Chapter Thirty-One
HELL MADE OF ICE 2
----------------------------------------------------
Nang marating na nila ang pribadong silid kung saan pwedeng ma-interrogate si Sir Gregori pinaupo na siya ni Sloven sa isa sa mga upuan sa pahabang mesa na iyon katapat ng uupuan maya-maya lang ng dating hepe ng GRU. Nanlulumo ang mga mata niya habang nakatitig sa lalaki na pinapuwesto ng commander sa likuran ng uupuan nito, nakayuko pa rin sa posisyon na nakataas at kitang-kita ang nakaposas nitong mga kamay na nakalapat sa pinakababa ng likod nito.
Asja maintained her composure as Sloven stood behind her seat and faced the commander.
"Pwede mo na kaming iwan dito," utos nito.
Tumalima ang lalaki at nilingon ang gwardiya na kasa-kasama nila para senyasan na sumunod.
"Hindi," tutol ni Sloven. He knew how to drill it to anyone who was in charge in here. Binigyan nito ng nakaka-intimidate at matiim na titig ang commander habang mahigpit ang pagkakatikom ng mga labi. Sa mababang boses ay tinuloy ng binata ang sasabihin, "Dito lang siya. Kailangan namin ng bantay kung sakaling may gawing hindi maganda ang kakausapin namin."
Sumuko ang commander at iniwanan na sila sa silid na iyon. Hinarap ni Sloven ang gwardiya.
"Diyan ka lang at ihanda mo ang baril mo."
"Yes, Sir."
Then Sloven occupied a seat. Nag-aalalang sinulyapan niya ito, tinapunan ng titig na tumututol sa desisyon nito na magpaiwan pa ng gwardiya sa silid na iyon. Hindi ba naisip ng lalaki na mas mabuti na silang tatlo na lang ni Sir Gregori ang matira para mas malayang makapag-usap dahil walang makikinig sa kanila.
For unknown reasons, Sloven seemed to read the questions behind her look. Mabilis na tumutok ang mga mata ng binata sa CCTV camera na nasa sulok ng silid na iyon. Mabilis na napasulyap siya roon at naunawaan na gusto yata nito na magkaroon sila ng kasamang gwardiya sa silid para maging mas maingat sa mga sasabihin.
Mas tinuwid na ni Asja ang pagkakaupo.
"Maaari ka nang umupo," utos ni Sloven kay Gregori.
Nang humarap ang lalaki na inahitan na ng buhok ay tumutok ang matalim na titig mula sa mga mata nito. She knew that Gregori was not angry by giving them that stare, but he was obviously acting in recognition. Seryosong umupo na ito sa tapat nila.
"Gregori," pangunguna ni Sloven. "Marahil ay nakalimutan mo na ako dahil sa tagal ng pagkawala ko sa Russia. Ako si Lieutenant Aleksandrovich Sokolov, ng hukbong sandatahan ng Russia--"
She could not help being impressed with Sloven's monotone introduction. Smart move, he's familiarizing Sir Gregori with our disguise.
"--at naparito ako para gumawa ng sarili kong imbestigasyon tungkol sa mga akusasyon sa iyo na pakikipagsabwatan sa wanted na rebelde, an alleged terrorist, isa sa mga tauhan mo noon sa GRU na may alyas na Sloven Markov."
"At sino naman iyang kasama mo?" lipat sa kanya ng tingin ni Sir Gregori. There was a spark she could not tell if it was mischief or teasing. Malamang sa loob-loob ng lalaki ay natutuwa itong makita na magkasama sila ni Sloven at nagtutulungan sa isang misyon.
Sloven drew in a deep breath and remained focused... serious.
"Siya si Vasil'yevna, isa sa mga utusan niyo sa GRU, hindi mo na maalala? Ngayon ay sekretarya na siya ni Sir Feliks, ang bagong hepe ng ahensyang dati ay hinahawakan mo."
Mapaglarong tumaas ang sulok ng labi ni Gregori. She should feel fine, seeing him being able to do that, pero hindi, dahil nakikita ni Asja sa mga mata nito ang pagliliyab ng determinasyon. Mabilis ang pick-up ni Gregori kahit may katandaan na ito. Kasabay na yata sa pagtaas ng numero ng edad nito ang pagtaas ng diskarte at IQ.
"Malamang, hindi makapunta rito si Feliks kaya siya ang pinasama sa iyo."
"Tama," tango ni Sloven. "Siguro naman may ideya ka na kung para saan ang pakikipagkita namin sa iyo."
"Liwanagin mo," tila nang-aasar na sandal nito, nakangisi. "Hindi ako manghuhula, Lieutenant."
Ah, kung nag-artista ang dalawang ito, malamang nag-tie na si Sloven at Gregori sa Best Actor Award.
"Totoo ba na nakikisabwat ka kay Sloven Markov? Totoo ba na inutusan mo ang isa sa mga agent mo sa isang hindi authorized na misyon na hanapin si Sloven Markov at tulungan ito na makapasok muli sa Russia nang walang nakakapansin?"
"Matalino si Sloven Markov, Lieutenant," maingat nitong wika, nagnakaw pa ng tingin sa gwardiya na nakabantay bago binalik ang tingin sa kanilang dalawa. "Hindi na niya kailangan ng tulong ng GRU o ibang agent para lang makalabas-pasok sa gustong pasukan at labasan ng batang iyon."
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pagsimple ni Sloven ng sipa sa ilalim ng mesa kay Gregori.
At nakuha pa ng dalawang ito magbiruan!
She was slept with overwhelm all of a sudden. Nakikita niya na nabuhayan kasi ng loob si Sir Gregori nang makita si Sloven. Napayuko siya at pinigilan ang sarili na mapangiti.
"Kung ganoon, kinakaila mo ang katotohanan sa mga akusasyon sa iyo?" hilig kaunti ni Sloven ng ulo.
"Oo," wika nito.
"May mga ebidensya laban sa iyo," paniningkit ng mga mata ng binata sa kanilang kausap.
Kinabog siya ng kaba sa dibdib at binalik ang tingin kay Sir Gregori.
"Madaling baligtarin ang katotohanan kung nasa mataas na posisyon ang tao at malayang gawin iyon."
"May pinaghihinalaan ka na may pakana ng lahat ng ito, kung ganoon."
"May in-assign ako noon na misyon kay Sloven, mga limang na taon na ang nakakalipas. Isa iyong confidential na misyon sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Ivanov."
Nagtatakang tingin ang biningay niya kay Sloven. Asja felt the need to speak in order to be less suspicious.
"Ano'ng misyon iyon?"
She saw another spark in Gregori's eyes, a knowing look came from him that made her feel that he was happy to see her trying to take charge of the conversation now.
"Hindi ko sasabihin," he hissed.
"Kung ako sa iyo, sasabihin ko na ang lahat ng nalalaman ko," tila inip at may halong hamon sa tinig ni Sloven. Medyo inatras na nito ang upuan, tila may planong iwanan iyon sabay bigay ng kakaibang titig kay Gregori.
Titig ng lalaking tila naghahamon ng away.
"Bakit ko sasabihin? Para mapigilan ninyo ang pagpapabagsak sa inyo na nasa kapangyarihan?" hasik nito. There was mocking in Gregori's tone.
Nilingon siya ni Sloven. "Umalis ka muna sa kinauupuan mo."
"Lieutenant--" she muttered in a warning tone.
Matiim na titig lang ang binigay nito kaya tumalima na lang siya.
Fine, he always wants to take charge, suko na lang niya. Hindi ito ang oras na pairalin niya ang pagiging kontrabida sa mga diskarte ni Sloven.
Kung may plano man ito na gumawa ng ekandalo o makipag-away kunwari kay Gregori para matapos na ang pag-uusap ng mga ito, hindi siya pabor doon. Hindi pa nito nabibigyan ng linaw kung ano ang misyon na binigay nito noon kay Sloven, at wala pa siyang clue kung ano ang posibleng kinalaman niyon sa sitwasyon nila, kung bakit gusto silang hulihin ng militar at ng GRU.
Humakbang si Asja sa tabi ng gwardya. When she turned to him, the guard looked attentive and his body was tensed. Tila nakakahalata na ito sa tensyon sa pagitan ni Sloven at Sir Gregori.
Sloven leaned over the table to give Gregori a closer look in the eye.
"Tatanungin ulit kita," banta nito, "ano ang misyon na iyon?"
Dinuraan ito ni Gregori sa mukha kaya gigil na kinuwelyuhan ito ni Sloven at niyugyog.
"Ang tigas mong hayop ka, ha!? Bubulukin kita rito! Sisiguraduhin ko iyan!" nag gagalaiti nitong sigaw.
Nag-aalalang tiningnan niya si Sir Gregori na nang-aasar na tingin lang ang pinukol kay Sloven.
Mabilis na lumapit ang gwardiya sa kanilang dalawa at tinutok ang baril sa mas matanda sa dalawa. Pinakawalan na ni Lieutenant ang kwelyo ng suot ni Gregori at dumukot ng panyo sa bulsa para punasan ang dura sa mukha nito.
"Buksan mo ang pinto!" utos ni Sloven dito at umikot na ito sa mesa para hatakin patayo si Gregori.
Mabilis ang pagkilos ng kamay ng binata pero mas mabilis siya kumilos-- at ang kanyang mga mata.
Habang binubuksan ng gwardya ang pagkakakandado ng pinto sa silid na iyon at nakatalikod sa kanila ay hinatak ni Sloven patayo si Sir Gregori. Humawak ito sa gilid ng kwelyo ng suot na damit ng lalaki at pasimpleng naipuslit sa kwelyo ng damit nito ang panyo na kanina lang ay pinangpunas ni Sloven sa mukha nito.
A handkerchief was a good thing to stuff in Gregori's clothing. Gawa lang kasi sa tela iyon at madaling mabalewala kapag kinapkap. Pinayuko na ni Sloven ang lalaki kaya pagharap sa kanila ng gwardya ay nakahanda na sila.
Asja immediately headed toward the door. Sinabayan niya ang dalawa sa paglabas. At iniwan na ni Sloven sa gwardya ang trabaho sa pagpapabalik kay Gregori sa selda nito. Habang naglalakad na palabas ng pasilyong iyon ay sinalubong sila ni Commander.
"Kamusta ang pag-interogasyon sa kanya? May nakuha ba kayong impormasyon?"
"May CCTV ka, doon mo na lang panoorin," ani Sloven sa bagot na tono. "May importante akong lakad bukas sa Moscow kaya kung pwede sana ay ihatid kami ng tatlo sa mga tauhan mo pabalik sa Krasnoyarsk."
"Masusunod, Sir," tango nito sabay talikod. "Dito tayo."
Sloven turned to her and gave a small smile that immediately transitioned into a firm emotionless look before facing forward. Sa ginawang iyon ng lalaki, napalagay na si Asja na nagtagumpay sila sa ikalawang bahagi ng kanilang misyon.
Base sa mga nangyari kanina, nagkaroon ng mabilis na pagkakaunawaan sila Gregori at Sloven.
Bahagya siyang nakaramdam ng inggit, kasi nagkakaunawaan ang dalawang lalaki-- her savior and Sloven Markov. Samantalang siya, mga kilos lang ni Sloven ang kaya niyang basahin.
Hindi na pinahaba pa ni Sloven ang pakikipag-usap kay Gregori nang banggitin na nito na may kinalaman daw ang lahat ng ito sa misyon na binigay sa binata mga limang taon na ang nakakalipas. Nung mga panahong iyon ay nasa kalagitnaan yata siya ng ibang misyon kaya naman wala siyang kaide-ideya.
Umaga na nang makarating sila sa Krasnoyarsk.
Nang makarating sila sa hotel, mabilis na lumabas si Bruno para sumaglit sa malapit na convenience store para mabili sila ng pwedeng kainin.
Habang naghihintay ay inusisa na niya ang lalaki.
"Hindi mo binanggit sa akin ang tungkol sa panyo," aniya. "Gregori might get in trouble when they see that."
"Magaling siya magdahilan, Asja," hubad nito sa uniporme. His hard body clad tightly in an undershirt revealed before her very eyes. "Kayang-kaya na niya ipagtanggol ang sarili."
His smile slightly relieved her as she sat on the side of the bed. "Ano ba ang meron sa panyo na iyon?"
"The answer to his first question," Sloven shrugged as he placed his uniform in a hanger.
At sino naman iyang kasama mo? naalala niyang tanong kanina ni Gregori.
"Kilala naman niya ako, Sloven, okay?" tanggal niya sa suot na itim na boots.
Mahinang tawa lang ang sinagot ng lalaki.
"So," tanggal niya naman sa butones ng suot na coat, "ano itong sinasabi ni Sir Gregori na misyon mo five years ago? Ano ang kinalaman n'un sa sitwasyon natin ngayon?"
Hinugot na ni Sloven ang sinuturon paalis sa sinturera ng suot nitong pantalon.
"It was operation RSF," Sloven grinned. "I was told by Gregori to monitor it. May nasagap daw kasi siyang balita mula sa militar na magkakaroon ng update at upgrading ng mga database. Paupo na noon sa pwesto bilang heneral si Ivanov. That coincidence bothered Sir Gregori."
Nag-isip siya saglit. Tumigil naman sa pagsasalita si Sloven dahil nag-concentrate ito saglit sa pagrolyo sa sinturon ng maayos.
"It bothered him, kasi bakit kung kailan paupo na ang bagong heneral at saka pa nagkaroon ng ganoong operation sa mga database sa militar?" hula niya.
"Tama," lingon sa kanya ng binata, tila proud na nakangiti sabay kindat.
Her heart skipped a little, then she decided to just not react. Wala siya sa mood sa mga pa-cute ng lalaki.
"So sa tingin niya, may gustong itago ang heneral na nauna kay Ivanov, kaya nagpa-update at upgrade bigla ng database."
"That is his assumption," aniya. "So, he assigned me to snoop around."
Her eyes narrowed. "Parang pinapalabas niyo ni Sir Gregori na nagdududa kayo sa mga tao sa militar."
"Any government around the world has weeds," hubad na nito sa suot na t-shirt.
Damn, that broad chest and rocky abs.
Concentrate, Asja!
"Let them grow and they can destroy the healthy plantation," patuloy nito. "Akala namin, ang dating heneral iyon--"
"So, you stole the RSF to know kung ano ang impormasyon na tinatago niya?"
"Let me finish," he grinned, sitting beside her on the bed.
Sa sobrang pagka-intriga ay hindi na pala natapos ni Asja ang pagtatanggal sa butones ng kanyang coat. Si Sloven na ang dumikit at tumuloy niyon para sa kanya.
She sucked in a breath, lips parted as her eyes watched his hands so gentle on the buttons, undoing them one by one, in a slow, teasing manner.
"I stole the RSF to protect it from Ivanov."
Napatitig siya sa mukha ng binata na ang mga mata ay nakatutok pa rin sa butones na tinatanggal nito.
----------------------------------------------------
AN
Last UD for tonight! XD Naeexcite na ako, isa-isa nang mare-reveal lahat ng misteryo hahaha ;) <3 I hope you're as excited for the espionage portion of this story like how excited we all feel with the romance portion hahaha! ;)
Wala munang pampainit, chill muna hahaha <3 <3
Good night and sweet dreams, everyone!
Salamat sa patuloy na pagsubaybay sa #Peak ;)
Feeling ko mga hanggang Chapter 50 ito or 45?? Hmm, we'll see.
Love,
ANA xoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top