Chapter Twenty-One


TABLES TURNED

----------------------------------------------------

Kinagabihan, nakuha na ni Asja ang pina-laundry na catsuit. Sinabit lang muna iyon sa ginamit na kabinet sa hotel bago umupo sa kama nang nakaunat ang mga binti at nakasandal ang likod sa unang nakasandig sa head board.

Ang malamlam na liwanag ng lampshade na lang ang namayani sa silid nang damputin niya ang diary na nakapatong sa night table. Asja opened the very first page and read. It was like an introduction to a book or probably, an author's note. Tuloy-tuloy na ang kanyang naging pagbasa sa tila summary ng buhay ni Sloven o Aleksandrovich sa tunay na pangalan.

Nabasa niya na si Sloven ang panganay sa kanilang magkakapatid. Walong taon ang pagitan ng binata sa kapatid nito na si Anya na tinerminuhan sa diary na isang milagro dahil namatay ang kanyang mga kapatid dahil sa kumplikasyon na hindi kayang punan ang medikasyon dahil sa paghihikahos nila sa buhay. Si Anya ang huling pinanganak at nabuhay.

Sa isang Cadet school na agad pinasok si Sloven ng mga magulang sa edad na walo. Nagtuloy-tuloy na iyon hanggang sa makapagtapos ang binata.

Ilang parusa rin ang tinamo ko sa Cadet school dahil ilang beses kong tinangka na tumakas sa sobrang home sick ko.

Sloven experienced discrimination during his time. The petty reason-- his handsome face and careful choice of clothing. Lagi itong napagkakaisahan at minamata ang pagiging lalaki dahil ang tunay na lalaki raw ay hindi metikuloso sa suot nitong damit o sa hitsura.

Ang dahilan naman ni Sloven, nagmula na nga ito sa hirap, aakto pa ito na parang mahirap. He wanted to dress and look like the person he aspired to be-- that was a successful man.

Natiis nito ang ilang taon ng pagte-training at pag-aaral sa militar; unti-unting inani ang respeto ng mga nangmamata sa binata dahil ginamit nito ang galit, mga pang-aapi at bugbog na dinanas bilang motibasyon na mas galingan.

Asja was stunned upon reading that after a hard-day of training, Sloven would always get cornered in the boarding house by his roommates. Lagi itong natutulog na bugbog ang katawan sa suntok at tadyak. But of course, year after year, he managed to get by. Hanggang sa nakakaganti na ito. 

I've had enough. Nilapat ko ang mga kamay ko sa sahig matapos kong masubasob nang dahil sa sapak nila sa akin. At nung naramdaman ko na akmang sisipain na naman nila ako para tumihaya, hinila ko kaagad ang bastardo sa paa niya at binuweluhan ng siko sa dibdib. 

Nilingon ko siya, at sa unang pagkakaton, napangiti ako nang makakita na may nahihirapang huminga.

Inangat ko ang tingin sa iba ko pang roommates, na akmang susugurin na ako. Handa ako'ng tumayo at hinablot ang kamao ng isa sa kanila, sabay balibag sa kanya para bumangga sa hagdan ng double deck na malapit sa amin. At saka ko sinugod ang isa pa at binangasan sa mukha.

Hanggang sa siyempre, natatakot na ang mga kasamahan sa silid ng boarding house na galawin ang binata.

Mahinang mura ang kumawala sa kanyang mga labi nang mabasa na ang huling bahagi ng buhay nito bilang isang mag-aaral.

He graduated as a Lieutenant?! panlalaki ng kanyang mga mata nang mabasa ang ranggo na sinulat ng binata sa diary nito.

Binaba na niya ang diary nang marinig ang pag-ring ng telepono.

"Hello?" sagot ni Asja.

Good evening, Miss Asja. You have a phone call from Russia. Mr. Feliks is in the other line.

"Please, forward. Thank you," tuwid niya ng pagkakaupo.

Ilang saglit lang ay nasa kabilang-linya na ang kanyang senior. Hello, Asja.

"Hello, Feliks. Tuloy ba bukas?"

Oo naman. Pagsapit ng alas-singko ng madaling araw diyan sa Kota Kinabalu, makakapag-landing na sa helipad ng hotel na iyan ang pinadalang helicopter para sunduin ka. 

She nodded her head. "Good. And Feliks... may gusto lang akong itanong sa iyo."

Yes, Asja?

"Mas matagal ka sa akin sa GRU, so you possibly know, kung ano ang unang propesyon ni Sloven Markov bago siya napunta sa intelligence?"

I have no idea. Confidential lahat ng files ng mga agent sa GRU. Ang nakakaalam lang ay ang chief at ang kanilang mga handler. Sa kaso ni Sloven, mismong si Sir Gregory ang kanyang handler, kaya sila lang ang nakakaalam.

Her eyes narrowed. Kung isang lieutenant si Sloven, hindi malabo na alam ng lahat iyon. Isa iyong prominenteng posisyon sa army, hindi ba?

"Are you sure?"

Bakit mo naman naitanong?

"Bukas na natin pag-usapan," buntong-hininga niya. "Kailangan ko nang matulog para magising ng maaga bukas."

See you.

At nang maibaba na ni Asja ang telepono, napalingon siya sa diary na nakapatong na sa night table.

Lieutenant Aleksandrovich.





Kinabukasan, maagang nagbihis si Asja at pinanhik ang helipad ng hotel na kanyang tinutuluyan. May nanakaw siyang shoulder bag noong tumatakas mula sa mansyon ni Sloven kaya doon niya nilagay ang diary. Nakasukbit na iyon sa kanyang balikat habang inaakyat ang hagdan.

Asja stepped in the open, her black boots tapping against the ground as her hips swayed in their natural sway. Nakapony-tail na ang kanyang honey blonde na buhok na bahagyang hinangin nang papalapit na ang itim na helicopter na may kalakihan. Iyon ang kanyang pinagtaka.

Nang sumayad na ito sa lupa, lumikha ang helicopter ng mala-ipo-ipong hangin dahil sa pag-ikot ng elisi nito at isang nakakabinging ingay. She saw two armed men got down before Feliks followed. All of them wore black suits, except Feliks who wore grey.

Humakbang na siya palapit dito.

"Hindi na naman siguro kailangan ng ganitong karami na escort, Feliks," aniya nang magkaharap na sila.

"Believe me, kailangan," taas ng sulok ng labi nito.

Napalingon si Asja nang pagitnaan siya ng dalawang lalaki at biglang posasan.

She was overcame by shock that she could not even make a move. Maang na napatingin siya kay Feliks.

"Ano ang ibig sabihin nito?"

"Sorry, Asja. Pero kailangan mong harapin ang paglilitis sa Russia sa salang pakikipag-kooperasyon sa mga hindi aprubadong misyon mula kay Gregori at sa pakikipagsabwatan sa isang wanted na rebelde ng bansa na si Sloven Markov."

"Ano ba ang pinagsasasabi mo? Alam mo kung ano ang mga motibo ko!" panlalaban niya habang pinipilit itulak papunta sa helicopter.

Umiwas lang si Feliks sa daan para malaya na siyang matulak ng mga ito.

"Feliks!" takbo niya dapat papunta sa lalaki pero hinablot lang siya ng mga escort at kinaladkad na patungo sa helicopter.

Gulong-gulo na siya. Bakit siya hinuhuli ni Feliks at ng mga tauhan ng GRU? Ano ba itong mga pinagsasasabi ng lalaki na wala namang basehan. Oo, may kasalanan nga marahil siya sa pagsunod sa isang hindi otorisado na misyon mula kay Gregori, pero alam naman ni Feliks ang lahat, hindi ba? Katulong niya ito sa pagtunton kay Sloven Markov, alam ng lalaki na ang motibo nila sa pagsunod sa utos ni Gregori ay para mahuli si Sloven at malitis na ito sa Russia.

Kaya ano ang mga katarantaduhang pinaga-akusa ng lalaking ito sa kanya?

"Ipaliwanag mo ito, Feliks! Bakit mo ito ginagawa sa akin!" gigil niyang sigaw.

Relaxed lang na nakatayo ang lalaki at pinapanood ang pagkaladkad sa kanya ng mga escort.

Ah, hindi pwede ang ganito. Hindi makakapayag si Asja na madala siya ng mga ito sa Russia. Kung matagumpay siyang madadala roon para malitis, tiyak na lagot na siya. She used her boot's heel to stomp on one of the escorts' knee. Sa tulis ba naman ng takong niyon, talagang mapapaluhod ito sa sakit ng kanyang tadyak, at sinunod na niya ang pag-bend ng kaunti para masiko ang isa sa sikmura.

She immediately ran back to Feliks who just pulled out a gun to point it at her. Pero mabilis siyang gumalaw, kakaangat pa lang nito ng baril ay naitabig na iyon ng kanyang swing kick.

Siya namang baba ng dalawa pang escort na nakaabang kanina sa loob ng helicopter at hinabol siya ng putok ng mga baril na hawak ng mga ito. Asja danced her way out of the raging bullets. Pumuwesto muna siya sa likuran ng nagulat na si Feliks at tinulak ito na siyang nagpasubasob sa lalaki sa sahig bago siya nagtatatakbo pabalik sa hagdan papasok sa hotel.

"Habulin niyo siya!" narinig ni Asja na galit na utos ni Feliks sa mga tauhan nito.





  ---------------------------------------------------- 





Bruno put down his telescope and glanced at Sloven. Nasa bangka sila ng kanyang kanang-kamay na nakadaong sa Kota Kinabalu.

"Mukhang tama ka nga, Boss," ngisi ni Bruno. "Mas maganda manghuli ng isda sa ganitong oras sa umaga."

Tumaas lang ang sulok ng kanyang labi at sinipat ang suot na silver na relos. "Sana nga ay may mabingwit tayo. Mukhang marami ring nangingisda sa ganitong oras, eh."

Mahinang tawa ang sinagot ni Bruno. "Natatanaw mo naman siguro diyan ang helicopter ng GRU."

Sloven lifted his blue eyes, overlapped with dark excitement yet his lips were firm. Tinitigan niya ang helicopter na nasa tuktok ng isang hotel sa may 'di kalayuan.

"Buhayin mo na ang makina at baka mapasabak tayo sa habulan," tayo na niya para pumuwesto sa pinakadulo ng bangka. Nag-aabang ang kanyang paningin, hinahanap kung saang direksyon magmumula ang kanilang isda.

 "Sa tingin niyo ba, Boss, ililigpit na nila si Asja?" tanong ni Bruno kasunod ng pag-ingay ng motor ng bangka nito.

He grinned, but that did not reach his eyes. "Siyempre, hindi. Hangga't wala pa silang napapala kay Asja, mananatili siyang buhay. At matalino si Asja, hindi siya agad-agad nagsasabi nagsasabi ng mga nalalaman niya."

"Matalino nga siya dahil natakasan ka."

Sloven scoffed, his eyes were still searching for Asja. "If you love someone, you set them free. But when you set them free, you make sure that they will always know their way back to you." He lowered his head upon seeing a silhouette of a woman approaching the docks. "Love waits for your beloved's return."

At pumasok na si Sloven sa bangka.

"Paandarin mo na, Bruno," marahas niyang utos.

Napalingon si Bruno sa likuran. "Boss, parating na yata si Asja."

"I know," he grinned. "Paghabulin mo siya."

Natatawang napailing-iling na lang si Bruno bago pinaharurot ang bangka nito.

"Wait!" narinig niyang tawag ni Asja.

At siyempre, hindi niya ito nilingon.

----------------------------------------------------   

RUSSIAN INFLUENCE:

** There are military schools in Russia for young children, which are called Cadet schools. There are also secondary and tertiary schools for military academics.

  ----------------------------------------------------

AN

Good evening everyone!

Natagalan ako sa pagsulat ng chapter na ito. I re-evaluated Sloven's timeline and background for the sake of the narration of his military academics history. So far, I think I managed to pull it off hehehe XD

I have one more chapter to post after this. Salamat for patiently waiting for this update <3 <3

Love,

ANA xoxo    

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top