Chapter Thirty-Five
I dedicate this chapter to Istoryaniangge <3 Belated Happy birthday!
THE HURT
----------------------------------------------------
Buhat-buhat ni Sloven sa balikat ang walang malay na si Feliks. Tinanggal nito ang kutsilyo na nakakabit sa kadenang ginamit na pangtali rito. Mabilis at walang imik na pinakatawalan din siya kanina ng lalaki para mas unahin ang pag-alis nila sa GRU.
Asja quietly followed him, her heart eaten by tension. Kung kanina ay natakot siya sa mga posibleng sabihin ni Sloven at sa reaksyon nito, mas natakot siya ngayon dahil wala man lang ito sinabi. Kanina pa tahimik ang lalaki na sinipa pabukas ang pinto ng silid na puno ng iba't ibang mga gadgets.
The coast was clear as he stepped back and gave her a look, gesturing for her to get inside.
Pumasok na si Asja at nilibot ang paningin sa paligid. Mabilis na kumuha siya ng isa sa mga bag doon para maisilid ang sa tingin niya ay kakailaganin nilang mga gamit. Si Sloven naman ay binaba sa isang sulok si Feliks at may nilabas mula sa bulsa ng pantalon nito-- a sleeping pill. He dropped one in their captive's mouth and glanced at her.
Nagpakawala siya ng buntong-hininga nang maramdaman ang paglapit ng lalaki. Tinulungan na siya nito sa pagkuha ng mga pwede nilang gamiting gadgets-- mula sa mga relo hanggang sa mga earpiece.
"Sloven..."
"Quiet," he spoke in a low, passive voice. "I'll deal with you later."
Patuloy lang ito sa pag-isa-isa sa mga drawer.
"Hindi ko in-expect na pupunta ka rito."
"I am about to warn the President about this issue," he hissed. "But I chose you. Inalala kita. Nag-alala ako na baka kung mapaano ka lalo na at mag-isa ka lang na haharap kay Feliks. At the same time, I know you'll just tell me to back off because you're a woman who always thinks she can manage things on her own."
"About what I said--"
"Not now," usog nito kaya sinundan niya ang lalaki.
"I don't mean that," patuloy niya. "Sinabi ko lang iyon para hindi maging alerto si Feliks."
"Pero may kasunduan kayo ni Feliks, hindi ba?" mapait nitong wika. "Niloko mo pa rin ako."
"Nung una lang naman iyon," depensa ni Asja sa sarili. She could not almost see Sloven because of the shadows in that unlighted room. Nagmumula lang ang liwanag mula sa mga glass casing ng mga drawer at display doon.
Pero naaaninagan niya ang klase ng sakit na gumuhit sa mga mata nito.
"Binalak ka na ngang hulihin ng hayop na iyon, naniwala ka pa rin sa mga kasinungalingan niya."
"I have to pretend that I believed him, para makatakas ako, Sloven."
"So, you did not believe him, pero binalikan mo kami sa Pulau Sapi para hulihin."
"Iyan ang una kong plano," hindi na siya nakapag-focus pa sa pagkuha ng mga gamit, "dahil ang gusto ko lang naman ay matapos na ito at mapanatag na wala nang mangha-hunting sa akin kapag umalis na ako ng Russia.
But I found out the truth, Sloven."
"Eh ngayon?" marahas nitong harap sa kanya sabay sara sa zipper ng bag. Matiim at nanunukat ang titig ng mga mata sa kanya. "Ano ang plano mo ngayon? Hmm? After all this time you did not even tell me, na may kasunduan kayo ng Feliks na iyan. So it means, you still don't trust me and you don't believe my innocence here. O baka naman, iyon pa rin ang plano mo?"
Hirap ang kalooban na napatitig na lang siya sa lalaki. "Bakit ko naman gagawin iyon? Ngayon na alam ko na ang katotohanan at alam ko na malakas ang laban natin dahil nandiyan ka, at sila Boris at Bruno?"
Nilunok niya ang pagnanais na maiyak. Sa hindi malamang dahilan ay tila durog na durog siya sa kaloob-looban kapag nakikitang ganito ang binata at tila naghihinanakit sa kanya. Kaya ayaw na niyang malaman pa nito ang naging usapan nila ni Feliks noon, alam niya na posibleng magdamdam ito dahil nung umpisa ay niloko niya ito.
Baka isipin din nito na ang bawat pagsuko ng kanyang katawan dito ay parte lang din ng kanyang pagpapanggap.
"Niloko mo pa rin ako," basag ng boses nito, his glossy eyes shone. "At ang sakit-sakit."
And if that wasn't enough to crush her heart, what he said just powdered it.
He turned his back on her and carried the bag with him. Kinuyom na lang ni Asja ang mga palad.
"Kakampi mo na ako, okay? Stop dwelling on my old plans!" she blurted out, pain coated the strength in her voice.
Initsa nito ang bag sa kanya na alertong sinalo ni Asja. Nang iangat niya ang mga mata ay binuhat na ni Sloven si Feliks sa balikat nito. Habang nagmamadali na sila na malisan ang gusaling iyon, gulong-gulo ang isip ni Asja kung paano ipapaliwanag ang sarili sa binata.
Nang makasakay sa kotse ng binata, hiniga nila si Feliks sa sahig niyon sa backseat at tinapalan ng rubber mat para magmukhang sahig lang. Magkatabi silang naupo sa harapan ng sasakyan, kapwa tahimik buong biyahe.
The silence seemed to be too much for Sloven to bear. He made a drift, making Asja panicky as she grabbed on the side of the door. Halos tumilapon siya nang ipreno iyon ng lalaki pagkaparada sa tabi ng kalsada.
"Can I still trust you?" he asked breathlessly, his head lowered, blankly staring at the steering wheel.
She felt tears well up from her eyes. "Have you really trusted me?"
Hindi ito sumagot.
"Kasi hindi pa, kung nagtiwala ka sa akin, hinayaan mo ako na gawin ng mag-isa ang pagkidnap kay Feliks," yuko niya. "Ini-share mo dapat sa akin ang mga plano mo para sa misyon na ito sa umpisa pa lang, hindi mo ako pinainom ng mga sleeping pills at--"
Sloven slammed on the steering wheel. "Enough. Just enough."
"See?" lingon niya rito. "You never trusted me."
"Pumunta lang ako ng GRU dahil gusto ko makasigurado na ligtas ka," higpit ng kamay nito sa manibela, nagtitimpi, umiiwas ng titig sa kanyang mga mata ngunit alam ni Asja na dama ng lalaki ang kanyang titig. "I can't stop worrying about you, I care so much about you, Asja, damn it. I can't sit still for a second without being sure that you're safe, that I am everywhere you are, that I am there to watch you."
Pinigilan niya ang pagpatak ng sariling mga luha. Mabigat pa rin ang kanyang damdamin dahil anumang magagandang salita ang bitawan ng lalaki, alam niya na may kalakip pa ring sama ng loob sa mga iyon.
Sloven lifted his eyes on her. "It's driving me crazy, because once I began falling for you, I already knew that I am already vulnerable, that you alone can destroy me and I am afraid you'll find that out and use that against me. Because I have been destroyed too much, Asja, and if you destroy me, I might not live to tell the tale of how much I have loved you before I died."
There seemed to be a lump on his throat, making him sound like he was struggling to speak, his hand on the steering wheel shook, his eyes watery as they stared at her.
"I'm the king of deception, and you're its queen," he continued. "I am not stupid, alam ko na may possibility na hanggang ngayon ay naglolokohan pa tayo. Nilalabanan ko ang tuluyang magtiwala sa iyo dahil una sa lahat, wala naman tayong relasyon. You're not saying you love me, and I don't think you can feel that I love you that I have tried so many times to keep in control but I can't help expressing these feelings that are stronger than my will to cage it--"
Asja lowered her eyes, lips stretched to a smile so bittersweet.
"I love you, Sloven," she breathed out, interrupting him,making the man froze and stare at her in surprise. "So now, you can safely entrust your heart to me."
She lifted her eyes to meet his gaze.
"Bakit mo ako minahal?" takot ang makikita sa mga mata ng binata na bahagyang napaatras at naguguluhang nakatitig sa kanya. "Paano mo minahal ang mayabang na tulad ko, na nabilog ang ulo noon nila Ivanov, na nagrebelde sa Russia, na pinabayaan ang kapatid na tumalon sa helicopter, na nangidnap ng girlfriend ng iba, na walang awang pinagahasa ang gumalaw kay Anya, na ginamit ang sex para lang gawing madali ang trabaho niya? Paano mo mamahalin ang katulad ko?"
Sloven grabbed her arms to pull her close to him, she was almost a breath away from him.
"Now tell, me," matiim nitong titig, may panganib na kumislap sa mga mata, "who has the darkest past? Who has the darkest desire?"
Her eyes lowered to his quivering lips.
"Me..." he breathed out the cursed under his breath. "Yes, not just me alone, but you too. You had a dark past, but desire?"
"I desired for you. Siguro matagal na kitang minahal," tuluyang patak na ng kanyang mga luha. "I just have to lie about it."
His tears fell too, his lips copied hers, smiling as bitter as the pain in their hearts getting exposed, yet as sweet as her confession. Nanginginig ang boses na tumawa ang lalaki.
"Ito na nga ba ang kinatatakot ko. Kapag sinabi mo na mahal mo ako, hindi ko pa rin malalaman ang katotohanan sa hindi. Dahil kasi sabihin mo iyan para lokohin ako, maniniwala at maniniwala ako dahil ganoon ako kabaliw sa iyo."
Sinuklay ng mga daliri nito ang buhok pataas bago siya hinaplos sa pisngi at bumulong, "Ya lyublyu tebya vsem serdtsem."
At yumuko na ang binata para punasan ang sariling mga luha. Asja scooted closer, took away his hands to let herself touch his tears. Sa bawat pagpatak ng luha nito, siya ring dausdos ng sa kanya. Sa bawat paghabol nito ng hininga, siyang hikbi na kumakawala sa kanyang mga labi. Hinawakan nito ang kanyang kamay para pigilan sa pagpunas.
Dama niya ang panginginig ng kamay nito na nakahawak sa kanya.
"Natatakot ka ba?" singhot niya.
"Oo, sobra-sobra," higit ng binata sa hininga bago napasandal sa kanya at makailang ulit hinalikan ang likod ng kanyang palad. "Mahal kita, at ang nakakatakot sa pagmamahal ay ang pagbibigay mo sa isang tao ng kakayahan na saktan ka, habang umaasa na hindi niya gagamitin ang kakayahang iyon."
She caged him in her arms.
Pinikit ni Asja ang mga mata, hinayaan ang pagbagsak ng mga luha.
----------------------------------------------------
AN
Good evening everyone!
Medyo na-late ang UD hahaha ;) One more chapter to go.
Love,
ANAxoxo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top