Chapter Twenty-Three
THE COMMON DENOMINATOR
----------------------------------------------------
Nakapagbihis na si Asja ng skinny jeans at tank top na kasama sa mga pinamili noon ni Sloven para sa kanya. Nilugay lang niya ang basa pang buhok at nadatnan ang binata sa may dulo ng pool kung saan nakalublob ang mga paa nito.
He was cradling a bowl of cherries on his lap while toying with one on his mouth, holding the stem and sliding the red fruit in and out of his lips. Nang mapansin ang kanyang pagdating, kinain na nito ang prutas at pinukulan siya ng titig hanggang sa marating na niya ang tabi nito.
Asja sat beside him, crossing her legs.
"Si Bruno?"
"Umalis lang saglit, magpapaalam sa asawa niya."
Iniwas niya ang tingin sa binata. Her eyes rested on the blue waters of that pool.
"Maganda ang pagkakagawa niyo rito," ikot na niya ng mga mata sa paligid. "Sayang at aabandonahin mo rin pala."
Kinopya siya ng lalaki. Tinukod nito ang mga braso sa likuran para matingala ang kisame at mapagmasdan ang paligid. "This is my dream house, nasa tabi ng dagat at ganito kaaliwalas sa loob. Inipon ko lahat ng allowance na nakuha mula sa GRU at heto..."
She lowered her eyes. "Ano ba talaga ang nangyayari? Ano ang meron sa GRU? Why am I being accused now of working with you?" Asja faced him. "At si Feliks pa mismo ang nag-aakusa sa akin."
Naging mas seryoso na ito. "Matalino ka, Asja. Alam mo ang sagot sa tanong na iyan, hindi mo lang matanggap."
Her eyes narrowed. Maaari nga ba na pinagtaksilan siya ni Feliks?
Hindi. Hindi pwede. Matagal na niyang handler si Feliks. Marami na silang mga misyon na pinagsamahan. Sa lahat ng mga nakatrabaho niya sa GRU, pumapangalawa ito kay Gregori sa kanyang mga pwedeng pagkatiwalaan, dahil nakasama na niya sa mga life and death situations ang ginoo.
"Isa siyang taksil," dampot ni Sloven sa isang stem ng cherry. "Pinagkanulo ka niya para iligtas ang sarili. Malamang nagkabistuhan na sa GRU na may operasyon kayo na dalhin ako kay Gregori para magawan ng paraan ang mga kaso ko. At siyempre, hindi iyon pabor sa hukbong militar ng Russia."
"Sinasabi mo ba na nagkagipitan na kaya, pinagkanulo na ako ni Feliks? Kung ganoon, paano si Sir Gregori?"
"Tulad nga ng sinabi ko sa iyo," balik nito sa bowl ng cherry, "nitong nakaraan, bumisita ako sa Russia. May tauhan ako na naiwan doon at binigyan niya ako ng mga kopya ng mga nilathalang diyaryo nitong nakaraan. Mabilis ang naging turn-over sa GRU nang matanggal si Sir Gregori sa pwesto."
Napasinghap siya sa narinig. Napuno ang kanyang dibdib ng pag-aalala para kay Sir Gregori. Kung ganoon ay hindi lang sa kanya mainit ang mata ng gobyerno, kundi maging sa kanilang chief of intelligence na si Gregori.
"Hindi na siya ang chief?" pigil niya ang maging emosyonal sa nalaman. Pakiramdam kasi ni Asja ay kasalanan niya ito. Kasalanan niya ang lahat. Kung nagawa lang niya ng matagumpay ang misyon, hindi na sana aabot sa punto na uuwi si Feliks ng Russia, maiipit sa sitwasyon at mapipilitan na ilaglag sila.
Sloven remained emotionless and nodded his head. "Yes. Gusto mo bang malaman kung sino na ang bagong chief ng GRU?"
Sa tono ng pananalita nito, pakiramdam ni Asja ay magugulantang siya. Pero ganoon talaga ang katotohanan, kadalasan ay nakakagulat at mahirap paniwalaan pero dapat tanggapin dahil iyon ang tunay na mga nangyari. She slowly nodded her head as Sloven turned to see her reply.
"Si Feliks."
Her lips parted.
"If we will analyze the situation, Feliks can go back to Russia with no problem at all," patuloy ng binata. "He can discreetly report to Sir Gregori about your situation and the failure of the mission. That is also one reason why I spared his life, Asja. Dahil tulad mo, hindi ko inaasahan ang ganito."
"Ano naman ang pwedeng magtulak kay Feliks na ilaglag kami ni Sir Gregori?"
Sarkastikong tumaas ang sulok ng labi nito. "Nakita mo na naman siguro kung para saan niya iyon ginawa, Asja," iniwas na nito ang tingin sa kanya. "Ginawa niya iyon para makuha ang posisyon ni Sir Gregori."
Naikuyom niya ang mga palad. Hindi siya makapaniwala na may tinatagong pagkasakim pala ang kanyang senior. Para siyang mahihilo sa panlalamig dahil pinagkatiwalaan niya si Feliks ng lubos, tapos sa ganito rin pala sila hahantong.
"Pero sa tingin ko, hindi lang iyon ang motibo niya," sulyap sa kanya ng lalaki. "Hindi siya magkakaroon ng lakas ng loob na labanan si Gregori kung wala siyang back-up na mas makapangyarihang tao. Kilala natin si Sir Gregori, madali niyang maide-deny na nagpa-operasyon siya nang walang pahintulot o authorization mula sa nakatataas. Kaya kung paano nakumbinsi ni Feliks ang mga kinauukulan tungkol sa secret operation ninyo ni Sir Gregori, panigurado na may nag gatong na isa sa mga taga-militar."
"Bakit? Bakit makikipagsabwatan ang isa sa mga taga-militar kay Feliks?"
"I am still trying to find the common denominator, Asja. Ang kasalukuyang heneral ngayon ay si Dmitry, at ang kasalukuyang chief ngayon ng GRU ay si Feliks. Kung sino man ang kasabwat ni Feliks sa militar, hindi iyon nalalayo sa mataas na posisyon kung saan madali nilang maiimpluwensyahan o mamamanipula ang mga desisyon ng heneral... o ang presidente mismo."
Asja lowered her head. Wala pa ring malinaw sa mga pinaliwanag sa kanya ni Sloven.
"And why would they want to get rid of us?" he continued.
Her eyes narrowed, thinking hard. "Dahil pwede natin silang pigilan sa kung anuman ang agenda nila."
Sloven nodded. "Exactly."
Then his blue eyes burned against hers in evident determination.
"Alam nila na kaya natin silang pigilan, kaya inuunahan na nila tayo. Kaya nakisabwat sa iyo si Feliks sa plano mo na iuwi ako sa Russia para malitis imbes na matulungan ni Sir Gregori ay dahil pabor iyon sa kanya at sa kasabwat niya. They wanted to get rid of me because they knew that once I return to GRU, I will blow their plans. At malamang, may nasabi ka kay Feliks kaya imbes na i-rescue ka niya ay inilaglag ka na lang din niya."
Asja shook her head. "Bago pa nila ako sunduin, tila desidido na sila na hulihin ako. Kaya nagdala sila ng mas malaking helicopter na may mga escort."
"Okay, ditch that idea. I figured it out now," mahina nitong tawa. "Nung nahuli ka namin ni Bruno, alam na marahil ni Feliks na posibleng may nalalaman ka na tungkol sa mga balak nila o may malalaman pa lang, kaya inilaglag ka na niya. Pwede ring inisip niya na baka may sinabi na ako sa iyo na pwedeng maging dahilan ng pagtalikod mo sa kanya."
"So to sum it all up, may nalalaman ka. At threatened sa iyo ang GRU at ang militar dahil pwede mong gamitin ang nalalaman mo para mapurnada ang mga plano nila."
Sloven chewed a cherry before answering. "Exactly."
"At ano naman iyon?"
Natigilan ang binata, tila hinahalungkat nito sa isip kung ano nga ba ang alam niya tungkol sa mga operasyon ng GRU at ng hukbong militar para gustuhin nila Feliks na iligpit siya.
"Ang dami kong alam kaya hindi ko agad ma-pinpoint kung ano iyon. Pero isa lang ang sigurado ako," titig nito sa kanya. "Panigurado na may kinalaman ang impormasyon na alam ko sa ilegal na operasyon kinasasangkutan nila Feliks."
Nainggit na si Asja kaya dumampot na siya ng cherry mula sa bowl. "Natandaan ko rin ang hinala mo na baka gusto kang ibalik ni Sir Gregori sa GRU dahil may kritikal na misyon siyang ipapagawa sa iyo."
He looked so proud of her, for smiling loosely like that. "Mukhang may kinalaman nga iyon sa mga nangyayari, Asja. Sa tingin ko ay konektado ang pagpapahanap sa akin ni Sir Gregori sa lahat ng naganap nitong nakaraan."
"Then we have to find Sir Gregori," nguya niya sa cherry. "Kailangan nating malaman kung bakit ka niya gustong ibalik sa GRU."
"Good idea," tayo nito. "This calls for another shopping."
Nagpatiuna na ang lalaki sa paglakad kaya dali-daling tumayo si Asja at sinabayan ang paglakad nito paalis sa pool area patungo sa salas.
"Shopping? Wala na tayong oras para mag-shopping, Sloven!"
"We need to shop for good furry coats, extra cat suits and scarves," walang lingon nitong litanya. "We will also need gloves."
"Hindi pa naman winter sa Russia--"
Sloven faced her. "Well, nasa Siberia ngayon si Sir Gregori."
She gasped. "S-Siberia?! Doon siya kinulong?"
Napalitan ng panandaliang pagkadismaya ang mukha ng binata, halata ang biglang pag-aalala nito para kay Gregori nang maisip ang Siberia at anong klase ng kulungan ang naroon.
"Bakit doon nila ikinulong si Sir Gregori?" pagwawala na ng kanyang damdamin. "Wala siyang pinatay na tao!"
Nilapag ni Sloven sa may coffee table ang bowl ng cherries at hinablot siya sa mga braso. "Calm down, okay?"
"How can I calm down? Kinulong nila roon ang taong nagligtas sa akin! Niligtas ako ni Sir Gregori mula sa pagiging isang puta! Binigyan niya ako ng ikalawang pagkakataon para mabuhay ng marangal! He doesn't deserve to be jailed there and to be treated like a damn criminal!"
And yes, Sir Gregori, although she hated him sometimes for being too biased and being obviously in favor of Sloven, was still like a father figure for her.
Her savior.
Sloven lowered his head. "Marahil nangyari ang lahat ng ito para bigyan ka ng pagkakataon na ikaw naman ang magligtas ngayon sa kanya."
Tears welled up her eyes as she nodded. Dama ni Asja ang panginginig ng katawan habang ini-imagine na nasa isang maliit, malamig at madilim na silid si Sir Gregori at nakakulong doon. At tila nakikihati naman ang binata sa pag-aalala at takot na kanyang nadarama. She felt him rub her arms in a reassuring manner.
Nagpakawala ang binata ng isang buntong-hininga bago siya tinapik-tapik sa braso.
"Huwag na tayong mag-aksaya ng oras sa pag-aalala. Kailangan na nating maghanda."
At nang iangat ni Asja ang tingin ay iniwan na siya ng lalaki para tunguhin ang kwarto nito. She lowered her eyes on the bowl of cherries he left on the table.
Ano nga ba ang naging pagkakaparehas nila ni Sloven kaya pati siya ay gusto nang tugisin nila Feliks?
----------------------------------------------------
AN
Good evening po! <3 <3
Welcome to another chapter for #Peak !!
May isa pa po akong ipapub na chapter, wait lang ng kaunti!
And maaga ako nagpub tonight ng chapters kasi may pagpupuyatan ako hahaha <3 <3
Happy reading!
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top