
read 🅿🅴🅰🅺's wattpad version: https://www.wattpad.com/story/99703718-peak
avail 🅿🅴🅰🅺's officially published ebook: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5048/PEAK---LIBB0621
#FRCA2022 #filipinoreaderschoiceawards
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top