Chapter Twenty-Seven

ROULETTE: THIRD CYLINDER TURNED

----------------------------------------------------

Sloven felt his skin slick with sweat as he remained lying on the wooden bed.

Malamig ang cabin nang marating nila iyon ni Asja sa tagong bahagi ng kagubatan. Kinailangan tuloy niya na maghanap ng kahoy sa labas para makapagpaliyab ng apoy sa fireplace. Nang uminit-unit na ang silid, tapos na si Asja sa paglilinis doon at paglalatag ng makapal na mga tela sa kamang may kahoy na frame.

And of course, after a short rest, with Asja lying on her arm, his hands became restless.

His naughty hands led them to this-- with Asja on top, her hips slowly circling and grooving while she was on top of him, riding slow and passionate. Tila sumasabay sa pagsayaw ng balakang nito paikot ang pagsayaw ng katawan at pag-ikot ng ulo. Her honey-blonde hair fell in sexy strands on her back, on her shoulders, on her arms and breasts while her olive skin, shimmered in a thin sheet of sweat that was illuminated by the light from the fireplace.

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata ang dalaga, unti-unting umunat ang ngiti sa mga labi nito. She sampled a thrust that made him moan.

Saglit siyang napapikit bago ito pinanlakihan ng mga mata.

Natatawang hinawakan niya ito sa balakang,diniin ang mga daliri sa balat nito.

"Ikaw," pabiro niyang banta rito.

"Nakatunganga ka kasi diyan, eh," mahina nitong tawa na sinundan ng pagbaba sa pang-ibabang labi. "Parang ini-ignore mo na itong ginagawa ko."

"I am not," he replied breathlessly, feeling his hard cock enveloped by her warm sex-- warm and moist and the circling of her waists was slowly making his head feel like floating.

Oh, he must be really floating with how much pleasure he was feeling right now.

Hinagod niya ang hita nito, tumitig sa kagandahan na nakapatong sa kanya.

"I am just admiring you," he continued. "How you close your eyes, how your hair strands touch your skin--" dumiin ang pagkakahagod niya sa hita nito, nakalapat ang palad sa mainit at madulas na balat ng dalaga, "--medyo naiinggit ako sa buhok mo. Gusto ko rin hawakan ang mga braso mo, ang dibdib mo..."

"Bakit hindi mo hawakan?" tanong nito, mabigat ang paghinga at tila may kaunting pagkapaos at paghingal.

"I might lose control," he bit his lower lip-- and honestly, her voice sounding that way was already driving his mind crazy. "Ayoko pagurin ka pa lalo."

Dumapa na ang babae sa ibabaw niya, tila ba inatake ng pagkataranta ang kanyang puso nang halos maglapit na ang kanilang mga mukha. Hindi niya mabasa kung bakit biglaan na itong dumapa sa katawan niya. He felt himself getting harder inside her, his body hardening and veins tensed on his arms, his hands as he controlled the urge to grab her in an instant and fuck her more aggressively.

But for Sloven, no matter how strong and capable Asja wanted to be seen, she would always be too precious, a stone like a diamond-- the hardest, yet always needed to be handled with utmost care...

Because he valued her so highly.

That was why he wanted them to finally slow down and give their bodies a rest.

Oh, but there she goes, her breasts pressed against his hard chest-- her nipples hard. Lalo siyang nag-init ng maramdaman ang bahagyang pagkaskas niyon bago lumapat ang kamay ni Asja sa kanyang pisngi.

"You can do anything you want when it comes to the sex department, Sloven," she purred, so sexy, motivating and persuasive. Tila nahihipnotismong napatitig siya sa mapula nitong mga labi na may kaunting pamamaga dahil sa tindi ng mga halikang pinagsaluhan nila. "I can't obey your every demand, but when it comes to you owning my body, I'll obey on every position you want to take, on every experience you want to have, on every sensation you want to feel."

Dahan-dahang napatitig siya sa mga mata ng dalaga. They were like brewed beer in sweet clear chocolatey brown-- how he admired those eyes, defiantly staring at him. But he loved it now that they were moist with female fragility and soft, loving gaze that penetrates his heart, his soul...

Inangat niya ang isang kamay at nilapat iyon sa pisngi ni Asja.

There was nothing in this world that he would not do to touch her-- even if it would be just her cheek... He could feel the tears rimming on his eyes.

Totoo nga ang mga inusal niya kanina-- mahirap bigkasin ang pinakamasayang naramdaman ng isang tao... o naranasan.

Sinubsob ni Asja ang mukha sa kanyang leeg at naramdaman niya ang maingat na paglapat ng mga labi nito sa kanyang balat. His arms embraced her-- arms that would always be strong and protective.

"Masama pa rin ang loob ko sa inasal mo kanina," mahina niyang bulong habang nakapikit ang mga mata at ninanamnam ang pagkakayakap sa dalaga. "I could have driven those wolves away."

"With a snowball?" mahina nitong tawa, dama niya ang paggalaw ng mga labi nito na nakadikit pa rin sa kanyang leeg.

"So what? I could tear them apart with my own hands, for you, if I have to."

Her voice began to sound faint. "Ang yabang talaga."

Sinabayan niya ang mahina nitong pagtawa. Hinagod ni Sloven ang buhok nito at sinuklay ng mga daliri. His hand slid along her smooth back, down to her ass that he cupped and gently squeezed. When he got no reaction from her, he carefully pulled the blanket to cover Asja completely.

Sloven inhaled deeply. Naamoy niya ang malamig na hangin na humahalo sa nasusunog na sariwang mga kahoy, ang tila basang lumang kahoy rin kung saan gawa ang bawat dingding ng cabin na kanilang tinitirahan, ang malinis at mala-bulaklak na kumot...

He could feel the warmth from the crackling fireplace. As his body relaxed, he leaned a little to kiss the top of Asja's head. Her hair that smelled of soft sweetness, salt ocean and ice. Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi at isinandal na sa unan ang kanyang ulo.

Pagmulat ay napatitig siya sa kisame.

The scent, the feeling... everything was like home.

"Asja?" tawag niya, ngunit makalipas ang ilang segundo ay wala pa rin itong sagot.

Pinakiramdaman na niya ang dalaga na pantay na ang paghinga, halatang nakatulog na ito sa pagod. Kaya sinamahan na niya ito sa pagtulog.













----------------------------------------------------











Kinabukasan, inayos na ni Sloven ang radyo at antenna sa cabin na iyon para makapag-radio sila kay Bruno o Boris sa Krasnoyarsk. Nagkalat sa sahig ang mga eletrical na gamit, ilang piraso ng soldering wire at mga turnilyo habang inaayos niya ang maliit na walkie talkie na puro static na ingay lang ang nilalabas.

Asja was wearing a wooly, white turtleneck as she sat on the wooden floor beside him who wore grey jogging pants and grey sweater in front of the fireplace. Hindi niya muna ito nilingon dahil abala pa sa pag-aayos, pero sa kanyang peripheral vision ay halos magkandahaba na ang leeg nito kakasilip sa kanyang ginagawa.

"Kaya ko na ito," pangunguna na ni Sloven sa balak ng babae na magtanong kung paano ito makakatulong.

"Kanina ka pa diyan," malumanay nitong wika, "hindi ka pa kumakain."

Napangiti siya. "Lumalambot na ba ang nagyeyelo mong puso para sa akin?"

Pumalatak ito ng tawa. "Ano'ng meron at ganyan bigla ang banat mo?"

"What? That's a normally structured question!" natatawang depensa niya habang patuloy sa pagkalikot sa radyo.

"Normally structured? Parang tumutula ka na naman!"

"Why?" sulyap niya ng kaunti. Hindi lang talaga niya matiis na hindi makita ang pagliwanag ng mukha ng dalaga dahil sa pagkakatawa. "Ayaw mo sa mga tula?"

Malakas ang naging paghinga nito ng malalim, kumalma na ito at nakangiting napatitig sa kanya.

"It's romantic, eh," anito. "Eh, hindi ka naman ganoong klase ng lalaki." She cocked her head to the side. "Kaya siguro parang hindi ako sanay kapag naggagaganyan ka."

"Paano'ng hindi ako ganoong klase ng lalaki?"

"'Yung tumutula? Romantic," she bit her lower lip. "Mabilis ka sa babae eh, kalat na kalat sa GRU iyon dati na pinapasyal mo rin 'yung mga naging babae mo sa malaki mo'ng helicopter. Eh siyempre, kapag madalian lang, 'di ba, hindi romantic?"

Binaba niya ang hawak na radyo at mataman itong tinitigan sa mga mata. He saw her surprise partnered with an awkward smile, then confusion, making her look more serious. Marahil ay nagtataka na ito kung bakit natahimik siya at tinitigan siya ng ganoon katiim.

"I believe that the shortest of moments could be the most romantic when it happens with your one true love."

He saw the gentle moistening of her eyes, making them look brown and glossy. It was as if she just heard the most beautiful and orgasmic word in the world. A slight smile escaped from her lips.

Dinampot na niya ang ginagawang radyo at inayos ulit iyon. "And about the helicopter, I used that to abduct a person once, but not to stroll girls around in a romantic sense."

"So, tsismis lang iyon?" nguso nito.

"Of course," mahina niyang tawa. "Isang babae lang naman ang pinapasyal ko na nakasakay sa helicopter ko."

Understanding poured all-over her concerned face. "Si... Anya?"

He smiled, his heart spiraling within his chest because he felt like Asja finally understood his emotions without him having to say so. But of course, he made a promise last night, na sasabihin dito kung ano ang meron sa helicopter kaya tumango-tango siya.

"Yes, si Anya," mahina niyang tugon. "At dahil doon kaya nawala siya sa akin."

"What happened?" ewan, pero madamdamin ang naging tanong ni Asja kaya para bang may biglang tumarak sa kanyang dibdib.

That memory about Anya pained him so much, but the pain was doubled by the compassionate sadness in Asja's voice as she asked for the story behind that. Napatitig siya sa apoy, at sa kanyang imahinasyon, ang bawat pagsayaw ng mga iyon ay unti-unting naging asul... at naging pagsayaw ng mga alon.

Mga alon sa ilalim ng lumilipad na itim na helicopter.

Dahil hindi naman de-sara ang pinto ng helicopter na iyon, sa seat lang ng piloto, doon na lang umupo si Sloven, kalapit ni Anya.

Noong tumakas sila mula sa pagkakabaril sa kanya ni Lukas, nilulan nila ang maliit at itim na eroplano kung saan niya inutos kay Bruno na dalhin si Risha noon. It was a small Robinson r44 that took them to the rooftop of the mental institution where Anya was waiting for them with one of the staffs they bribed for her unofficial release.

Nasa rooftop na iyon na si Boris, nakatutok ang baril sa staff ng mental institution at katabi ang malaking doorless na helicopter. Natapalan na ni Sloven ang sariling sugat at nanghihinang bumaba sa maliit na helicopter na duguan ang suot na damit.

Anya stared at him with wide eyes and expressed reaction other than that. Sa kanyang pagdating, mabilis na hinablot na ni Bruno si Anya para alalayan ito sa pagsakay sa mas malaking helicopter. He securely put on her seat belt before heading to the pilot seat.

Samantala, si Boris naman ang gumamit sa mas maliit na helicopter para ligawin ang mga pulis. Nauna na itong umalis sa kanila.

Nang makita na nahihirapan siya sumampa, bumalik si Boris para umalalay. Umupo si Sloven malapit sa bukas na pinto ng helicopter, sa tabi ng kapatid na si Anya na nakatulala lamang. He strapped on his seat belt and after a few minutes, they took off in a different direction.

They already planned for this. If everything went according to plan or failed, they would need to leave Russia. Dederetso sila sa hinandang matitirahan sa Pulau Sapi, Sabah, Malaysia.

Dahil sa dami ng nabawas na dugo bago nabendahan ni Sloven ang sariling sugat, hindi niya naiwasan na makaramdam ng antok. Sa estado niyang iyon lumingon si Anya, blangko ang mukha at nagtanong.

"Ano ang nangyari, Kuya?"

He sighed. "Okay lang ako, Anya."

"You're not," worry strained her voice.

Nanghihinang napapikit siya ng mga mata. "Kaya ko ito."

"Ano ang nangyari?"

"Tapos na ang lahat. Wala na... wala na si Ivanov..." mahinang tugon niya, nilalabanan ang pamimigat ng mga mata kaya nasilip ng kaunti ang pagrehistro ng lungkot sa mukha ng kapatid.

Anya lowered her head.

And before his sight gets blurry, he saw streams of tears shed on her pale face. Sa pagkakayuko nito, bumagsak ang maputlang hibla ng platinum blonde nitong buhok. Her small, thin frame in that hospital gown shook like a small tremor.

"Fuck, don't cry over that that animal!" he hissed. "You should be happy, Anya!"

At sa pagkirot ng kanyang sugat, minabuti na lang ni Sloven na iiwas ang tingin dito. Pigil niya ang sarili na doblehin ang sakit na nadarama, dahil bukod sa pisikal, pakiramdam niya ay ang bigat-bigat na ng kanyang dibdib lalo na nang makita ang pag-iyak ng kapatid.

Kumawala ang mahina nitong mga hikbi na nagpariin sa kanyang pagkakapikit. He fought his own tears, on his own, swallowed every once of weep that wanted to escape from his throat.

Tila bumara lahat ng iyon sa kanyang lalamunan.

Hindi niya natiis ang sarili na lingunin ulit ito at gagapin ang isang kamay. Hindi pa niya magawang punasan ang mga luha nito dahil sa nanikit na dugo sa mga daliri at palad.

"Anya..." mahina niyang pakiusap para tumigil na ito sa pag-iyak bago siya napapikit.

He decided to give Anya some time to just cry.

Sa haba ng biyahe ay hindi na namalayan ni Sloven na nakatulog na siya. Dumulas ang kamay ni Anya mula sa kanyang pagkakakapit at ang boses ni Bruno ang gumising sa kanya.

Napapitlag si Sloven at nakita ang pag-iwan ni Bruno sa helicopter nang naka-autopilot habang papunta sa kanila ni Anya. Dumako ang kanyang paningin sa pupuntahan nito-- ang kanyang kapatid na nakatayo sa kabilang bukas na pinto ng helicopter.

"Anya!" sigaw niya at tumayo agad pero nahatak lang pabalik sa kinauupuan dahil sa seat belt na nakayakap sa kanyang katawan.

Lumuluhang nilingon siya nito habang natataranta sa pagtanggal sa seat belt. He lifted his eyes to check on her and Anya gave him a look from her eyes outpouring with tears, yet a smile of contentment and gratefulness.

"Sana, makasama ko si Ivanov," naghihirap ang kalooban nitong wika. "Nasa langit man siya o sa impyerno..."

Naramdaman ni Sloven ang pamamasa ng mga mata. "P-Paano ako... Paano a-ako, Anya?"

Ngumiti lang ito sa kanya, ngiti na pumiga sa kanyang puso. Ayaw niyang gumalaw dahil baka bigla itong tumalon at mukhang iyon din ang dahilan kaya maingat na sumisimple si Bruno ng lapit dito. Pasimpleng pumuwesto na ito sa likuran ni Anya at hinarang ang mga braso at katawan sa bukas na pinto.

Dahil doon, nakaramdam siya ng relief. He internally thanked Bruno, but also worried about his position. Sa oras na maisipan ni Anya na ipagpilitan na makatalon, baka ang alalay naman niya ang mapahamak. Kaya, inihanda na ni Sloven ang sarili sa pagtayo.

"Kuya, ayoko na mahirapan ka pa sa akin," iyak nito, mahina at sa maliit na boses. "Dahil magmula nung saktan ni Ivanov ang damdamin ko hanggang sa kanyang pagkamatay niya, kasabay na niyon ang kawalan ng saysay para sa akin na mabuhay."

"Nababaliw ka na!" naggagalaiti niyang tayo. "Ano ba ang kwenta ng Ivanov na iyan! Ginamit ka lang niya! Ginamit lang niya ako! Sinira niya ang buhay nating dalawa! Ginahasa ka nila at ako naman pinagmukha na niyang tanga! Pinagmukha pang kriminal sa buong Russia!"

"Kahit anong pananakit ang gawin niya sa akin, buong puso kong tatanggapin dahil minahal ko na siya," madamdamin at nakangiti nitong sagot.

"Anya!" nagpipigil na siya sa galit at hapding tumatarak sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. "Anyaa! Bakit? Ginawa ko ang lahat para sa iyo!"

He was already shedding tears, his arms trembled in an attempt to bottle his emotions about to outburst. Hangga't maaari ayaw niyang pagsabihan pa ng masasakit na salita ang kapatid, naglalaban ang rasyonal niyang isip na wala na ito sa matinong pag-iisip kaya dapat na maging kalmado na lang siya at mas mapang-unawa at ang emosyonal niyang estado na nagsasabing magdamdam siya dahil para bang balewala lang kay Anya ang mga kababuyan ni Ivanov at ang ginawa niya para sa kapatid.

Lahat ng paghahanda.

Lahat ng pagpaplano.

Lahat ng sakripisyo.

Lahat ng galit na kinimkim niya.

Lahat ng pagtitiis na kanyang ginawa.

"Isa akong kahihiyan, dahil nasaktan ka at napahamak ng dahil sa akin. Kailangan ko nang sumama sa nag-iisang lalaki na minahal ko ng ganito, at magdusa kasama niya."

Napamura na siya ng malutong sa sinabi nito.

At nagulat dahil pag-angat niya ng tingin ay biglang kumaripas ng takbo si Anya. Gulat na napabitaw si Bruno sa hinahawakan nitong magkabilang gilid ng pinto para hablutin ang kapatid niya, pero mabilis itong nakatakbo.

Siya na mismo ang hahablot dito pero dahin sa panghihina sa natamong sugat at sa pagtulak ni Anya, mabilis siyang bumagsak sa sahig.

"Anya!" umiiyak at halos magkandarapa na bangon niya para pigilan ito.

Pero huli na ang lahat.

Anya jumped.

She was an angel mid-air--- while hospital gown, platinum blonde hair, pale skin and bright sunlight.

Sa nag-iisang talon na iyon, pakiramdam ni Sloven ay nagunaw ang lahat para sa kanya.

Luhaang tinangka na niyang tumalon para sundan ito pero mabilis na hinablot siya ni Bruno.

"Pakawalan mo ako!" iyak niya, nagmamakaawa, nanlalaban, nagpupuyos na rin sa galit na humalo sa iba pang emosyon na nagpapasikip sa kanyang dibdib, nagpapahirap sa kanyang paghinga.

"Boss--" nagpapakatatag ngunit, nag-aalala nitong gapos sa kanya.

"Tatalon ako, Bruno! Tatalon ako!" nanghihina niyang pagpupumilit pero dahil natural na malakas at malaking tao ito, tapos, sugatan pa siya, wala nang naging laban pa si Sloven.

Sa bawat paggalaw niya para makapiglas, napapadiin lang ang pagkakagapos ni Bruno na siyang umiipit din sa kanyang sugat.

"Anya..." nanghihinang iyak niya, bagsak ang mga balikat at napayuko na lamang siya habang nanginginig sa kakaibang panlalamig ang kanyang pagkatao.

"Anya..." iyak niya.

Gusto niyang tumalon.

Kung pwede lang na siya na ang naunang tumalon, para lang masalo ito.







Napapitlag si Sloven nang maramdaman ang pagdampi ng kamay ni Asja sa kanyang pisngi. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkahiya, kanina pa ba siya lumuluha. He took her hand and held it firmly, let go of the radio in his other hand and used that to wipe his own tears.

Napayuko si Asja at hindi makapagsalita. But her breathing told him that she shared his pain too.

"Okay na ako," mahina niyang wika, inangat na ni Sloven ang hawak na kamay ng dalaga at nilapatan iyon ng halik. "Hindi ko lang maiwasan na... na malungkot kapag inaalala ko mismo iyon."

Tila may gusto pang tanungin sa kanya si Asja nang masalubong ang titig ng mga mata nito pero yumuko na lang ito at umiling.

"Nung una," dampot na niya ulit sa radyo habang unti-unting kumakalma na, "nakaramdam ako ng lungkot. Masakit na klase ng lungkot. Hindi siya iyong lungkot na matamlay ka lang, siya yung klase ng lungkot na masakit, nagpapahirap sa akin huminga." He closed his eyes. "That loneliness drove me to stupidly call Risha. I told her that everything was fine although it is not."

Nahigit niya ang paghinga.

"Tapos, galit. Nagalit ako kay Anya. Ilang beses ko sinigaw sa dagat na isa siyang tanga at baliw at... at hindi man lang niya ako inisip. Makasarili..."

He paused and stared at the crackling fire. Medyo tumaas na kasi ang tono ng kanyang pananalita. Sloven calmed himself down and continued.

"Then... I missed her. Inalala ko 'yung mga panahon na masaya kami. Inalala ko lahat ng magagandang bagay kay Anya, lahat ng mabubuti niyang ginawa para sa akin."

He lowered his head and turned the knob of the radio. Iniisa-isa na niya ang mga pwedeng masagapan ng signal. Sinulyapan niya si Asja dahil kanina pa ito walang imik o reaksyon. Tila nagulat ito na nakatitig siya kaya napapiksi ang mga balikat nito.

"You okay?" tipid niyang ngiti rito.

"I am," she spoke in what sounded like a huskier voice.

Hello? Hello? Hello? pangingibabaw ng boses ng kung sino mula sa nasagap na signal ng radyo.

"Boris? Hello, Boris. Over." wika niya pagkapindot sa buton, maingat dahil baka ibang mga tao ang nasa channel na nasagap niya.

Tawa ang sinagot ng nasa kabilang linya. Kanina ko pa hinahanap ang channel mo, Boss. Over.

He pressed the button again. "Gaano ka kalayo rito? Over."

On air, hindi mo ba naririnig ang ingay ng helicopter sa background ko? Malapit-lapit lang siguro kami. Over.

"Bakit nasa ere pa kayo ni Bruno? Over." tanong niya.

Si Asja naman ay tumayo na at nagtimpla ng kape.

Pinag-aaralan pa namin ang mga ruta na pwedeng daanan papunta riyan. Iniiwasan namin na maligaw sa kampo ng target nating bilangguan. Over.

"Pang ilang araw lang ang supply namin dito. Bakit hindi niyo na lang pag-aralan sa mapa iyan para mas mabilis? Over."

There was a long silence. Then Boris replied, Imo-monitor din kasi ang galawan nila. Kung kailan pwede simulan ang pag car nap sa isa sa mga military jeep na palabas ng kampo. Paikot-ikot lang kami ni Bruno dito malapit sa inyo dahil hindi pa nakakarating sa napag-usapang pagtatambangan na lugar ang mga tauhan ko.

"It's a seven to eight hour drive, you're too early. Baka may makapuna sa inyo diyan. Over"

So what are you suggesting? Na bumalik muna kami sa Krasnoyarsk? Over.

Tumaas ang sulok ng labi nito. "Bumisita kaya muna kayo rito saglit ni Bruno?"

Tawa ang sinagot ni Boris. Sure!

----------------------------------------------------

AN

Mas marami ang wordcount nito kaysa sa Chapter 26 XD Grabehan hahaha <3 <3

Thank you everyone for being always patient. Pag natagalan ako sa isang chappie, himay na himay at namnam na namnam ko yan hahaha ;) ;) <3

Maulan pa rin ngayon sa Pinas, always stay safe and warmmmm <3 <3 hihi ;)

Kitakits tomorrow night ulit sa panibagong update. ;) <3

Good night and sweet, sweet dreams.

Love,

ANAxoxo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top