Chapter Thirty-Two

GRATITUDE

----------------------------------------------------


"Ivanov is the weed," Sloven murmured. "But he's just one weed, Asja." 

Tumitig na ang asul nitong mga mata sa kanya. 

"Marami sila na gustong isailalim ang bansang ito sa kamay ng mga militar imbes na sa pamumuno ng isang pangulo. Matalino ang dating heneral sa pagpapa-reset ng database noon para sa upgrading at updating para mailayo ang RSF. He let the Germans keep it, because they knew that Russia has the least reason to coordinate with the military officials there.

Sir Gregori did not tell me, but I have this gut feeling that the old general coordinated this concern to him."

At nang matanggal ang mga butones ng kanyang coat ay tinanggal na iyon ni Sloven sa kanyang mga balikat. She felt the cloth rub her arms, followed by his touch against the slippery sleeves of her catsuit. Napabuga ang lalaki ng pagod na buntong-hininga bago nito nilipat ang mga mata sa kanya.

"It was a critical mission though," titig ulit nito sa kanya. "Alam ni Sir Gregori na dahil sa makakapangyarihan ang makakalaban namin, makokompromiso ang posisyon ko bilang agent sa planong ito. Kaya nag-set-up kami ng kwento na magkakaroon ng ending na magtutulak sa akin na umalis ng Russia kasama si Anya. Magtagumpay man o hindi ang misyon, iyon na ang napagkasunduan namin ni Sir Gregori na huling hakbang na gagawin ko-- ang iwan ang Russia."

How could Sloven do that? How could he sacrifice his reputation, his good name, his safety and access to freely roam around Russia just for this kind of mission?

"Why would you do all these?" she asked in what sounded like almost a whisper, her voice was ragged as the revelation slapped her face for misjudging him.

Hindi sinira ni Sloven ang reputasyon ng GRU sa ginawa nito.

Sloven only sacrificed his own reputation and good name.

For GRU. For Russia.

And for what else?

Humaplos ang kamay nito sa kanyang pisngi. "It's my job, Asja."

Marami pa siyang tanong, paano nito nakumpirma na si Ivanov nga ang isa sa mga damong gustong sumira sa kanilang gobyerno? At sino ang iba pa? May ideya na ba ang lalaki? She wanted the whole story of it. Pakiramdam niya ay ang dami niyang na-mi-miss out sa kanilang misyon. Iyon siguro ang dahilan kaya sa mga kilos ng binata ay ito ang nagte-take-charge at hindi siya hinahayaang makialam masyado, umalalay lang.

She could not let him do this to her. Asja wanted to be able to give more of her abilities and wits to get to the end of this paradox. 

Kaya naman pinakuwento niya sa binata ang lahat-lahat.













----------------------------------------------------  













Pinatawag ako noon ni Sir Gregori, kinausap at ni-relay niya sa akin ang tungkol sa magagandan na transfer ng mga files sa database ng Russian military sa isang customized na memory card-- tinawag ito na RSF o Russian Secret Files.

Lahat ng mga files, mga sikreto, mga name list at iba pa na may kinalaman sa hukbong militar ng Russia ay nasa memory card na iyon. Ang heneral noon na si Retired General Mozorov ay nag-transfer ng ibang mga files sa hiwalay na flashdrive, iyon ang mga ibabalik sa database, at ang RSF naman ay itatabi sa isang sagradong lugar.

Iyon ay sa pangangalaga ng German Army, sa heneral nila na nagretiro rin na si Heinz.

For some reason, Ivanov found out about the RSF. He demanded the memory card to be returned by the Germans. Doon na ako binigyan ni Gregori ng go signal para kunin sa mga German ang RSF. Pero naunahan ako ni Misha.

Si Misha ay isang secret agent ng Private Eye na naka-destino sa Germany, isang pribadong intelligence agency. Sinadya ko na gawan ng kwento ang RSF, na gagamitin ko ito sa pagsira sa gobyerno ng Russia para unahan niya ako sa pagtatago niyon. Nagtagumpay naman ang plano ko.

Nung mga panahong iyon, hindi ako pwedeng umalis dahil ayokong magtaka si Ivanov.

Ivanov saw that I was utterly depressed with Anya's condition. He offered me help to find the people responsible in exchange for doing something for him— that is to steal the RSF. Kailangan palabasin na ninakaw ng masamang-loob ang RSF para hindi maibunton sa military o na inside job ang nangyari kung sakaling magkaroon ng trade ng impormasyon ng Russia sa kalabang bansa na magkakainteres na bumili nito.. Para ang mga German ang mamoroblema kung paano iyon ibabalik sa Russia.

Hinayaan ko na maunahan ako ni Misha, ako naman ang humarap kay Ivanov. Iba kasi ang plano niya. He was planning to make sure that the RSF was really there, before he gives me the go signal to see it. Pero dahil alam ko na mayroon talagang RSF, sumunod na lang ako para magkaroon si Misha ng oras na maitago iyon.

At nung nalaman nila Ivanov na nawawala ang RSF, binigyan niya ng tatlong buwan na ultimatum ang mga German para ibalik iyon sa kanya. Ako naman ay binigyan na niya ng go-signal na manmanan ang taong in-assign para sa paghahanap sa RSF-- si Major Mikhail.

Nung mga oras na iyon, buo pa ang isip ko na gagawin ang misyon dahil order iyon ni Sir Gregori. Nasa kanya pa ang loyalty ko noon, pero nung binisita ko si Anya... she talked to me.

She wanted me to destroy Russia. The whole Russia.

It was crazy.

It was a crazy advice from my sister... who was crazed by something that happened to her in that yacht... that New Year.

Isa siyang opisyal sa gobyerno. Tulungan mo si Ivanov, Kuya. Tulungan mo siya na pabagsakin ang Russia.

I know that Ivanov visits my sister. But that time, I was unaware that he's persuading her what words to tell me, that he's polluting her mind, controlling it... and he's using Anya to get through me.

He succeeded.

Nagtatalo na kami noon ni Gregori.

Sinasabi niya na kalaban si Ivanov, sinabi ko naman na baka may punto kaya kinakalaban ni Ivanov ng patago ang gobyerno. Maybe they wanted change for the better. Nung mga panahong iyon, bulag na bulag ako sa mga kagustuhan ni Anya. Anya is the only one who can tell one thing and I will do it blindly.

She's my sister.

She's the only one I have.

So, iyon, nagkaroon kami ni Sir Gregori ng kaunting pagtatalo nung napapansin niya na naiiba na yata ang mga kilos ko. Bakit masyado raw ako nagiging emosyonal. That mission had a little problem too, Asja. Kakapaalala sa akin ni Ivanov kay Anya, medyo naooverwhelm na ako ng emosyon—nagtatalo na ang puso ko at ang dedikasyon sa trabaho... kay Gregori. I reached a point that Ivanov has managed to convince me, na kaya niya akong tulungan. I tried to rationalize what my heart desired. Ano naman kung kay Ivanov na ako kumampi? Baka maganda naman ang kalabasan kung sasailalim sa batas militar ang Russia. I don't know. I don't really care anymore. I was so blinded, Ivanov knew that Anya is my weakness. Tapos, na-attract pa ako sa girlfriend ng German Major na nakaengkwentro ko.

Until I found out that he's one of those faggots who raped my sister.

It was maddening.

Galit na galit ako sa sarili ko dahil tinalikuran ko si Gregori para sa hayop na iyon.

Kaya sinigurado ko na hindi na mahahawakan pa ng Ivanov na iyon ang RSF.

You see, Asja, I am not as perfect as everyone in GRU thinks. Kahit ipalabas pa ni Sir Gregori na ako ang pinakamagaling na espiya, iyon ay hindi dahil sa hindi ako nagkakamali.

Iyon ay dahil nagkakamali ako.

At sa bawat pagkakamali, marunong pa rin akong humingi ng tawad.

Ilang beses akong humingi ng tawad kay Sir Gregori. Gusto niya akong ibalik sa GRU pero ayoko na dahil sira na ang pangalan ko at ayoko na madamay pa ang GRU at siya mismo.

Asja let out a sigh at the memory of that story.

Nakaupo siya ngayon sa may dining table sa maliit na hotel room na iyon. Kasalukuyang natutulog si Sloven sa kwarto at si Bruno naman ay nasa salas na kahati lang ng kainan sa silid at nanonood ng balita sa TV.

"Oh, ano at napapabuntong-hininga ka riyan?" puna sa kanya ng lalaki.

Hinawakan lang ng mga kamay ni Asja ang gilid ng tasa ng mainit na kape na hindi pa niya nakakakalahati, para mas lalong makaramdam ng init. Tinitigan lang niya iyon bago sumagot.

"Kinuwento sa akin ni Sloven kanina ang tungkol sa misyon na binigay noon sa kanya ni Sir Gregori..." mahina niyang wika. "Iyong sa RSF."

Tumango lang si Bruno at binalik ang paningin sa TV, ngunit nakikinig pa rin ito sa kanya.

"All this time," pikit niya saglit, "ang akala ko--" nasapo niya ang noo, "--ganoon siya kabaliw at kamakasarili."

Pinatay ni Bruno ang TV at pinuntahan siya. Inokupa nito ang isang upuan at mataman siyang tinitigan bago nagsalita.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Siya ang pinakamagaling na espiya sa GRU," ngiti nito. "Kaya kung naloko ka niya at ang buong gobyerno at napaniwala na isa siyang baliw, iyon ay dahil kagustuhan niya, hmm?"

"Ang galing talaga manloko," matamlay niyang ngiti.

"Mukhang iyan ang kinatatakot mo kay Boss."

Napatitig siya sa mga mata ni Bruno. "Paano mo naman nasabi?"

"Kasi matalino ka," ngisi lang nito. "Alam mo kung anong klase ng buhay ang meron kayo ni Boss. Alam mo kung gaano kagulo at kakumplikado. Hindi mo masasabi kung kailan kayo mabibigyan ng magkahiwalay na misyon na kakailanganin ninyong lokohin ang isa't isa para lang magawa iyon."

She slowly shook her head and faked a low laugh.

Hindi naman kasi malayo sa katotohanan iyon.

"Tapos, minsan, kailangan niyo pa mang-akit ng ibang tao para makakuha ng impormasyon."

Tila nanginig ang kaloob-looban niya sa isiping iyon.

"So what are you trying to suggest, Bruno?" halos mapugto ang hininga niya na angat muli ng tingin dito.

"Nasa kalagitnaan tayo ng misyon, hindi ngayon ang tamang oras para pag-usapan ito pero... ito ang masasabi ko, Asja, kung hindi mo kayang isakripisyo ang pagiging espiya sa GRU, makakabuti na itigil niyo ni Boss kung ano man ang namamagitan sa inyo," tapik nito sa kanyang balikat. "Alam ko na mahirap sa parte mo iyon, ang sabi kasi ni Boss, mataas ang utang na loob mo kay Sir Gregori. Malabo na talikuran mo ang taong nagligtas sa iyo para lamang sa pag-ibig, hmm?"

She narrowed her eyes, an awkward smile lifted the corner of her lips. "Ang daldal din talaga ng Boss mo, ano?"

Natawa lang si Bruno at tumayo na. "Mabuti na rin iyon, at least natutulungan ko siya. Gusto ko lang na sabihin ang mga ito sa iyo dahil kilala ko si Boss. Kayang-kaya niyang talikuran ang lahat-lahat, at kahit na sino, para sa taong mahalaga para sa kanya. Kinaya niyang itapon ang sariling reputasyon para sa kaibigan na katulad ni Sir Gregori, at nakaya niya na talikuran ang buong Russia para kay Anya, kaya isipin mo, ano sa tingin mo ang kaya niyang talikuran para sa iyo?"

She felt her eyes sting with moist. Gusto bang patunayan ni Bruno na 'yung mga pinaggagagawa sa kanya ni Sloven, ang lahat ng namagitan sa kanila, ang lahat ng paglalambing nito at pag-aalaga--- tunay na pagmamahal nga ba ang katumbas ng lahat ng iyon?

Tunay na pagmamahal nga ba?

At nakangiting tumayo ang lalaki. Sa tingin ni Asja, may utang na loob din si Bruno sa binata kaya kinausap siya ng ganito. 

"Si Boris, pinagtanggol daw ni Sloven sa mga nambu-bully sa kanya noong college. Eh, ikaw, Bruno? Paano ka ba natulungan ni Sloven?" pahabol niya rito.

Binuksan na ni Bruno ang TV at pinili na huwag sagutin ang kanyang tanong.

---------------------------------------------------- 

AN

Good evening everyone!

Ohaaaa, ang aga ko nag-UD no hahaha ;) <3 <3 one more chapter to go... abangan ;)

Love,

ANA xoxo 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top