Chapter Two

Dedicated to AteHandsome

Sorry kung ngayon ko lang na-dedic, dear. Nakalimutan ko pero naalala ko today nung nagcheck ako ng messages sa Message Board. I dedic this second chapter to you :* <3

---

I SAW

----------------------------------------------------  

Stepha followed where the desired path would take her. Sa palagay niya, iyon ang madalas na daanan ng nabaliw na lalaki, kapag uuwi sa tinitirahan nito kaya iyon ang sinundan niya. She heard Feliks' voice in her ear piece.

Bring out your pen. Nasa loob ka na ng gubat at hindi ka na namin matanaw.

"Oh," bulalas niya bago huminto sa paglakad at nilabas ang ballpen. Sinabit niya iyon sa bandang collar ng suot na blouse at pinihit ng kaunti ang cap niyon para mabuksan ang camera nito na nako-conceal ng disenyo ng ballpen na pabilog. It was a transparent glass-like design.

Okay, go on, utos ni Feliks kaya pinagpatuloy na ni Stepha ang paglakad.

Inikot niya ang paningin sa paligid. Nagtataasan ang mga puno at presko sa pakiramdam ang hangin sa loob ng gubat na iyon. Halos walang nakakapasok na liwanag ng araw roon, ilang hibla lang ng sinag nito, dahil sa kapal ng mga puno at magkakadikit-dikit pa. Malilim ang tinatahak niyang daan at wala pa naman siyang nakikita na mga hayop na naninirahan sa gubat na iyon.

Saktong napalingon si Stepha sa kanyang kanan.

Whooosh!

Kasabay ng kanyang pagsinghap ang tila pagkalansing ng tanikala na nakakonekta sa kutsilyo na muling sumibat sa kanyang direksyon. Sa pagkatataong ito, tumusok ang kutsilyo sa katawan ng puno na nasa likuran niya. Lumabas mula sa likuran ng isang puno ang baliw. She could feel his sharp glare at her.

"Stop following me. I don't know what is wrong with my aim, woman, but one more attempt and my knife will stab you."

She clutched on her bag tightly and pretended to feel concerned for him. Bahagyang kumunot ang kanyang noo habang nakikiusap ang ekspresyon ng mukha.

"Please, all I need is to hear your story, Sir. You are my only hope. I may sound so desperate, but... but I want to be a well-known writer. I believe that your story can save my career. I won't use your real name, I promise," she lowered her head. Nag-iisip pa si Stepha ng pwedeng sabihin para makumbinsi ito. "Whoever that woman is who made you crazy or broke your heart," she lifted her eyes back on him, "I will... I will make sure she will be able to read the book. She will know how much you love her. And who knows? Maybe the book will help you to be with her again."

Binatak ng lalaki ang kutsilyo na nakatusok sa puno. This time, the knife dropped on the ground. The man slowly rolled the chain around his fist, making the weapon drag back to him.

Tumalikod ang lalaki at wala nang sinagot pa sa kanya.

Nagpasya si Stepha na umupo na lang sa paanan ng punong iyon at nilabas na ang kanyang notebook. She wrote on it:

Have you seen him? Siya ba si Sloven Markov?

At tinapat niya ang camera sa sinulat. Sumagot si Feliks.

I am not sure. Para kasing naka-disguise siya. Pero mukhang kapanipaniwala rin ang disguise niyang iyan. Parang totoo. Ikaw ang kaharap niya, what is your judgment?

Sumulat siya ulit.

Mukhang totoo.

Still, it is possible that he's Sloven. May naisip na akong isang paraan para makumpirma natin kahit na hindi natin makilala ang histura niya ngayon.

How?

Speak in Russian to him. Then in Tagalog. Those are the languages he knows, and he doesn't know. That's the first step. Next is the seduction tactic we have planned. Be his Delilah, make him trim all that nasty hair off his face and cut off his hair-- then he will lose the power to deceive us.

Stepha nodded and wrote. Copy.

Sinara na niya ang notebook at binalik iyon sa dala niyang sling bag.

Natahimik siya nung sinabi ko na posibleng matulungan siya ng libro na makatuluyan niya ang babaeng mahal niya. I can use that reason again on our next meeting, isip niya habang tumatayo na. Pinagpagan ni Stepha ang puwitan ng kanyang suot na pantalon at pinagpatuloy na ang paglalakad nang nakasunod sa desired path na iyon. 

Bumalik ang kanyang determinasyon at binalik-balikan sa kanyang isip  kung ano ang plano nila para maisakatuparan ang misyon.

Kumaluskos ang mga halaman sa dinadaanan ni Stepha habang patuloy sa pag-iikot sa islang iyon.

Her eyes looked around. Isa siyang manunulat, at ang gusto lang niya ay magkaroon ng magandang istory na masusulat para hindi maging kasing flop iyon ng una niyang nobela. Ang sabi nila, misteryoso ang matandang lalaki na binaliw sa isla. She found that interesting, kaya gusto niya madiskubre ang istorya sa likod ng pagkabaliw daw nito sa pag-ibig.

Pero ano ang nakuha niya? That crazed man tried to kill her with his chained knife twice!

Tama. Iyon ang kwentong sasabihin niya sa baliw sa magiging pangatlo nilang engkwentro. Siguro naman makukumbinsi na ito at lalambot na ang loob sa kanya. He would finally welcome her presence-- whether he was Sloven or not. Basta kailangan niya na makumpirma kung si Sloven nga iyon o hindi. Kung si Sloven nga, mapupunta na sila sa phase 2 ng misyon.

Nagpaikot-ikot siya at nang mahawi ang mga dahon, bumungad sa kanya ang isang ilog.

Napako siya sa kinatatayuan nang makita na naliligo roon ang baliw na lalaki. She cocked her head to the side. In fairness kasi sa lalaki, siksik ang mga muscle nito sa likod.

Tila naramdaman din nito ang kanyang presensya at natigilan sa ginagawa. He slowly lifted his hand that was under the water. The chain and knife shone as he lifted it. Dali-dali siyang nagtago sa likod ng mga halaman na nasa kanyang harap.

Stepha gasped as a knife shot beside her. Tumusok ang kutsilyo na may nakakabit na kadena sa kaharap niyang puno. Nanlalaki ang mga mata na sinundan niya ng tingin ang pinagmulan ng kadenang iyon.

Tumayo siya at nakita na nakatayo sa tubig ng ilog na iyon ang lalaki-- ang baliw na lalaki na may marungis na puting balbas at puting bigote.

For an old, unkempt man, his body looked young-- siksik ng muscles na ginugulungan ng mga patak ng tubig at ang abs-- mapapa-antanda ka na lang sa tigas ng mga abs na iyon. Her eyes journeyed lower and widened upon seeing how big he was.

Pinulupot ng lalaki ang kadena sa kamay nito at hinila ang kutsilyo pahugot sa punong tinusukan niyon.

"You dodged me for the third time," he spoke in hostility, his cold set of eyes stared into hers with no stain of emotions. "The Holy Trinity must be blessing you."

She swallowed. Nawala na ang pagpapantasya niya sa katawan ng lalaki dahil sa mga sinabi nito at kakaibang kilabot na hatid ng boses nito. Natapos na ito sa pagpulupot ng kadena sa kamay at hawak na nito ang kutsilyo habang nakatitig sa kanya.

Hindi siya makagalaw, hirap kasi si Stepha na basahin ang emosyon nito. Wala siyang ideya kung papatayin pa rin ba siya ng lalaki o ano. He turned around to get his clothes. Napasinghap siya sa tambok ng puwet nito.

At sa kinis.

Tinakpan niya ng kamay ang bibig para pigilan ang mapabungisngis.

Sinuot na ng lalaki ang bathrobe at walang lingon na nag-utos. "Follow me."

"R-Really?" halos pigil ang hininga niyang tanong dito.

Walang imik na umahon lang ito mula sa ilog at naglakad na.

"Hey, wait!" habol niya. Napatili siya nang napalublob sa tubig, nabasa tuloy ang suot niyang pantalon hanggang sa bandang hita niya. She lifted her eyes and saw where the man was going, so she followed.

Binabagtas na nila ang mapunong bahagi ng isla nang tanungin niya ito.

"So, what is your name?" ngiti niya.

Hindi ito sumagot.

"I am Stepha," initiate niya "Stephanie Pavlov."

Tumigil ito sa paglalakad. "You're a Russian?"

Nahigit niya ang paghinga. Stepha cocked her head to the side. "No. No, I am not."

"What with the Pavlov surname?"

Natigilan siya sa tanong na iyon ng lalaki at napagtanto na may mali siyang ginawa. Dahil sa sobrang pagkamangha sa lalaki kaya nakalimutan na niya ang instruksyon ni Feliks na i-test ito sa pamamagitan ng pagkausap dito sa wikang Russian, at kasunod ay sa Tagalog naman.  She laughed nervously, hindi kasi siya nililingon ng lalaki pero para bang may pagbabanta sa tono ng pananalita nito.

"It's just my surname, but I am a Filipino," she explained. Iyon ay para magkaroon siya ng dahilan na kausapin ito sa wikang Tagalog. "Maybe my father is Russian, but my father already left me and my mother." At nag-Taglish na siya para makumbinsi ito. "So, Pilipinas lang ang alam kong lugar o salita."

He looked at her over his shoulders and tugged down the fake beard and fake messy white hair he was wearing.

"Do you recognize me?"

She gasped, looking at the man without his fake accessories. It was more of a pleasant surprise. Aba! Ang ganda na nga ng katawan, may tinatago pa pala itong kagwapuhan!

Nagtititili siya. "Ahhh! Lucky Blue Smith!" turo niya rito.

Walang emosyon na tinitigan lang siya nito bago tumalikod. He muttered something in Russian that could be translated as, wala nga itong kaalam-alam.

Nagpatuloy na sa paglakad ang lalaki habang sinusuot ulit ang peke nitong buhok at balbas. Ngingiti-ngiti at sasayaw-sayaw na sinundan na lang niya ito.


----------------------------------------------------

Russian Influence:

** Women in Russia do not always smile and dance around, they were also not easily excited by men, making them a really hard catch (aside from the fact that they also have higher standards and more realistic point of view about love). Stepha's reaction in the last part of the story is just part of her undercover.

** "So, Pilipinas lang ang alam kong lugar o salita." is intentional instead of grammatically correct statement of "So, Pilipinas lang ang alam kong lugar at Tagalog lang ang ang alam kong salita."  

----------------------------------------------------

AN

** More chapters to go! Basa pa! ;)

Love,

ANA xoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top