Chapter Twenty-Five
JUMP!
----------------------------------------------------
Ilang linggo din ang tinagal ng paghahanda nila Asja para sa planong pagpunta sa Siberia. Kinailangan nilang linisin ang mansyon bago iyon iwanan, pagkatapos ay i-tsek ang mga dadalhin at bilhin ang mga dapat bilhin nang maingat lalo na at wala silang ideya kung may nagpapagala-gala ba na GRU agents para hulihin sila. Kahit anong pangungulit ni Asja ay iniiwasan ni Sloven ang mga tanong niya tungkol sa plano nitong gawin.
But he had been really busy lately. Lagi nitong gusto mapag-isa at laging may kinakausap sa cellphone. Nitong nakaraan, naabala na ito at si Bruno sa ginawang pagme-maintenance check sa helicopter.
Natagpuan nila ang sasakyan sa mas liblib na bahagi ng kagubatan, malayo-layo sa mansyon.
Sa pagsipat ni Sloven at Bruno roon ay marami silang kinailangan na linisin at ayusin. Naihilig tuloy ni Asja ang ulo at napatitig sa mga ito-- lalo na sa binata. Paano kasi parang may kakaiba sa mood nito nang makita ang helicopter.
Sloven stared at it and took a deep breath before helping Bruno. Ganoon at ganoon lagi ang ginagawa nito sa tuwing binabalikan nila iyon para ayusin at i-maintenance kaya naman sa sobrang pagkaintriga, hindi na siya nakatiis.
Yes, it was an ordinary day, but she could not let the day pass without looking her best. Naka-pusod ang kanyang honey blonde hair at nakasuot siya ng slim fit na jeans na tinernuhan ng crop top na puti. Her lips were red and a mild make-up completed her look for that day.
Bitbit ni Asja ang tuwalya nang lapitan si Sloven. Pawisan ang binata na tanging tinapyas hanggang tuhod na maong lang ang suot. Parang gusto tuloy niyang magsisi sa paglapit dito, dahil napalunok siya nang matitigan ng malapitan ang pagtagaktak ng pawis sa magandang hulma ng katawan ng binata.
Tuwing tumatagaktak ang pawis sa mga balikat nito, sa dibdib... sa abs... isa lang ang rumerehistro sa kanya na ganoong hitsura ng lalaki.
He would always look like that when he was on top of her body, thrusting and grunting...
Biglang dumeretso na ng tayo si Sloven mula sa pag-iinspeksyon nito sa gulong ng kanilang sasakyan papunta ng Siberia. She drew in a deep breath because what he did only bring his body closer to hers. Halata na nagulat din ito kaya naman napaatras bago napatitig sa hawak niyang tuwalya.
Inabot niya na iyon sa lalaki. "Magpunas ka nga ng pawis mo."
Binalik lang nito ang tuwalya sa kanya. "Pakipunasan nga ang likod ko."
Asja let out a sigh and decided not to complain. Dahan-dahan niyang pinunasan ang likod ng lalaki, maingat na huwag masyadong madiinan ang pagkakakuskos doon nang humarap na ito sa kanya.
"Now, here," inosenteng turo nito sa abs.
Inosente dahil walang bahid ng tila panunukso sa mga mata nito. Maging ang mga labi ng lalaki ay nakatikom lang matapos magsalita.
Pakiramdam niya ay nagkukuskos siya ng labada sa washboard nang punasan na iyon ng tuwalya. Inangat ni Asja ang paningin kay Sloven para tanungin ito.
"Nagtataka lang ako, bakit parang iba ang mood mo kapag nandito tayo sa harap ng helicopter?"
Medyo nagsalubong ang mga kilay nito. "What do you mean?"
"Tingnan mo," sulyap niya saglit sa abs nito. Nakakabwisit talaga, malaking distraksyon sa paningin ang mga iyon. She returned her eyes on him. "Sa ganitong sitwasyon, dapat binubwisit mo na ako dahil pinupunasan ko ang abs mo, pero seryoso ka lang ngayon."
"Bakit naman kita bubwisitin kung pinupunasan mo ang abs ko?" hawak nito sa kanyang kamay para pigilan iyon sa pagpunas.
"I believe--" lingon niya sa bagong linis na helicopter, "--may kaunting history sa likod ng helicopter na ito."
"You're reading my diary, right?" agaw na nito ng tuwalya sa kanya para isabit iyon sa balikat nito. "Bakit hindi mo doon hanapin?"
"Ang dami-daming pages n'un! And I am not really interested with your life!"
"Kaya pala--" paniningkit ng mga mata nito, "--inuulit-ulit mo ang pagbanggit kay Risha. At ang dami-damo mo'ng tanong ngayon."
"Nabasa ko lang ang tungkol sa kanya kasi gusto kong alamin kung bakit mo noon gustong nakawin ang RSF. Pero siyempre, laging naiistorbo ang pagbabasa ko, at akala mo, hindi ako nakakahalata na nilalagyan niyo ng pampatulog ng mga once o twice a week ang iniinom ko!"
Napatingala lang ito at tila sumusukong napabuntong-hininga. "Naniniguro lang kami."
"GRU is also after me, Sloven," she gritted. "At alam mo iyan, nauna ka pa nga na nakaalam bago ko nalaman. And I am sticking around because I know that you have a clue about what is really going on. At hindi mo nga naman sinasabi sa akin kahit ano'ng pilit ko dahil alam ko naman na wala kang tiwala sa akin."
He just stared at her. Dalang-dala pa si Asja ng kanyang emosyon kaya nagdere-deretso lang siya sa pagsasalita.
"Matalino ka. Alam mo na kung ikukumpara sa iyo, pangalawa lang ako kaya ano pa ang threat na nakikita mo sa akin laban sa iyo?" Asja lowered her head. "I have already accepted it. Tinanggap ko iyon nung nasa kalagitnaan ako ng pagtakbo para takasan sila Feliks sa helipad nung tinakasan kita." She swallowed, all of a sudden, she was becoming so emotional. The overwhelming was clutching her tight in the chest. "Nang dahil sa kapalpakan ko, sa katigasan na rin ng ulo ko--" angat niya ng tingin dito, "--napahamak si Sir Gregori."
Humakbang palapit sa kanya ang binata at hinaplos siya sa mukha. His hand rested on her cheek, holding onto it and slowly glided his palm on her skin. It was as if the sensation made her lips quiver.
"Hindi mo ginusto, kaya hindi mo pwedeng isisi ang mga nangyari sa sarili mo," malumanay nitong wika.
"Ginusto ko na tugisin ka imbes na sundin ang tunay na utos ni Sir Gregori--"
"Tugisin mo man ako o hindi, sa ganito rin naman tayo hahantong dahil sa ginawa ni Feliks," bitaw na nito sa kanya. "Ang mabuti pa ay ilabas mo na lahat ng emosyon na kumakawala diyan sa dibdib mo, para kapag pumunta na tayo ng Siberia ay makapag-focus ka sa misyon."
Asja lowered her eyes and let Sloven leave. Nang tuluyan nang nawala sa pagitan ng mga puno ang binata, siya namang lapit sa kanya ni Bruno. Pinunasan ni Bruno ang narumihang mga kamay sa dulo ng suot nitong sando na humahakab sa mamasel nitong katawan at tinanaw pa si Sloven para makasiguro.
"Asja, gusto mo malaman kung ano ang nangyari sa helicopter na ito?"
Inangat niya ang mga mata rito. "Nakikiusyoso ka sa usapan namin?"
"Malamang, para saan pa na naging kanang-kamay niya ako," seryoso nitong wika.
Asja took a deep breath. Mabuti na rin ito na iniiwas siya ni Bruno sa mga magpapaalala sa kanya sa posibleng kondisyon ni Sir Gregori. Kung hindi ay baka tuluyan na siyang bumigay at maluha.
"Ganyan talaga si Boss," paliwanag nito. "Kapag usapang misyon na, nag-iiba na ang aura niya. Nagiging seryoso na siya. Para siyang performer sa Opera, nag-i-internalize na siya sa karakter na gagampanan. Siguro naman ay may mga pagkakataon na ganoon ka rin, pinag-aaralan mo na ang balat-kayong gagampanan mo."
"Balat-kayo?" mahina niyang bulong bago tinuon ang atensyon sa kausap. "Ang ibig mo bang sabihin ay, maga-undercover kami ni Sloven?"
Bruno nodded. "Napagplanuhan na ni Boss ang lahat, pero siyempre, hindi pa niya sinasabi sa iyo lahat ng gagawin."
Mataray na namewang siya. "At bakit naman? Dahil wala nga talaga siyang tiwala sa akin? Iniisip niya na baka baligtarin ko siya?"
"Lagi ka kasing kumokontra sa mga plano niya."
Asja rolled her eyes. "Well, lahat naman kinokontra ko sa kanya."
Mahinag tawa ang nanulas sa mga labi nito. "Ganoon nga, kaya plano niyang sabihin ang plano kinagabihan bago ang araw mismo ng pagpunta natin sa Siberia."
Napahalukipkip na lang siya. "Ayaw na nga niya akong makialam at tumulong, ayaw pa niyang sabihin sa akin ang mga plano."
"Nag-iingat lang si Boss."
Mapanuring tingin ang binigay ni Asja kay Bruno. "Iyon lang ba ang dahilan ng pagbabago ng mood niya? Mas intense kasi kapag nakatitig na siya sa helicopter."
"Pati ba naman iyon napapansin mo?" talikod na nito para ituloy ang pagtatabas sa mga damo na nakapaligid sa sasakyan.
Sinundan ni Asja ang lalaki. "Babae ako, okay? I have senses!"
He let out a groan. "Kay Boss mo na nga lang itanong iyang bagay na iyan. Kanina 'di ba tinanong mo na."
"Sinegway niya ako, eh!"
"Hindi ko na kasalanan iyon."
"Oh, sheesh!" napapailing na tingala na lang ni Asja. "Fine. Diyan ka na," iwan niya kay Bruno.
Kinagabihan ay nilagay na nila ang mga dadalhin sa helicopter. Everyone built a little campfire close to the helicopter. Doon na rin sila nag-set ng mga tent at sleeping bag. Dahil nga hindi binabahagi ni Sloven sa kanya ang mga plano, nagulat na lang si Asja na bukas na pala sila pupunta ng Siberia.
Nakaupo silang tatlo, magkakatabi sa harap ng apoy habang pinapaliwanag ni Sloven ang plano.
"Ang sabi ni Boris," anito, "nagsimula na ang pag-ulan ng yelo sa Siberia. Iyon ang hinihintay natin na pagkakataon para maging mahamog sa lamig ang lugar na iyon at madaling ma-conceal niyon ang helicopter natin at ang pag-landing."
Naglilikot ang mga kamay ni Bruno habang nagsasalita si Sloven. Inaayos nito ang naputol na kadena ng bracelet nitong silver na tila galing sa asawang si Siti.
Siya naman ay palipat-lipat lang ang tingin sa lalaki at kay Sloven. The light from the camp fire gave his pale fairness a yellow-orange touch. His eyes were so blue it looked like a burning ocean against the light from the crackling fire.
Nakatuon sa kawalan ang paningin ng binata, tila bini-visualize ang mga sinasabi sa kanila.
"Ngayon, ibabagsak tayo ni Bruno sa mismong wilderness ng Siberia," sulyap sa kanya ni Sloven, seryoso at tulad nga ng mood nito nung nakaraang mga araw, wala ito sa mood lumandi o anupaman. "Hindi kita ini-stress sa mga preparations para sa pag-alis natin dahil kakailanganin mo ang kumpletong tulog at sapat na pahinga para nasa kondisyon ka bukas, Asja."
"Ikaw rin naman," taas niya ng kilay rito. "Kailangan na nasa kondisyon ka rin."
"I am always in good condition."
"Ang yabang," she snorted, which Sloven ignored.
"Sobrang lamig sa Siberia at maraming mababangis na hayop doon--"
"I know," she hissed. "Russian ako, okay?"
"I am just reminding you, kasi narinig ko na naman iyang pagtawag-tawag mo sa akin ng mayabang."
Sloven always acted cool when they argue. Iyon ang dahilan kung bakit lalo siyang nabubwisit dito, kaya naman medyo naguguluhan siya sa kakaibang ugali ngayon nito sa kanilang pagtatalo.
"Pwede ba, ituloy mo na lang ang pagbi-briefing sa akin tungkol sa plano mo."
Tila frustrated na napailing-iling lang ito. "As I was saying," he sighed, "Ibabagsak tayo ni Bruno sa Siberia, sa mismong kagubatan ng Siberia, Asja. Dapat nakahanda na tayo roon sa pagtalon palabas ng helicopter. Sana lang ay hindi ganoon ka-unstable ang maging ihip ng hangin sa lugar na iyon, kung hindi baka kung saan niyon tayo tangayin kasama ang mga parachute natin.
Pagka-landing natin, dapat sa loob ng twenty minutes, nasalansan na natin ang mga parachute natin. At aalis tayo roon para puntahan ang liblib na cabin ko."
"So, may bahay ka na rito sa Pulau Sapi, may cabin ka pa sa kagubatan ng Siberia," she muttered sarcastically. Hindi kasi siya makapaniwala na tila kung saan-saan lang nagtatayo ng bahay ang binata kapag ginusto nito.
"I made that fucking cabin when I got trapped in the wilderness of Siberia on one of my missions, Asja. Kinailangan ko magtago noon dahil nadiskubre na undercover ako ng mga taga--"
She waved a hand. "Ah, huwag ka nang magkwento ng walang kinalaman sa misyon natin." At nilingon niya ang binata. "So, pupunta tayo sa cabin mo sa gubat na iyon. Pagkatapos?"
"Pagkatapos, aayusin ko ang radio transmitter doon. Habang nagtatago tayo, pabalik na noon si Bruno. Bibisitahin niya si Boris sa Krasnoyarsk at sila na ang bahala kung paano ipupuslit ang mga pagkain papunta sa cabin natin. It will take them a day or two to reach us."
"Kung ganoon, eh 'di dapat may dala tayong pagkain." Asja clasped her hand. Medyo kinabahan siya sa isipin na limitado lang ang magiging pagkain nila ni Sloven. At hindi nga naman pwedeng i-landing ang helicopter doon dahil sa hindi sila sigurado kung kakayanin ng luma na nitong mga makina ang lamig doon.
"Oo, magdadala tayo. Ilalagay natin sa shoulder bag mo ang mga bote ng vodka at tubig. Ang mga pagkain naman, ihahagis muna natin bago tayo tumalon palabas ng helicopter."
Nahigit niya ang paghinga. "Okay. Noted."
"At sasabihin ko ang susunod nating gagawin kapag nasa cabin na tayo."
Inirapan niya ito. Wala talagang tiwala sa kanya ang lalaki. Sayang at wala kay Sloven ang diary nito. Malamang ay sinusulat doon ng lalaki lahat ng mga balak nito bago isagawa.
"Matulog na kayo," tayo ng binata para silipin na naman ang helicopter.
Pumasok na si Bruno sa tent nito para matulog.
Samantala, nanatili lang siya sa sleeping bag na nakahiga habang nakatitig sa langit.
Mukhang magiging maaliwalas naman ang panahon sa Pulau Sapi. Magkakatapusan na ng Setyembre, nagkalat ang mga bituin sa langit at hindi ganoon kalamig ang simoy ng hangin. Presko ang kanyang pakiramdam.
Habang nasa ganoong estado ay umupo si Sloven sa damuhan para matabihan siya.
"Bakit hindi ka pa pumapasok sa tent?"
"Hinihintay kita," mahina niyang wika.
"At bakit?"
"Tapos ka na ba mangalikot sa helicopter?"
"Bakit nga?"
Napabuntong-hininga siya. "When will you trust me?"
"Nakakamatay ang kuryosidad, ano?" marahas nitong wika.
She turned to give Sloven a good look. Bakas ang kung anong pait sa mukha nito, kaya binaling ni Asja ang paningin sa helicopter.
"May naaalala ka sa helicopter na iyan, no?" malumanay niyang tanong.
"Hindi ka talaga mapalagay hangga't hindi nasasagot ang mga tanong sa isip mo," mahina nitong ungol bago sumiksik sa kanyang tabi at kasabay niyang tinitigan ang mga bituin sa langit.
"Ayoko ng wala akong alam."
"Hindi pwedeng alam mo ang lahat ng bagay, Asja. Kapahamakan lang ang dulot niyon. Tingnan mo ako, sa dami ng nalalaman ko tungkol sa militar at GRU, tinutugis na nila ako." At hinarap nito ang mukha sa kanya. "Hindi mo man lang ba naisip na sa oras na makompromiso ang GRU sa sarili mong mga misyon, walang pagdadalawang-isip na ipapapatay ka rin mismo ni Gregori?"
Natigilan siya sa sinabi nito.
"Sinasabi mo ba iyan para hindi matuloy ito--"
"Hindi pwedeng hindi natin siya makausap," mahina nitong wika. "Kailangan nating malaman kung ano ba ang meron tayo at tinutugis tayo ng GRU."
"Kung ganoon, bakit mo sinisiraan si Sir Gregori?" harap niya ng mukha sa binata na gahibla na lang pala ang pagitan mula sa mukha niya.
Asja felt herself froze as she felt getting lost in his deep, blue gaze.
"Sinesegway mo lang ako," mahina niyang tawa. "Ang galing mo talaga sa pagmamanipula sa utak ng tao, pero ngayong natitigan ko na ng ganitong kalapit ang mga mata mo, nakikita ko na may kinatatakutan ka kaya imbes na ituon ang usapan sa helicopter, iniiba mo ang usapan."
Napalunok ito.
"Malas mo, at hindi na tumalab iyang tactic mo sa akin--" inangat niya ang kamay para pisilin ang baba nito, "--Sloven Markov o dapat ba na tawagin kitang Lieutenant Aleksandrovich."
"Yuck," mababa nitong bulong bago mahinang tumawa.
"Kailangan ko ng bed time stories para makatulog, Sloven," lapit niya ng mukha rito. "Kaya ikwento mo sa akin kung ano ang meron sa helicopter."
Pinikit lang nito ang mga mata at tipid na ngumiti. "Bukas na, kapag nasa cabin na tayo at hindi ko na makikita ulit ang helicopter na iyan."
Napabuntong-hininga na lang siya at pinagbigyan na lang ang lalaki. Marahil ay masyadong masalimuot kaya iniiwasan nito na pag-usapan iyon.
"Sige."
Kinabukasan, nasa helicopter na sila Asja at Sloven. Malakas ang naging pagtakatak ng mga bakal at elisi niyon habang binabagtas ang daan patungo ng Siberia. Mabilis ang naging pagpapalipad ni Bruno pero inabot pa rin sila ng humigit-kumulang na walong oras ng biyahe para matunton ang pakay.
"Malapit na tayo!" anunsiyo ni Bruno kaya naman inihanda na nila Asja ang sarili para sa gagawing pagtayo.
Mukhang sanay pa rin si Sloven kaya naman walang pangangatog na nagpalakad-lakad ito sa loob ng umaandar na sasakyan para damputin ang isang may kalakihang bag na stock ng pagkain ang laman at ilang damit. Sukbit na ng binata ang parachute nito nang tumindig sa bukas na pinto ng helicopter.
Pumanaog na ng kaunti ang sasakyan at sa pag signal ni Sloven ng kamay ay nag-steady lang ito. Sloven threw down the bag and watched where it fell. Nang makita ni Asja na tila tatalon na ito, dali-dali siyang tumayo para sumabay sa lalaki.
Napasigaw siya nang sumalubong sa kanyang mukha ang nagyeyelo sa lamig na hangin.
Mukhang manipis pa lang naman ang pagkakalatag ng niyebe roon at sa mga puno pero nangangagat na ang haplos ng hangin sa kanyang mukha.
Kapwa nakasuot sila ni Sloven ng dalawang patong ng coat. Kulay brown sa lalaki at ang sa kanya naman ay kulay puti na mabalahibo sa may leeg. Kapwa nakahood sila at sukbit ang mga parachute.
Sloven turned to her. "Ako ang mauuna!"
"Wala sa sinabi mo kagabi na mauuna kang tumalon!" panlalaki niya ng mga mata rito. "At mas mapapabilis tayo kung sabay tayong tatalon!"
Napatingala ang binata bago tinutok muli ang mga mata sa kanya.
"Look, Asja, I want to jump first so that when you fall, I will be already there and ready to catch you."
Wala siyang masagot sa tinuran nito kaya tinapik na ng kamay ni Sloven na may suot na makapal na gloves ang kanyang pisngi bago ito tumingin sa labas. Malakas ang hampas ng hangin kaya tila naghahanap ito ng tiyempo kung kailan mas mainam na tumalon.
"Hangga't wala pa ako sa baba, huwag kang tatalon. Tumalon ka lang kapag nakita mo na nakaabang na ako sa iyo."
"Marunong ako mag-landing--"
"I don't care," he scoffed. "I want to catch you, I will catch you, and you will fall in my arms. That's it. Just go according to my plan."
Pinagdiinan na iyon ng lalaki sa tila nabubwisit na tono kaya hindi na lang niya ito inimik.
Napasinghap na lang siya nang walang paalam na bumuwelo ito ng atras bago tumakbo palabas ng helicopter at tumalon. Tinukod niya ang isang kamay sa gilid ng bukas na pinto ng helicopter at pinanood ang mabilis na pagbagsak ng binata bago unti-unting bumuka ang parachute nito na kulay puti.
Nagpaikot-ikot na ang helicopter, tila ginagawa lang iyon ni Bruno para hindi maging kapansin-pansin ang pag-steady niyon sa iisang lugar lamang. Umikot-ikot sila sa ibabaw ng malawak na espasyo sa kagubatan na iyon kung saan kitang-kita ang lupa at nakakalbong mga damo na nalalatagan na ng niyebe.
Nang makita na umalis si Sloven mula sa ilalim ng parachute nang maka-landing ito, kumaway-kaway na ito sa kanila.
"Tatalon na ako!" aniya kay Bruno.
Minani-ubra na nito ang helicopter at nang ma-estimate ni Asja na nasa maganda silang posisyon para sa kanyang pagtalon ay sinenyasan niya ito.
The helicopter steadied.
Asja looked down and saw Sloven looking up to her, so many feet away from where she stands.
Wala siyang nararamdamang takot sa katawan, tinatakasan na siya ng takot mula nang maging masalimuot ang kanyang buhay hanggang sa maging isa siyang espiya.
I want to catch you, I will catch you, and you will fall in my arms.
Ah, sa hindi malamang dahilan, mas natakot pa yata siya sa isipin na may sasalo sa pagtalon niya mula sa helicopter.
Paano kung hindi ako masalo ng Sloven na ito?
Kinaway na naman ni Sloven ang mga kamay, tila nainip na ito sa paghihintay sa kanyang pagtalon. Kaya umatras na si Asja pabalik sa loob, bumuwelo ng takbo bago tumalon.
----------------------------------------------------
RUSSIAN INFLUENCE:
** The first snowfall in Russia/Siberia usually happens around the last weeks of September. Mild pa lang iyon. Kasi tuwing November pa talaga ang opisyal na winter season.
** Krasnoyarsk is one of the closest cities in the icy forests of Siberia. But their winters are not as icy as Yakutsk.
----------------------------------------------------
AN
Good evening! <3 <3
Maraming salamat sa pag-abang sa UD tonight. It came late at isang chapter lang but I hope it was enjoyable for you all to read ;)
Bukas mas adventure na naman ako. Hopefully hindi ganoon kaulan bukas. :O <3
Thank God, it is Friday! Hello, weekend!
I hope ma-enjoy ninyo ang weekend! Stay safe and have a happy weekend <3 <3
Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top