Chapter Twenty-Nine
REALIZATION
----------------------------------------------------
Kinabukasan, tulad nga ng naging usapan ay bumalik si Boris na dala ang uniporme na gagamitin ni Sloven. Habang nasa banyo pa ito nagbibihis, hindi maiwasan ni Asja na makaramdam ng kaunting pagka-asiwa sa presensya ni Boris. Iniiwasan niya ang tila makahulugan nitong titig at tila hindi na ito nakatiis kaya tumayo na mula sa kinauupuan sa dining table at nilapitan siya na nakaupo naman sa gilid ng kama at nagtitiklop ng kumot.
"Pasensya na sa inasal ko kahapon," anito, nakatayo sa tapat niya. "Tulad mo, hindi rin ako naging komportable nung pag-usapan natin si Ivanov."
"Nung ginahasa mo siya, worth it ba talaga?" matabang niyang tanong. "Kasi kung worth it talaga iyon, dapat masaya ka, hindi ka dapat naaasiwa sa ginawa mo."
"Alam ko na nasa panig ka ng batas at hustisya," anito. "Taga-GRU ka eh, iyon ang sinumpaan mo na tungkulin din, pero may mga bagay na hindi nadadaan sa ganoong proseso. Sa tingin mo ba, may laban kami sa mismong heneral ng hukbong militar ng Russia kung idadaan namin siya sa legal na pamamaraan."
"Evidence," tingala niya rito, matalim ang mga titig sa mata.
Hindi siya galit kay Boris, nagagalit siya sa ginawa nito. Nagagalit at nandidiri. Hindi tuloy mawala sa isip niya ang involvement nito kay Sloven. Ewan niya kung dapat din ba niya i-entertain ang ideya na may nangyari kaya rito at kay Sloven na sekswal para maging magkakampi? Sure, that seemed impossible, but the fact that Boris was gay and Sloven was always ready to use sex to disarm a person or get a mission done like what he did to that Celine in Copenhagen that Boris mentioned yesterday.
Ugh, iling ni Asja sabay iwas ng tingin sa matangkad na lalaki.
"Stop living in a lie, alam mo na nage-exist ang kawalan ng hustisya. Kayang baluktutin ito ng kahit sino na nasa kapangyarihan at nasa posisyon. Ganoon ang kalakaran ng mundo, hindi lang sa Russia may ganitong kaso, kahit saang bansa pa--"
Tinapos na niya ang pagtiklop at tiningala ito. "Kung ganoon, kailangan ba nating gumaya pa sa kanila?"
Ngumiti ito. "Hindi ko alam kung paano ka nagustuhan ni Boss, ang layo ng pananaw niyo."
Hindi niya alam kung bakit ang sakit ng dating niyon sa kanyang pandinig. Para bang pakiramdam niya ay sinasampal siya ni Boris sa katotohanan na walang dapat magustuhan sa kanya ang kahit sinong lalaki... si Sloven... Everything immediately flashed before her eyes. Her life in general. Ano nga ba ang pwedeng magustuhan sa kanya ng lalaki? She could not be a typical wife-- caring, sweet and pure. Hindi siya ganoon. She had been a whore-- dirty and used. Isa na siyang espiya ngunit average naman ang galing. Idagdag pa na matigas ang kanyang ulo. Kahit sino yata ang lalaki na idikit sa kanya ay lagi silang may pag-aawayan.
Tulad nila ni Sloven.
Naputol ang tila nagsusukatan nilang titigan nang lumabas na si Sloven mula sa banyo. He stood proudly and stretched his arms. Inayos lang nito ang cuff ng uniporme bago inangat ang mga mata sa kanya. He was now a man in a green everyday military uniform with two yellow stars stitched on the shoulder with a red line separating them. Nakatahi sa kaliwang dibdib nito ang apelyido na Sokolov A. sa letra ng Russian.
The suit fitted him, hugging his strong physique and the cap on his head completed the breathtaking, authoritative style of the blue-eyed demi-god. Lumapad ang pagkakangisi nito, tila nagustuhan ang kanyang naging reaksyon. Mabilis itong lumapit sa kanya.
"It fits in the right places, right?" tanong nito.
Nahihiyang napayuko siya. "Yes," she replied, still breath-taken.
Nang makita na nakauniporme si Sloven at mukhang masaya ito sa pagkakayari ng damit, at saka lang niya na-appreciate si Boris. Kahit sabihin pa na hindi niya nagustuhan ang mga ginawa nito noon, heto naman ang lalaki at tinutulungan sila. Nagsisi tuloy siya na nakipagtalo pa kanina imbes na tanggapin na lang ang paghingi nito ng tawad.
"Baka mamayang gabi na makarating ang jeep dito," paliwanag ni Boris na tila hindi tinatalaban sa kakaibang dating na hatid ng uniporme kay Sloven. "Sinabihan na ako nung una pa lang ng mga tauhan ko na baka mahirapan sila ng kaunti na matunton itong cabin ninyo. Ginamitan naman namin iyon ng GPS, para namo-monitor sila at hindi maligaw."
"Good," seryosong tango ni Sloven at pinamulsa ang mga kamay. "Pwede mo na kaming iwan muna ni Asja rito."
Tumango na ito at sinuot ang coat. Iniwan ni Asja ang tinitiklop at nagpresenta na ihahatid sa paglabas si Boris. Pakiramadam niya kasi ay kailangan niyang humingi ng tawad dito dahil hindi man lang niya tinanggap ang paghingi nito ng paumanhin kanina, bagkus ay nakipagsagutan pa siya rito.
"Ihahatid ko lang siya sa labas," paalam niya kay Sloven at hindi na hinintay pa ang sagot nito.
Nakita niya ang pagtataka sa mukha ni Boris pero saglit lang ito na sumulyap sa kanya bago sinuot ang sumbrero at tinungo na ang pinto. Madalian lang niyang sinuot ang coat at sinundan si Boris. Pagkalabas ng cabin ay sinara na niya ang pinto.
"Boris," yakap ni Asja sa sarili dahil sa lamig na sumalubong sa kanila.
Her boots stepped on the thin layer of snow as she followed him outside the forest. Hindi siya sinagot ng lalaki kaya tahimik na lang niya itong sinabayan sa paglakad hanggang sa marating nila ang dulo ng mga nagtaasang puno at natanaw na ang malawak na patag kung saan sila nag-landing ni Sloven nung isang araw.
Nilingon siya ni Boris. "Sige," anito, kasabay ng pagbuga ng puting hininga dahil sa lamig, "hanggang dito na lang, Asja."
"Boris," hugot niya ng malalim na paghinga. "Pasensya na sa inasal ko kanina. Humihingi ka ng tawad tapos nakipagtalo pa ako."
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Ayos lang. Parang sirang plaka ba naman si Boss sa kakakwento sa amin tungkol sa iyo, eh, tingnan na lang natin kung hindi pa namin makabisado ang ugali mo dahil doon."
"Ang ugali ko," naguguluhang titig niya rito.
"Matigas ang ulo mo," mahina nitong tawa. "Nakakapagtaka na nagustuhan ka ni Boss. Pero gusto ko iyon, at nang matuto siya na hindi lahat ng bagay ay nakaalinsunod sa mga gusto niyang mangyari."
"Kung magsalita ka, parang ang seryo-seryoso sa akin ni Sloven," mas yakap pa niya sa sarili.
"Bakit, hindi ba?" ngisi nito. Amusement danced in Boris' eyes.
"Kilala niyo ang ugali ko base sa kwento niya, eh si Sloven nakakasama niyo at nakakausap pa, so dapat mas kilala niyo ang ugali niya. He hates me, kasi lagi ko siyang kinokontra."
Napailing-iling lang ito bago napatingala. "Nagagalit siya kasi nasa tama ka. Kung wala ka sa tama, tatawanan ka lang ni Boss."
Lumapat na ang naka-gloves nitong kamay sa kanyang pisngi at tumapik. "Aalis na ako. Bumalik ka na at ayaw ni Boss na nawawala ka sa paningin n'un."
Sa mga pinagsasasabi ni Boris, tila may alam na ito sa nangyari sa kanila ni Sloven. She felt her cheeks blush upon that realization. Huwag lang talaga makukwento ng Sloven na iyon ang mga nangyari sa kanila at mabubugbog niya ito!
Lumakad na si Boris palayo, tumingala nang marating ang kalagitnaan ng parang para abangan ang helicopter na susundo rito. Tumalikod na siya at bumalik sa cabin.
Habang papalapit doon ay natanaw na niya ang lalaki sa uniporme nito at nakasandal ng patagilid sa hamba ng bukas na pinto. Kita ang inip sa gwapo nitong mukha. Dahil sa sobrang lamig ay tinakbo na ni Asja ang cabin. Huminto siya sa tapat ni Sloven na nakaharang pa rin.
"Next time," matiim nitong titig sa kanya, "don't make me wait this long."
"Hinatid ko lang si Boris sa--"
"Kaya na niya ang sarili niya, okay?" suplado nitong talikod.
Pumasok na si Asja at sinara ang pinto. "Sloven, curious lang ako... Hindi ko kasi matanong kay Boris kaya sa iyo na lang."
Pagharap ni Asja ay tila nabahala ang binata. Nakatitig na ito habang nakatayo malapit sa fireplace at hinihintay ang kanyang sasabihin. Hinubad na ni Asja ang coat.
"May nangyari na ba sa inyo ni Boris?" walang gatol niyang tanong.
What? She was just being frank!
Kumawala ang mahinang mura mula sa mga labi ni Sloven. Napailing ito saglit bago binalik ang tingin sa kanya.
"Iyan ba ang dahilan kaya hindi ka yumayakap sa akin kagabi nung natulog tayo."
Pinili na lang ni Asja na manahimik.
"Mukha ba akong pumapatol kay Boris?" iritado nitong wika nang tila mainip sa kanyang pananahimik.
"Well... Naba-bother lang ako..." nahihiyang iwas niya ng tingin.
Huli na nang mapansin niya na nakalapit na ito. Sloven stepped forward as she stepped back to avoid the closeness that was causing the build-up of this tension in her body, making her skin feel hot all of a sudden, making her inhale his perpetually inviting musky scent, and if he was staggering handsome to look at in his uniform in full-length, what more when he stepped closer?
Napasandal na lang si Asja sa nakapinid na pinto, at sa pag ngisi ni Sloven, tila nakuha nito ang resultang gusto. Nailapat na lang niya ang mga palad sa sinasandalang kahoy at pailalim na tinitigan ang lalaki. There was challenge in the way he looked at her, his eyes gave her a playful initimidation to give him a strong basis for her judgment about him and Boris.
"So you think, may nangyari sa amin ni Boris?" luwag ng pagkakangisi nito.
Nahihiyang napatango-tango na lang si Asja, hindi matanggal ang pagkakatitig ng kanyang mga mata sa binata. Sa asul nitong mga mata na tila ba hindi nakakasawa na pagmasdan, mga mata na tila may kinetic powers at kayang manghubad at humaplos sa kanyang buong katawan sa pamamagitan lang ng malagkit nitong pagtitig.
As Sloven bit his lower lip, her body trembled with wanting.
Wanting and expecting that that lip bite meant something exciting would follow through.
Pero tila kinagat lang nito ang pang-ibabang labi hindi para akitin siya, kundi para pigilan ang tawa na nakawala rin mula sa mga labi nito. Sloven threw back his head and laughed-- loud, light and merry. Napailing-iling pa ito bago binalik ang tingin sa kanya.
"You're so cute, Asja," pisil nito sa kanyang pisngi kasabay ng pagsugod kaya naipit na siya ng katawan nito sa pinto.
She sucked in a deep breath as the man slowly grind against her body. His hands held her upper arms securely, his blue eyes were trying to catch her gaze.
"Hindi bagay sa iyo ang maging cute," he murmured.
"I am not being cute," she panted, slowly fighting the heat that he was giving by being so close, by rubbing her arms and using the intensity of his gaze to melt her. "I just wondered... paano mo... paano mo nakumbinsi si Boris na kumampi... sa iyo... if not in a sexual way..."
"I convinced him because way back in college, ako ang gumugulpi sa mga umaapi sa kanya. Ginagawa ko iyon dahil alam ko ang pakiramdam ng ma-bully. Alam ko ang pakiramdam ng mabugbog ng mga kasamahan sa boarding house."
"Oh..." she slowly closed her eyes, accepting his reason as well as the circling of his hips against her. She bit her lower lip upon feeling him slowly hardening against her body.
"You're hot, Asja, so hot you can easily melt an ice-cold man named Lieutenant Aleksandrovich Sokolov."
Dahan-dahang inangat niya ang mga mata rito, her face reflected in his blue eyes-- and Asja didn't like how her reflection looked like.
She looked so weak in Sloven's hold, in his closeness-- happy, excitement in her glossy, dilated eyes yet her smile was euphoric and weak. Hindi niya nakikita ang babae na ginusto niyang maging-- iyong malakas, matapang at hindi mahina sa harap ng kahit sino.
And Asja knew that she looked that way in the mirror years ago, when a stranger took her from the club she was working at to spend the night with. She only saw her looking like that once, that was why that look on her face was special and easy to remember.
That look on her face, was the same look she wore when she realized that she was in love.
And it was scary.
She was lost all of a sudden in flashes of memories. Tila doon niya hinahanap ang dahilan kung bakit ganoon ang hitsura niya sa repleksyon sa mga mata ng binata. Hinahanap niya ang rason kung bakit siya iibig sa isang binata na tumalikod sa tungkulin nito sa GRU para kalabanin ang gobyerno, kung bakit siya iibig sa isang mayabang na lalaki na tulad ni Sloven.
He had every chance to kill me. Sa Pulau Sapi nung nakatulog ako sa buhanginan, nung nakulong niya ako sa mansyon, nung tinakasan ko siya, nung hinahabol ako ng GRU...
A lot of memories flashed before her in just a second.
Ako na ang maghahanda ng pampaligo mo. naalala niyang wika nito nung una niyang gising na nasa mansyon na nito.
Hindi pa pwedeng mabasa iyang sugat mo. naalala niyang paliwanag nito nung lumublob siya sa bathtub na kaunti lang ang tubig.
Ako alam ko ang birthday mo, makahulugan nitong titig sa kanya noon, November 7.
Make love to me.
Just let me tell you a bed time story. It was one night in Malysh bar, in Powerhouse in Moscow.
Dahil doon naalala niya ang pagsubo nito sa kanya ng steak nung sinugod niya ang lalaki sa Malysh bar. Sinugod na nga niya ito para awayin, pinakain pa siya nito at kalmanteng kinausap.
...kapag pumalpak ka at makita nilang suot mo ang singsing na iyan, ako ang hahanapin nila.
Ano kaya ang pakiramdam ng totoong sex?
I think it is lovely. The images burn my lust like wildfire.
I want to be your Russian vodka. I want you to immense and drown yourself in me.
I want to taste you. Will you let me?
I'm fucking jealous, Asja. How dare you to attempt to do it with Bruno.
...while I cannot imagine hurting you just to win.
I don't want to hurt you.
So you are admitting now that you're attracted to me. Or... are you just using tactics on me to get the alliance you want?
Tititig ako kapag gusto ko.
Kasi gusto kita, siguro naman ginawa ko na iyong obvious para sa iyo.
Yuck, naalala niya na wika nito noong tawagin niya itong Lieutenant Aleksandrovich, na nagpangiti sa kanya sa kalagtinaan ng pag-alala niyon.
I want to jump first so that when you fall, I will be already there and ready to catch you.
You should just trust my decisions sometimes, you know--
I'll give you what you want, how you want it.
I could tear them apart with my hands, for you, if I have to.
I believe that the shortest of moments could be the most romantic when it happens with your one true love.
I just had my peak. And I'm afraid, the most beautiful memory is the one that is hard to speak.
In every memory, Sloven's face as he spoke those words materialized in her reminiscing-- his blue eyes, the movement of his lips, every single detail of emotion sketched all over his face... how he sounded, how those words made her feel when he spoke them...
Nagulat na lang sila nang makarinig ng pagbusina mula sa labas. Mabilis na humalik si Sloven sa kanyang mga labi at lumayo na.
"Nandito na yata ang jeep," unat ng mga kamay nito sa suot na uniporme. He took her hand and pulled her off of that door. "Tara, tingnan na natin," hila na nito pabukas sa pinto. "Mauna na ako sa paglabas, magbihis ka na ng makapal-kapal para hindi ka ginawin."
At pinanood lang niya ang paglabas nito ng cabin. Tumayo si Sloven at hinintay na makaparada ang jeep na dumating. Kapansin-pansin na tila may hinawakan ito sa ilalim ng laylayan ng suot nitong uniporme, sa palagay niya ay may nakasuksok na baril sa sinturera nito.
Bumaba ang isang lalaki mula sa jeep. "Magandang umaga, ikaw ba ang boss ni Boris?"
"Ako nga," seryoso at tila walang emosyon na titig ng binata sa bagong dating.
"Heto na ang military jeep," lingon nito saglit sa sasakyan kung saan bumaba ang tatlo pang kalalakihan na makakapal na jacket ng suot.
"Mamaya na natin inspeksyunin," anito. "Gusto niyo ba ng makakakain? Pumasok muna tayo sa loob at nang makapagpainit kayo."
"Salamat."
Naguguluhang napatitig lang siya sa binata nung kausap nito ang mga dumating na tauhan ni Boris. Tila wala sa loob na inisa-isa ang bawat pagkilos nito, ang simpleng pag galaw ng mga kamay, ang pagkakatindig nito at tila pagbagal ng oras kaya maging ang pagbuka ng mga labi nito ay mabagal at nanghihipnotismo.
Nang matanaw na papunta na ang mga ito sa cabin, hinayaan na lang ni Asja na nakabukas ang pinto at dumeretso na sa kusina para ipaghanda ang mga ito ng makakain. Sa pagkataranta ay kumalansing at dumulas sa kanyang pagkakahawak ang kinuhang sandok at sumunod doon ang hinablot niyang kaldero.
Naku, Asja, naalala niyang pabirong warning ni Boris, ingat ka sa lokong ito. Nababaliw lahat ng umiibig dito.
Tinukod niya ang mga kamay sa espasyo malapit sa lababo at napayuko.
Naalala niya bigla si Stepha at ang malagim nitong naging katapusan.
Her brown eyes turned glossy with moisture, her face was filled with tension, then confusion that caused her body to tremble underneath her own skin. Nagpakawala siya ng tila hingal na hindi sanhi ng pagod.
Kundi sanhi ng takot.
----------------------------------------------------
AN
Finally! Natapos ko! ;)
Dahil sa flashback medyo humaba itong chappie na ito hahaha, inisa-isa ko pa talaga yung mga nakaraang chapters. <3 <3
I hope all of you are doing well. Ang lamig pa rin ng panahon sa Pinas, pero ewan ko kung bakit warm ang pakiramdam ko ngayon hahaha XD Medyo pinawisan sa leeg hahaha!
Happy reading everyone!
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top