Chapter Thirty-Three
A VISIT
----------------------------------------------------
Kinabukasan ay sumakay na sila Asja at Sloven sa isang tren patungo sa Klin na mga dalawang oras lang ang layo mula sa siyudad ng Moscow. Sloven had to have his hair colored temporarily in dirty blonde to disguise and she had her hair colored black. Magkatabi silang nakaupo sa tren na iyon at pormal na nakaupo, kapwa tahimik.
Ang plano para sa araw na iyon ay bisitahin ang dating heneral na si Retired General Morozov. Sa kondisyon kasi ni Sir Gregori, hindi ito makakapagkwento sa kanila kaya naman ang pinagmulan mismo ng misyon noon ni Sloven ang kanilang kahaharapin.
Mabilis silang humalo sa mga tao sa pagbaba sa tren at sumakay sa taxi papunta sa mismong tirahan ng retiradong heneral. Nilingon ni Asja ang bintana at nakita ang nagtataasang mga talahiban at puno, lahat ay may kaunting bahid ng puti mula sa unang pagbagsak ng nyebe. Kaunti na lang ang bahid niyon dahil tila natunaw na yata at hindi na nasundan pa ng pag-snow.
Maganda ang mga bahay, maliit at makukulay. Probinsyang-probinsya ang paligid sa lawak ng patag na taniman at bundok na matatanaw sa dulo ng mga burol at kapatagan doon. Nang huminto na ang taxi sa tapat ng bahay na kanilang sadya ay inalalayan siya sa pagbaba ng binata.
Retired General Morozov's residence is a two-storey house that faces a field and was surrounded by grasses and trees. Gawa sa kahoy ang baha, simple at payapa pagmasdan, hindi inaasahan iyon ni Asja na magiging tirahan ng isang tao na noon ay nakaluklok sa mataas na posisyon.
Hindi na nila kinailangan pa magtawag o kumatok, dahil papalapit pa lang sila sa pinto ay may matandang babae nang lumabas. Medyo kuba na ito, maputi ang buhok at matangkad na may pagkabalingkinitan. Inayos nito ang pagkakasuot ng salamin at naningkit ang mga mata, tila sinusubukan na sila ay kilalanin. Asawa ito ng dating heneral, ang ginang na tumanda man ay tila may pagkabanidosa pa rin dahil sa pagiging maayos nito, may pagkamapula ang mga labi at nakasuot ng puting blusa at mahabang palda na brown nang lapitan sila.
"Magandang hapon," seryosong bati ni Sloven. "Naparito kami para bisitahin si Retired General Morozov."
"Magandang hapon po," bati na rin niya rito.
"Magandang hapon," hinto ng ginang sa harapan nila. "Ano ang kailangan niyo sa asawa ko?"
"Pakisabi ho na ako si Sloven Markov," pakilala ng binata.
"Sumunod kayo sa akin," talikod na ng ginang.
The warm radiated the warmth of the countryside. There were beautifully designed sofa covers and throw pillows. Makikita na nakaupo sa isang kahoy na upuan sa harap ng isang kahoy na mesa ang heneral na ngayon ay nakasuot na lamang ng simpleng brown na pantalon at asul na t-shirt. May gamit itong lente na de-stand at maingat na kinakalikot ang inaayos nito na radyo.
"Anton, may bisita ka," tawag ng asawa nito. "Sloven Markov daw ang pangalan."
Napalingon sa kanila ang lalaki na tila nangayayat na at tumaas ang sulok ng labi nito bago iniwan ang ginagawa para batiin sila. Kinamayan nito si Sloven.
"Ikaw pala," kamay pa rin nito. "Maupo muna kayo." At nilingon nito ang asawa. "Sonya, ihanda mo ang vodka. Damihan mo ang hain para sa mga bisita."
Tumalima agad ang babae.
"Hindi ba kami nakakaabala, parang may lakad si Sonya," ngiti ni Sloven sa lalaki.
"Ah wala, nakita lang niya sa bintana na may humintong taxi sa tapat ng bahay kaya lumabas siya para salubungin kayo," anito. Nilingon na siya ng heneral at nginitian. "Magandang hapon."
"Magandang hapon," ngiti niya sa lalaki.
"Ang ganda ah," tawa ng ginoo sabay lipat ng tingin kay Sloven.
"Salamat," anito.
"Ang misyon ang pinunta mo rito, ano?" upo na ng ginoo sa sofa kasabay nila.
Tumabi si Sloven sa lalaki, siya naman ay nakaupo sa dulo ng sofa at nakikinig sa kanila. Pasimple niyang nilabas ang cellphone at ini-on ang recorder niyon.
"Tama," ani Sloven. "Gusto ko lang sana malaman kung ano na ang nangyari roon. Hindi ko natapos ang misyon na alamin kung sino ang mga kasapi ng grupo na kinabibilangan ni Ivanov na may planong pabagsakin ang kasalukuyang gobyerno."
"Hindi na itinuloy iyon ni Gregori."
"Ha?" Nakita ni Asja ang pagkuyom ng palad nito. "Bakit?"
"Mahirap," iling ng matanda. "Hindi na alam ni Gregori kung sino ang pagkakatiwalaan. Pakiramdam niya ay na-infiltrate na rin nila Ivanov noon ang GRU. Nakita niya iyon noong nakumbinsi ka ng hayop na iyon na kumampi sa kanila."
Tila nanlulumong napayuko si Sloven. "Ipagpatawad niyo ang nangyaring iyon."
"Tapos na iyon," giit ng lalaki. "Iyon ang kinabahala ni Gregori kaya hindi na niya in-assign pa ang misyon sa kahit sino. Sinabi niya na hihhintayin niya muna na matapos ang misyon ni Asja--" sulyap saglit ng lalaki sa kanya, "--bago ituloy ito."
"It took me four years to return," pakikisali ni Asja sa usapan ng dalawa. "Kung ganito ka-kritikal ang misyon na ito, bakit pinalipas pa ni Sir Gregori ang apat na taon?"
"Tama na ang panahon na iyon para lumamig ang mga isyu tungkol kay Sloven," anito. "At alam namin ni Gregori na hindi agad-agad kikilos ang mga kalaban dahil magiging kapansin-pansin iyon.
Sa palagay namin, magmumula sa internal ang pagbabago. At sa mga nangyayari ngayon, mukhang tama nga kami. Una ay ang pagpalit ni Ivanov sa pwesto ko. At ngayon naman ay ang pagkakatanggal ni Gregori bilang hepe ng GRU."
"Sinasabi mo ba na kasapi nila si Feliks?" naiintriga niyang tanong bago pa matuloy ng ginoo ang pagkukwento.
"Oo," anito. "Sa tingin ko, kasapi siya ng grupo na iyon."
"Sino ang pumalit kay Ivanov?" singit ni Sloven. "Namatay siya 'di ba? Nung dadalhin pa lang siya sa mental."
"Ang pangulo muna ang umokupa sa kanyang mga tungkulin bilang heneral," sagot ng matanda. "Hanggang sa ibalita na lang sa TV na may bago nang nailuklok para sa posisyon na iyon."
Sloven narrowed his eyes. "Sino?"
"Si Dmitry Sergun," maingat nitong wika.
"Fuck," Sloven muttered.
Sa mga Morozov na sila naghapunan, at ayaw pa yata sila paalisin ng mga ito, pero kinailangan na nila magpaalam dahil ayaw ni Sloven na doon pa nila pag-usapan ni Asja ang mga planong gawin.
Umupa sila ng isang silid sa malapit na hotel at habang nasa banyo pa ang dalaga ay nakahiga sa kama si Sloven, unan ang sariling mga braso habang nakatitig sa kisame.
Si Feliks. Si Dmitry. Na-infiltrate na nila ang militar. Gayundin ang GRU. Ang hindi lang masagot ni Morozov kanina ay kung ano na ang nangyari sa RSF.
Malamang ay hawak na nila iyon.
Malamang ay natingnan na nila ang laman niyon.
He let out a sigh.
Pero kahit ako, hindi alam kung ano ang eksaktong laman ng RSF, kaya paano nila magagamit iyon para pabagsakin ang kasalukuyang gobyerno? I mean, anong klase ng impormasyon na laman niyon ang pwede nilang ibenta sa ibang bansa?
Inangat ni Sloven ang ulo nang marinig ang pag-click ng pinto. Lumabas si Asja na naka-bathrobe. Ah, his thoughts seemed to take a break from all the information they gathered to admire her.
Her hair was colored as dark as a starless night sky, it touched the moon-like glow of her neck's skin. Tumaas ang sulok ng kanyang labi.
"Mainit pa ba ang tubig?" tanong niya.
"Oo naman," upo nito sa kanyang tabi. "Bakit nakahiga ka na diyan?"
Ah, kung ganitong babae ba naman ang tatabi sa kanya gabi-gabi, gabi-gabi rin siyang mapapalaban. He lifted his eyes on her as he used his arms to prop himself up.
"Nag-iisip kasi ako. Kung alin sa mga laman ng RSF ang gagamitin nila para pabagsakin ang gobyerno, hmmm?"
"RSF 'di ba?" her fingers ran through his hair. Napapikit siya sa ginawa ng dalaga. "Secret files... ang kwento mo, may balak noon si Ivanov na ibenta ang information sa ibang bansa."
"Yes," kunot-noo ni Sloven, ang kamay ay humahagod na sa hita ng dalaga. He caught her gasp, then tap his hand. Nginisihan lang niya ito. "I can think better when I am relaxed, Asja."
"Me too, so huwag mo akong tarantahin, okay?"
"Natataranta ka kapag hinahawakan kita?" lapat niya ulit ng kamay sa hita nito na pinalo na naman ng dalaga.
He chuckled lowly.
"Seryoso na tayo, okay?"
"Kailan ba kita hindi sineryoso?" Sloven grinned widely at that. Feeling niya ang galing-galing niyang bumanat kasi nakita niya ang bahagyang pamumula sa mga pisngi nito.
Asja was so cute, so lovely, and then he was suddenly feeling this excitement to make that blush turn to a flush-- a flush so pinkish red with little beads of sweat on her forehead while screaming his name underneath his body.
Oh, she would definitely be fucked tonight in his arms.
"Hindi na nila concern iyon, ang mahalaga lang sa kanila, mabenta ang info."
"Paano kung yung mabentahan nila," ayos na niya ng upo para magpantay sila, "eh wala namang gawin sa info? What if the info in RSF doesn't interest them? O wala silang maisip na paraan kung paano gagamitin iyon laban sa Russia? Eh 'di napunta lang sa wala ang pagbenta nila sa info, 'di ba?"
He placed an arm around Asja. "Imposible naman na gumawa sila ng maingat at planadong mga hakbang kung mapupunta lang pala sa wala. Pinagpapatuloy nila ang mga masasama nilang balak dahil sigurado sila na may patutunguhan iyon."
"Hindi ba ang una ay dapat nating malaman kung sino-sino ang mga nasa likod nito?" mahinang tugon ng dalaga sa kanya.
"Oo," patong niya ng baba sa noo nito at hinagod ng isang kamay ang buhok nitong medyo basa pa at nakalugay, nakalapat sa likuran.
"Naalala mo noong New Year na iyon? 'Yung party sa yate?" mahina nitong wika.
Dahil doon, awtomatiko niyang naalala si Anya. Nawala lahat ng mood na mayroon siya at napalitan ng kalungkutan, ng pait at sakit na biglang pumiga sa kanyang dibdib.
"Bakit mo naman natanong iyan?" higpit ng kanyang mga braso payakap sa babae, umaasa na sa ganoong paraan ay maiibsan ang nararamdaman niyang lungkot sa dinanas ng kanyang kapatid.
"May napansin lang kasi ako na pattern," mahina nitong wika. "Si Ivanov... si Feliks..." anito.
"Ano'ng pattern?" titig niya sa kawalan, ini-imagine ang yate na iyon. Ang hitsura sa loob, ang mga bisita na nakaupo sa mga seat at nagkukwentuhan ang mga lalaking nag-iinuman, ang mga batang naglalaro, ang amoy ng caviar at mga orange.
"Hindi ba lumabas kayo noon para ayusin ang mga fireworks?" anito.
"Oo."
"Nung gabing iyon, may inabutan si Ivanov ng sigarilyo."
"Sigarilyo?" paniningkit ng kanyang mga mata.
"Oo," lalong tila naging pabulong ang wika ng dalaga, na para bang isang sikreto ang kinukwento nito. "Pili-pili lang ang binigyan niya ng sigarilyo noon... Una si Anya..."
His forehead creased. "My sister doesn't smoke..."
"Kumuha si Ivanov ng isang stick, nilagay iyon sa labi niya at inalok si Feliks. Kasunod niyon si Major Dmitry..."
"Nung hindi pa siya heneral."
Asja nodded her head and looked up to him.
"Bakit ngayon mo lang ito sinasabi sa akin?"
"Pilit kong inaalala kasi kung kailan sila nagsama-sama, kung ano ang posibleng event na nagkakilala sila."
"Are you trying to say that my sister is involved with this?" he seethed.
Bakas ang pagkalito sa mga mata ni Asja nang titigan siya nito. "Si Colonel Vitaliy, isa siya sa mga binigyan ni Ivanov ng sigarilyo."
"Nasa air force na siya ngayon," titig niya kay Asja na unti-unti nang nagliliwanag ang mukha.
"Hindi mo ba nakikita, Sloven? Iniisa-isa nila ang bawat hukbo ng Russia. Isa para sa Intel-- si Feliks. Isa para sa army-- si Ivanov at ngayon nga si Dmitry. At mayroon na silang isa ngayon para sa air force-- si Vitaliy."
Nakuha na niya ang nais ipahiwatig ng dalaga. "Kinokompleto nila ang pag-infiltrate, bago nila gamitin ang RSF."
"Tama. At isusunod na nila ang navy force, Sloven."
"Sinisigurado nila na nasa posisyon ang bawat isa sa kanila, para magkaroon sila ng kapangyarihan na magbigay ng order sa oras na gustuhin na nilang dominahin ang gobyerno."
"But they are still useless without the authorization from the president."
"Unless, may isa pa silang tao sa gobyerno mismo."
Napatitig siya sa dalaga. "Hindi pa natin naiisip kung paano nila gagamitin ang RSF para sa plano nila."
"Hindi ko rin alam," sagot ni Asja. "Pero malamang, gamitin nila iyon para gumawa ng isang problema na magiging sobrang kritikal, na mawawalan na ng choice ang gobyerno kundi ipasakamay ang pagresolba niyon sa militar."
"A problem. Then RSF. Then these men taking over the leader positions," he murmured.
Napayuko si Asja. He kissed her forehead.
"Iisa-isahin na natin sila," anito. "I will need your help in this, Asja."
Pumikit ang babae. "Me too, I will need your help."
Naguluhan siya sa sinabing iyon ng dalaga. Paano nito kinailangan ang tulong niya? This was a problem that rooted from him and his unfinished mission, so it was clearly him who needed help.
Not her.
Or maybe, she was talking about GRU being after her.
Marahil sa loob-loob ni Asja, ay pagod na ito sa pagtatago. Siya rin naman ay ganoon. He hugged her tighter and pulled her on top of him as he laid down the bed. Inangat nito ang ulo para titigan siya sa mga mata. He securely pulled her legs on top of him too. Nang maidapa na ang dalaga sa ibabaw niya, hinagod ng isa niyang kamay ang kurba ng katawan nito. His eyes wandered on her parted lips, the lips he desired for a long, long time and for always.
Lips that could kiss and lie and hurt him too.
"Why do you think the military rebels would need to work with someone in GRU for their plan?"
Kumunot ang noo ng dalaga. "Bakit?"
He placed a finger on her lips, gently touching them. "Sa tingin ko, dahil may gagamitin silang espiya para isakatuparan ang mga balak nila."
Titig lang ang sinagot sa kanya ni Asja.
"What do you think?" titig niya rin sa mga mata nito.
----------------------------------------------------
AN
Whew! Hanggang dito na muna hahaha ;) <3
Tomorrow is Friday and a holiday O_O But as usual, isang chpater lang lagi ang pina-pub ko pag Friday ;) <3 Naguguluhan na ba kayo? Ako rin naguguluhan na sinusulat ko, eh hahaha joke ;)
What's your conclusions? Ano ba talaga ang buong istorya? Ano ang plano ng mga military rebels na ito? Ano ang plano nila Ivanov, Dmitry, Vitaliy at Feliks? At sino ang kasabwat nila sa navy? Pati ba ang gobyerno ay infiltrated na rin? Bakit parang Ang Probinsyano na ang dating nitong pinagsususulat ko? Kailan ang susunod na love scene?
Ang daming tanong eh no hahahha! ;) <3
Good night, everyone!
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top